Powered By Blogger

Thursday, December 30, 2010

Final Bow

Ilang oras na lang pala at kelangan na nating mamaalam sa taong 2010 at salubungin ang susunod na year. Parng ambilis bilis ng oras. As in. Hindi ko man lang namalayan na isang taon na naman ang nagdaan. Na ilang buwan na pala akong tapos sa pagaaral. Na ilang buwan na din pala akong nagtatrabahon at ilang libo na din pala ang nagastos ko sa mga luho ko.

Parang kelan lang, nagpapakahirap ako sa pagaaral. Overnight dito, walang tulugan duon. Defense ngayon, defense ulit bukas. Parang kelan lang, takot na takot akong isipin na baka hindi na kami magkita ni Covin. Parang kelan lang, kinakabahan ako kung gagraduate ba ako o hindi. Parang kelan lang, inaabot ko ang kunwaring diploma ko. Parang kelan lang, halos maiyak ako ng isa isa nang nagkaroon ng trabaho ang mga kaibigan at batchmates ko at ako ay wala pa. Parang kelan lang, nagkaroon ng problema sa health ko kaya hindi ako nakapasok sa unang dalawang araw dito sa kumpanya. Parang kelan lang, nahihirapan akong magadjust sa mga bagong tao at bagong kapaligiran.  Parang kelan lang, natanggap ko ang unang sahod ko, gumimik at nagpakasaya hanggang ito'y maubos. Parang kelan lang nang una ko siyang makita at magsimula ang kilig na nararamdaman ko. Parang kelan lang nang nakabili ako ng isang mahal na bagay na galing sa bulsa ko. Parang kelan lang.

Hay. Napakabilis talaga. Pero wala naman tayong magagawa diba? Nariyan na yan. Hindi na natin maibabalik. Hindi na natin mababago kung ano ang mga nangyari na. So better face the new chapter with a smile and confidence. Pagsisihan ang mga nagawang pagkakamali at gumawa ng paraan para ito ay maituwid. Pagbutihin pang lalo ang mga bagay na nakakatulong sa kapwa. Iwasan ang mga mali. 

Hindi ako gumagawa ng New Year's Resolution kase naniniwala ako na kung me dapat kang baguhin sa sarili mo, gawin mo na ito agad kung maaari. Hindi yung hihintayin mo pa ang Bagong Taon para duon magsimula. Paano kung mga March mo narealize na kelangan mong baguhin ang mga masasama mong gawi, hihintayin mo pa ba yung January 1 the next year para lang masabi na me New Year's Resolution ka. Parang tanga lang diba. Lol.

Napakadaming blessings ang natanggap ko this year at hindi ko alam kung paano ko magpapasalamat ang Diyos dahil dito. Madami din akong narealize na mga bagay na dapat kong ipagpasalamat. Thank you po so much Father God.

Anyways, madami akong planong gawin next year. Grabe, taghirap talaga ako nowadays kaya sinabi ko sa sarili ko na magiipon talaga ako ng bonggang bongga. Hindi muna ko bibili ng mga bagay ng meron pa naman ako. Kelnagan ko ding masettle lahat ng utang na meron ako. Hay. Ang hindi ko lang mapipigilan is yung mga nakaschedule ko ng lakad. LOL. Diyan ako mahinang kumontrol. Hahaha. Promise, after niyan, hindi na muna ako magyayaya at magpapayaya. Kelangan ko talagang magipon. Me quota pa nga ako eh. Dapat me ganito ganyan na akong amount of money in this certain date. LOL. Gusto ko ding gumawa ng stories dito sa blog ko. I'm inspired by my idol ARIS. Hehe. Pero siyempre magkaiba ng genre.        

Andami ko ding non-tangible hopes para sa susunod na taon. And here's the list. 
  

LIFE- Unang una siyempre ang buhay. Ano ba naman kaseng mangyayari sayo kung wala kang buhay no. Hindi lang yan yung simpleng buhay. Kasama na diyan yung social life. Imaginine mo na lang no kung buhay ka nga, wala ka namang kaibigan o kahit kakwentuhan man lang. Naniniwala ako sa kasabihan na "No man is an island". Sino ba naman kaseng tao ang kayang maging isla! ECHOS! Seriously speaking, all throughout my life. Kinailangan ko ng pamilya at mga kaibigan para mabuhay. Kayo rin naman dbah! Aminin!


LOVE- Sunod naman ang pagmamahal. Kinikilig ako sa tuwing makakakita ng couple. Dati, naiinggit ako't naiiyak kase lagi kong naiisip na hindi mangyayari sakin yon pero ngayon, nabuksan na yung isip ko na kahet walang taong magmahal sa akin, ok lang kase alam kong nandiyan lang si Papa God. =) Hindi Niya ko pababayaan. And I'm very sure of that!


HEALTH- Next is health. Paano mo naman maeenjoy ang buhay at pagmamahal na ibinibigay sayo kung nakaratay ka lang sa kama at hindi makapagsalita o kaya comatosed ka na. Naiinis ako sa mga taong pinapabayaan ang health nila. Isa na ko dyan. Lol. Isa din ang tatay ko. Inom kase siya ng inom ng alak. Pero pinapabayaan ko na lang. Magaaway lang kase kami. Sabi din kase ng bestfriend ko, hayaan ko na lang daw kase yun na lang yung nakakapagpaligaya sa kanya. Matagal ko bago natanggap yung konsepto na yun pero di naglaon, pinractice ko na din kesa naman magaway lang kame ng bonggang bongga.
  

PEACE- Tulad ng lahat ng tao, isa yan sa matagal ko na talagang pinapanalangin. Hindi lang sakop ng sinasabi kong kapayapaan ang kapayapaan sa pagitan ng mga bansa, nasyon o ng bawat tao kundi ang kapayapaan sa bawat tao mismo. Yung tipong walang alalahanin sa puso. Kasama na din diyan ang pagkakapantay pantay. Yung walang diskriminasyon. Sa kulay man, hitsura, lahi or even, syempre, sa kasarian. Matagal ko ng pinapangarap na mawala ang mga diskriminasyon na iyan lalung lalo na siyempre yung huli. Iniimagine ko tuloy kung anung hitsura ng mundo kung wala lahat yan. Hay!


PROSPERITY- At last but definitely not the least ang kasaganahan. Sapat na pagkain sa mesa, perang panggastos sa buong taon, oras sa pamilya, trabaho.

Ansarap imaginine na ang mundo natin ay punong puno ng mga nabanaggit. Punong puno ng buhay ang mundo, lahat ng tao ay nagmamahalan, malusog ang mga mamamayan, walang away at kalungkutan, naguumapaw sa kasaganahan. Hay. Kelan kaya mangyayari yon. Sana next year na. Magtulong tulong tayong lahat. Walang imposible sa mata Niya. Kaya natin yan. Kahit paunti unti. Sure ako na magagawa natin yan basta me tulungan. Tara na!

Again, Happy Christmas! Mabuhay tayong lahat. May all of us have a New Year full of LIFE, LOVE, HEALTH, PEACE and PROSPERITY. 

Ingats guys!  Huwag na tayong magpaputok! Godbless to all of us!  =)  :-)  =)  :-)  =)  :-)  =)  :-)    

Tuesday, December 28, 2010

Haba Holiday

WOW! ang haba ng naging vacation ha! And as far as I'm concern, naging masaya naman ang nagdaang holiday season para sa akin. Nuong bisperas ng pasko, nagshopping galore kame ng friend kong si Ann. Matagal na kaming me balak na umalis. Lagi lang natataon na yung binabalak naming date eh either me nakaschedule na sa aming dalawa o me biglaang lakad ang isa sa amin. Kaya naman inisked namin ito ng bonggang bongga para wala ng makapigil pa. Hahaha.
Una kaming pumunta ng Rob Place sa Ermita para tumingin tingin ng mga pwedeng panregalo. Sinabi ko sa kanya na yung gusto kong bag eh nasa SM San Lazaro and yung sapatos naman na gusto ko eh nasa SM Manila naman. O dbah, hiwahiwalay talaga. So ang ginawa lang namin dun eh bumili siya ng havs for her brothers. After that, tumuloy na kame ng SM Manila. Bwisit yung gusto kong sapatos. Smallest size display daw. 38 size ng paa ko, e yung hawak hawak ko is 41 ung size! Kainis talaga. Ganung daw talaga dun sa Wade, malalaki ang sizes. Hindi tuloi ako nakabili dun. Naghanap kame sa ibang stores. Nauwi ako sa lumang style ng Converse. White na high cut kase ang gusto ko. Eto yung nabili ko. Luma na noh! Hahaha.




Nakabili na din ako ng regalo ko para sa exchage gifts namin ng iba kong friends nung college. Next is ung bag. Lumipat na kame ng SM San Lazaro after naming makabili ng shoes and T-shirt ko. Nakabili agad kame kase nagustuhan din niya yung style ng gusto ko. Hati kame sa pinambili ko ng bag kase yun yung nirequest ko sa kanya na gift ko sa birthday ko. Hahaha. After that, kumain na kame sa Savory courtesy of me. Yun naman ang treat ko sa kanya para sa birthday ko. Parang tanga lang dbah. Bago kame umuwi, bumili ako ng cake para sa darating na Noche Buena. Ending, hindi din namin nakain yung cake kase tulog kame ng pumatak ang 12:00am. Ewan ko ba, hindi kame madalas nagnoNoche Buena. Antatamad kaseng bumangon ng mga kasama ko sa bahay.

So pagkagising ko, CHRISTMAS NA! First thing na ginawa ko was attending a mass. Ang galing talagang magpreach ni Father Pascal. Inabot ng 2 hrs ang mass. 3 hrs nga akong nasa church kase masyadong napaaga ang dating ko. Aun, pagkauwe ko, bigayan na ng mga aguinaldo. Nung napamigay ko na halos lahat, parang ansarap sarap sa pakiramdam. Totoo nga yung sinabe ni Father na hindi ka dapat nageexpect ng kapalit kapag nagbibigay ka.

Naging fruitful yung Christmas ko kahet nasa bahay lang ako kase nakatext ko yung long lost friend ko nung high school. Siyempre kumustahan and pinagusapan namin kung kelan kame magkikita kita nung isa ko pang friend. January 16 is the date and I'm very excited for it! So far, I can say na kahit hindi ako gumala nuong Pasko, naging masaya ako.

The next day, pinagusapan naming magkakaibigan yung gagawin namin kinabukasan and after so many conversations and pakiusaps, napagdesisyunan naming lahat na pupunta kaming Enchanted Kingdom the next day.

So this is it, pumunta na kami. Ok naman sa simula pero habang tumatagal ang stay namin, narealize ko na parang hindi sulit yung binayad namin kase super haaaaaaaabbbbaaaaaaa talaga ng mga pila. Nagenjoy ako sa flying fiesta. Sunod naming sinakayan yung me bayad na EKstreme Tower ata yung tawag dun. Basta yung aangat kayo ng super taas tapos bababa na lang kayong bigla. Grabe yun. Ayaw ko ng sumakay dun ulit. Nakakatakot. Super! FIling mo kase, pagbaba, wala ka ng inuupuan. Haha. Then nagRialto kame. Ok lang. Lol. habang nasa pila ng Rialto, nagexchange gifts na kame at nangyari ang isang nakakatawang nakakalungkot ng pangyayari. Nagulat ako ng dalawa gn gifts na napunta sa akin. Yun pala, akala nung dalawa eh ako yung nabunot nila so yung isa sa amin, walang natanggap na gift. Nagbigay pa tuloy kame ng pera dun sa walang napuntang regalo. Napagkasunduan kase namin na siya na lang yung bibili ng gusto niya which is yung tumbler sa Starbucks.

Pagkatapos ng nakakatawang, nakakalungkot na pangyayaring yon, sumakay na kame sa ibang rides. Sinunod namin yung Rio Grande Rapids. Shetness un. Ang haba haba ng pinila namin. Halos 2 hrs ata kaming nakapila. Pero ok lang kase me gwapong nakapila. Gwapo talaga siya. Haha. Lague akong nakatingin sa kanya. Haha. After 1 1/2 hrs, nagulat na lang ako ng pagtingin ko sa kanya, nakita ko yung sarili ko sa cellphone niya. Hindi ko alam kung anung ibig sabihin ng pagvivideo niya sa akin or baka sa ibang tao din kase obvious na hindi niya pinapahalata sa mga tao na nagvibideo siya. Anyway, kalimutan na natin siya. Nabasa ako ng bonggang bongga dun sa Rio Grande.

Suond naming pinilahan ay yung isa pang box office na Ferris Wheel aka Wheel of Fate. Shet yun. Bakit sa dinami dami, dun pa ako natakot?!?! Nakakaloka. Grabe, super taas kase nun. Tapos tumitigil pa kase nagsasakay. Grabe talaga yung nginig na inabot ko dun. Lol. After that, super picture picture, then nuod ng fireworks then uwian na.

Yan na ang summarized version ng long Christmas vacation ko. Haha. Yngats, Godbless us all! 

Thursday, December 23, 2010

Yuletide Season

I'm happy!!! Nadagdagan kase yung sahod namin. Hindi ko alam kung bakit. Masaya ako kase me matatabi na ako kahit papano. Kahit maliit lang, ok na din. Atleast I can say na me pera pa ako next year.

Masaya ako na masaya ako. Gets? Masaya ako na happy ako. Ok na? Haha. Minsan lang mangyari sa buhay ko na maging masaya kapag sasapit na ang Pasko. Hindi dahil hindi ako excited sa pagdating ni Papa Jesus o sa pagbibigayang magaganap sa Kanyang kapanganakan kundi dahil marami sa atin ang naligaw na ng landas sa pagdiriwang ng Pasko. Marami sa atin ang kapag magbibigay ng aguinaldo ay parang napipilitan lamang at yung iba naman ay naghihintay ng kapalit. Aminin!

Nagpakain kame kahapon ng colleague kong si Jean sa mga seniors namin dahil sa pagkakaendorse namen para maregular. Hindi pa sigurado ang regularization namin dahil wala pa ang formal letter pero dahil excited sila kumain kame sa Gonuts Donuts ng pizza. Nabusog ako dun. Maraming napagkwentuhan. Me mga tinanung din sa amin. Napunta sa lovelife. Nagkwento si Jean sa boyfriend niya. Tinanong ako kung nagkagf na ako.

That's it! Echos! Actually, hindi ko alam kung bakit hindi napapansin ng mga kasama ko na I'm gay kase napakaobvious naman noh! Hindi ako trying hard na kumilos na lalaki. At wala akong balak kumilos ng ganun. I don't care. Sawang sawa na ako sa usapan at bulungan tuwing dadaan ako. And I'm already immune to it.Anyway, natapos ang kainan. Sumunod na ang uwian. Heto ako ngayon, hindi ko pa din maovercome yung kasiyahan ko dahil sa sahod namin. Haha. Masaya ako. Basta. Walang kokontra.

Two days to go and Christmas na. Me ihahanda ka na ba? Me ipamimigay ka na ba sa mga inaanak mo? Me susuotin ka na ba? Ano naman ngayon kung wala. Naniniwala akong sapat na ang kasiyahan na maipadarama mo sa mga mahal mo sa buhay para mapalitan ang kung anu mang kakulangan mo. Hindi importanteang materyal na bagay. Pagmamahal. Yan ang mahalaga. Lagi nating isapuso ang diwa ng Pasko.

Dadaanan na ng Pasko ang blog ko na ito ang huling post kaya nais ko na kayong batiin lahat ng HAPPY CHRISTMAS!!! May we have a very fruitful day on the birth of our Saviour. BYIIIIEEEE! INGAT! GODBLESS US ALL! =)

Tuesday, December 21, 2010

Whirlwind

Hindi ko pa maovercome ang mga nangyari sa akin these past few days simula nung birthday ko. Me mga pangit na experience, pero mas maraming masaya. Naging masaya ang kabuuan ng birthday ko. Sabay sabay kaming naglunch ng mga kabigan ko dito sa company. Kasama ko din yung dalawa kong friends na galing sa Ayala na dumayo lang dito sa Buendia. Lol.

Maaga akong lumabas ng office para kitain yung bestfriend ng partner ko sa thesis na super friend ko na ngayon. Si Karen. Nagpasama ako sa kanyang bumili ng red shirt for my friends' company's Christmas Party sa Araneta Coliseum the next day. Nagkita kami sa SM Manila ng 7pm. Then tingin tingin ng red shirt. Wala akong makitang maganda kaya niyaya ko muna siyang kumain sa Greenwich. Inabot kami ng isang oras sa Greenwich kakadaldal naming dalawa. Haha. Ending, wala kaming nabiling red shirt sa SM Manila.

Punta kaming SM San Lazaro. Pagdating namin, saktong papunta na ang bestfriend kong si Macky. So hinintay na namin siya bago pumasok ng Department Store to look again for a red shirt. And sa wakas, nakabili na din ako. T-shirt yung nabili ko contrary sa gusto kong bilhin na polo shirt. Anung petsa na nung time na yun kaya hindi na kami nakakain na tatlo. Binilhan ko na lang ng brownies si bessy para me makain siya pagdating niya ng office. Yes, papasok pa lang si bessy dahil sa call center siya nagtatrabaho. I'll make kwento sa mga current events sa buhay ni bessy next time.


Overall, naging super masaya ang birthday ko. Thanks again guys for celebrating with me my birthday. love you all guys!


The next day is yung sinasabi kong Christmas Party ng company ng mga friends ko. Nagulat ako ng malaman kong hindi pala kaming lahat magrered. Buti na lang at red yung binili ko dahil kung ibang kulay yun na kasama sa mga choices namin at nageffort talaga akong maghanap nung kulay na yun, ewan ko na lang kung papaanong inis yung mararamdaman ko.


So eto na, kitaan na namin. Nag LRT ako papunta sa meeting place namin. Sakto naman na ang nasakyan  kong tren eh skip train kaya super luwag at nakaupo pa ako. Two stations away lang at bababa na ako. Maluwag pa din sa loob. Ding! Station ko na. I have to ride off na. Nagulat ako sa pagdagsa ng mga tao kasi nga, maluwag sa loob. Shit! Ako lang ang pababa. So pinilit kong bumaba. Tumunog na ang buzzer. Unti unti ng sumasara ang pinto. Nakalabas na ang kalahati ng katawan ko! Ayan na, konti na lang. Halos sabay sa paglabas ko ang pagsara ng pinto. Kinulang ako. Naipit ang paa ko sa pinto!


Nagsisisigaw ako. Masakit. Mahapdi. Naging mapula ang sahig at riles. Dugo. Nagdugo na ang paa ko. Patuloy pa din ako sa pagsigaw. Nahilo ako. Hindi lang dahil sa sakit at hapdi na nararamdaman ko. Hindi lang din dahil sa sigaw na namumutawi galing sa lalamunan ko. Sumisigaw na rin pala ang mga nakasaksi. Pito na ng pito ang guard pero hindi bumubukas ang pinto. Bakit kaya? Unti unti akong nawalan ng malay na yan ang nasa isip ko. Ngunit bago pa man sumara ang mata ko, nakita ko ang isa sa mga bagay ng kinatatakutan ko. Naputol na pala ang kanang paa ko.


ECHOS! Gawa lang ng imahinasyon ko ang huling paragraph. LOL. Pero totoong naipit ang paa ko sa pinto at nagsigawan ang ilang tao. Mabuti na lamang at bumukas agad ang pinto. Natawa ang ilang nakakita. Natawa na lang din ako pero sa totoo lang, natrauma ako ng bonggang bongga dahil sa nangyari. Ayaw kong mafinal destination noh! Kahit hindi yun ganon kamorbid eh nakakadiri pa din.


Anyway, fast forward tayo. Nakarating na kami ng Araneta Coliseum. Matagal kaming nagantay bago nagsimula ang program. Then nagsimula na. Sobrang lakas ng sound system pero ok lang. Concert party nga pala yun. I forgot. Bloom Brothers ang fornt act. Masaya. Maganda yung mga kantang kinanta nila. Then me modeling somethin' na hindi ko nagustuhan. Haha. Then Tanya Markova na. Konti lang ang alam kong kanta nila pero favorite ko yung Disneyland. Ansaya. Natuwa ako sa kabuuan ng performance nila.


Hindi na namin natapos ang party dahil hinihintay na kami ng dalawa naming friends sa labas. Hindi na sila makapasok kasi isa na lang yung ticket. Magulo kung ikukuwento ko pa kung bakit naging ganun. Tsaka masyado ng mahaba ang post na ito. Hahaha. Hindi na nga namin nakita ang finale ng concert party na iyon which is Bamboo.


Naghanap ng kami ng restaurant for post-birthday party celebration namin ng friend kong si Yani. Sa Gerry's Grill kami kumain. Masarap naman kahit medyo mahal. Super tagal namin sa loob ng resto kase anung petsa na kame nagstart kumain. Hinintay pa kase naming makumpleto kame. Hayun at todo kwentuhan kami ng mga buhay buhay namin. Two months ago pa kase simula nung huli naming pagkikita. And 2nd pa lang to na kumpleto (actually, hindi kami kumpleto dahil kulang kami ng isa pero basta madami kami, kumpleto na din yun. hahaha) kami simula ng graduation. Imagine that!


After na kainan, pinagusapan namin na magkita kita after ng Christmas para magexchange gifts tulad ng nakagawian. December 27 ng gabi ang target date. Gabi dahil me pasok ang iba sa amin sa date na yun. Oo, me mga company na KJ sa mga oras na yun. Hahaha. After the bunutan ng names, nagsiuwian na kami. Napagusapan namin (ng mga kasabay ko) sa jeep na magEK sa January. Ako ang nagisip ng date. Naisip kong sa katapusan na lang ng January para hindi na makaangal ang iba na me lakad sila ng araw na yun kase maaga ko silang sinabihan at dapat eh nakareserve na yung araw na yun sa alis namin.


Ayun, nakauwi ako sa bahay ng pagod pero super saya. Isa na ito sa mga pinakamasayang birthday ko. Nais kong magpasalamat sa lahat ng mga taong sumama sa akin sa pagcelebrate. Una na riyan ang bestfriend kong si Macky na walang sawang nagmamahal sa akin bilang kanyang bessy. Si Karen, ang mga friends ko dito sa Headstrong. At siyempre ang GeeCee na forever friends ko na. Thank you all guys! You all really made me happy! Sa uulitin.


Thanks uli. Ingats and Godbless us all! :-) :)))))

Friday, December 17, 2010

Teenage Dream

"Be my last 'teenage dream' tonight". Isa yan sa mga status ko kagabi. Pero bwisit, hindi man lang nagkatotoo. Hahaha. Wala akong napanaginipan kahit isa. Pero siguro meron hindi ko lang matandaan. Anyway, ayaw kong idestroy ang aking birthday dahil lang sa panaginip na yan!

Wala akong gaanong pera nowadays kaya naisipan kong sa fastfood ko na lang ililibre yung mga friends ko. I'm so poor. Hahaha. Well at least, nakapanlibre ako. Hahaha. More than 15 kami mamayang sabay sabay na maglulunch. And I'm so excited about it. Magkikita din kame ng bestfriend ko mamaya to have dinner. Late na kame makakapagdinner kaya me kikitain pa akong isang close friend. Pero hindi pa ata siya sure. Aun.

Wala akong masyadong makwento kase wala namang exciting na nangyari sa akin these past few days. Well, I can't say anything na. Happy Birthday to me na lang. Help me pray na sana maging masaya ang buong araw ko ngayon.

Yngats and Godbless guys!

PS Nagsimbang gabi ako kanina. Sobrang galing magsermon ng parish priest namin. Hindi ka talaga anntukin. Tatamaan ka talaga sa mga sermon niya and you'll learn form it. Ang galing nga kase taon taon, tinatanung niya kung sinung me birthday for that particular day and hindi ako nagtataas ng kamay kase nahihiya ako. Eh kanina sinigaw ng tita ko yung name ko kaya nalaman tuloy ng lahat ng tao na birthday ko. Pero it's okay naman. Actually, mas masaya pa nga eh. Inabot ng 2 hours yung mass pero all throughout hindi man lang ako inantok. Ganun siya kagaling! Love you po father! :-)

Wednesday, December 15, 2010

History

Hay. Napakabilis namang binawi sa akin ang kasiyahan ko. Parang last week lang nang maramdaman ko yung kaligayahan ng noon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Nang dahil lamang sa mga nangyari nung nagdaang Christmas Party, nasira na ang motivation ko para maging completely happy.

Siguro nga, happiness is by choice. If that's the case, I can tell na antanga tanga for making myself suffer for more than 6 years. Yes, 6 years na when I first fell in love. Well, I can't say na love yun kase it's just a huge crush. It's just that it's my first time to have a heartbreak kaya ganun na lang ang effect nun sakin. Funny at the same time traumatic ang experience ko noon. 

Mahilig akong tumambay sa arcade shop noon. Adik ako sa video games. Dun ko siya nakilala. Si S. I thought S was friendly and the fact na exciting naman talaga lahat ng first times made my mukha so kapal kaya todo pakilala ako sa kanya. Me time pa nga na sabay kaming naglakad pauwi. Until one day, when I thought magiging super friends na kame ni S, he just said "Ayokong makipagkaibigan sayo." And that was it. Traumatic experience number 1.

The second one was yung pinakamalala. Ito yung nagbigay sa akin ng takot. As in super takot. Haha. Hindi ko alam if you'll understand kung bakit ito nagbigay sa akin ng takot kase parang hindi naman nakakatakot yung experience na yun. Ganito yun. Nasa arcade shop kami nun ng makita ko siya. Tinanong ko ang name niya. Niloko ko siya. Sinabi ko na pinatatanong ng friend ko kung anong name niya kase crush ng friend ko siya. Then he said his name. He is R. Madalang ko lang siyang nakikita sa arcade shop. Maybe once a week yun. So third time naglakas loob akong lumapit sa kanya.

"Hi. Pwede bang manghingi ng picture mo? Nanghihingi kase yung friend ko. Yung sinasabe ko na me crush sayo.", ang sabi ko.

"Sige. Tara punta tayo sa bahay.", sagot niya.

Sobrang saya ko non. This is it! Sabi ko sa sarili ko. Magiging close na kame, magkakaron pa ko ng pic niya. Naglalakad na kami papunta sa kanila. Nauuna siyang maglakad sa amin ng kasama ko. Dumaan kami sa isang sikat na mall sa Divisoria (hindi po ito 168.lols). Sakto namang me mga madudungis na bata na nakasabay naming pumasok sa mall. Hindi tuloy kami pinapasok ng guard sa pagaakalang kasama namin ang mga madudungis na mga batang iyon. Nakapasok si R sa loob ng mall. Sinubukan namin siyang abangan sa kabilang dulo ng mall pero hindi na namin siya naabutan. At iyon na ang huli naming pagkikita. Ang sad no!

Halos araw araw simula noon ay inabangan ko na siya sa arcade shop pero ni anino man lang niya ay hindi ko na nasilayan. Siguro natrauma ako sa part na nandun na eh. Konti na lang tapos biglang naudlot pa. Kaya simula noon, halos araw araw akong umiiyak sa di malamang kadahilanan. At iyon na rin ang naging dahilan kung bakit ganito ako. Kung bakit super sensitive ako. Kung bakit super iyakin ko. Kung bakit aloof ako sa mga guys. That's my traumatic experience number 2.

Anyway, stop the back to the past scene. Sa present na tayo. Eto ako ngayon, sinusubukan kong ibalik yung kung ano ako last week. Yung masaya, yung walang pakeilam sa kung anung sasabihin ng iba, yung hindi balat sibuyas, yung medyo malandi. Lol.

Sana maibalik ko at sana maimprove ko pa yung sarili ko. Wish me luck! Haha. Ingat guys, Godbless. :-)

Monday, December 13, 2010

Party Blast

WAAAAHHHHH!!! That's all I can say. Blast eh! LOL. I can't describe my feeling. Basta MASAYA! Hanggang ngayon me hang over pa din ako sa nagdaang Christmas Party. Anyweiz, I'll make kwento na. Haha. Super aga namin sa venue which is SMX. Me dry run kase ng 4pm para sa mga magpeperform. 3pm pa lang ay nandun na kame. So yung iba, gala mode muna.

Nagstart ang practice by maybe 4pm then nagsimula ng magdatingan ang mga employess. Napansin ko na parang naiiba ata ang suot ko. Biruin mo, naka Spongebob Squarepants akong shirt samantalang karamihan ng mga guys ay nakasando/tshirt with polong floral sa labas. Napa-OMG ako bigla. Mukha akong tanga, literally. Hindi pumasok sa isip ko ang ganung get up. I'm so stupid. Lol.

Naramdaman siguro ng mga organizer ng event na gutom na kame kaya nagbukas na ang ilang stations ng buffet. So kain galore kame. Hindi ko feel ung ibang food. Ang nagustuhan ko lang ay yung pasta tsaka yung brownies.  

After that, nagsimula na ang program. Pinagbihis agad kame ng leader namin. Eh kase naman pala, una na ung contest. Parang nagulat ako kase I'm not well prepared pa at that time. Kakakain lang kase tapus sasayaw na. Kumusta naman yun. So bihis bihis na kame. Madalian lang kase third kame. Hindi ko tuloy napanuod yung presentation ng Batch 1 ng mga bootcampers. =(

Pagbalik namin from the cr, umupo lang kami sandali para panuorin yung QA Team. Aun. Ang ganda ng theme nila. From 70s to new generation ang drama. Mahaba yung kanila compared sa length ng presentation namin. After them, nagkaroon muna ng spiels ang mga hosts then tinawag na ang group namin. Aun, so pumosisyon na kami and BANAT. Sayaw kung sayaw. LOL. As in tinodo ko na lahat ng kaya ko. Haha. Well applauded naman kami. Actually, madami ang nagsabi na baka kami raw ang manalo. Echos!

After us is the Java Group. Ansaya nung sa kanila. Nag ala Lady Gaga and Beyonce yung 2 boys nila. Nakakaloka. Shetness. Panu kayang pangungumbinsi ang ginawa sa kanila para gawin yun. Haha. Ang ganda ng voice nung isa sa kanila na kaclose ko! Grabe, hands down ako. After the presentations, raffle na. Sa kasamaang palad, hindi man lang ako nanalo ng kahit na ano. Kahit iPad man lang. Lol.

Announcing of winners na. Actually, hindi talaga ako nagaasam na manalo kame pero nung narinig ko yung mga complements ng mga tao, nagassume na ako. LOL. Pero hindi kami nanalo. Assumming lang talaga ako. Ready na akong tumayo eh. As in ready na. Echos. In fairness to the winner which is the QA Group, maganda naman talaga yung sa kanila. Yung sa amin kase, masyadong seryoso ang pagkakagawa. Yung sa kanila, pangshowtime, pangaliw kaya siguro sila yung nanalo. But no bitterness at walang halong kaplastikan, I can say that I'm really proud of them. Andami ko pa namang friends sa kanila! Congratulations guys. You all deserved it.=)

After the announcing of winners for the presentation and the major prizes sa raffle which are iPad, iPhone4 and LED TV, nagtapos sa ang program proper. the PARTY PARTY na. As in literal na nagparty kami. Wala ng kiyeme. Sayaw dito, sayaw doon. Picture here, picture there. Buti na lang hindi ako uminom (actually, hindi naman talaga ako umiinom), dahil kung sakali, marahil ay nadala na ako ng yugyog ng mga pangyayari at baka nalapitan ko pa si RaDaR. Well, andaming nagsabi sa akin na lapitan ko siya pero wala talaga akong balak no, hindi pa ako gaanong trained pagdating sa mga ganong bagay. Lol. So nagkasya na lang ako na tignan siya at ang mga kasama nia. But shit happens.

Habang nagsasaya ako at kausap ko si Eunny, umakbay sa kanya yung isa naming friend na lalaki, so ako dedma lang. Nagulat na lang ako kase out of the blue, tinulak niya ako. Grabe, so ako, nagulat ako. Yun pala pinipicturan pala sila nung time na yun which is hindi din alam ni Eunny. Sana man lang ininform niya kami dbah?!?! Nasira ang mood ko dahil dun. As in sirang sira. Nilapitan niya ko at nagsori. Strike two na siya sakin. Akbay siya ng akbay kaya ako, sabi ko na lang, "oo na, sige na, ok na" para lang lumayo na siya. Ayaw kong magpatuloy pa yun kase baka gumawa pa kami ng eksena. Kahiya kaya noh! Tsaka hinayaan ko na lang siya. Lasing eh!

So move on ako. Nawalan ako ng ganang sumayaw kaya naupo na lang ako. Pero umiindak at nakikikanta pa din ako sa singer. Matagal akong naupo habang ang lahat ay nasa dancefloor. Maya maya, me mga lumalapit na sa akin. Sinasabi nila na tumayo daw ako at makiparty. Sinasabi ko na lang na masakit na yung paa ko dahil kanina pa ako nakatayo. Hanggang dumating ung isa kong friend na girl. Walang sabi sabi, "PAK"!

Sinampal niya ko! Nagulat ako sa ginawa niya. Sanay akong makipagbiruan ng pisikalan pero iba to. Maliban sa pagkasira ng mood ko dahil sa isang tulak, dumagdag pa to. Yun na ata ang pinakamalakas na sampal na naranasan ko sa buong buhay ko. Mas malaks pa sa sampal na inabot ko noon sa nanay ko. So ako, nabigla talaga ako,. Speechless. Nagulat siya ng hindi ako nagreact. Umupo siya, nagsorry. Again, para hindi maspoil ang moment, I said "It was ok". Pero parang hindi siya naniwala. So to stop that drama scene. I hugged her to say that I'm ok. So again, back to normal ang lahat.

Bumawi ang pagkakataon sa akin. Naging maharot ang grupo ng crush ko. Lasing yung isa. Sayaw sila ng sayaw. Para hindi ako mahalata na nakatingin ako sa kanila, sa iba nakabaling ang ulo ko pero my eyes are with them. Sayaw sayaw, sayaw sila ng sayaw ng biglang me nakahubad na. Kita ang underwear. Nagulat ako. Yung lasing pala yun. Grabe, ganito pala malasing ang mga ito. Me hubaran portion. LOL. Maya maya, natanaw kong galing ng cr yung grupo ng crush ko. And si kuyang naghubad, lupaypay na. Naconclude ko na baka nagvommit na siya sa cr. Grabe, nawala siya sa katinuan niya noong gabing iyon.

Nakamasid lang ako sa lahat, sa kanila, sa kanya sa buong oras na nakaupo ako. Natapos ang gabi ng ganon. After 11, pinalabas na kami, tapos na ang party. Hinintay namin ang friend namin ni Eunny na saktong kasabay namin ng Christmas Party. Inabot kami ng isang oras sa paghihintay. 2am na ako nakauwi. 3am na ako nakatulog.

Masaya. Masayang masaya para sa akin ang nasabing okasyon. Although me mga nanira ng mood ko, hindi niyon nasira ng kabuuan ng kasiyahan ko that night. Ngayon, ilang araw na ba ang nagdaan pero hindi ko pa rin maovercome ang naramdaman ko sa event na iyon.

Masyado ng mahaba ang post na ito. Haha. Yngats, Godbless.  

Friday, December 10, 2010

The New Me! II

Naubos na ang excitement ko sa pagkukwento ng mga happenings sa buhay ko nung nakaraang weekend. Busy busyhan kase ako ngayon. And as you can see, Friday na pero only few pa lamang ang nakukwento ko. Anyway, here's the continuation.

Napuno ng sigawan ang auditorium ng nagsilabasan na ang mga contestants with their swimwear. Nauna ang mga girls.  As usual, two piece with some "curtain". Lol. Nang lumabas na ang mga boys, GRABE!!!, as in GRABE ang tilian. Siyempre ba naman. Nakaboxer briefs lang ang mga male contestants noh! Tapos andami pang kalahi sa audience. Lol! Actually, first time kong makapanuod ng pageant na me swimwear competition ang mga boys. Dati kase, meron pero hindi kame nakakapanuod due to busyness sa projects kaya first time kong makakita ng mga churva! If you know what I mean. Lol. 

After the nagbabagang Swimwear part, it's time for the Question and Answer portion na. By partners ang paglapit sa stage but indivual ang tanong. Interesting ang mga sagot nila sa mga pang Mr. and Ms. Universe na mga tanong ng mga judges. But someone spoiled the q and a when he answered the question in Tagalog. I don't have anything against it. But the fact na English ang tanong, you should have prepared yourself to answer in English noh! Here come my favorites. OMG! He's so cute talaga! Hahaha. And she's so charming talaga. Hindi nawawala ung smile niya. They'd answered it very well although there were lots of buckling, still, the thought of the answer was still there. Bravo guys. Btw, there's a time na tinawag si girl favorite and natusok siya ng shit na banner dun sa stage. Pero she just ignored it. Tuloy tuloy ang loka with matching walang kamatayang smile. Love you girl. Hahaha!

Announcing of winners. Nakuha lahat ni girl favorite lahat ng minor awards. Walang nakuha si male favorite. Kainis. Lol. Pinili ang top 3. Of course, kasali si girl favorite. Hindi nasama si guy favorite. Kainis talaga! Buwisit! Nasama pa yung said male contestant na nag Tagalog. Kainis!!! Kung dami lang din naman ng supporters ang basehan, aba, panalo rin naman si male favorite ko noh! Hay nako, hanggang ngayon naiinis pa din ako! LOL.

Well, past is past. Move on na. Hindi ko alam kung anong naging effect sakin ng mga nangyaring iyon pero alam ko sa sarili ko na me pinagbago ako. Hindi ko talaga alam kung paano pero masasabi ko na iba na ako ngayon. I'll explain it sa aking next post. Btw, nagpapicture ako ke girl favorite. Hoy, wala po iyong ibig sabihin. Hindi kami talo. Wahahaha. Gusto ko ding magpapicture ke guy favorite pero hindi ko na siya makita. Huhuhu. Sayang. Hahaha. After that napakasayang event, uwian na.

Sunday, birthday celebration ng aking beloved pamangkin na si Daniela Ashlie "Ella". It's a big celebration. Just like the usual na pangmasa type. Maaga ako nagising para tumulong maghanda ng mga pagkain. I helped preparing the spaghetti ang the chicken. After that, pahinga na then ligo at pumunta na ako sa venue ng birthday party. Nadatnan kong masaya naman ang mga dumalo. Masasabi kong success naman ang nasabing birthday party. Love you Bebe Ella. =)

Pagkaalis ng mga dumalo ay tumuloy na ako sa SM Manila para magpagupit. I have to wait for less than an hour pa dahil nakapila pa ang mga customers (hindi ko maintindihan kung bakit kapos sila sa naggugupit gayong nakikita kong madami naman silang employees sa loob) kaya napagpasiyahan kong pumunta muna sa Department Store. Balak ko lang magwindow shopping pero me nakita akong pwedeng suotin para sa Christmas Party and bumili na din ako ng T-shirt na pamasko. Spongebob shirt ang susuotin ko para sa Christmas Party bukas since Beach naman ang theme. White polo shirt naman ang napili kong suotin sa Pasko. I love white nowadays. White ang bibilhing kong rubber shoes. White din ang gusto kong pants. Hahaha. So magmumukha akong White Lady sa Pasko. wow White Lady. As if! Hahaha

Pagkatapos kong bumili, diretso agad ako sa salon and saktong ako na pala ang next! So ginupitan na ako. Hindi siya yung laging naggugupit sakin kase ung laging naghehaircut sakin eh me iba pang ginugupitan. Naloka ako sa style niyang maggupit kse parang detailed na detailed. Antagal niya akong ginupitan and satisfied naman ako sa outcome. Nahiya naman ako sa effort niya kaya binigyan ko siya ng tip. P50 lang naman. Hindi pa ako ganun kayaman. Lol. Actually, first time kong magtip. Haha. And it feels good pala. So kasama na siya sa gastos everytime na magpapagupit ako.

Ayan, yan ang mga naging adventures ko last weekend. I enjoyed it alot. Really. As in. Panalo. Napakalaki ng nabago sa pagkatao ko. Iba na ako ngayon. I improved alot. This is the updated version of me. (Wow! Parang si KC Concepcion lang. Wahahaha). Meet the new me sa susunod kong post. Masyado ng mahaba ang post na ito para dugtungan ko pa ng kaemohan. Next time na lang uli. Bye!

PS Christmas Party na namin bukas. Gudlak sa aming presentation. Tsaka na rin sa presentation ng ibang group. Kahit hindi kami manalo, ok lang. Basta makasayaw at makakanta lang kami ng maayos. Ok na. Btw, 4 of the major prizes sa raffle are the following:  iPhone4, iPad 3G, xBox Slim and HP mini netbook. Grabe! Sana manalo ako kahit yung iPad lang. Please! hahahaha.

 Ingat. Godbless guys. :-)
     

Wednesday, December 8, 2010

The New Me!

(WARNING! This will be a long post.LOL)

As stated in my last post, I have several activities to join last weekend. Hindi ko napost agad ang mga nangyari sa akin dahil we have to attend a whole day seminar last Monday and yesterday. I didn't find time tuloy to share with you my happiness because of the happenings last weekend. But I can assure you na hindi pa spoiled yung happiness ko. Para bang masyado akong masaya para masira lang ng mga ordinary negative circumstances. Ngayon ko nga lang ako nakafeel ng ganito eh. I’m full of positivity nowadays. Haha!
 
So I’ll make kwento na sa mga wonderful events in my life for the past days. First of all was our practice last Saturday. It did get well although we’re not complete and meron pa kaming mga kulang na sayaw. So aun, sayaw sayaw. Usap usap tungkol sa aming magiging attire for the Christmas Party presentation.

But shit happens, hindi na daw kame matutuloy sa school kasama na aking friend na si Khaye due to some negative circumstances. Because of that, I did get very pissed off because I really think na mageenjoy kame sa school if matuloy kame. I then said it to Fame and she said why not join them na lang. Since ang main reason ko naman kung bakit pupunta ng school was to make my clearance completely signed, I decided to go na (Imagine, ilang buwan na kong graduate pero wala man lang akong ToR o kahet Diploma man lang). So natuloy akong sumama sa school to attend the ITech day. Wala akong idea na magiging napakasaya pala ng gabing iyon para sa akin.

Pagdating sa school, we don’t know where to go. So we decided to search for the possible places the event will be held. Hindi naming alam na sa Auditorium pala nagaganap ang occasion. We hesitated for a while kung papasok ba kami cause we don’t know what’s happening inside and kung me kakilala ba kame sa loob but after a few moments, we decided to enter the auditorium. Talentadong CS was already in its peak when we came.

Fast forward, dumating na ang iba naming friends,lumbas kami at kumain, then bumalik sa auditorium for the Mr. and Ms. CS Icon 2011. I already saw the candidates nang minsang me nagplurk ng kanilang pics. Nothing extraordinary for the girls but the last guy in the pic caught my attention. He’s so cute. Lol. Back to the regular programming, Nagstart na ang pageant. The candidates had a dance presentation. Nauna ang girls. I noticed na hinid pantay ang pagkakahati nila. Meaning, they’re six but only two were on the right side of the stage and the other four were on the other side. And naintriga ako dun sa girl na nasa pnakagilid ng mga girls sa left side ng stage. Para bang nawawala xa kase super gilid talaga siya. As in! Pero lalo akong naintrigued sa kanya when I noticed that she’s always smiling… throughout the dance number. Napaisip tuloy ako. Ganon ba kasayahin ang tao ito na kahit parang itsapwera siya eh todo ngiti pa din siya. Dahil dun, lagi ko na siyang inaabangan. Btw, parang tanga lang ung crush ko sa male contestants nung time na nilang sumayaw. Pero I really liked him after that kase tinatawanan niya lang ung pagkamukha niyang tanga sa stage. But afterall, he’s really cute.I don’t care with the dance number! LOL.

After that dance number, ang pinakahihintay ng lahat. Ang SWIMWEAR competition. Haha! Pero masyado ng mahaba ang post na ito. Next time na lang. Hahaha. Para me bitin effect. Ang mga tao talaga makarinig lang ng swimwear, naeexcite na. tsk3. Hahaha. Just wait for the next post. I think wala akong makukuhang pics. Sorry na lang guys.Lol.

Yngat, Godbless…=)

Friday, December 3, 2010

YAHOO! I mean Google

I'm so excited for the upcoming events. Tomorrow, we will have our practice here in the company for the presentation on the Christmas Party. Siyempre, todo sayaw na naman. Our leader/choreographer demanded us na pumunta on time para nga naman hindi masayang ang oras ng bawat isa tsaka para na rin madaming mapractice. 

11am ang start ng practice. And mga 3:30 siguro, I'll leave na my groupmates because I'll be going na to PLM. ITech day tomorrow. It's an event organized by CS faculties and students. I think me mga contests during the event. But I don't care. Haha. My main concern kase kaya ako pupunta is to make my thesis professor sign my clearance na mahigit kalahating taon ng inaamag dahil hindi ko maprocess. And I'm using the said event for that dark mission of mine. LOL!

I'll be accompanied nga pala ng aking close friend na si Katrina. Kaye for short. Actually, hindi na dapat ako pupunta for the reason na wala akong kaclose sa mga pupunta but kanina, nkausap ko si Kaye and we both agreed na pumunta. And poof, planned na ang arrival namin sa said event. Next reason kaya ko gustong pumunta is to see the persons I didn't see na for the last 48 million years. And nangunguna sa listahan na yan si Covin. Malay mo naman, bigla kong makita si Covin bukas. O diba, ansaya saya. Next on the list are my friends/blockmates na matagal ko na ding hindi nakikita. So talagang I'll be a user bukas. I'll use the said event. Bwahahaha.

On Sunday naman, it's my beloved pamangkin Daniela Ashlie aka Ella's birthday party na. Yehey! Party Party! Actually, December 7 ung birthday niya but we'll celebrate it on Sunday. But before I celebrate with my family in the said event, I have to go muna sa Divisoria to look for things para sa aming attire sa Christmas Party. White long sleeves, vest and MJ cap ang kelangan kong bilhin. Actually, ayokong pumunta sa Divisoria sa mga ganitong panahon na malapit na ang Christmas at siguradong literal ng magiging robot ka sa paglakad sa bagal ng pagusad mo. But shit happens. Nasira ang budget ko sa mga nasabing bilihin and because of that I need to buy na lang sa mga cheaper stores.

That's it. That's the list of my activities this coming weekend. Sana maging masaya tayong lahat. Haha. Btw, wala na namang kinalaman ang title ng post na to sa content. So I'll say something na lang para majustify ung title.LOL. Yahoo kase masaya ako. But then I'm using Google as my search engine kaya ganyan. Gets?

P.S. Oh my! I see him kanina. Yes, si RaDaR, nakita ko. Haha. Sheeeet. I missed him talaga. Haha. Thanks Father God. Nakukunsinte ang kalandian ko! Wahahaha. Sorry po =)  Sabi ng friend ko, kahit hindi ko daw sabihin, obvious na si RaDaR yung crush ko. WTF!!! How come?!?! Ganon ba ko kaobvious? Oh my! It's so nakakahiya kaya! hahaha.

Yun lang, hinabol ko lang ang kalandian ko. Wahaha. Ingats, Godbless!=))

Thursday, December 2, 2010

The Lucky 13

YES! Oo, isang napakalaking yes! Wahaha. Finally, we're going to have na our 13th month pay tomorrow. Isa lamang ang masasabi ko. Hindi lahat ng 13 ay malas. wahahaha. Well, hindi naman ganon kalaki ang makukuha ko dahil five months pa lang naman ako dito  but the fact na hindi ko na iisipin kung pano ko matutulungan ang aking sisters sa mga gastusin sa darating na mga birthdays ng kanilang mga anak ay isa ng malaking relief sa akin. Yep, two of my beloved pamangkins ang magcecelebrate ng kanilang birthday this December but with different dates. And both of them will turn 1. So magastos talaga.



Actually, super simple lang naman ng handaan. Gusto ko lang talagang tumulong since i'm earning above the amount of money I need. So I'm  alloting 80% of my 13th month pay for the both of them. It's not that much but I think it will help a lot naman. Kasya na un para bumili ng birthday cake and some ingredients sa mga lulutuin. They'll understand naman siguro kung iyon lang muna for now ang aking maitutulong cause u know, I just starting to work pa lang naman. Anyway, sana maging maayos at masaya ang kanilang mga birthday celebrations.

Syanga pala, I'll be receiving my company Christmas Basket later. Malaking bagay din yun cause me kasama un na Ham, ang isa sa mga star ng Pasko. Wahahaha. I don't know pa the things inside the bag eh. Maybe I'll make kwento to you na lang one of these days. 



Postponed ang everyday practice namin for the presentaion sa Christmas Party. Busy ang mga kagroup ko. So i can go home earlier than the usual 11pm.  Un lamang for now. 

By the way, I'm already missing the RaDaR. If you know what I mean. LOL.

Ingat guys, Godbless. =) 

Wednesday, December 1, 2010

Plus One

(Hindi tungkol sa boy band na Plus One ang post na ito.)

It's December again! Gosh. Parang ilang araw lang ang lumipas since I celebrated my 19th birthday and here I am now trying to embrace my goodbye to teenage years. Hay, ang oras nga naman, minsan usad pagong, minsan naman parang hinahabol ng sampung kabayo sa bilis. 


Dahil it's birth month na ng ating Panginoon, marami na ang napaplano ng kanilang Christmas Party. Siyempre, isa na diyan ang company namin. Our company will have its Christmas Party at SMX this coming December 11 having Beach Party as our theme. Actually there were three options about the theme namely, Retro, Masquerade or Beach. The decison was unanimous that the theme will be the last one. 


As newcomers, all bootcampers this year will have to have a presentation. The presentation  should look like the scenes in Glee wherein there are song and dance number. After naming malaman ang kelngang gawin, we had a conference through emails regarding what should we do. And sa kabutihang palad, our team leader can sing and dance. She also has songs na me mga steps na that she got from the dance contests na sinalihan niya. Because of that, hindi na kami masyadong nahirapan na kumuha ng choreographer. After that, the schedules of the practices are done. Dito pa din kame sa loob ng company magpapractice. 

Nagulat ako na halos araw araw ay me practice kame except for Sundays. Well, I treated it as a good thing na lang kasi at least maraming beses kaming makakapagpractice and because of that, madali naming mamememorize and maeexecute ang dance steps (for us na hindi naman kakanta). Actually, I'm not into winning the prize which is btw P 20000. Gusto ko lang na hindi kami mapahiya sa stage during the performance. Gusto ko lang na maayos naming magawa yung performance. Yung walang natutumba, nadudulas or even nagkakamali ng steps. That's all.

Two weeks na kaming nagpapractice. And I can say na malayo layo na rin ang aming narating. Echos! Andarama! Lol. Anyway, naka 3 kanta na kame within two weeks. One more and we're finished. Yipeeeee! Then some sort of polishing na lang ang kulang and we're ready to perform na. Wish us luck na lang guys!

I hope maging maganda ang outcome ng nalalapit naming Christmas Party pati na rin lahat ng me Christmas Party sa buong mundo. Hahaha. Bye, Ingat, Godbless. =)