Powered By Blogger

Monday, January 31, 2011

I'm singing in the rain

Grabe! Napabayaan ko na 'tong blog ko. Hay. Kakainis naman kase eh. Busy busyhan kame sa training simula nung last last week. Kelangang makinig talaga kase maikling panahon lang tong training. Currently, meron kaming case study na ginagawa about sa topics na tinuro sa amin for the past weeks. Ok naman ang takbo ng paggawa ko sa case study except for some parts kase nung tinuturo ung mga parts na yun eh kundi ako inaantok, nagbabasa ako sa PEx. Hahaha. Hindi ko kase talaga nature yung makikinig na lang all the time sa lecturer. Mas gusto ko yung konting pakikinig, tapos more on experimenting tungkol dun sa topic. Kaya nga gusto ko is math kase once na alam ko na yung procedure sa pagsolve ng particular na problem, asahan mong hindi na ako makikinig bagkus eh magsosolve na ako on my own kahit pa hindi pa tapos ang professor namin sa pagdidiscuss. Ganon katigas ang ulo ko. Hahaha



Anyway, birthday ng partner ko sa thesis kahapon. Hindi ko nasabi dito sa blog ko na hindi kame ok for the whole year of 2010. Yes! Nakagraduate kame at nakatapos kame ng thesis ng hindi kame ok. Ganon ako kagaling. Echos! LOL. Ayun nga, birthday niya nga kahapon at dahil nagmamabait na ako and gusto ko ng maaus kame kase kasalanan ko rin naman kung bakit kame nagkagalit (next time ko na ikukuwento), binati ko na siya kahapon. And todo effort talaga ako kase mga 12:10am ko siya binati. Actually dapat isasakto ko na 12:00am, kaso nakalimutan ko. Hahaha. Buti na lang konting oras lang yung lumagpas. Nahurt ako nung hindi agad siya nagreply pagkatext ko at buong maghapon kahapon. Hindi ko kase alam kung baket pero inexpect ko na magrereply siya kaagad kase mabait naman yun (Lage kong sinasabe date sa ibang tao ng salbahe siya. Grabe! Ganun ako kasama date. Hahaha. Peace partner! Love You! Mwah. Lol). Kaya nung hindi siya nagreply, nagassume na lang ako na galit pa siya sa akin. Pero madali ko namang natanggap yun kase nakakagalit naman talaga yung mga ginawa ko sa kanya date. Kaya nagulat ako ng magreply siya kagabi. Ayun, masayang masaya ako. Nabawasan na yung mga kagalit ko sa mundo. Hahaha. Namiss ko tuloy siya ng sobra. He's been very kind kase sa akin nung 4th year college pero naging masama akong tao nun towards him. Pinagsisisihan ko tuloy ang nangyari date. Imbes na masaya ako nung graduation, hindi akong naging masyadong maligaya kase me something (inis or what) ako sa kanya. Anyways, past is past. Masaya na ako ngayon. Promise! Hehe. Sana lang maging close kame tulad ng dati. Namiss talaga kita! :-)

I'm singing in the rain. I'm singing in the rain. Kapag masaya ako, yan lagi ang nakakanta ko nowadays. Yes, it's involuntary na. LOL

 

That's all! Ingat guys, Godbless. :-)







Tuesday, January 18, 2011

TOINKS!

Hay nako, iilan pa lang ung parts nung Metamorphosis ko, hindi ko na agad madugtungan. Sa totoo lang, andami kong naiisip sa mga continuations ng kwento pero hindi ko maapply. Andaming umookupa sa isip ko nowadays. Hindi ko magawa yung mga nasa isip ko para sa istorya. Naging busy kase ako nitong mga nakaraang araw.

On going na kase ung training namin para sa upcoming kong project(wow! Parang tanga lang. Lol) dito sa company and so far so good naman ang tinatakbo ng training. Masaya naman. Andami ko ng natutunan and I think, magugustuhan ko ang kinabukasan ko sa project na ito. Hehe. Isa pa, natutuwa ako sa mga future projectmates ko. Lahat naman sila accomodating and mababait. Kaya nga naeexcite na akong makatrabaho sila. Really.

Nakita ko nga pala si Vice President Jejomar Binay last Sunday nung nagsimba kame ng family ko. Aun. I just wanna share. Hahaha. Patuloy pa din akong nagbabasa ng mga AP Seryes sa PEx. Yan lang mga pinagkakaabalahan ko nowadays. Ingats to all. Godbless. ;-)

Tuesday, January 11, 2011

METAMORPHOSIS V

Hindi makatulog si Marco ng gabing iyon. Iniisip niya ang application niya sa company nila Raynard. Ano nga kaya ang mangyayari sa pagaapply niya dun? Makakapasok kaya siya? Naisip din niya ang mabilisang pagiiba ng mood ni Raynard kanina habang inaassess siya.

“Bakit kaya ganun yun? Di bale, malalaman ko dinyun kung matatanggap man ako sa company nila.”, Nasa isip ni Marco bago siya napapikit at nakatulog.

Hindi na kaagahan ng magising si Marco kinabukasan. Pagtingin niya sa kanyang cellphone ay mayroong ilang mensahe ang natanggap niya. Ang ilan ay galing sa mga kaanak niya sa probinsyang kanyang pinanggalingan. Nagaalala na ng sobra sobra ang pamilya niya. Sinabi naman niya ang kanyang plano sa mga ito ng tawagan niya ang mga ito. Galit man ang kanyang ina ay wala na naman itong magagawa. Pumayag naman ito sa kanyang plano basta ba araw araw siyang pinapatawag sa kanila. Hindi pa rin niya sinasabi ang tunay na dahilan ng kanyang paglalayas.


Pagkatapos nilang magusap ay tsaka niya naalala ang isa pang natitirang mensahe sa kanyang cellphone. Unknown ang number. Kinakabahan na may halong excitement niyang binuksan ang mensahe na may pagasam na isa sa mga companies na inaplayan niya kahapon ang nagtext. At hindi nga siya nagkamali.


“Good day Mr. Aquino. This is Mr. Mondragon form ITech Philippines. This is about your employment application. My team decided to tell you the result of your application in personal. I have told to one of my staff to meet you outside the office due to some problems here. Kindly reply if you’re interested with the meeting for me to schedule it.”, yan ang nilalaman ng text.


Kaagad na nagreply si Marco at nagreply din naman si Mr. Mondragon. Napagusapan na ang meeting place and time. Kaagad na gumayak si Marco para umalis. Ngayon din kase yung napagkasunduang petsa.


Habang papunta sa Glorietta si Marco ay iisa lamang ang nilalaman ng kanyang isip. Ano ba ang magiging resulta?


Hindi nagtagal ay nakarating na siya sa kanyang patutunguhan at nagulat siya ng mapagsino ang kanyang kameeting.




METAMORPHOSIS IV

“Ok Mr. Re… I mean, Raynard.”, pagsuko ni Marco.

“Yan! Ok, so let’s start. First of all, this will not be a formal interview. Me mga itatanong lang ako sa iyo na makakatulong sa pag assess ko sayo. Is that fine with you?”, paliwanag ni Raynard.

“Sure Raynard”, sagot ni Marco.

Nagsimulang magtanong si Raynard ng personal information about Marco. Pagkatapos ay sa educational background naman. Matapos yon, napansin ni Marco na masyado ng nagiging personal ang mga tanong ni Raynard tungkol sa kanya pero hindi na lamang niya iyon pinansin. Wala naman siyang magagawa kundi sagutin ang mga tanong na yun. Naikuwento na ni Marco halos lahat ng pwede niyang ikuwento dahil sa dami ng tanong ni Raynard.


“So, what brought you here in Manila?”,tanong ni Raynard.

Kinabahan si Marco sa tanong na yun. Bakit nga ba siya nasa Maynila. Para ba makahanap ng trabaho. Isa na yon pero hindi yun ang pangunahing dahilan kung bakit siya umalis sa kanila. Diba tinakasan niya yung manyakis niyang step father. Pero hindi niya pwedeng sabihin yun. Nakakahiya. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon.

Matagal na natahimik si Marco. Tatanungin na dapat siya ni Raynard kung bakit hindi siya makasagot ng biglang me kumatok.

“Yes?”, tanong ni Marco sa kumatok.

“We have a meeting at 3 o’clock remember?”, paalala ng isang colleague ni Raynard.

“Oo naman. We’re about to finish na nga eh.”, sagot ni Marco. Umalis na ang co-employee ni Raynard.

“Shit. Tumingin siya sa relo niya. 2:55 na pala. Masyado ata akong nasiyahan sa interview kaya nakalimutan ko ang meeting. Buti na lang me nagpaalala sa akin.”, bulong ni Raynard sa sarili.


“Sorry for the interruption Mr. Aquino. I have a meeting within five minutes. I think I have the necessary information to assess you. I’ll call you as soon as I’m finished with your employment evaluation. Is it okay with you?”, pormal na sabi ni Raynard kay Marco.

“No problem Mr. Reyes.”, nagulat na naman si Marco sa biglang pagiiba ng mood ni Raynard pero hindi niya ito pinahalata.

Lumabas na sila ng kwarto. Tumuloy na sa kanyang meeting si Raynard. Kumain naman si Marco sa malapit na fast food para magmeryenda. Pagkatapos ay umuwi na rin maya maya.

Hindi makatulog si Marco ng gabing iyon. Iniisip niya ang application niya sa company nila Raynard. Ano nga kaya ang mangyayari sa pagaapply niya dun? Makakapasok kaya siya? Naisip din niya ang mabilisang pagiiba ng mood ni Raynard kanina habang inaassess siya.

“Bakit kaya ganun yun? Di bale, malalaman ko dinyun kung matatanggap man ako sa company nila.”, Nasa isip ni Marco bago siya napapikit at nakatulog.

METAMORPHOSIS III

“Mr. Aquino, meet Mr. Raynard Reyes. He’ll be the one to assess your application.”, pagtatapos ng interviewer ni Marco.

Namumutlang tumayo si Marco para abutin ang nakalahad na kamay ni Raynard. Nagtama ang kanilang mata at napansin ni Marco na nakangisi ito. Lalo tuloy siyang kinabahan.

“I’m pleased to meet you Mr. Aquino.”, may pagdiin sa huling sabi nito.

“Same here, Mr. Re.. Reyes.”, nabubulol na si Marco sa kaba at pagkamangha sa mga di maipaliwanag na nangyayari.

“By the way, I have to go. Mr. Aquino, Mr. Reyes will explain to you some things about your application.”, sabi ni Mr. Mondragon, ang interviewer ni Marco.

“Ok Sir.”, ang tanging nasabi na lang ni Marco.

Lumabas na ang interviewer ni Marco at nagharap sila ng kanyang evaluator.

Siya si RAYNARD REYES, 20, graduate ng Psychology sa isang prestigious university. Matalino, mayaman, gwapo. May itinatagong lihim sa kanyang pagkatao.

“You look nervous Mr. Aquino.”, pangiinis ni Raynard.

“Just a bit Mr. Reyes.”, depensa ni Marco.

“Huwag na tayong magpakapormal Marco. ”, nagulat si Marco sa biglang pagbabago ng mood ni Raynard. “Just call me Raynard.” Dugtong niya.

“I don’t think it’s not appropriate Mr. ”, hindi na nagawang tapusin ni Marco ang kanyang sinasabi dahil pinutol na siya ni Raynard.

“And I don’t think you have a choice. Kagustuhan ko yon. Sige ka…” nagkibit balikat si Raynard habang nakatingin sa resume ni Marco at nakangiti.

Parang nahiwagaan naman si Marco sa mga pinagsasabi ng kausap. Parang kagabi eh super sungit pa nito pero ngayon ay ambait bait na. Parang iabng tao na ang kaharap niya. Hinayaan na lang niya ang gusting mangyari nito dahil dito nakasalalay ang kinabukasan niya dito sa lungsod.


Friday, January 7, 2011

At Last!

Sa wakas, nakapagsimula na ako ng kwento ko. Sana lang me magbasa. Pinost ko din siya sa PEx. Wala lang. Gusto ko lang ishare sa iba. Natutuwa lang ako sa ibang tao na gumagawa din ng kwento at ishashare sa iba at nainggit ako sa kanila kaya shineshare ko din. Hahaha.

Sabay sabay kaming naglunch ng two of my friends in college. Napagkasunduan namin nung isa kong friend na ituloy na yung nakaschedule naming star city bukas. Grabe masyado ata akong natutuwa sa mga amusement parks. Kagagaling ko nga lang ng Enchanted nung nakaraan, Star City naman bukas. Sana lang matuloy kame dahil namimiss ko na ang Surf Dance. Lol.

Syanga pala, start na namin ng training next week. Sana maging maayos. Lilipat na kame ng pwesto. San pa! Siyempre sa training room. But I mean, after that, sa iba na kami ipupuwesto. Hay. Mamimiss ko tong place ko for two months na. Hay. Ansaya pa naman dito. Nasa tabi ako ng window. Kita ang labas. Me swimming pool pa kong natatanaw. Hay. I'll miss this. Really! Promise! Lol.

Anyway, excited na ko bukas. Sana lang talaga matuloy kame. Hahaha. Happy weekend everyone! Ingat, Godbless. =)

METAMORPHOSIS II

Nagmadali siyang lumakad para makakita ng mapagtatanungan. Lingon likod ang ginawa niya dahil sa pagkalito sa mga nakikita niyang bahay at gusali na hindi naman niya nakita kanina. Paliko na siya sa isang street habang nakatingin sa likod ng biglang BLUG!
________________________________________
“Oh my gosh! Ano ka ba?! Tignan mong ginawa mo sa akin! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaan mo eh”, galit na sabi ng nakabangga niya habang pinupunasan ang mga duming napunta sa long sleeves niya.



“Sorry. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya.”, Nahihiyang sabi ni Marco. Aminado naman siya na siya nga ang me kasalanan kaya todo hingi siya ng paumanhin.


“Naliligaw kase ako. Hindi ko alam kung paano makakabalik sa tinutuluyan ko. Pwede mu ba akong tulungan?”, dugtong ni Marco.


“Aba, ang kapal din naman ng mukha nito no! Hindi na nga ako tinulungang maglinis, me gana pang magtanong”, nasa isip ng nabangga niya. Pero dahil sa awa eh sinabi niya din dito kung paano makakauwe. Nagpasalamat naman si Marco dito.


“Siyanga pala, ako si Marco. Marco Aquino.”, pagpapakilala ni Marco sa sarili.


“Ano nga palang pangalan mo? Baka kase lagi tayong magkita dahil magkalapit lang naman ata tayo ng bahay. ”, dagdag ni Marco.


“Huwag na. Hindi na kelangan.”, masungit na sabi ng nabangga niya.


“Ah, ok, sige. Salamat na lang uli! Mauna na ako. Pasensya uli sa nagawa ko.”, pagpapaalam ni Marco.


“Ok”, at walang ano ano’y umalis na ang estranghero. Dumiretso naman sa paguwi si Marco, kumain at diretso na ng tulog para maagang magising bukas upang marami siyang mapasang resume sa pagwowalk-in sa mga companies.




Nakatapos naman si Marco ng second year sa kursong Computer Science at kasalukuyang nasa third year ng maisipang maglayas sa kanila dahil sa pangmomolestiya sa kanya ng amain. Oo, me dugong berde ang kanyang step-father pero hindi niya ito magawang isumbong sa kanyang ina dahil hindi niya alam kung papaano at natatakot siya sa mga maaaring mangyari. Kaya heto’t nagpakalayo layo siya. Ngunit ipapaalam niya rin naman sa pamilya niya ng naging pagalis niya at ang plano niya at hindi siya mapipilit ng mga ito na bumalik. Pero babalik naman siya. Hindi pa lang sa ngayon. Me gusto pa siyang patunayan kaya narito siya’t makikipagsapalaran.



Sa bahay naman ng estranghero’y hindi siya mapakali. Hindi niya makalimutan ang mukha ng nakabangga niya kanina. Kanina pa siya nakahiga pero hindi siya makatulog. Bading siya. Ngunit kakaunti lamang ang nakakaalam. Dahil batid niya ang mga consequences na naghihintay sa kanya kapag lumantad siya.


“Bakit ko kaya naiisip ang taong yun?”, naitanong na lang ng estranghero sa kanyang sarili bago siya nakatulog.




Maagang nagising si Marco kinabukasan dahil na din sa paninibago at excitement. Maghahanap siya ng trabaho ngayon. Mabilis siyang nagalmusal, naligo at nagbihis. Wala siyang inaksayang oras at dumiretso na sa Ayala. Bumalik na naman ang pagkamangha niya sa mga nagtataasang building. Nagsimula na siyang pumasok sa bawat gusali. Nagbakasakali na me opening pero makalipas ang dalawang oras ay wala pa din siyang nakitang opening. Karamihan ay nanghingi lang ng resume in case na biglang magkaroon ng bakante sa kanila.


Huling pasa na sana ni Marco sa isang building bago magtanghalian ng sinabing tamang tama daw ang kanyang dating dahil nangangailan daw ng encoder sa isang company sa gusaling iyon. Tuwang tuwa naman si Marco sa narinig. Agad agad siyang umakyat, nagpasa ng resume. Nagexam noong umaga and interview rin noong hapon na iyon.


Nagtawag ng isang employee ang interviewer na siyang mageevaluate ng application ni Marco.  Bumukas ang pinto at lumabas ang kanyang evaluator.

Nagulat si Marco ng mapagsino ang taong hahawak ng kanyang kapalaran. Parang pamilyar ang mukha. Siya nga! Ang estrangherong natapunan niya ng katakot takot na dumi kagabi!




“Lagot na ako.”, ang tanging nasabi ni Marco sa sarili.

METAMORPHOSIS I

DING! DING! DING! DING!

"Ang ingay naman! Ano ba?!", aburidong sabi ni Marco ng makita ang konduktor na me hawak na maliit na bell at kinakalansing ng kutsarang hawak nito.


"Anong ano ba?! Ginigising ka lang namin ng kasama kong driver kase ikaw na lang ang nagiisang pasahero dito sa bus. Nasa Maynila na tayo.", inis din na paliwanag ng konduktor.


"Alam mo bang kanina pa tayo tumigil at nakapananghalian na nga kami ng kasama ko ng malaman namin na me tao pa pala dito sa bus!", nanlalaki pa ang mga mata ni Manong driver.


"Shit. Anak ng. Ganon po ba? Nako, pasensya na po. Hindi ko sinasadyang makatulog ng mahimbing. Sige po bababa na po ako.", Nahihiyang sabi ni Marco.

Pagbaba ni Marco ng bus, naglakad siya buhat buhat ang maletang naglalaman ng mga gamit niya na tanging nadala niya sa pagmamadali sa paglayas sa kanilang probinsya. Kaunting lakad pa at namangha siya sa kanyang mga nakita. Nagtataasang mga buildings, mga restaurants na ngayon niya lang nakita at hindi pa mabigkas ang pangalan ng mga ito at mga taong nakabihis pormal.


“WOW! Nasa Maynila na nga ako. Akala ko sa panaginip ko lang ito mararating.”, nasa isip ni Marco.


Siya si Marco, 19. Gwapo. Maputi. Matangkad. Matalino. Naglayas sa bahay nila sa probinsya para takasan ang isang madilim na nakaraan. Nagpunta ng Maynila ng walang tiyak ng patutunguhan.

“Naku, san na kaya ako pupunta nito. Ay oo nga pala, kelangan ko ng makahanap ng matutuluyan . Maaga pa akong gigising bukas para maghanap ng trabaho. Kakaunti lang ang naipon ko galing sa dati kong trabaho sa factory. Siguradong kakapusin na ako sa mga susunod na linggo kung hindi pa ako mkakahanap ng trabaho.”, sa loob loob ni Marco.


Naglakad lakad si Marco papunta sa mga residential area na sa tingin niya ay makukuhanan niya ng marerentahang kwarto. Nakailang inquire din siya ng swerteng nakakuha na rin siya ng kwartong mapagtyatyagaan naman at kasya naman sa budget niya. Pagkaayos niya ng mga gamit niya sa gilid ng kama (dahil wala pa siyang malalagyan ng mga ito), nahiga siya at nakatulog dahil na rin sa pagod sa byahe at paghahanap ng matutuluyan. Nagising din siya makalipas ang ilang oras.


“Tsk! Alas otso na pala. Hindi pa ako nakakakain”, lumabas siya ng bahay para makahanap ng makakainan ng hapunan.


“Anu ba yan? Parang ang sososyal naman ng mga pagkain dito. Kelangan kong makahanap ng karinderya na pwede kong bilhan ng pagkain sa araw araw para naman hindi ako masydong gumastos.”, bulong ni Marco sa sarili.


Malayo layo na rin ang kanyang nalakad at ilang kalye din ang nadaanan niya ng makita ang kanyang hinahanap. Isang may kalakihang tapsilogan na nagbebenta din ng iba’t ibang ulam. Madaming tao sa loob kaya hindi na niya tinuloy ang planong doon pa kumain. Bitbit niya ang ulam at softdrinks sa kaliwang kamay at kanin naman sa kanan. Naglalakad na siya pabalik ng lumingon siya sa likod. Kinabahan siya bigla.

“Hala! Naliligaw na ata ako. Bakit ganon? Wala man lang tao? Kung mamalasin ka nga naman o!”, inis na sabi niya.


Nagmadali siyang lumakad para makakita ng mapagtatanungan. Lingon likod ang ginawa niya dahil sa pagkalito sa mga nakikita niyang bahay at gusali na hindi naman niya nakita kanina. Paliko na siya sa isang street habang nakatingin sa likod ng biglang BLAG!

Thursday, January 6, 2011

PEX

The other night, nagkita kami ng mga close friends ko nung college. Nakita ko na rin sa wakas ang kauna-unahan kong inaanak. Yes! Me inaanak na ako. Ang gwapo ha! Taliwas sa sinasabi ng marami na kamukha niya yung tatay niyang sira ulo. Badtrip ako sa tatay nun kase nung time na naghihirap yung friend ko sa pagbubuntis nito, wala siya at iniiwasan pa niya yugn kaibigan ko dahil na din sa udyok ng family niya. Tapos ngayon na lumabas na yung bata, pupunta punta siya dun sa bahay ng friend ko at magaaktong ama na parang walang nangyari. Bwiset! Hahaha.

Ako ang naging taya sa kuwentuhan namin. Andami nilang napulot na aral este tsismis sa mga pinagsasabi ko. Lahat ng mga tsismis simula ng hindi namin pagkikita ay sinabi ko sa kanila. Sa sobrang kadaldalan ko, pati yung nalaman kong something tungkol dun sa isa naming friend na minsang kinalikot ko yung cp niya, natsismis ko din. Hahaha.

Napapadalas ako ngayon sa PEx. Me mga sinubaybayan na kase akong mga istorya. Dati ko pa alam yung PEx pero ngayon lang ako nagbrowse sa mga topics. And talagang nahook ako dun sa iba na nagsabi pa ko sa mga author nung mga nabiting stories o yung mga kwentong walang end na tapusin na nila yung stories nila kahit na yung huling post nila ay nuong last mga October-November pa last year. Hahaha.

Speaking of stories, me naisip na kong magiging takbo ng kwento ko pero hindi ko pa nasisimulang isulat. Simulan ko na mamaya (sana nga masimulan ko at hindi ako malibang sa pagbabasa ng mga stories sa PEx.) yung pagsulat para mapost ko agad as soon as finished na yung isang chapter.

Ingat, Godbless us all. ;-)

Tuesday, January 4, 2011

REGULARIZED

I just received an e-mail a while ago contaning the details about my regularization. I'm so happy! Hindi na ako ngayon kakabahan na baka sa mga susunod na buwan eh wala na akong trabaho at mararanasan ko uli yung mga pinagdaanan ko dati habang nagaapply. Worse is that, kung mangyayari man un, wala na kong kasamang magaapply dahil me work na lahat ng mga friends ko. Thanks to Father God dahil hindi pa yun mangyayari for the next one and a half years.

Me kakaibang nangyayari sa akin ngayon. Remember my high school crush dun sa last kong post? Ewan ko ba pero lagi ko pa ding naiisip yung mga nangyari nung inuman. Sana lang it will not lead to something na ayaw ko at siyempre, ayaw din niya.

Anyway, birthday ng high school super close friend kong si Shiena. HAPPY BIRTHDAY SHIENA!!! I miss you so much! Love yah! Super tagal na naming hindi nagkikita. Mahigit 3 years na ata kaya nuong holiday season, nagkatext kaming magkakaibigan nung high school including my long lost friend na hindi ko nakausap for the past five years and napagkasunduan naming magkita kita. Push na to! Miss na miss ko na sila. As in! Sana lang walang maging hadlang o kung meron man, sana matuloy pa din siya this month. I'm really looking forward to that.

That's all. Wala pa namang gaanong balita sa akin nowadays. Siyanga pala. Wala pa akong maisip tungkol dun sa sinasabi kong kwento na gagawin ko. Hay. As soon as makagawa na ako ng plot sa isip ko, itutuloy tuloy ko na yun. Promise! For now, bye na muna. Ingat, Godbless. =)

Monday, January 3, 2011

The New Beginning

(Naiinis ako. Hindi ito yung original na post ko. Hindi nasave yung unang gawa ko. Ang haba pa naman nun. Hay.)


LET'SWELCOME 2011 WITH A BANG!!! Actually, I've done it! Hindi nga lang sa mismong January 1 kundi ngayong araw. Grabe anong petsa na ko pumasok ngayong araw because 2:30 am na ako nakauwe ng bahay kagabi. Nakakaloka. Let me tell you the story kung bakit at paano nangyari yan.

Binyag ng pamangkin ko kahapon. Sa chapel sa MOA ginanap yung binyag. As usual, me mga late na godparents kaya kinailangan ng mga proxy at isa ko sa mga napili na sumama sa loob. Naging super exciting sa akin ng experience na yun kase first time kong hahawak ng kandila, magdadasal at makikilahok sa ganung ceremony. After that, diretso agad kami sa reception which is sa seaside.

Nakakainis ng bonggang bongga ung service nung restaurant na kinainan namin kase wala man lang kaeffort effort. Anung petsa na, hindi pa ready yung ibang food. Tapos nakakainis pa yung setting nila. Halatang hindi pinaghandaan. Parang nasa isip nila, matapos lang at mabayaran sila ok na. Kaya hindi naman sa panglalait pero hindi talaga maganda yung service nila. Hindi ko na lang sasabihin yung name nung restaurant for their own good. Sana lang marealize nila yun at pagandahin na nila yung serbisyo nila. Haha.

After eating bumalik ako ng MOA to attend our high school class reunion. Biglaan yung lakad na yun kaya sumunod lang ako. Nung araw lang na yun nafinalize yung plano. Kumakain sila sa Pizza Hut pagdating ko. Siyanga pala, nagulat ako nang yung high school crush ko yung sumundo sa akin sa labas. Haha. Well, to tell you frankly, hindi ko na siya crush (ang kapal ng mukha eh no! Lol). Nagulat lang ako na siya pa yung pumunta sa labas para sunduin ako. 

Hindi na ako kumain because I'm very full na that time kase nga kakakain ko lang dun sa reception ng binyag. So todo catch ups kami sa isa't isa. Todo kwentuhan 'bout sa work and studies. Me mga hindi pa kase graduate samin kase mga 5 years yung course nila. Todo picture picture din gamit yung SLR nung classmate ko. Nagulat nga ako ng me ganun agad siya for the fact that we're only working for several months pa lang. 

So tinanong ko siya and sinabi niya sa akin na incentive lang yun galing sa company nila. Naisip ko tuloy, ambongga naman ng company nila namimigay na lang ng mga ganung gadgets. Actually, bongga naman talaga ng company nila kase isa yun sa mga top call centers sa Philippines. Naamazed lang ako na hindi biro ung worth ng mga pinamimigay nila sa incentives. Bongga talaga!

After eating, akala ko uwian na agad. Kasama pala sa plano yung inuman. Kinabahan lang lang ako ng kaunti kase hindi talaga ako umiinom. Promise. Pero nandun na eh. Wala na kong magagawa. Go with the flow na lang. Magpass na lang pag hindi na kaya. So punta kami sa Harbour Square. Inuman na. Beer and tequila. Mainit sa lalamunan yung tequila. Pero mas feel ko sa compared dun sa beer kase ambaho nung beer. Dun pa lang, ayaw ko ng ituloy yung paginom. Nakailang rounds din nung tequila. Nagpapicture ako sa cp ko with hs crush. Nagulat ako dahil inakbayan niya ko. Yung pagkagulat na iyon ay hindi dahil sa pagkakilig kundi dahil minsan lang mangyari sa akin yung mga ganung bagay. Naisip ko tuloy na baka lasing na siya. Sayang lang at hindi kita sa kuha yung pagkakaakbay niya sa akin. Echos. 

Nagspin the bottle kame. Diretsahan ang mga tanong. As expected ang tanong sa 'kin is kung anung masasabi ko dun sa hs crush ko. Tumaba siya. Yun lang. Follow up question, crush ko pa daw ba siya. Hindi na, sabi ko. Hindi na naman talaga eh. Kung ano man yung kakaiba kong nararamdaman nung gabing yun, feeling of excitement lang yun dahil matagal ko na siyang hindi nakikita. That's all. Thank you. Echos.

Passed 1am na nang umuwi kame. Me isa sa amin na sa Cavite pa uuwi kaya  nagantay muna kame ng masasakyan niya. Isang oras kaming nagantay pero wala man lang ni isang bus ang dumaan kaya nag give in na siya na magovernight sa bahay ng isa naming kasama. So nakauwe kami ng matiwasay.

Masyado ng mahaba ang post na ito pero marami pang nangyari sa akin bago pa naman matapos ang taon. Naging maayos ang pagsalubong namin sa taong 2011. We attended a mass and as usual andami kong natutunan sa sermon ng aming beloved parish priest. Hinihiling ko lang na sana maisabuhay ko yung mga yun.

Nung huling araw nga pala ng pasok para sa taong 2010, nagkita kita kami ng mga college friends ko. Nagulat ako ng makita kong hindi ko naman kaclose yung iba pero I thought positive that time kaya naging masaya naman yung get together namin. And I'm sure mauulit pa yun.

Napansin kong dumadalas ang paglalakwatsa ko nowadays kaya yan ang isa sa mga babawasan ko na from now on. Hindi po ito resolution. Nagkaton lang na ngayon ko to narealize. Lol. Kelangan kong mag ipon and sisimulan ko na yan ngayon. Promise. Hindi na ako magvovolunteer na magschedule ng mga lakwatsa. Last na tong mga matagal ng nakaschedule. Last year pa ito at hindi ko ito pwedeng tanggalin sa schedule ko dahil mahalaga ito. After na nito tsaka ko titigilan ang paglalakwatsa. Promise!


Tama na! Mahaba na masyado! A PROSPEROUS NEW YEAR GUYS! Ingat always, Godbless us all. =)