Powered By Blogger

Thursday, December 30, 2010

Final Bow

Ilang oras na lang pala at kelangan na nating mamaalam sa taong 2010 at salubungin ang susunod na year. Parng ambilis bilis ng oras. As in. Hindi ko man lang namalayan na isang taon na naman ang nagdaan. Na ilang buwan na pala akong tapos sa pagaaral. Na ilang buwan na din pala akong nagtatrabahon at ilang libo na din pala ang nagastos ko sa mga luho ko.

Parang kelan lang, nagpapakahirap ako sa pagaaral. Overnight dito, walang tulugan duon. Defense ngayon, defense ulit bukas. Parang kelan lang, takot na takot akong isipin na baka hindi na kami magkita ni Covin. Parang kelan lang, kinakabahan ako kung gagraduate ba ako o hindi. Parang kelan lang, inaabot ko ang kunwaring diploma ko. Parang kelan lang, halos maiyak ako ng isa isa nang nagkaroon ng trabaho ang mga kaibigan at batchmates ko at ako ay wala pa. Parang kelan lang, nagkaroon ng problema sa health ko kaya hindi ako nakapasok sa unang dalawang araw dito sa kumpanya. Parang kelan lang, nahihirapan akong magadjust sa mga bagong tao at bagong kapaligiran.  Parang kelan lang, natanggap ko ang unang sahod ko, gumimik at nagpakasaya hanggang ito'y maubos. Parang kelan lang nang una ko siyang makita at magsimula ang kilig na nararamdaman ko. Parang kelan lang nang nakabili ako ng isang mahal na bagay na galing sa bulsa ko. Parang kelan lang.

Hay. Napakabilis talaga. Pero wala naman tayong magagawa diba? Nariyan na yan. Hindi na natin maibabalik. Hindi na natin mababago kung ano ang mga nangyari na. So better face the new chapter with a smile and confidence. Pagsisihan ang mga nagawang pagkakamali at gumawa ng paraan para ito ay maituwid. Pagbutihin pang lalo ang mga bagay na nakakatulong sa kapwa. Iwasan ang mga mali. 

Hindi ako gumagawa ng New Year's Resolution kase naniniwala ako na kung me dapat kang baguhin sa sarili mo, gawin mo na ito agad kung maaari. Hindi yung hihintayin mo pa ang Bagong Taon para duon magsimula. Paano kung mga March mo narealize na kelangan mong baguhin ang mga masasama mong gawi, hihintayin mo pa ba yung January 1 the next year para lang masabi na me New Year's Resolution ka. Parang tanga lang diba. Lol.

Napakadaming blessings ang natanggap ko this year at hindi ko alam kung paano ko magpapasalamat ang Diyos dahil dito. Madami din akong narealize na mga bagay na dapat kong ipagpasalamat. Thank you po so much Father God.

Anyways, madami akong planong gawin next year. Grabe, taghirap talaga ako nowadays kaya sinabi ko sa sarili ko na magiipon talaga ako ng bonggang bongga. Hindi muna ko bibili ng mga bagay ng meron pa naman ako. Kelnagan ko ding masettle lahat ng utang na meron ako. Hay. Ang hindi ko lang mapipigilan is yung mga nakaschedule ko ng lakad. LOL. Diyan ako mahinang kumontrol. Hahaha. Promise, after niyan, hindi na muna ako magyayaya at magpapayaya. Kelangan ko talagang magipon. Me quota pa nga ako eh. Dapat me ganito ganyan na akong amount of money in this certain date. LOL. Gusto ko ding gumawa ng stories dito sa blog ko. I'm inspired by my idol ARIS. Hehe. Pero siyempre magkaiba ng genre.        

Andami ko ding non-tangible hopes para sa susunod na taon. And here's the list. 
  

LIFE- Unang una siyempre ang buhay. Ano ba naman kaseng mangyayari sayo kung wala kang buhay no. Hindi lang yan yung simpleng buhay. Kasama na diyan yung social life. Imaginine mo na lang no kung buhay ka nga, wala ka namang kaibigan o kahit kakwentuhan man lang. Naniniwala ako sa kasabihan na "No man is an island". Sino ba naman kaseng tao ang kayang maging isla! ECHOS! Seriously speaking, all throughout my life. Kinailangan ko ng pamilya at mga kaibigan para mabuhay. Kayo rin naman dbah! Aminin!


LOVE- Sunod naman ang pagmamahal. Kinikilig ako sa tuwing makakakita ng couple. Dati, naiinggit ako't naiiyak kase lagi kong naiisip na hindi mangyayari sakin yon pero ngayon, nabuksan na yung isip ko na kahet walang taong magmahal sa akin, ok lang kase alam kong nandiyan lang si Papa God. =) Hindi Niya ko pababayaan. And I'm very sure of that!


HEALTH- Next is health. Paano mo naman maeenjoy ang buhay at pagmamahal na ibinibigay sayo kung nakaratay ka lang sa kama at hindi makapagsalita o kaya comatosed ka na. Naiinis ako sa mga taong pinapabayaan ang health nila. Isa na ko dyan. Lol. Isa din ang tatay ko. Inom kase siya ng inom ng alak. Pero pinapabayaan ko na lang. Magaaway lang kase kami. Sabi din kase ng bestfriend ko, hayaan ko na lang daw kase yun na lang yung nakakapagpaligaya sa kanya. Matagal ko bago natanggap yung konsepto na yun pero di naglaon, pinractice ko na din kesa naman magaway lang kame ng bonggang bongga.
  

PEACE- Tulad ng lahat ng tao, isa yan sa matagal ko na talagang pinapanalangin. Hindi lang sakop ng sinasabi kong kapayapaan ang kapayapaan sa pagitan ng mga bansa, nasyon o ng bawat tao kundi ang kapayapaan sa bawat tao mismo. Yung tipong walang alalahanin sa puso. Kasama na din diyan ang pagkakapantay pantay. Yung walang diskriminasyon. Sa kulay man, hitsura, lahi or even, syempre, sa kasarian. Matagal ko ng pinapangarap na mawala ang mga diskriminasyon na iyan lalung lalo na siyempre yung huli. Iniimagine ko tuloy kung anung hitsura ng mundo kung wala lahat yan. Hay!


PROSPERITY- At last but definitely not the least ang kasaganahan. Sapat na pagkain sa mesa, perang panggastos sa buong taon, oras sa pamilya, trabaho.

Ansarap imaginine na ang mundo natin ay punong puno ng mga nabanaggit. Punong puno ng buhay ang mundo, lahat ng tao ay nagmamahalan, malusog ang mga mamamayan, walang away at kalungkutan, naguumapaw sa kasaganahan. Hay. Kelan kaya mangyayari yon. Sana next year na. Magtulong tulong tayong lahat. Walang imposible sa mata Niya. Kaya natin yan. Kahit paunti unti. Sure ako na magagawa natin yan basta me tulungan. Tara na!

Again, Happy Christmas! Mabuhay tayong lahat. May all of us have a New Year full of LIFE, LOVE, HEALTH, PEACE and PROSPERITY. 

Ingats guys!  Huwag na tayong magpaputok! Godbless to all of us!  =)  :-)  =)  :-)  =)  :-)  =)  :-)    

No comments:

Post a Comment