Hay nako, I've never learned talaga. Heto na naman ako. Kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo ko. Nakakainis kase hindi ko alam kung bakit andali kong maattach sa isang tao lalo na kung sa guy. I mean, kahit na hindi kame close basta naging mini crush(me ganun ba? basta yung na-attract ako sa kanya) ko siya, magsisimula na kong makaramdam ng mga bagay na hindi talaga normal. Nasabi kong hindi normal kase madami dami na din akong napagkwentuhan ng ugali kong iyon and all of them agreed na super weird ko dahil dun.
Galing na naman ako sa school (my alma mater PLM) para magpanel sa mga magdedefense. I was informed na baka hindi ko mahandle lahat ng pinanelan ko last sem dahil apat sila and ang ideal na number na pwedeng i-handle sa isang araw eh dalawa lang. Pero dahil sa sobrang bait ko(ako na!!!), kase nga mahihirapan sila(yeah, super concerned ako sa kanila. LOL) kapag ibang panel yung maghahandle sa kanila dahil back to zero na naman sila, I decided na pagkasyahin ko na lang silang apat sa loob ng limang oras. Kumusta naman yun diba. Ganun ko sila kamahal. Chos!
First in line na nag-defend sakin eh yung sisterette kong sila Abdul. Hahaha. I'm really expecting something from all of them kaya super na-disappoint ako ng makita ko ang outcome ng system nila Abdul. Hay naku, nakakawalang gana talaga. Pero dahil super bait ko nga, pinagdefense ko pa din sila kahit konti kaya medyo me score pa naman sila which is not normal kase nga wala silang mapakita sakin. Kaloka lang. Ako na talaga ang mabait. LOL.
Next is sila Mr. Earthquake na nga. Eto na. Eto ngayon yung dahilan ng post na ito. Actually, hindi ko na nga siya masyadong napagiiisip nowadays kase nga me jowa siya. So hands off na. Straight eh. Walang pag-asa. Pero nung nagsimula na naman ang kantyawan (yung prof kong bading din ang nagpasimula) at nung nakita ko na siya and nagsimula na sila, hindi ko na naman siya matignan ng mata sa mata. Hello, ako ang panel and ako yung nahihiya. Ano ba yun?! Eh kaseeee naman eeeeehhhh. Landi lang. Hahaha. That time, parang medyo normal normal pa yung nararamdaman ko. Hindi pa ko makapag-emo kase andyan pa siya. Me mga tao pa. Me mga makakakita pa.
Sa mga sumunod kong pinanelan ko (two groups pa. Isang duo, isang trio), nag-enjoy naman ako kase maayos yung system nila compared sa dalawang nauna. Yes, hindi pa masyadong maayos yung gawa nila Mr. Earthquake sa hindi ko malamang kadahilanan. Alam nila yung gagawin nila pero hindi pa nila na-a-apply. Kaya puro chance na lang ang binigay ko sa kanila. Matataas ang mga binigay kong rating sa kanila assuring that they will do the changes I've told them and they will present it to me again sa next defense. Yes, me next defense. Makikita ko na naman si Mr. Earthquake. Goodluck na lang sa mangyayari sa akin.
Overall, ok naman yung mga nangyari sakin sa school until nakauwi na ako ng bahay at nang matutulog na. Ewan ko ba, lagi akong nakakaisip ng mga bagay bagay na hindi ko alam kung dapat ko ba talagang isipin kapag matutulog na ko. Ayun nga, naalala ko na naman si Mr. Earthquake, nag-emo and here I am, hanggang ngayon, nag-iisip pa din ng mga bagay bagay tungkol ke Mr. Earthquake. Hay. Sana mawala na yung bad habit ko na to. I'm sure my life will be more colorful. Chos!
Keep safe guys. Godbless. Mwah. :-)
No comments:
Post a Comment