Powered By Blogger

Tuesday, September 6, 2011

Nakakainis Lang Talaga

Masama loob ko sa kanya. Nakakainis lang. Sobrang hirap bang magreply? Masyado bang time consuming yung bawat pag pindot niya sa keypad and keyboard? Simpleng reply lang naman yung hinihingi ko. Sobrang hirap bang ibigay nun? Bakit ganun? Nakakainis lang talaga. ~_~

Masama loob ko sa kanya. Sobrang pormal ang nilalaman ng text ko. Nagtext ako bilang panel nila. Hindi man lang ba nila na-realize na sobrang halaga nung text ko na yun. Hindi sa pagmamayabang pero kung tutuusin, isa ako  sa may hawak talaga ng kinabukasan nila sa isa sa mga major subjects nila. Hindi ba nila naisip yun? Sa totoo nga lang, ako pa yung lumapit sa kanila dahil bawal talagang mag-usap yung both parties sa isa't isa eh. Tutulungan ko na nga sila eh. Hindi ba talaga nila naisip yun?  Nakakainis lang talaga. ~_~

Masama loob ko sa kanya. Hindi ko siya ma-add sa Facebook dahil lang sa dahilan na bawal ng communication between the proponents and panelists at tsaka syempre dahil na din sa hiya ko. Kaya naman ng malaman kong birthday niya kahapon, nag-isip pa ako kung paano ko siya mababati. Nag-send ako ng message sa kanya. Alam kong parang tanga lang kase hindi ko nga siya in-add, nag-message naman ako sa kanya pero nanghinayang kase ako sa pagkakataon. Wala lang. Nag-assume na naman ako. Nakakainis lang talaga. ~_~

Pero siguro nga, alam na Niya na masasaktan lang uli ako kaya nangyayari ang mga ito. Madami na din akong natanggap na realizations kagabi habang ka-text ang isang kaibigan, si Karen. Napagtanto ko na itigil na 'to. Unang dahilan na diyan eh dahil nga sa me jowa na siya. Malamang sa malamang eh straight siya at wala talaga akogn pag-asa. Kaya lang naman ako nagkalakas na loob na itext siya eh dahil sa udyok ng aking bff na si Macky. Hindi naman kase namin alam na taken na siya. Nagbakasakali lang. Sabi kase niya, paano daw ako magkaka-bf niyan eh super conservative and maarte ko daw. Kaya nagawa ko yun. Pero dahil sa sinabi ni Karen kagabi na eto na naman ako, ia-add yung crush ko tapos wala din namang mangyayari blah blah blah, napagtanto ko na walang patutunguhan yung plano ko sanang pakikipag-close sa kanya. Nakakainis lang talaga. ~_~

Dumating din sakin yung tanong na bakit kaya sa mga straight  guys pa ko nagkakagusto. Kainis diba? Parang sinampal din sa mukha ko yung katotohanan na wala akong gusto na magkakagusto din sakin in return. Tsk3. Malabo kase yun eh. Hay nako. Nakakainis lang talaga. ~_~

Ang plano ko ngayon, itigil na muna ang kabaliwang ito, mag-move on at manalig na darating ang araw na darating siya. Shitness, dati rati, hindi ako umaasa, ngayon, parang me nagsasabi sakin na meron at meron yang darating. Sana lang huwag akong biguin ng pangarap ko. Hay. Nakakainis lang talaga. ~_~

Keep safe guys. Godbless.


2 comments:

  1. nakakalokaaaaa...

    tomo si frend mong si mackkkyyy


    ang conservative at arte2x mo.. dapat kumembot ka tehhh....

    ay shembot pala... she shembot she shembot wag kang matakot... shake it baby shake it baby... hahahaha..

    nakakalokaaaahhhh

    ReplyDelete
  2. Hahaha. Oo na, maarte na ko. Lol

    ReplyDelete