Powered By Blogger

Wednesday, July 20, 2011

Lies


Bughaw ang karagatan. Maliwanag ang sikat ng araw. Nakakabulag kung ito'y iyong tititigan. Maganda ang panahon. Hindi mainit, hindi maalinsangan. Hindi malamig, hindi malakas ang ihip ng hangin. Tamang tama para sa isang taong katulad ko na naghihintay sa pagdating ng kanyang mahal. Lumipas na ang ilang minuto habang hinihintay kita sa paborito nating lugar. Inaliw ko na lamang ang aking sarili sa pamamagitan ng paglalakad sa dalampasigan habang inaabangan ang iyong pagdating. Makailang beses na din akong tumingin sa orasan ngunit wala ka pa din. Kung ano anong ispekulasyon ang pumolusyon sa aking kanina'y payapang utak pero hindi ko hinayaan ang mga iyon na sirain kung anu mang tiwala para sayo ang tinataglay ko ng mga panahong iyon. Nagsimula na akong mainip at mapagod sa paghihintay pero hindi ako sumuko dahil alam kong darating ka ngunit dala na din ng kapayapaan sa aking paligid, hindi ko namalayang ako'y nakatulog.


Dala ng iyong mukha ang isang matamis na ngiti. Kitang kita na masaya ka sa pagtatagpo natin. Iyan ang bumungad sa aking pagdilat. Makita ko lamang iyon ay masaya na ako. Hindi na ako sumubok pang magtanong kung anong dahilan ng pagkaantala ng iyong pagdating. Nawala na lahat ng pag-a-agam-agam sa aking kalooban ng mapagtanto kong totoo ngang ika'y dumating at tumupad sa ating usapan. Dali dali tayong umalpas sa lugar na iyon upang muling pagsaluhan ang ating pag-ibig. Masayang masaya ako matapos iyon. Hindi ko na masalo ang umaapaw na kaligayahan na nanggagaling sa kaibuturan ng aking puso. Hindi mailalarawan ng kahit na sinong sikat na pintor sa buong mundo ang aking kasiyahan. Hindi maikukumpara sa kung ano ang yaman sa mundo ang nararamdaman ko. Hindi maitatatwang ang pag-ibig ko para sa iyo ay maihahalintulad sa karagatang kanina lamang ay pinagmamasdan ko pa. Tila ba walang katapusan.


Mahal kita. Yan ang mga katagang madalas kong marinig mula sayo magmula ng araw na iyon. Nakakatawa mang sabihin pero halos mawalan ako ng ulirat sa mgamatatamis mong salita. Kung makakain ko lamang ang mga iyon, malamang malala na ang kaso ko ng diabetes. Kulang na lamang ay araw arawin mo ang mga surpresa mo sakin. Sabay na tuwa at inggit ang naramdaman ng mga taong nakasaksi kung paano mo pintahan ng kulay pula ang buong mundo ko. Sa gitna ng mga umaga at gabi na ginawa ng Maykapal, hindi ka nagkulang sa pagpaparamdam sa akin kung gaano ako kaespesyal.

Feel na feel ko ang kahabaan ng aking buhok ng mga panahong iyon. Halos libutin nito ang buong EDSA. Hirap na hirap na nga akong itago ito sa sambayanan dahil ipinagsisigawan mo pa ang damdamin mo para sa akin. Sa bawat surpresa mong ibinibigay sa akin ay saksi ang mga taong nananahimik lang sa isang tabi. Kaya naman panay alaska ang inabot ko galing sa kanila.Pero sino ba ako para hindi kiligin? Kung alam mo lang kung paanong muntik ng lumabas sa rib cage ang aking puso sa tuwing gagawa ka ng eksena para sa akin. Taray ko diba? Ang ganda ko masyado. Sino ba ang mag-aakalang ang isang tulad mo ay magbibigay ng atensyon sa isang tulad ko. Wala diba. Oh well...

Ikaw na talaga ang para sa akin. Mga salitang tumimo na sa isipan ko sa araw araw. Naging masayahin ako ng sobra sobra dahil sa pagpuno mo ng mga magagandang ala-ala sa aking isipan. Mga ala-alang ni sa hinagap ay hindi ko naisip na mararanasan ng isang tulad ko. Kaya sinubok ko ang aking sarili at ang nararamdaman ko para sayo. Sino ba naman ang tatanggi pa sa mga perpektong bagay na inihahain na sa harapan mo? Too good to be true ika nga. Kaya habang nandyan pa, sumabay lang sa agos. Sino ba naman ako para hindi tanggapin ang mga biyayang ipinapadala sa akin ng kalangitan. Good catch na siya, mahal ko pa. San ka pa?


Bilog ang mundo. Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Parang kailan lang at sinasamba ko ang mga bagay na ginawa mo para sa akin. Napakabilis ng mga pangyayari. Ngayon? Heto ako't lumuluha  dahil sa mga kasinungalingang ibinigay mo sa aking pagkatao. Isa isang nabunyag ang iyong mga lihim. Pinira-piraso sa aking harapan ang mga natatago mong hangarin kaya mo nagawa ang mga bagay na ni sa pelikula ay hindi naisakatuparan. Halos mabaliw ako sa pinagsama-samang lungkot, poot at panghihinayang na sabay sabay mong ipinalasap sa akin. Masakit. Sobrang sakit. Mabuti na lamang ay unti unti kong nabuo ulit ang aking pagkatao at natuto ng isang bagay na alam kong makakatulong sa muli kong pagbangon at pakikipagsapalaran.


Punong puno ng kasinungalingan ang mundo.


Hindi bughaw ang karagatan. Dala lamang ito ng repleksyon ng langit.


Hindi buo ang iyong ngiti sa piling ko. Magaling ka lang magtago sa likod ng iyong mga ngiti ngunit kita sa iyong mukha ang isang emosyong me dala dala palang masamang hangarin.


Hindi mo ako mahal. Ginawa mo lamang iyong maskara sa mga lihim mong atake para makuha ang loob ko at maisakatuparan ang maitim mong balak.


Hindi humaba ang buhok ko. Isa lamang iyon sa mga dinulot ng imahinasyon ko katulad din ng mga pangakong binitawan mo sa akin na ngayon ay nabubuhay na lamang sa aking mga pangarap.


Hindi ikaw ang para sa akin. Hindi ba obvious? Pero alam kong nariyan lamang ang "tamang siya" sa malapit at hinihintay na lamang ang tamang tiyempo.


At lalong hindi bilog ang mundo. Katulad din nito ang hugis ng buhay ng isang tao. Hindi perpekto. 

Puno ng kabalintunaan. 

Puno ng pandaraya. 

Puno ng panloloko. 

Puno ng kasinungalingan. 

At sa lahat ng nangyari, uulitin ko, iisa lamang ang natutunan ko. 

Puno ng kasinungalingan ang mundo. 

Lies are everywhere.


So beware.



Monday, July 18, 2011

Busy Much

Hindi ko masasabing napabayaan ko na itong aking blog. Palagi ko pa din naman itong binibisita. It's just that masyado talaga tambak ang aking workload nowadays kaya hindi ako nakakapagpost.

Hindi din ako makapaniwala sa ka-busy-han na aking nararanasan ngayon. Merong mga araw na hindi na talaga ako bumubitaw sa mga applications na ginagamit ko sa project. Grabe. Hindi na din ako nakakapag-surf. Nakakaloka.

Hindi ko alam kung kelan ako makakabalik sa aking regular na pagpo-post. Huhuhu. Well actually, dahil na din sa ka-busy-han ko, wala din namang nangyayaring kakaiba sa buhay ko nowadays kaya kahit me free time ako, hindi din ako makakapag-post kase wala naman akong maisusulat.

Me niluluto ako ngayong fiction short story pero hindi ko matapos tapos sa bahay kase hindi ko makuha yung tamang timpla nung istorya. Naiirita din ako kase nakukumpara ko siya sa mga dati kong gawa. Which is hindi pala dapat kase naapektuhan ng bonggang bongga yung ginagawa ko ngayon. Well, hintayin na lang natin ang outcome. Sana maging maganda pa din. Lol

Keep safe guys. Godbless. :-)

Friday, July 15, 2011

Tagaytay Escapade

Hindi ko akalain na magiging masaya pa din ang bakasyon namin sa Tagaytay last July 2-3. Eh pano naman kase hindi kumpleto ang barkada. Wala si Joyce and Yani. Dapat kasama si Joyce pero biglaang me gagawin sa work si Joyce on a Saturday. Kaloka. Si Yani naman, death anniversary ng father niya sa July 4. Eh since weekday yun, napagpasyahan nila ng family niya na July 3 na lang iyon gunitain. Kaya ayun at lima na lang kaming tumuloy. Eto eto kame. For the first time in the Philippine history, ipapakita ko yung faces ng mga gal friends ko. LOL.


Eto kame. Si Eunny, Sarah, Ivie, Your Royal Highness(chos!), tsaka si Midz . In no particular order yan(kayo manghula kung sino sino yang mga yan. CHOS!) Syempre, I stated our names respectively no! Hahaha. 

Hindi ko alam kung medyo late na ba kami nagkita kita or sakto lang. 10:30am na din kase kame nakumpleto sa D. Jose station ng LRT 1. Tapos, passed 1 na din kame umalis ng Buendia. Punyeta kase yung FX na sinakyan namin. Anung petsa na umalis. Lagpas isang oras din kaming naghintay sa loob ng FX no! Dapat nga bababa na kame kaso baka murahin kame ng ibang pasahero na matagal tagal na ding naghihintay dun kase nga naman 5 din yung mababakanteng pwesto and matatagalan pang lalo yung paghihintay nila kaya naisipan naming tiisin na lang.

Kawawa si Sarah and Midz dun sa FX kase me plastic na malaki dun sa unahan namin and throughout the travel eh nakadagan yun sa mga paa nila. Grabe no. Ramdam ko yung ngalay nila. Hahaha. Hindi na natuloy yung balak naming mamasyal muna bago magcheck-in dun sa bahay na tutuluyan namin kase dumating kame sa Tagaytay pasado 2pm na. Eh yun yung check-in time namin kaya doon na lang namin sa resort pinalipas ang maghapon. Btw, yung sinakyan naming tricycle, medyo nakakatawa kase hindi pala talaga niya alm kung saan yung pupuntahan namin. Buti na alng nakarating kame ng maayos. Nag-offer siya ng service for Sunday para sa pamamasyal namin. Sakto naman kase wala din kaming alam sa mga pupuntahan namin kaya tinanggap na namin yung offer niya. Hindi din naman kame lugi sa bayad.

Eto pala yung bahay na tinuluyan namin. Syempre hindi yung buong yan yung tinuluyan namin no. 5 lang kame diba. Dun lang kame sa baba. Dun sa left side.





Syempre, unang una naming ginawa yung pamamasyal sa loob ng resort. Super picturan talaga. Siguro kulang ang 1 TB(Terabyte) sa mga naging pictures namin. Echos lang. Nung namamasyal kame, biglaang umambon kaya naisipan naming bumalik na sa bahay at magpalit na ng pang-swimming. Habang papabalik, nakayuko ako sa hindi malamang kadahilanan. Hahaha. Siguro kase ganun yung mga naabutan ng ulan, yumuyuko. Gets? Tapos nung papasok na kame sa silong nung tinutuluyan namin, tinaas ko na yung ulo ko. Eh saktong me nakabukas palang binatan dun. Nauntog tuloy ako ng bonggang bongga. As in bongga talaga. Masakit siya. Nung papasok, niloko ko yung mga friends ko na dumudugo siya. Tinginan silang lahat. Tapos sabi ko joke lang. Maya maya ako naman biniro nila, nagdudugo daw. Sabi ko, "Tse". Sabi nila totoo daw. Nagpanic tuloy ako. Pagtingin ko sa mirror mirror on the wall, shetness, nagdudugo na pala talaga siya. Buti na lang hindi malakas yung pag-agos. Nato-tolerate pa naman. Nato-tolerate? Parang gago  lang. Hahaha.

After kong malinis yung dugo, diretso swimming kame. Hindi naman umagos sa swimming pool yung dugo. Sabi ko sa inyo nato-tolerate pa siya eh. Bwahaha. Kaso medyo malamig nung time na yon tapos malamig din yung tubig sa pool. Pero kinaya naman namin. Halos 2 oras din kameng tumagal sa tubig. After that, nag-shower na kaming lahat tapos inasikaso na namin yung dinner namin. Nakakaloka lang kase para kaming nasa evacuation center dahil sa mga kinain naming "relief goods". Bwahaha. Dahil nga malayo na sa market yung tinutuluyan namin, doon na lang sa maliit na tindahan sa loob ng resort kame bumili. Mabuti na lang talaga at kumpleto sa mga kelangan namin yung sari-sari store na yun at nakabili kame ng maayos. Ang dinner namin? Lucky me tsaka meat and tocino loaf. Hahaha. Keri naman. Masarap pa din. Enjoy pa din ang dinner.
 

Inuman naman after. The Bar green apple ang ininom namin. Keri naman kaso parang nakadami kame. Hindi pa naman ako sanay uminom. Promise. Kaya naman mahilo hilo na ako after naming uminom. and diretso tulog na kaming lahat. Me nakakatawang nangyari lang. Eh kasi diba, kapag uminom ka, madalas kang mawiwiwi after? Tapos eto na. Tapos na kaming uminom diba. Pagpka-cr nung isa kong kasama, she didn't noticed na nakaloked pala yung door sa loob. SInara pa niya ng bonggang bongga. Nalaman na lang namin nung me magwiwiwi na ulit. Shetness talaga. Pumunta pa tuloy kame sa super layong cr para magwiwi. Hindi ko kase kayang tiisin. Ganun pala yun. 


Swimming uli kame kinabukasan. Kainis. Kahit mainit na, super lamig pa din ng tubig. Brrrr. Lol. Kaya naman sandali lang kame nagswimming. Then prepare na para sa pag-alis sa resort. So far, so good naman yung naging pag-stay namin doon. Keri naman siya. Kumpleto naman sa amenities. Sabi ko nga sa kanila, sa susunod na pupunta ulit kame ng Tagaytay, doon na lang ulit kame mag-stay. Sang-ayon naman silang lahat. Pero feeling din namin, matatagalan kame bago ulit makabalik sa Tagaytay kase syempre, sa iba naman kame pupunta sa susunod. Lol.


Eto kame habang nagswi-swimming. Wala si Eunny. Siya ata yung nagpicture.

Ayan, kumpleto na kame. Nag-timer na lang kame dun sa cam.
Required talaga na nakataas yung kilay ko. LOL

(Grabe super tagal ko ng sinusulat 'tong post na 'to kaso hindi ko matapos tapos kase mabigat ang workload ko ngayon. Madalas hindi na nga ako nakakapag-surf sa net eh. Nakakagulat no. Hindi nga din ako makapaniwala na madami na akogn ginagawa nowadays eh. Lol. Sisingit ko lang siya ngayon para ma-publish ko na. Iiklian ko na lang. Hahaha)

Kelangan naming umalis ng villa by 2pm kase yun yung nasa rules kaya nag-ayos na kame ng mga bandang 12:30. Kinontak na ni Ivie si kuyang tricycle driver  na si Dave na maghahatid samin sa mga pasyalan. Diretso kaming Picnic Grove. Nakakaloka pala yung zip line dun. Akala ko kakayanin ko kaso nakakatakot talaga yung height niya kaya hindi na ko tumuloy. Hahaha.

Si Ivie kumuha nito kaya wala siya.

 Wala din si Ivie dito. Lol
Taray! Pictorial talaga considering na super daming tao niya huh!

Si Eunny naman wala. Hahaha
Hita ko ba yan? Shet...


People's Park naman yung next naming pinuntahan. Here are the pics.


Ayun kame oh!
Is it just me or nilulumot na talaga yung Welcome signboard?


Hindi pa naman kame mukhang haggard nito diba?

After that, pumunta naman kame ng Grotto of Lady of Manaoag. Hindi na kame kumuha ng pic doon for the religious place's sake. Kain naman kame after sa Dencio's. Nakakaloka lang yung mga kasabay naming kumain. Nakakbwisit yung isa. Maganda nga, rotten tomato naman ang ugali. Kung makapagdemand sa mga waitresses akala mo siya nagpapasahod dun. She's a shit. Ewan ko sa kanya. Che! Btw, eto na ang pics. 


Kumusta naman ang mga gutom? Heller! 3:00 na kaya niyan. Hindi pa kame nagla-lunch!

Umuwi na kame after naming kumain. Oh siya, I have so many things to do pa. Siningit ko lang to sa aking busy sched. Chos! Keep safe guys. Godbless. :-)

Tuesday, July 5, 2011

Transformers 3

Nanood kame ng Transformers 3 sa Glorietta last Thursday. Hindi kame nakapag-3d kase hindi kame nakapagpareserve sa sureseats. Hindi ko alam kung bakit hindi pwedeng magpa-reserve gamit yung account ng friend ko. Hindi naman ako makagawa ng account kase kelangan globe and smart subscribers lang. Discrimination no! Porque ba mura lang ang load sa sun tapos pang-Ayala malls lang ang sureseats, ganun na lang yun??? It's so unfair! Chos! Hahaha.

Ok! Jump to the movie na tayo. Naloka na agad ako sa first scene! Nakakaloka talaga yung wetpaks ni  Carly aka Rosie Huntington-Whiteley. Parang monay lang. Chos! As usual, hindi na ako magdedetalye ng story ng Transformers 3. Magbibigay na lang ako ng aking mga points, opinions and violent reactions (POV). Chos! 

Isa lang masasabi ko sa effects ng Transformers 3. So EPIC!!! As in! Panalo talaga. Flawless yung mga eksena na hindi mo aakalaing magaganap sa tunay na buhay. Hindi ako nabored sa buong movie kahit maraming kwentuhan kase nga bumawi naman sa effects. Nakakaloka yung lips ni Rosie kung makapag-pout. Parang wala ng bukas. Daig pa yung nguso ni Angelina Jolie. Pero enjoy naman siya. Kaso iba pa din talaga yung karisma ni Megan Fox. When it comes to the lead character, syempre, winner pa din ang innocent/hunk/hottie/boy-next-door look ni Sam aka Shia Labouf. Natutuwa ako sa team up nila ni Rosie but if it's Megan, I think it would have been better. But I do not have bad blood ke Rosie, it's just that, aminin na natin, iba pa din si Fox. I know majority of you will agree.

As usual eh nakakapanindig balahibo pa din ang character at boses ni Megatron (voiced by Hugo Weaving) na ngayon eh kinakalawang at halos lasog lasog na ang katawan. Actually, kalahati na nga lang yung mukha niya eh pero winner pa din siya sa kasamaan bilang leader ng Decepticons. Si Optimus Prime (voiced by Peter Cullen) naman eh bida pa din bilang narrator ng story. Chos! Ganun pa din naman ang papel ni  OP bilang tagapagtanggol ng mga tao.

Nagkaroon ng bagong character sa movie. Si Sentinel Prime (voiced by Leonard Nimoy) bilang dating leader pala ng Autobots na tumakas sa Cybertron upang iligtas yung mga churvaness na parang crystals. Nakalimutan ko na yung tawag nila dun. Hahaha. Napasigaw naman ako nung aktong papatayin na ng isa sa mga Decepticons si Bumblebee. Halos umingay talaga sa loob ng sinehan sa eksenang yun. Eh kase naman no! Siya yung bestfriend ni Sam sa mga Autobots kaya naman ganun na lang kami ka-affected. Hahaha. 

Ang ayaw ko lang sa movie eh yung storyline. Nakakaloka lang na parang nalayo sa tunay na kwento yung takbo nung palabas. Parang mababanggit mo talaga yung mga katagang "Bakit me ganun?" tsaka "Ay, ano yun?". Eh kase naman dinamay pa yung buwan makagawa lang ng story. Chos! Sa totoo lang, hindi ko din sure kung yun talaga yung story ng totoong Transformers na pinalabas dati pero kung totoo man, parang hindi siya masyadong connected sa mga nangyari dati. Lol. Well, that's just my two cents. Pero overall, super nagandahan pa din ako sa movie.

I'm giving this movie a rating of 9.5 out of 10.