Powered By Blogger

Tuesday, November 30, 2010

Ako Ito, Paalam!

Ako ito, bilang na ang mga araw ko. Kaunting panahon na lamang ang ilalagi ng edad ko sa teenage bracket. Ilang araw na lamang at kelangan ko ng yakapin ang pagiging "hindi na bata" . Kelangan, kahit ayaw ko. Oo, ayaw ko. Ayaw ko pang iwan ang kinasanayan kong buhay na may nakikihati sa pagpapatakbo ng buhay ko. Na me nagbabawal sa akin sa mga hindi ko dapat gawin. Na me nangengeilam sa personal kong buhay. Ayaw ko pa.

Ako ito, hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang mawalan ng kasama. Hindi ko pa kayang alagaan ang sarili ko sa tuwing ako'y magkakasakit. Hindi ko pa kayang gawin ang mga gawaing bahay ng ako lamang magisa. Hindi ko pa kayang matulog sa gabi na batid kong wala akong kasama sa kung saan man ako mahihimlay. Hindi ko pa kayang mabuhay magisa. 

Ako ito, mahirap ang buhay ng isang tulad ko. Pinagtitinginan. Pinaguusapan. Hinuhusgahan. Pinagtatawanan. Nilalait. Kinasusuklaman. Nagtatago. Nagmamahal. Nagpaparaya. Nagbibigay. Nagtitiis. Nagpapakatanga. Kakarampot lang naman ang hinihingi ko. Paggalang. Pagtanggap. Kahit wala ng pagmamahal. Kahit wala na. 

Ako ito, mahal kita. Ilang taon na din. Hay. Pakikipagkaibigan lang naman. Madamot ka. Andamot damot mo. Pero naiintindihan kita. Normal lang naman ang pagresponde mo sa mga paglapit ko. Kung pwede lamang bayaran ang puso para hindi na tumibok, hindi na ako kumain makaipon lang. Pasensya ka na. Hindi ko sinasadya. Hindi ko ito ginusto. Sana maintindihan mo.  

Ako ito, iniibig Kita. Hindi Mo ko iniwan. Nariyan Ka palagi. At sigurado akong nariyan Ka lang. Alam ko na gawa na ang istorya ko. Napakagaling Niyo. Humahanga ako sa pagkakabalangkas ng buhay ko. Hayaan Mo at gagawin ko ang lahat para maging blockbuster ang pelikula ko na Ikaw ang nagsulat at nagdirehe. Isa lamang akong hamak na aktor na gaganap sa sarili kong istorya. Patawad sa mga maling pagganap ko. At sa mga pagarte ko ng hindi tama. Sana'y bigyan Mo pa ako ng pagkakataon na mapagbuti pa ang pagarte ko. Patawad. Patawad. At isa pa uling Patawad. Salamat. Salamat. Maraming maraming salamat.            

Ako ito, wala na. Ingat, Godbless. Ako ito, Paalam! 

Friday, November 26, 2010

the RaDaR

To give you a hint, ang post na ito ay tungkol sa aking kalandian dito sa company. Hahaha. Actually, hindi siya kalandian kase hindi naman ako malandi. Well, I'm haliparot in my own way but I'm not the kind that make lapit to guys. I have finesse, you know. Echos! But kidding aside, hindi talaga ako marunong lumandi as in landi talaga. I have the kilig factor when gwapo guys are in sight but I don't really have the capability to do "something" just to start a conversation. I don't have the guts to do that. Anyway, enough of the arte thing, I'll proceed na with him.


Maybe u're wondering wtf ang kinalaman ng title ko sa sinasabi kong guy dito sa Headstrong. Well, pansinin nio kung anong kakaiba diyan sa title na yan. O dibah nakita niyo na ung ibang letters ay capitalized? (napansin niyo nga ba? lol). To end the walang kwentang puzzle na yan, I'll make amin na sa kaartehang yan. lol. Ung mga capitalized letters dyan represent his initials. RDR ang initials nung crushie ko. Wala talagang kinalaman ang radar. Wahahaha


As far as I remember, I saw him many times na before I realized his cuteness. Haha. And ito ay nuong Townhall event wherein all employees of the company will gather to a specific area and some high profiled member of the board will discuss some things about the company like the history of the company, the revenues it earned every year, etc.

Prior to the event, we have to register before we can enter to the venue. Btw, the registration thing is needed because it will be the basis kung sino sino ang kasali sa raffle. So aun, I'm standing on a place where kita yung mga tao na papasok pa lang s room. And aun, nakita ko siya.My goodness! hahaha. Noon ko lang naappreciate ung cuteness nia. hahaha. As in, super cute pala niya.


Aun, simula noon, naging crush ko na siya. At swerte naman na nalipat ako sa floor kung saan nandun ang project na kinabibilangan niya. Aun, halos araw araw ko siyang nakikita. And it feels like heaven. Chos! Nagkaron pa ng time na naging magkatabi ang cubicles namin. And because of that, isang simpleng tayo lang at natatanaw ko agad siya. Hay, Father God really does a thing na makakapagpasaya sayo kahit papano. And I really thank Him for that.


Sa ngayon, nalipat uli ako ng floor kasi nga wala akong project. Wala akong kwenta. Isa lang akong dakilang utusan. Wahaha. I'm seeing him minsan. Sa lobby ng building, sa elevator, sa food shops. Pero I don't have any plans na makipagclose sa kanya kasi I don't have the guts to do that. Even though I really know na all I want is friendship, ayokong isugal ung kahihiyan ko if sakaling ituturn down nia ung friendship na inooffer ko. Lalo na at nabasa ko sa profile niya sa fb that he hates gays. Sapat na sa akin na nakikita ko siya. Napagmamasdan. Pinagnanasaan. Echos. Hindi ako ganon (minsan lang. LOL).


Seriously, tama na sakin yung nandyan lang siya. Hindi umaalis. At least, I'm rest assured na makikita ko pa siya. Kung sakali naman kasi na maging friends nga kami, naniniwala ako na magkakatotoo yung sinasabi ng best friend ko na I'll hunger for more. Siyempre nga naman, naging friends kame, iisipin kong samantalahin ung kahinaan este kabaitan niya. Do you agree on that? That's all!


PS Hindi ako makapaglagay ng pic niya dito kasi baka may maligaw na employee dito(assuming?.lol) and makilala pa niya kung sinu si crushie. It's so nakakahiya kaya, you know. Lol. Balita ko nga pala, he has a gf now. Congratulations to him. May the both of you be happy with each other. Another one is, If have read my previos posts, u'll know who Covin is. I just want to clarify na si crushie ay isa lamang crush. Hindi pa niya nalalagpasan ang lalim ng hukay na ginawa ni Covin sa puso ko. It's so lalim xe na it will take years na crush ko si crushie para mapantayan si Covin. Puta, ang corny. LOL. Un lang, I just want to share. Yngats guys, Godbless.

Thursday, November 25, 2010

Matigas Ang Ulo ng Company Ko!

As promised, I'll make kwento to you na ang mga experiences ko bago at habang ako'y employee ng aking current company; ang HEADSTRONG. Well, I can say na I'm really lucky na mapabilang sa iilang daang employess nito. There's so many Thank you Father God ang nasabi ko when my interviewer said "I'm hiring you". At ng dahil don, hindi ako nakapgreact. All I said is "Thank you, sir". Napuno sa loob ko ang kaligayahan ko. Hindi ko naexpress at that time maybe because magmumukha akong tanga sa harap ng interviewer ko.lol.
May naganap ang said interview. But the Bootcamp Training started July 5. Actually, the start of the bootcamp ay nausog ng 2 weeks kaya July 5 n nagstart. So imagine the tagal ng panahon na hinintay ko sa bahay bago ko makapagstart na magwork. And the fact na ubos ang aking money that time kasi nga I graduated na and I don't recieve allowance na that time, imagine na lang ang pagtiis ko that time. lol. Pero it's really worth naman ang paghihintay. Last week of June ako nagsign ng contract. So it's already final. I'm already an official employee of the company. Wahaha.

Two weeks ang training namin sa iba't ibang topics about technology specially programming languages. Merong SQL, Oracle, SDLC, Unix, etc. After that nadisseminate na kami sa kanya kanya naming capability. Sa .Net ako napunta. Anyway, hindi na ako magdedetail sa part na yan dahil I think not all people know that thing naman. Let's jump naman sa time na tapos na ako sa training and maaassign na kami sa kanya kanya naming projects.

Malungkot ako. Wala akong project na napuntahan. 2 months akong walang ginagawa na makakatulong sa company. As in wala. So because of that, my conscience is attacking me. Siyempre naman noh! Sayang ang ilang libo ng kumpanya na napupunta lamang sa isang tulad ko na wala namang gingawa. After 2 months na walang ginagawa, napunta ako sa isang team na nagaasikaso ng mga proposals for the clients.

Oo, me ginagawa ako pero hindi ako masaya. Hindi ko naman kase naaapply ang mga pinagaralan at tinraining ko sa current tasks ko. Hanggang ngayon heto ako at yun pa rin ang ginagawa. Hay, sana magkaron na kmi ng project na pangmatagalan. Aaahhhh, I'm starting to have drama. Stop it Marvin! lol.

Before I have a crying scene here in my blog, let me end this post of mine. As a summary, medyo masaya naman ako sa current work ko. Hindi ako nakokonsiyensya. But of course, I'm still hoping na magkaron ako ng work na maaapply ang mga skills ko. Un lang. That's all I need now.

By the way, I have this crushie sa company namin. Mas matagal lang siya ng ilang months sakin. I'll make kwento about him next time. Hahaha. Bye for now! Ingats, Godbless.=)

Wednesday, November 24, 2010

I'm Back! Am I?

And so i'm back after less than a year. OMG! It's so tagal na pala since my last post. Aaahhhh, actually, I don't have any plans of posting any thing yet kasi wala naman talaga akong maisip na ipost. Siguro I'm not born to be a writer talaga. Bitter?!?! LOL.

Well, there's so many many things happened to me after my last post. Here I am, already an alumnus of my minamahal na Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Hindi lahat ng kabatch ko ay pinalad na gumraduate on time because of the hardships we've gone through when we were at our dapat na last year. Naging super busy namin noong second half ng 2nd semester. As in super busy na lagi akong gising hnggng 5am to do major projects including thesis and me pasok kami ng 7am para umattend ng seminars. And after that, sa wakas, natapos ko din ang 14 consecutive years na pagaaral.





April 19 is the day. Our Graduation day. Super aga namin sa venue. Btw, sa PICC Clamshell ginanap ang graduation. Bilang pa lang sa daliri ang mga tao ng dumating kami. Hindi naging maganda,as far as I'm concerned, ang buong ceremony dahil halos lahat ng graduates ay mga tulog. Siyempre naman noh, ang aga aga kaya ng call time and alam naman natin na siyempre pagandahan ang mga girls ang papormahan naman ang mga boys. To cut the long story short, hindi naging memorable sakin ang graduation. There's nothing special during the ceremony. Anyway, let's go na sa aking current life, ang pagiging employed.




Bago pa matapos ang aking life as a student, nagaapply na kami ng 2 of my closest friends. Madalas kami sa Makati specifically Ayala. Andami naming inapplayan. But of course, most of them were IT company so we can apply naman our degree to whatever work we will have. Unfortunately, hindi kami sabay sabay na nagkawork. Si Sarah, sa isang sikat na IT company. Accenture is the name. To be frank, nainggit ako sa kanya. Not because of the name of her first employer but to the fact that she will not apply anymore. Even though her start date will be one month later after she had the call, of course, there was already an assurance if you know what I mean.




So after that, sabay pa din kaming nagaapply ni Joyce with our bagong kasama Ann, another close friend of mine. Swerteng halos sabay na nakacatch ng good company ang 2. Pero hindi din sila magkasama. So there I am, hinihintay ang tawag mula sa aking kaisa isang pag asa, ang Headstrong, which fortunately is my current employer. Yes, tama! tinanggap nila ako despite of everything. Chos!







As of now, isa na lamang sa aming magkakaibigan na gumraduate na ang wala pang trabaho. So far, lahat kami ay napunta sa mga reputable companies and earning well. That's all for now folks!




My stories here in our company will be my next post. Wahaha. Ingat and Godbless! :)