Hindi ko sinasadyang ma-fall sa iyo. Hindi ka kasing gwapo ng ibang mga hinahangaan ko pero dahil sa pagiging kakaiba mo sa lahat at sa panunukso na din ng mga friends ko, naramdaman ko na lang na kinikilig na ako sa bawat pag-uusap natin. Alam kong hindi ako sigurado kung sadyang ganun ka lang sa lahat ng tao pero dahil sa ka-sweet-an mo sakin na hindi ko ine-expect na mararamdaman ko pa, unti unti kong na-realize na gusto na kita. Totoo nga ang sabi sakin ng bestfriend ko. Kahit hindi pa ganong gwapo yan, basta malambing, sweet and maalaga, hindi mo talaga maiiwasang ma-fall. Naisip ko nga, kung siya nga na babae, ganun na ang experience niya, what more pa sakin?
Sa bawat paghawak mo sakin, hindi ko maiwasang maramdaman ang kilabot at kilig. Kung pwede lamang na hindi ko tanggalin ang kamay mo sa beywang ko(part ng katawan ko na madalas mong hawakan), malamang nilagnat na ko ng bongga. Pero hindi maaari. Maria Clara ang peg ko at makakasira sa image ko kung papabayaan ko lang na bastusin mo ko. Charot. Lol. Alam kong biro lang yun pero inaasam ko pa ding gusto mo din ang ginagawa mo sakin. Sino ba namang matinong straight na lalaki ang makikipaglandian sa isang out na bading sa isang lugar na hindi maiiwasang may makakita sa kanila. Kinikilig pa ang mga kaibigan ko sating dalawa. Mas kinikilig pa kesa sakin. Ayaw ko sanang seryosohin dahil magiging isa na naman ito sa mga mabigat kong dalahin pero hindi ko naiwasang dibdibin ang mga pagyayari dahil hindi lamang iisang beses mong pinadama sakin ang walang kasing kilig moments.
Memorable pa ang naging huling araw natin bilang officemates dahil magkatabi pa tayong nanood ng sine (disclaimer: madami kaming nanood. Hahaha). The Dark Knight Rises pa ang palabas. Libre mula sa company. Hahaha. Syempre pakana na naman ng mga friends ko kung pano tayo nagkatabi. Ayaw ko sana nung una pero natatalo ako ng pag-asam na me possibility tayo kaya tumabi ako sayo. Hindi pa nagtatagal ang palabas eh nakatulog ka na. Hahaha. Pero nakabawi din. Sigurado akong nahuhuli mo akong tumitingin sayo dahil madalas kong tignan kung nakatulog ka ulit. Umasam akong me mangyayaring kilig moments sa madilim na lugar na iyon pero wala. Umuwi pa kong malungkot nung dahil kasabay ng thought ng pag-alis mo at ng isa sa mga kaibigan ko sa company, hindi ka pa nagpaalam samin ng gabing iyon.
Sabi nga nila, all good things must come to an end. Malungkot ko ngayon, feeling ko alone na ako sa company, me umalis na naman akong friend. Sad but I must face it. Pinili ko ang posisyong ito. Kelangan kong magpakatatag. Kelangan kong matutong mag-lunch mag-isa. Hahaha. Pagdating naman sa iyo, nagkita pa tayo during lunch organized by, well, my dearest friends at kinilig na naman ako ng nilapitan mo ako ng makita mong mag-isa lang ako sa table natin sa Army Navy. Antakaw mo, sabi mo hindi ka kumakain ng gulay pero naubos mo yung burrito na order mo na ginaya mo lang kaya hindi mo alam na veggies ang laman nun. Hahaha. Magkatabi tayo ng upuan at magkadikit ang ating mga tuhod kaya ramdam ko ang bawat galaw ng paa mo. Badtrip ako sa mga malilikot ang mga paa pero para sa'yo, hinayaan kong magkadikit ang ating mga tuhod. Sayang lang at hindi ka nakasama sa DQ kahit halata na gusto mo dahil sa isa mong friend. Ewan ko ba, good hellos, epic happenings but sad endings ang takbo ng istorya natin.
Hindi ako assumero. Hindi ko talaga alam kung isa ka ba samin. Kung interesado ka ba sakin o sadyang isang mabuting kaibigan ka lang talaga pero sa habang tumatagal, nagiging matapang ako. Kaya ngayon, I'm doing things na hindi ko in-expect na gagawin ko. Ako na ang nag-i-initiate ng conversation ngayon. Mga walang kwentang bagay. Pero minsan nahahalata kong wala kang interest dahil sa hindi mo na pagrereply or matagal mong sagot. Pero I'll try pa din. Hanggang ngayon, kinikilig pa din ang mga friends ko and gumagawa talaga sila ng paraan para magkaron tayo ng communication pero hindi pa din ako aasa or mag-a-assume. Mahirap na. Masyado ng madami ang sakit na naranasan ko. Ayoko ng madagdagan pa. :-)
Again, ginamit ko ulit ang initials niya para sa title ng post na ito. Keep safe guys. Wish me luck sa work. Godbless. Mwah mwah. xoxo
ang lande teh!!!!! nakakaloka... sana naglumandi ka na... sayang hahaha.. buti ako sinulit ko talaga ang mga fafa sa planta bago ako umalis... hehehe... ayun no regrets.. sila pa ang nakakamiss at nalungkot saken... puro hug at apir... kumandong pa ako... me mga ganyang lalake talaga sweet.. pero kaibigan lang talaga. sarap nga ng ganyang me kaibigan teh... hehehe... stay touch with him teh. basta wag ka lang aasa ha... basta friends2x lang... :P
ReplyDelete-bigbro-
kilala ko to eh...
ReplyDelete