I have a new office!!! Malapit lang naman siya sa bulding ng mother employer ko. It's just a jeepney ride away. Nadeploy ako dun kase wala na atang project sa company namin na doon magwo-work. Naubusan na. Hahaha. Kaya eto ako ngayon, client-based na.
Three months lang naman ako dun. Yun yung sabi. Depende na lang siguro kung ie-extend kame ng client. Nakaka-one week na ko dun kaya 11 weeks na lang. Wahaha. Masaya naman ako dun kahit wala akong ka-close na nakasama ko sa pagkaka-deploy. Apat kaming napadala sa client. Mabuti na lang at lahat ng kasama kong na-deploy eh approachable kaya naman they're making my stay there lighter. Alam niyo naman kase na hindi talaga ako palakausap sa mga lalake. Hahaha. Kaya naman sa kaniang tatlo eh yung nag-i-isang girl yung ka-close ko ng bongga. Buti na lang talaga nandun si Lhen kase hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya. Drama lang. Hahaha. Btw, ironically, inis na inis ako dati ke Lhen kase nagkaron ng time na nagkaron kame ng misunderstanding na nakalimutan na ata niya. Hindi na nga siya aware dun eh. Hindi ko na lang pinaalala. Kung dati, eh inis ako sa kanya, ngayon, super close na kame. Ata. "Friend" na nga yung tawagan namin eh. Hahaha.
Natutuwa ako din ako sa ibang mga kasama ko. Yeah, sa iba lang. Hindi ko feel yung ibang lalaki eh. Hahaha. Tapos wala pang masyadong gwapo sa team. LOLOL. Nakakatawa/ nakakainis/nakakairita nga pala yung team lead namin. Hahaha. Nakakainis/nakakairita yung ugali niya. Grabe daw yun makasigaw sa mga members niya. Nakakaloka lang kase sisigawan ka daw niya sa mereseng madaming taong nakapaligid and take note, meron din daw mga bosses dun. Natatakot tuloy ako sa kanya. Mabuti na lang malayo siya sa pwesto namin ngayon. Nasa conference room pa alng kase kame. Wala pa kaming workstation. Pulubi much lang sila. Hahaha. Pero ok lang naman. Ok naman dun sa pwesto namin ngayon. Katabi nga lang namin yung room ng CEO kaya hindi masyadong makapag-ingay. Hahaha.
Nasa 46th floor nga pala ako dun sa building namin ngayon na highest building ata sa Philippines. Nakakaloka lang. Imagine na lang yung kalagayan ng tenga ko after taking off the elevator everytime na papasok ako. Inis ako sa kamahalan ng pagkain nila dun. Mahirap magtipit at makaipon tapos lumayo pa ko ng konti kaya nadagdagan din yung daily expenses ko sa fare. Ayun. Pero so far naman, ok lang ako dun. Masaya naman at na-e-enjoy ko naman. Hindi ko lang sure kung ma-e-enjoy ko pa kahit bumuhos na ang trabaho. Toxic pa naman daw dun. Kaya wish me luck na lang sa future ko sa work na to. Haha.
Keep safe. Godbless. Mwah. :-)
tehh!!!!!! nakakamiss ka... hahaha charot!!!! heheheh bongga ang simula ng career mo ngayong 2012.. enjoy teh... hehehehe.... and payaman ka ng bonggang bongga.... take care! mwah... nakakaloka kasi 46th floor.. di ko maimagine kung gaano kataas yun... ikaw na professional... kainggit muchhhh.... hihihi :))
ReplyDeleteHahaha. Ikaw kase eh. Emo emo ka pa dyan. Hindi na tuloy tayo nakakapagchikahan. Hahaha. Huwag mo na kogn kainggitan teh. Pareho lang naman tayong alone ngayon. Don't worry, mahahanap din natin ang ating better half. Hahaha
ReplyDelete