Powered By Blogger
Showing posts with label School. Show all posts
Showing posts with label School. Show all posts

Wednesday, October 12, 2011

A Blast from the Past II

Halos umikot doon sa nirerentahan naming bahay yung kwento ng pagmamahalan namin ni Pakner. Echos! Ako lang ang nagmahal. Hahaha. First sem pa din ito btw. Madaming nangyaring kakatwa saming dalawa ng mga panahong iyon. I'll elaborate one by one later. Sa ngayon, kwento ko muna kung paano ko sinabi sa kanya na I'm having a "something" for him. Yeah, grabe, sinabi ko sa kanya na me gusto ako sa kanya. Nagulat ako sa sarili ko na nagawa ko pala yun. Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala. Hahaha. Ganito kase yun. Defense namin nun sa isang subject namin which is Data Communications. Hindi ko akalain na magiging maayos at mabilis lang yung defense namin na yun kaya naman sobrang saya naming buong grupo nun. As in. Kase nga nakapasa kame agad. Tapos ayun, sa sobrang kasiyahan ko, sinabi ko sa kanya na me sasabihin ako sa kanya later that night. Halos gabi gabi kase kaming nag-uusap sa ym dahil sa thesis. Sabi niya, bakit hindi ko na lang sabihin dun mismo. Naisip ko, wala pa kong lakas ng loob na sabihin sa kanya ng face to face kaya pinagpilitan kong mamayang gabi na lang. Nagulat na lang ako bigla sa sinabi niya. "Me gusto ka sakin no!". Napa-omg ako sa isipan ko kase paano niya naman nasabi. Ganun ba ko ka-obvious or ganun lang talaga kataas yung confidence niya sa sarili niya. Hahaha. Bumawi ako at sinabing "Wala no! Kapal mo! Hahaha". Pero maya maya lang eh naisip ko na kung umamin lang ako, hindi na ako mahihirapan pang umamin mamayang gabi. Kaya agad ko siyang tinawag at sinabing "Oo, yun na nga yun. Galit ka?". Hindi ko alam kung bakit kelangan ko pang itanong yun. Kabadong kabado tuloy ako sa isasagot niya sa akin. Pero hindi na din ako nagulat sa naging tugon niya. "Ok lang. Normal lang naman yun". Natuwa ako sa naging sagot niya sa akin. Pero hindi na ako nag-expect pa ng kung ano. Basta natuwa na lang ako. Ayun. Dun na nagsimula yung mga nakakakilig para sa akin na mga pangyayari between us. Iisa isahin ko na. Magbabanggit ako ng mga bagay na magiging parang title sa bawat nakakakilig/ nakakalungkot/ kadramahang nangyari saming dalawa ng mga panahong iyon. game!

Kumot - This is a side story of this post. Nasa apartment kame noon sa Dapitan. Kameng lahat na anim na magkakagrupo. Maaga kaming nagising dahil me defense kami that day. Wala pang 6:00 am eh tapos na akong maligo at nakakaramdam na ako ng panghihina dahil sa pagod at puyat sa mga nagdaang araw. Sobrang lakas ng ulan simula pa ng nagdaang gabi hanggang sa mga oras na iyon. Nilalamig na ako ng sobra kaya nagtalukbong ako ng kumot. Sabay pa kaming nagkaroon ng masamang pakiramdam ng kagrupo kong babae. Tapos ng maligo si Pakner at nakikita ko mula sa loob ng kumot ang mga kilos niya. Pinuntahan niya si ka-group na girl at chineck ang kalagayan nito. Natuwa ako sa thoughtful niyang gesture na iyon. Sunod niya akong nilapitan. Tinanong niya ang kalagayan ko. Ansaya saya ko ng mga panahong iyon kase ang sweet sweet niya pero sinampal ako ng katotohanang sa lahat ng tao'y ganun siya. Napagtanto ko na walang dapat kakiligan sa mga oras na iyon. Dahil sa panghihina at negatibong pag-iisip, hindi ko napigilang mapaluha. Oo, umiyak ako habang nakaupo sa silya at nakatalukbong ng kumot. Mabuti na lang at hindi ganun ka-obvious kahit na sumusinghot ako dahil inakala nila siguro na me sipon ako. Matagal akong nasa ganun kalagayan dahil hindi pa din namin alam kung paano kame papasok dahil sa lakas pa din ng ulan at sa taas ng baha sa labas kaya matagal tagal din akong nakakubli sa kumot. Fetus style pa naman ang posisyon ko nun. Para akong kaawa awang batang pinagkaitan ng lollipop kaya nag-iiiyak sa isang sulok sa loob ng isang kumot. Ang kumot na naging piping saksi sa kadramahan ko ng mga panahong iyon. Arti! Hahaha.

Hallway - Sa araw ding iyon,  nakapasok kame ng unibersidad at naghihintay ng pagsalang namin sa defense (nalate kame at nabigyan lang ng chance). Nakaupo kame sa corridor at nagbabasa ng mga documents namin bilang paghahanda sa defense. Katabi ko siya at nagtatanong tanong sa akin ng mga bagay bagay na nakalagay sa documents namin. Ninanamnam ko ang mga sandaling iyon ng dumaan sa hallway ang grupo nila Covin. Nakakatawa na wala man alng akong reaksyon ng mga oras na iyon. Ito yung mga panahon na akala ko eh napalitan na ni Pakner si Covin sa aking puso kaya deadma na lang ako. Naalala ko pa nga na tinext ko pa noon si Covin na sa wakas hindi ko na siya guguluhin ulit kase me iba na kong mahal pero nagkamali pala ako. Hahaha. Ok, back to regular programming. Nagulat ako ng biglang sinabi ni Pakner na "Marvin, yung crush mo dadaan!". Natawa ako ng sobra sobra sa loob loob ko kase naalala pa pala niya si Covin even though several times ko pa lang iyon natuturo sa kanya. Lalo akong natawa dahil sa sagot ko sa tinuran niya na hindi ko na naisatinig pa. Ang sabi ko sa isip ko, "Ano ngayon, Eh katabi na kita no!". Bwahahaha. Siguro bubulanghit si Pakner ng tawa kung sinabi ko ang mga iyon.

Fetsih - bokal ako sa pagsasabing isa sa mga kinababaliwan ko sa isang lalaki eh yung pisngi nila. Para sakin, yung mga merong malalamang pisngi eh yun yung mga cute kaya karamihan ng mga naging crush ko eh malalaman ang pisngi. Well, imho. Isa sa mga pinapangarap kong laging gawin sa taong mahal ko eh kurutin yung pisngi niya lagi. Next to yakapin siya. Since close close naman kame nun ni Pakner, hiniling ko sa kanya yun. Na kung pwede, pipisilin ko yung pisngi niya kahit once a day lang. Hahaha. Kinilig ako ng pumayag siya pero hindi naman iyon natupad. Nung minessage ko siya sa ym ng "asan na?" pertaining sa pagkurot ko sa pisngi niya, mistulang gumuho ang aking mundo (exagged) sa naging tugon niya. Sabi niya parang nakakahiya daw kung me ibang taong makakakita. naintindihan ko naman yung punto niya kaya hinayaan ko na lang. Wala naman akong magagawa. Nakakalungkot lang talaga yung moment na yun.

Jeepney Ride - Busy kame noon sa pag-aasikaso ng aming thesis. Nagkita kame para bumili ng mga materials para sa magiging visuals namin sa defense. Keri naman. Next naming hinanap eh yung susuotin naming coat sa defense. Ang arte no! Kelangan naka-coat and tie talaga sa defense. Oo as in. Magastos talaga yung defense na yun. Hindi lang sa pera kundi sa pagod at puyat. Haha. Papauwe na kame nang mangyari yung isa sa mga pinakanakakakilig na pangyayari between the two of us para sakin. Papasakay na kame sa loob ng jeep nang sabihin niya na sa unahan kame umupo. And take note, ako pa yung pinauna niya. What a gentleman! CHOS!!! Hahaha. Kinilig talaga ako ng bonggang bongga dahil dun. Ayun lang. Lol.

Overnight with Bru - isang gabi bago ang first defense namin sa thesis eh pinakiusapan ni Pakner na sumama yung isa sa mga bestfriends niya. Oo, madami siyang bestfriend. Super dami nga ata. Hahaha. Ayun, naging super close kame ni Bok (tawagan nila ng bestfriend niyang iyon). Tsinika tsika ko kase ng bonggang bongga si bru (tawagan naman namin ngayon) at hindi naman siya nagpatalo kase madaldal din si bru. Ayun. Naiinggit lang ako sa kanya nung time na yun kase super asikaso si Pakner sa kanya. Pero hindi ako nagselos. Walang dapat pagselosan. Nag-inaso lang ako ng konti. Konti lang talaga. Promise. Hahaha. Ayun. Sobrang bait ni bru. Kahit nung nasa school na kame, tinutulungan niya pa din kame. Hanggang ngayon, super close pa din kame ni bru. Isa siya sa mga naging bunga ng pagmamahalan namin ni Pakner. Echos! I mean, isa siya sa mga naging positibong  nangyari sa buhay ko ng maging partner ko si Pakner.

Home Visit -   Galing kame ng overnight noon sa bahay nila Pakner at napagpasyahan naming pumunta sa bahay namin para makatipid ng oras. Me commitment kame noon sa aming adviser sa thesis at hindi kame pwedeng malate dahil yung adviser namin eh yung pinaka-terror sa lahat ng professors namin. Natulog siya sa sofa nung maliligo na ako. Pagkatapos kong maligo eh masarap pa rin yung tulog niya. Kung wala lang yung nanay ko nung time na yun eh pagmamasdan ko siya ng bonggang bongga habang siya'y nahihimbing Matapos kong magbihis ay sapilitan ko siyang ginising upang mag-breakfast. Masayang masaya ako nung moment na yun. Kasabay ko siyang nag-agahan sa mismong bahay namin. Ayiiieeee. Chos! Ayun lang. Eto na yung last at isa sa mga pinakamagandang nangyari saming dalawa para sa akin.

Ilang buwan makalipas ang mga pangyayaring iyan, unti unti ng nawala yung romantikong nararamdaman ko para ke Pakner. Hindi ko alam kung paano at bakit. Basta ang sigurado ako, isa sa mga dahilan eh yung pagiging insensitive niya ng bonggang bongga. Biruin mo naman, paulit ulit niyang tinuturo sakin yung crush niyang girl kahit na alam niyang me feelings ako sa kanya. Bumalik na naman ako sa dating ako na mailap dahil dun. Mas malala that time. Hindi ko na nagawang sabihin sa kanya ang dahilan ng biglaang pagbabago ng ugali ko towards him. Naging casual na lang ang aming pag-uusap at nawala na ang closeness namin. At unti unti na kaming naging malayo sa isa't isa. Nag-uusap na lang pag me kelangan o kapag tungkol sa thesis. Nagkaron pa kame ng confrontation dahil sa mga ginagawa kong pag-iwas pero hindi ko na nagawang sumagot sa mga tanong niya. Iyan ang malaking pagkakamali ko. Ni minsan eh hindi ko nasabi sa kanya kung ano ang dahilan ng biglaang paglayo ng loob ko sa kanya. Umabot sa graduation yung pagkakagalit namin hanggang sa kami'y nagkatrabaho na. Nagkabati lang kami ulit noong January 30 2011. Birthday niya nun. Tinext ko siya ng isang pagbati. At ayun, naging ok na kame. :-)

____________________


Ayan! Tapos na ko sa pagshe-share ng isang bahagi ng lovelife ko. Magda-dalawang taon na simula nang maganap ang mga pangyayaring nakasaad sa itaas. Siguro nagtataka kayo kung bakit bigla kong naisipan na magsulat tungkol sa kanya. Actually, dati ko pa gustong isulat 'tong istoryang ito tungkol sa kanya. Kaso nung mga panahong iyon, hindi pa pwede kase bulgar pa tong blog na to. Tapos konti pa lang yung nakakaalam ng sikreto kong malupit (echos lang. madami ng nakakaalam. Ayaw ko lang na madagdagan pa) tungkol ke Pakner. Kaya ito, nasulat ko na kase lumamig na yung blog ko sa mga kakilala ko. Meaning, nabura ko na sa kanilang mga isipan na meron akong ganitong blog na nag-e-exist.

Eto na yung dahilan kung bakit ko to nasulat. Kase nakita ko si Pakner. KALBO! Yes, nagpakalbo si Pakner. Bwahaha. Nakakaloka lang. Two weeks ago nung makita ko siyang hubad na yung ulo niya. Nagulat ako sa aking nasaksihan. Chos! Hahaha. Nakwento niya sakin na nagpakalbo na siya dati. Pero nung elementary days pa yun. Kaya nagulat pa din ako sa ginawa niyang marahas na aksyon. Lol. Hindi ko gusto yung naging itsura niya. Actually, sa lahat ng nakakita na at nakakwentuhan ko na, lahat sila nagsasabi na hindi talaga bagay sa kanya. Tapos kahapon, naka-chat ko si Pakner after a loooong time (dahil hindi kame nakapag-usap ng mahaba nung huli naming pagkikita) at aminado din siyang madaming nagsasabing hindi bagay sa kanya ang pagiging kalbo. Ayun lang talaga yung dahilan. I just wanna share. Hahaha. Ambabaw no! Bwahahahaha. Lol.

Keep safe guys. Godbless. :-)




Tuesday, October 11, 2011

A Blast from the Past

Alam niyo ba, nain-love ako dati sa thesis partner ko. Sabi nila, don't mix business with pleasures kaya ayun hindi ko na lang pinansin yung nararamdaman ko sa kanya. Madalas lang akong malungkot ng mga oras na iyon dahil naghalo halo na yung mga pressures sa school works, yung mga prblema sa bahay tapos sinamahan pa nung kakatwang nararamdaman ko para sa kanya. Nakakatawa lang isipin na ni sa hinagap eh hindi ko talaga in-imagine na sa dinami dami ng cuties sa school, sa kanya pa ako nahulog. At ang pinakamasaklap pa, inakala ko pa noon na makakaget-over na ako sa taong minahal ko ng sobra sobra, si Covin.

Meeting naming noon para sa OJT nang banggitin ng aming future coordinator sa thesis na kailangan na naming mamili ng aming magiging partner sa thesis para makapag-start na kame ng pagse-search para sa magiging topic namin. Anyway, just quick background, ang thesis namin eh tungkol sa enhancement ng isang algorithm na gagamitin for a specific na application. Nagsimulang umingay ang klase. Right there and then, sabi niya sakin, kame na lang daw ang maging magpartner. Btw, wala pa akong nararamdaman para sa kanya ng mga panahong iyon. Natuwa ako sa gesture niyang yun kase bihira lang yung nagkakayayaan yung mga hindi naman masyadong magkaka-close na maging mag-partner. Pero dahil medyo nagkakagulo pa sa partnering yung klase,sabi ko na lang sa kanya, "Sige, tignan na lang natin. Sabihan na lang kita kapag tayo na talaga yung magka-partner". Syempre medyo malakas yung loob ko nun kase alam ko na kahit papaano, kahit mangyari yung worst case scenario na wala akong makapartner, kakayaning kong mag-isa. Chos! Makapagyabang lang. Hahaha.

Nagulat na lang ako sa bilis ng mga pangyayari na parang medyo I felt betrayed kase ganito yun. Odd number yung bilang ng circle of friends ko. Eh kelangan, partners lang talaga as long as pwede. Tapos nalaman ko na lang na nagkaroon na ng mga secret partnering yung mga friends ko. Yung isa, keri lang kase default na talaga na yung mag-bf yung magpartner kaya ayun, even number na yung bilang naming magkakaibigan. Kaso yung isa, kinuha niya yung super friend niya sa kabilang block kaya ayun, odd number na lang kame ulit. Lima actually. Yung dalawa, since sila yung maka-close samin kase tahimik sila pareho, sila na yung nagpartner. Yung dalawa pang natira maliban sakin yung medyo nagtampo ako ng konti kase nga nagulat ako na me prior na pala silang usapan na sila na yung mag-partner without even notifying me kahit alam nila na ako na lang talaga yung matitirang walang partner. Ang worse pa, hindi ko pa sila naging kagroup sa ibang subjects kase six persons lang per group tapos six na sila tapos grabe nag-away pa kame nung isa kong friend kase me usapan na kame na kame yung magiging magkaka-group tapos nalaman ko na ibang list pala yung pinasa nila sa prof namin. Kasama ako sa list na yun pero hindi kasama yung partner ko (magkapartner na kame nang mga panahong ito). Eh mahirap yung hindi mo kasama yung partner mo sa isang group kase patayan nga talaga. Halos sa lahat ng oras, kasama mo yung group mo lang kaya kapag hindi kayo magkasama ng partner mo sa thesis sa group mo sa ibang subjects, malaki ang posibilidad na mapabayaan niyo yung thesis niyo. Pero echos na lang sakin yung mga pangyayaring iyon. God really moves in mysterious ways. Hindi ko kase alam kung anung mangyayari samin kung hindi nangyari ang mga nasa itaas.

Naku, lumayo na ako sa storyline namin ni Pakner (tawag niya sakin kaya ganito na din tawag ko sa kanya dati). Ayun na nga, naging magpartner na kame kase no choice na ko. Chos! Hindi naman sa pagchuchurva pero kase kung me ibang choice talaga ako na mas ka-close ko, mas pipiliin ko yun. Eh kaso wala nga. Kaya wala na kong nagawa. Hahaha. Tapos eto na. Natapos na kame sa OJT pero nung mga time na yun, matagal tagal na din kaming  naghahanap ng magiging topic namin sa thesis. Ganito kase yun. Sa Thesis I, kailangan mo lang magkaron ng topic. Tapos sa Thesis II naman, ii-implement niyo na yung topic niyo. Para sakin, mas mahirap yung Thesis I kase sobrang hirap i-please yung mga panelists para ma-approve yung topic niyo. Mahilig pa naman ako sa mga me computation kase Math geek talaga ako kaso lahat ng mga ipasa kong topic na me kinalaman sa numbers eh rejected lahat. Wala talaga akong naipasang topic sa coordinator namin kaya binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Hindi ko pala kayang magsolo. Wahahaha. Tapos in fairness, dalawa dun sa mga topic na pinasa ni Pakner eh ok sa coordinator namin. Dun na nagsimulang um-ok yung pakiramdam ko sa kanya. No, hindi pa yung love; yung gaan pa lang ng loob. Eh kase nga hindi naman kame ganun talaga ka-close diba! Then ayun na. Dumating na yung time na super duper mega over busy na namin. Halos kame kame na lang na magkakagroup yung magkakasama. Tapos hindi ko na din masyadong nakakabond yung mga close friends ko talaga.


Alam niyo ba, grabe ako magkaron ng mood swings. Daig ko pa ang babae sa pagbabago ng mood ko. Tapos super duper pa yung inferiority complex ko that time kase mahirap lang talaga ako. Bwahahaha. Ang drama. Lol. Kaya ayun nga, medyo naging aloof ako sa mga kagroup ko. Hindi naman super aloof pero hindi ko talaga maibigay yung buong sarili ko sa kanila. Yung tipong all-out talaga. Kase lima ang lalaki sa group kasama na ako, yung close friend ko lang ang babae. Eh kaso kasama niya lagi yung bf niya kaya wala talaga akong kachokaran buong taon na yun. Hahaha. Sa sobrang kabusyhan namin that time, lagi kaming nasa Cavite sa bahay nung isa naming ka-group para sa walang katapusang mga overnights. Grabe talaga yun. Naisip na lang namin na medyo inconvenient kung dun na lang kame lage kaya guess what, nagrent pa kame ng room na malapit sa school. Hindi kase kame pwede dun sa mga bahay ng mga ka-group ko. Ayun, dun na nagsimula yung pagkahumaling ko ke Pakner. Hahaha.

Part II coming soon.

P.S. Sa hinaba haba nito, hindi pa nagsisimula ang dramang pinagdaanan ko habang nahuhumaling ke Pakner hanggang sa stage na namuhi ako sa kanya. Abangan. Parang teleserye lang. Bwahahaha.

____________________

Last Friday night, yeah we danced some tabletops and we took too many shots, think we kissed but I forgot. Chos! Nung Friday, nakita ko na naman si Mr. Earthquake. Nagpaconsult kase yung mga classmate niya sakin na kagroup niya. Hindi ko alam kung bakit kasama siya tsaka yung isa pa nilang blockmate. Siguro namiss niya ko. Anong magagawa ko? CHOS! Nagulat lang ako na nandun siya. Nung una kase, yung tatlong proponents lang yung mineet ko tapos kinuha ko lang yung docu nila then tumuloy kame sa dinner ng kasama ko. Sabi ko sa kanila, check ko na lang over dinner yung documents nila then magkita kame ulit after para sa verdict ko. Tapos nung nagkita-kita na ulit kame, nandun na siya. Ayun. Hindi na ako masyadong kinikilig. Konti na lang. Malaking factor talaga sa pagkabawas ng pagtingin ko sa isang guy yung paggalang ko sa pagkakaroon niya ng karelasyon. Tapos dinagdagan pa ng kasungitan niya. Hindi iya kase ako nireplyan kahit isang beses sa text! Bwiset! Hahaha.

Grabe, anlandi ko! Alam niyo ba, parang medyo me crush na din ako sa partner ni Mr. Earthquake sa thesis. Inaway ko yun dati kase medyo me pagkademanding siya. Tapos nagsimula akong humanga sa kanya dahil sa mga notes niya sa Facebook. Magaling siya. Me art ang pagsulat niya. Nakakatuwa lang. Ang hindi ko lang feel eh yung pagkahumaling niya sa isang Korean girl. Hindi naman sa nag-iinarte ako. Nakakalungkot lang isipin na madami namang babae sa paligid niya na abot kamay niya lang. Ang tadhana nga naman mapagbiro, nakakatakot. Madalas madaming hindi makakaintindi. Ayun lang. Maka-segue lang ng pagda-drama. Hahaha. Sana makita ko ulit sila. Malay natin... single naman si Mr. Demanding. ECHOS!!! Yeah, yan na ang tawag ko sa kanya simula ngayon. XD

Yun lang. Keep safe guys. Godbless. :-)

 

Monday, October 3, 2011

Stranded

Wednesday; I was about to leave the office when one of my buddies invited me to watch a movie (25-peso worth in SM Manila). It was a go for me so I waited for them to finish their work. The movie was already starting when I realized that I've already watched that movie before so I volunteered myself to fetch our friend at the entrance of the mall 'cause he's not allowed to enter the mall due to the time. I believe we all enjoyed the movie. XD 

I had my first night shift ever here in work last Thursday. Dinner was the first thing in my mind so I invited my friends to eat. We landed at Yellow Cab in Ayala Avenue. That ate nearly two hours of our time. I'm expecting a set of proponents that time for the never ending consultation for their thesis but I was advised by their thesis coordinator to not entertain them so instead, I just browsed their CFG (Context Free Grammar). I came back here in the office with the clock fast approaching midnight and I was like, "Geez, I'm here to work; not to eat or have a consultation session".

I finished my work very quickly. We went home by 6:30am. I hit the sack as soon as I enter our house. Woke up at 12:30pm and prepared again for office. Office hours were "free time" that day so I just watched movies. Yeah, it's really in plural form. Haha. Gone home again and went to bed early due to early commitment the next day. Chos!

On Saturday, I went again to our school and handled a defense on two set of proponents. No best news for the five of them (one was composed of two members and the other was three). Conditional passed is the verdict for both. I've waited for my friend to have a companion on our way home but it seemed that I'll wait for another two hours for him to be free (they're having make-up classes.) so I thought of messaging one of my high school friends who was still studying in PLM. I left my friend and we (me and my high school friends) agreed to meet in SM Manila and had our way to Panulukan Dos in Tayuman to have a nomo session. Haha. I came home tipsy (Echos! I just had a half bottle of beer) around 11:30pm.

I decided to add all the proponents I've handled in Facebook and I'm happy the he (the one I'm having a crush on. Let's call him Mr. Earthquake. Blame his surname. LOL.) confirmed my invitation. Sigh. I had again my emo hours last Saturday night and all throughout Sunday. Again and again and again. Sigh. Kthxbye!

Keep safe guys. Godbless. :-)




Monday, September 19, 2011

Mixed Emotions

Last Thursday, we were advised that we'll  go to Alabang the next day to visit the company who acquired Headstrong (my current employer), Genpact. The resource management team told us that the visit will just circle around the presentation of  some of the people there regarding company background, etc. etc. so we were shocked when the "presentation" became a job offer. There's this project that will start asap and they're needing many people (from Headstrong and new hires) to manage the project. 

Then it's already Friday. I became nervous because of some notions came into my mind. The project is good. We will pioneer the said project and that, for me, is a very tempting offer. The office environment is also good. It's like you're working in a first class subdivision. Haha. The amenities/perks are way better than other companies (well, including Headstrong itself  Ssshhh. Lol). Imagine, discounts from many fine dining restaurants here in Metro Manila. That's a very big wow huh. And lastly, the people are the best. Yeah, they're so friendly (well, most of the people there that we've met) and very professional.

But there came the drawbacks of the project. First is the location. That is my first time in Alabang as far as I can remember and I really think that it's so far from home and I don't have plans of renting a house within the vicinity of Genpact. Second is the shift. Working hours is anytime (just accumulate the needed 8 hours) between 6pm to 9am the next day. Again, if ever I'll be deployed to it, that will be my first time to have that kind of  shift. And lastly, their rules and regulations. No cellphones, no internet, no pen and paper. You just have to bring yourself. That's it. And for that, I salute Headstrong. Hahaha. I really love Headstrong for having such employee friendly rules. Lol.

As of now, we weren't still advised about what is the outcome of the negotiations. Yes, we were having some demands like transportation service from Headstrong's office to Genpact Alabang, different allowances, and of course, salary increase. Lol. If ever ALL of them will be granted, then I'll be the one to come to Genpact Alabang, grab the contract then sign it immediately. Wahaha.

____________________

I came out of the office earlier than the usual. I'll be meeting that time the proponents of the defense I attended two weeks ago. It's not a secret from you, readers, that I have a crush on one of the proponents. I don't know if I overused my powers against them when I disapproved one of their "problems" in the thesis that we, me and my partner, previously approved just to prolong their stay. Hahaha.  

I came at the meeting place just minutes later than their arrival. To my dismay, he brought his girlfriend along with them. I am not warned nor informed about that so I'm shocked. Hahaha. But contrary to your sightings about what might happen because of  "her" presence, I gave my biggest and sincerest smile to her. I'm not the kind who will be pissed off just because of that. I'm a professional that time and not just some kind of silly lover. LOL. The consultation run from 7:30pm to 10:30 pm. It's so embarrassing that I didn't buy anything in the fast-food chain we're lying in. Adding insult to injury, I bought dinner from another store. I am so bad. So so bad. Imagine, we stayed there for three long hours and they'd just ordered light snacks. We're so bad. So so bad. Hahaha.

____________________

Saturday came. Yeah, another thesis defense day. I'm shocked when I saw my previous boss from OJT days, Sir Joey, that was also invited to sit in the defense. And to add spice to that, we we're partnered. It's his first time handle a thesis defense so I'm not that intimidated to him considering that he's already having more than thrice the experience as I have. Lol.

We sat for two set of proponents. The first one finished(well not totally finished because they have to have a consultation to me and Sir Joey before they will be totally passed)  smoothly. The second one gave us a headache. Gosh! They can't even simulate the algorithm. We need to stop that nonsense defense and gave them time to further study the algorithm and have a consultation with their adviser before they face us again. Are we that bad? No we're not. They themselves are self-confessed careless and lazy. The fishes were caught with their own mouths. Lol.

All in all, I sat for four set of proponents. Imagine the headache I had after the defense. My brain was drained, literally. 

___________________

I rode my way home all alone. My emo-ish personality came again and the rest was history. :-(

Keep safe guys. Godbless. :-)

Thursday, September 15, 2011

It Should be Shamcey!

 Fox: “Would you change your religious beliefs to marry the person you love? Why or why not?“

Supsup: ” If I had to change my religious beliefs, I will not marry the person that I love. Because the first person that I love is GOD who created me. And I have my faith and my principles. And these what makes me who I am. And if that person loves me, he should love my God too, Thank you.




I don't have anything against Ms. Angola but I think Ms. Shamcey Supsup of the Philippines should've been the one to bag the crown. I'm a Filipino but I can assure you that I'm not biased in saying this. I know it's already late to have this kind of argument but just let me say my opinions about the latest prestigious pageant.

Ok, let's admit it. Ms. Angola really did make the crowd go wild with her wit and color but that's not the only factor there. Q and A, I think, would have the basis of the results. I can't blame Ms. Lea Salonga for having that cliche` question (she explained that she's not the one who constructed that question) but comparing Shamcey and Leila's answers, minus the fact that all of the five contenders except for Shamcey has their own interpreter, Shamcey had the most beautiful answer in all of them. I, thank you. Chos!

That's all. Btw, I'm not bitter with Ms. Angola's win 'coz I also like her. A lot. But Shamcey's really way better. I would have been happier if Shamcey is placed as a runner up nearest to the crown and not just third. But don't worry, I love them both. Haha. xoxo.

___________________

P.S. I having "big" dilemma. One of the papers needed for me to get my diploma is missing and that's a big shit I'm having now. ~_~
Keep safe guys. Godbless. :-)

Tuesday, June 21, 2011

Super 8

Friday Night (June 17, 2011)

Foundation Day ng aking pinakamamahal na alma mater; ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. That time, wala na sa plano namin ang pagpunta sa nasabing event ng skul pero biglaang change of minds, pumunta na kame. Napakabilis ng mga pangyayari. Hahaha. Eh kase naman wala pa ata kameng 2 hours sa school, umuwi na din kame. Super parang tanga kase right after matapos ng swimwear competition ng mga candidates for Ginoo at Binibining Pamantasan, nagsiuwian na karamihan ng mga students! Nakakaloka. Sadyang makamundo ang mga kabataan ngayon. CHOS!

Me nagawa akong kasalanan that night. Yung isa ko kaseng ka-close na prof, siya yung kasama namin all throughout the event. Tapos nung pauwi na kame, nakalimutan kong tawagan siya na pauwi na kame tapos nung nasa jeep na kame, tinext niya ko. Dun ko naalala na hindi ko pala siya nasabihan na uuwi na kame. Nagreply ako ng sorry sa kanya per hindi na siya nagreply. Shetness. Sorry talaga Sir! Lol.

Bakit ko nga ba nakalimutan na itext si sir? Ang sagot: eh kase naman bigla kong naalala yung nomo session ng portri (batchmates ko nung highschool. Kaya portri kase section 3 kame nung fourth year high school. Got it? Ayun!) sa Panulukan, Tayuman. Na-excite ako bigla kaya fly fly agad ako. Bwahaha.

Madami na sila pagdating ko. Nakakatuwa kase sa tabi ng ex-crush ko (na hindi naman gwapo pero super mabenta sa gays and gals. Siguro kase super duper bait niya. As in.) ako napaupo. Tama, hindi ko sinadyang dun umupo no! Promise. Hahaha. Pero hindi ko na siya crush ngayon. Promise! Me nangyaring kakaiba. Yung isa ko kaseng classmate na girl na so so lang yung closeness namin, nagkwento ng bonggang bongga tungkol sa lovelife niya. Ako, naman, natuwa kase parang nagbigay siya sakin ng trust sa move niyang yun kaya todo kinig ako sa kanya. Todo advice din kung sakaling nagtatanong siya ng opinyon ko. Super tagal din naming nagkwentuhan. As in. Halos buong stay ko dun eh ka-kwentuhan ko siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa tipsy na siya kaya siya nag-open sa akin o pinagkakatiwalaan niya talaga ako. 

Mahirap ang sitwasyon ni friend. Me gusto siya na gusto din siya (actually, mag-ex na sila dahil sa napakababaw na dahilan, imo) kaso me ibang mas priority si guy; ang studies. Kaya naghiwalay muna sila. Si girl yung nakipaghiwalay kase ramdam na ramdam daw niya yung kawalan niya ng halaga kay guy. Tapos itong si guy, sinasabi niya ke girl na mahal niya to pero hindi naman nararamdaman ni girl. Hindi kase showy si guy. Then another person came in. Meron daw ngayong "nanliligaw" ke girl. Eh ang kaso, wala talagang nararamdaman si girl ke guy2. Hanggang super friendship lang talaga ang maibibigay niya rito. Pero consistent pa din si guy2 sa panunuyo ke girl. Tinanong ako ni girl kung masama ba siya sa ginagawa niya na hindi pagbibigay ke guy2 ng chance. Ang sabi ko naman, hindi. Super hindi talaga. Dahil ang masama ay  kung bibigyan niya ito ng chance pero ke guy1 pa din nakatali yung puso niya kase magiging super unfair niya nun ke guy2 tsaka clear naman daw ke guy2 na nagiging mabait lang siya dito for friendship sake and not for the reason na binibigyan niya ito ng pag-asa. Tama naman diba??? 

Natigil sandali ang pagkukuwentuhan namin dahil naki-mingle muna kame sa iba kase parang tinutukso kame na me ibang world na kame kase nga super serious ng pinaguusapan naming dalawa. Maya maya pa eh nagkukuwentuhan na naman kame ni friend na girl. Napapansin ko na paulit-ulit din yung sinasabi niya pero sinasagot ko pa din. Hahaha. Tipsy na kase siya. Nakailang bote na din kase samantalang ako, 1/3 na bote pa lang yung nalaklak ko. Dinaan ko kase sa kwento eh. Bwahaha. Ang mga sumunod na sinabi ni friend na girl ang ikinagulat ko. Hindi ko akalain. A big revelation! Kaloka. Si mabentang ex-crushie pala si guy2. 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni girl. Ang nasabi ko na lang, "Ganda mo te!". Wahahaha. Eh kase naman no, andaming nagkaka-crush dun tapos sa kanya nagkagusto. Hahaha. Ang ironic no! Kung sino yung gusto niya, hindi pa sila pwede, tapos yung me gusto sa kanya, hindi naman niya gusto. Hay buhay.

Another highlight ng gabing yun eh yung pagkakatupad ng isa sa aking mga dream. Ang aking super duper ultimate dream na napakababaw naman. Hahaha. Super babaw talaga. Ayaw ko na tuloy i-share. Nahiya na ko. Chos! Ang dream na iyon is yung yakapin ng isang guy. OO NA! Napakababaw na! Hahaha. Anyway, kwento ko na kung paano nangyari yun. Btw, ke ex-crush galing yung dream hug. I just stated earlier na mahilig mang-akbay si ex-crush pag nagpipicture. So hindi ko alam kung saan nanggaling yung tapang ko that night at tinanong ko sa kanya kung kaya niyang yakapin ako habang nagpapapicture kame. Shetness. Wala man lang inhibitions niya akong niyakap. Grabe. Hindi kilig ang naramdaman ko that time kundi super tuwa kase me straight guy pa palang ganun sa mundo. Hahaha. Ini-status ko pa sa fb na natupad na yung pangarap ko. Thank you talaga friend. Hahaha.

____________________

Naka-message ko sa facebook yung super friend kong lalaki nung bata pa ako. 10 years na kaming hindi nagkikita. Sabi niya, pupunta daw siya sa bahay namin kase me pupuntahan siya sa malapit samin. Hindi ko gusto yung idea na yun kase hindi ako prepared. Bwahaha. Biglaan naman kase. Tsaka lalake siya (kung lalake nga. LOL). Hindi ako comfortable talaga kaya gumawa ako ng paraan para hindi kame magkita. Hahaha. At ayun nga, pumunta ako't nagpaabot ng madaling araw sa inuman namin ng high school friends ko para hindi ko na siya maabutan sa bahay. Ansama ko no! Hahaha. Hindi pa kase ako ready. Maybe in time. :-)
____________________

Saturday (June 18, 2011)

Nagkita kita naman kame ng mga college friends ko para pumunta ng Trinoma to watch Super 8. Ang konti namin. Grabe. Nakakalungkot. Apat lang kame. Kaya namin naisipan na gumimik kase baka biglaan na lang umalis na yung isa naming friend papuntang US and ang alam ko, for good na siya dun and bibisi-bisita na lang siya dito sa Philippines. Ayun. Nakakalungkot lang kase dapat madami kame eh. Nagkataon lang na me pasok yung iba tapos yung iba me gagawin that time. Hay.

Ayun. Super disappointed ako sa ending ng movie. Nakakabwisit talaga. Alam mo yung feeling na me hawak kang pagkalaki-laking gift tapos tuwang tuwa ka nung binuksan mo tapos ang laman lang pala is pagkaliit liit na walang kwentang bagay? Ganun. Natutuwa na ako eh. Nae-excite na din ako. Tapos biglang ganun na alng yung ending??? Kaloka! Hahaha. Second time ko na tong na-disappoint ng bonggang bongga sa movie na me kinalaman si Steven Spielberg. Una na yung War of the Worlds kung saan siya pa yung director. Executive producer naman siya dito sa Super 8. Laging walang kwenta talaga yung mga ending nitong dalawang movies na ito. What happened Steven??? LOL. (Paulit ulit??? Hahaha. Na-post ko na din kase yan sa FB tsaka sa twitter. Bwahaha).

I'm giving this movie a rating of 5 out of 10.  Bwahahaha.

Mabuti na lang bumawi ang happenings kase me 50% off kame sa Gelatissimo. 110 pa naman yung isang scoop dun ng ice cream kaya bumili na kame. Hahaha. Nag-enjoy naman ako sa ice cream na kinain ko kaya nabawasan na yung inis ko sa movie. Wahaha. 
____________________

 Sunday and Monday  (June 19-20, 2011)

Father's Day last Sunday. Pero hindi ko na binati yung tatay ko. Hindi naman kase kami ok. Naisip ko na mas masama lang ang gagawin ko kung makikipagplastikan ako sa kanya. Papalabasin na ok kame kahit hindi. Hay.

Birthday ni Jose Rizal. Birthday din nung crush ko nung high school. Hindi ko na siya crush ngayon. Nagtataka ako, kahit yung ibang classmates ko nung highschool, wala ding balita sa kanya. Bumagsak kase siya dati nung 2nd year pa lang kami. Magka-college din kame nun kaya nakikita ko pa siya pero after some time, nalaman ko na lang na lumipat na siya ng school. Nasan na kaya yun? I'm just wondering.

Wala akong ginawa buong maghapon kahapon. Puro tulog lang then nagsugal kame ng Pares-Pares. Bwahaha. Katuwaan lang naman. Nanalo ako. Yehey. Hahaha. I just wanna share. Lol.

____________________

Bye bye! Keep safe. Godbless. 

 

Friday, April 8, 2011

A Bad News

Nakatanggap ako ng isang nakakalungkot na balita kahapon. Sinabayan pa ito ng nakaka-stress na assignment/task ko dito sa project namin. Oo, hindi ka nagkakamali. Me ginagawa na ako sa project namin and take note, nai-stress ako. Himala ba?! Hahaha.

So ayun na nga.Nagtext yung isa kong friend na nag-exam dito sa company last week na i-follow-up ko yung result nung exam nila. Anung petsa na kase, hindi pa din sila ini-inform. So ako naman, in-email ko na yung isang member ng Recruitment Department ng company namin and hinihingi niya yung names ng mga friends ko. After kong mabigay eh todo kaba na ang nararamdaman ko. Hindi kase pangkaraniwan yung case nila. Kadalasan kase, ii-inform ka kaagad kung sakaling nakapasa ka.Hindi talaga ako mapakali habang hinihintay ko yung email. Nagdasal talaga ako ng bonggang bongga na sana eh good news ang bumungad sa akin once na dumating na yung email galing sa contact ko sa Recruitment. 

Then the bad news came. Nalungkot ako. Nafrustrate. Feeling ko wala akong nagawa para matulungan sila. Anung nangyari? Do the math. Ayaw kong sabihin yung mismong word. Ang arte?! Lol. Sinabi ko agad sa kanila ang resulta. Nung una nga, hindi ko pa sila makontak then after some tries, nasabi ko na ang dapat sabihin. Hindi ko alam kung hindi naman sila ganung affected sa nasabing hindi kagandahang balita pero masasabi kong madali silang naka-recover from it. Buti pa sila.

Ako, hanggang ngayon, nag-e-emo pa din sa nangyari. Masyado kase akong natuwa sa idea na magkakasama kaming magkakaibigan dito sa company.Sabay kakain ng lunch, mapapadalas ang gimik. And siyempre, yung nakakakilig na part na lagi kong makikita si crush kong 4th year. Hahaha. Hay.

Well, that's life. Kelangan ko ng tanggapin na hindi na mangyayari yon and I have to move on. I still believe in the cliche "Everything happens for a reason". Nakatatak na sa sistema ko yan kaya siguro kahit gaano kalungkot ang mga pangyayari, sigurado akong akong makaka-recover buhat dito. Hindi man mabilis, rest assured ako na makaka-recover ako.

Siguro nagtataka ka kung bakit ako parang over-reacting sa nasabing pangyayari. Siguro dahil nga sa inasam kong maging mas close sa mga friends ko at siyempre mas maging close ke crush. Hindi ko alam kung nabanggit ko na sa isa sa mga previous post ko ang isa sa mga pinakapinapangarap ko sa buhay. Yan ay ang magkaroon ng guy na best friend. I'll divulge the infos about that dream of mine some other time. Ayun nga. Kasama yun sa ikinalulungkot ko. Actually, malaking percent yun. Hay buhay.

____________________

Problem pa din ng friends ko ang darating na graduation. Hindi kase nila alam kung anung kalalabasan ng mga nangyayari sa school. Sana lang pagbigyan sila sa mga nais nilang mangyari. Sana makapag-march sila. Sana. Sana talaga. Hahaha.

Yun lang guys. Keep safe. Godbless. :-)

Friday, December 10, 2010

The New Me! II

Naubos na ang excitement ko sa pagkukwento ng mga happenings sa buhay ko nung nakaraang weekend. Busy busyhan kase ako ngayon. And as you can see, Friday na pero only few pa lamang ang nakukwento ko. Anyway, here's the continuation.

Napuno ng sigawan ang auditorium ng nagsilabasan na ang mga contestants with their swimwear. Nauna ang mga girls.  As usual, two piece with some "curtain". Lol. Nang lumabas na ang mga boys, GRABE!!!, as in GRABE ang tilian. Siyempre ba naman. Nakaboxer briefs lang ang mga male contestants noh! Tapos andami pang kalahi sa audience. Lol! Actually, first time kong makapanuod ng pageant na me swimwear competition ang mga boys. Dati kase, meron pero hindi kame nakakapanuod due to busyness sa projects kaya first time kong makakita ng mga churva! If you know what I mean. Lol. 

After the nagbabagang Swimwear part, it's time for the Question and Answer portion na. By partners ang paglapit sa stage but indivual ang tanong. Interesting ang mga sagot nila sa mga pang Mr. and Ms. Universe na mga tanong ng mga judges. But someone spoiled the q and a when he answered the question in Tagalog. I don't have anything against it. But the fact na English ang tanong, you should have prepared yourself to answer in English noh! Here come my favorites. OMG! He's so cute talaga! Hahaha. And she's so charming talaga. Hindi nawawala ung smile niya. They'd answered it very well although there were lots of buckling, still, the thought of the answer was still there. Bravo guys. Btw, there's a time na tinawag si girl favorite and natusok siya ng shit na banner dun sa stage. Pero she just ignored it. Tuloy tuloy ang loka with matching walang kamatayang smile. Love you girl. Hahaha!

Announcing of winners. Nakuha lahat ni girl favorite lahat ng minor awards. Walang nakuha si male favorite. Kainis. Lol. Pinili ang top 3. Of course, kasali si girl favorite. Hindi nasama si guy favorite. Kainis talaga! Buwisit! Nasama pa yung said male contestant na nag Tagalog. Kainis!!! Kung dami lang din naman ng supporters ang basehan, aba, panalo rin naman si male favorite ko noh! Hay nako, hanggang ngayon naiinis pa din ako! LOL.

Well, past is past. Move on na. Hindi ko alam kung anong naging effect sakin ng mga nangyaring iyon pero alam ko sa sarili ko na me pinagbago ako. Hindi ko talaga alam kung paano pero masasabi ko na iba na ako ngayon. I'll explain it sa aking next post. Btw, nagpapicture ako ke girl favorite. Hoy, wala po iyong ibig sabihin. Hindi kami talo. Wahahaha. Gusto ko ding magpapicture ke guy favorite pero hindi ko na siya makita. Huhuhu. Sayang. Hahaha. After that napakasayang event, uwian na.

Sunday, birthday celebration ng aking beloved pamangkin na si Daniela Ashlie "Ella". It's a big celebration. Just like the usual na pangmasa type. Maaga ako nagising para tumulong maghanda ng mga pagkain. I helped preparing the spaghetti ang the chicken. After that, pahinga na then ligo at pumunta na ako sa venue ng birthday party. Nadatnan kong masaya naman ang mga dumalo. Masasabi kong success naman ang nasabing birthday party. Love you Bebe Ella. =)

Pagkaalis ng mga dumalo ay tumuloy na ako sa SM Manila para magpagupit. I have to wait for less than an hour pa dahil nakapila pa ang mga customers (hindi ko maintindihan kung bakit kapos sila sa naggugupit gayong nakikita kong madami naman silang employees sa loob) kaya napagpasiyahan kong pumunta muna sa Department Store. Balak ko lang magwindow shopping pero me nakita akong pwedeng suotin para sa Christmas Party and bumili na din ako ng T-shirt na pamasko. Spongebob shirt ang susuotin ko para sa Christmas Party bukas since Beach naman ang theme. White polo shirt naman ang napili kong suotin sa Pasko. I love white nowadays. White ang bibilhing kong rubber shoes. White din ang gusto kong pants. Hahaha. So magmumukha akong White Lady sa Pasko. wow White Lady. As if! Hahaha

Pagkatapos kong bumili, diretso agad ako sa salon and saktong ako na pala ang next! So ginupitan na ako. Hindi siya yung laging naggugupit sakin kase ung laging naghehaircut sakin eh me iba pang ginugupitan. Naloka ako sa style niyang maggupit kse parang detailed na detailed. Antagal niya akong ginupitan and satisfied naman ako sa outcome. Nahiya naman ako sa effort niya kaya binigyan ko siya ng tip. P50 lang naman. Hindi pa ako ganun kayaman. Lol. Actually, first time kong magtip. Haha. And it feels good pala. So kasama na siya sa gastos everytime na magpapagupit ako.

Ayan, yan ang mga naging adventures ko last weekend. I enjoyed it alot. Really. As in. Panalo. Napakalaki ng nabago sa pagkatao ko. Iba na ako ngayon. I improved alot. This is the updated version of me. (Wow! Parang si KC Concepcion lang. Wahahaha). Meet the new me sa susunod kong post. Masyado ng mahaba ang post na ito para dugtungan ko pa ng kaemohan. Next time na lang uli. Bye!

PS Christmas Party na namin bukas. Gudlak sa aming presentation. Tsaka na rin sa presentation ng ibang group. Kahit hindi kami manalo, ok lang. Basta makasayaw at makakanta lang kami ng maayos. Ok na. Btw, 4 of the major prizes sa raffle are the following:  iPhone4, iPad 3G, xBox Slim and HP mini netbook. Grabe! Sana manalo ako kahit yung iPad lang. Please! hahahaha.

 Ingat. Godbless guys. :-)
     

Wednesday, December 8, 2010

The New Me!

(WARNING! This will be a long post.LOL)

As stated in my last post, I have several activities to join last weekend. Hindi ko napost agad ang mga nangyari sa akin dahil we have to attend a whole day seminar last Monday and yesterday. I didn't find time tuloy to share with you my happiness because of the happenings last weekend. But I can assure you na hindi pa spoiled yung happiness ko. Para bang masyado akong masaya para masira lang ng mga ordinary negative circumstances. Ngayon ko nga lang ako nakafeel ng ganito eh. I’m full of positivity nowadays. Haha!
 
So I’ll make kwento na sa mga wonderful events in my life for the past days. First of all was our practice last Saturday. It did get well although we’re not complete and meron pa kaming mga kulang na sayaw. So aun, sayaw sayaw. Usap usap tungkol sa aming magiging attire for the Christmas Party presentation.

But shit happens, hindi na daw kame matutuloy sa school kasama na aking friend na si Khaye due to some negative circumstances. Because of that, I did get very pissed off because I really think na mageenjoy kame sa school if matuloy kame. I then said it to Fame and she said why not join them na lang. Since ang main reason ko naman kung bakit pupunta ng school was to make my clearance completely signed, I decided to go na (Imagine, ilang buwan na kong graduate pero wala man lang akong ToR o kahet Diploma man lang). So natuloy akong sumama sa school to attend the ITech day. Wala akong idea na magiging napakasaya pala ng gabing iyon para sa akin.

Pagdating sa school, we don’t know where to go. So we decided to search for the possible places the event will be held. Hindi naming alam na sa Auditorium pala nagaganap ang occasion. We hesitated for a while kung papasok ba kami cause we don’t know what’s happening inside and kung me kakilala ba kame sa loob but after a few moments, we decided to enter the auditorium. Talentadong CS was already in its peak when we came.

Fast forward, dumating na ang iba naming friends,lumbas kami at kumain, then bumalik sa auditorium for the Mr. and Ms. CS Icon 2011. I already saw the candidates nang minsang me nagplurk ng kanilang pics. Nothing extraordinary for the girls but the last guy in the pic caught my attention. He’s so cute. Lol. Back to the regular programming, Nagstart na ang pageant. The candidates had a dance presentation. Nauna ang girls. I noticed na hinid pantay ang pagkakahati nila. Meaning, they’re six but only two were on the right side of the stage and the other four were on the other side. And naintriga ako dun sa girl na nasa pnakagilid ng mga girls sa left side ng stage. Para bang nawawala xa kase super gilid talaga siya. As in! Pero lalo akong naintrigued sa kanya when I noticed that she’s always smiling… throughout the dance number. Napaisip tuloy ako. Ganon ba kasayahin ang tao ito na kahit parang itsapwera siya eh todo ngiti pa din siya. Dahil dun, lagi ko na siyang inaabangan. Btw, parang tanga lang ung crush ko sa male contestants nung time na nilang sumayaw. Pero I really liked him after that kase tinatawanan niya lang ung pagkamukha niyang tanga sa stage. But afterall, he’s really cute.I don’t care with the dance number! LOL.

After that dance number, ang pinakahihintay ng lahat. Ang SWIMWEAR competition. Haha! Pero masyado ng mahaba ang post na ito. Next time na lang. Hahaha. Para me bitin effect. Ang mga tao talaga makarinig lang ng swimwear, naeexcite na. tsk3. Hahaha. Just wait for the next post. I think wala akong makukuhang pics. Sorry na lang guys.Lol.

Yngat, Godbless…=)

Wednesday, November 24, 2010

I'm Back! Am I?

And so i'm back after less than a year. OMG! It's so tagal na pala since my last post. Aaahhhh, actually, I don't have any plans of posting any thing yet kasi wala naman talaga akong maisip na ipost. Siguro I'm not born to be a writer talaga. Bitter?!?! LOL.

Well, there's so many many things happened to me after my last post. Here I am, already an alumnus of my minamahal na Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Hindi lahat ng kabatch ko ay pinalad na gumraduate on time because of the hardships we've gone through when we were at our dapat na last year. Naging super busy namin noong second half ng 2nd semester. As in super busy na lagi akong gising hnggng 5am to do major projects including thesis and me pasok kami ng 7am para umattend ng seminars. And after that, sa wakas, natapos ko din ang 14 consecutive years na pagaaral.





April 19 is the day. Our Graduation day. Super aga namin sa venue. Btw, sa PICC Clamshell ginanap ang graduation. Bilang pa lang sa daliri ang mga tao ng dumating kami. Hindi naging maganda,as far as I'm concerned, ang buong ceremony dahil halos lahat ng graduates ay mga tulog. Siyempre naman noh, ang aga aga kaya ng call time and alam naman natin na siyempre pagandahan ang mga girls ang papormahan naman ang mga boys. To cut the long story short, hindi naging memorable sakin ang graduation. There's nothing special during the ceremony. Anyway, let's go na sa aking current life, ang pagiging employed.




Bago pa matapos ang aking life as a student, nagaapply na kami ng 2 of my closest friends. Madalas kami sa Makati specifically Ayala. Andami naming inapplayan. But of course, most of them were IT company so we can apply naman our degree to whatever work we will have. Unfortunately, hindi kami sabay sabay na nagkawork. Si Sarah, sa isang sikat na IT company. Accenture is the name. To be frank, nainggit ako sa kanya. Not because of the name of her first employer but to the fact that she will not apply anymore. Even though her start date will be one month later after she had the call, of course, there was already an assurance if you know what I mean.




So after that, sabay pa din kaming nagaapply ni Joyce with our bagong kasama Ann, another close friend of mine. Swerteng halos sabay na nakacatch ng good company ang 2. Pero hindi din sila magkasama. So there I am, hinihintay ang tawag mula sa aking kaisa isang pag asa, ang Headstrong, which fortunately is my current employer. Yes, tama! tinanggap nila ako despite of everything. Chos!







As of now, isa na lamang sa aming magkakaibigan na gumraduate na ang wala pang trabaho. So far, lahat kami ay napunta sa mga reputable companies and earning well. That's all for now folks!




My stories here in our company will be my next post. Wahaha. Ingat and Godbless! :)

Friday, February 26, 2010

MOST EMBARASSING MOMENT PART II

Hay. After so many days, nakapagpost uli. ang oa kasi ng sked eh. overnight ngayon, maaga ang pasuk kinabukasan. Gawa ng thesis dito, Compiler naman ang next. Haykz... Nainspire akong mgsulat ngayonn dahil sa isa na namang pangyayaring nangyri sakin ngayong araw na alam kong hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. And ito ay tungkol na naman ke Covin.

Seminar kanina ng block 1 ng CS, and full force ang mga CS students sa pagattend dahil kelangan ata nilang mpuno ung auditorium. Nagulat ako ng malaman kong invited pala ang mga 4th year ECE studs. Kaya aun, naexcyt sa notion n pupunta sila Covin. At indi nga ako nagkamli ng hinala. Aun, at pglingon ko ay nakita ko siya. Then pumsok na kmi ng friends ko. After that, hinanap ko siya pero wala p rin, hindi ako mapakli kaya niyaya ko ung 1 kong friend n lumabas sandali ng audi para tignan kung pupunta ba talaga sila. Aun at nakasalubong ko siya sa pinto!!! Tumuloy pa rin kaming bumaba para hindi ganun kaobvious.

Pagbalik nmin, nagulat ako ng makita ko na ung nsa likod lang ng row namin ung inupuan nila. Sa sobrang gulat ko, sa ibang upuan muna ako umupo. Kinabahan ako bigla ng marinig kong tinatawag nila ung name ni Covin. Obviously, ako ung tinatawag nila. Kinabahan tlga ako ng sobra sobra. Ibig sabihin kase nun, alam  na nilang lahat na crush ko si Covin. And the mere fact na isang batalyon silang mga lalaki made me feel so small. Yung upuan xe na nilipatn ko is 1 row ahead lang dun s dapat na uupuan ko. Nagulat ako ng mkita ko silang lumilipat dun sa row sa likod ko kung san nandun ung mga friends ko. The shittiest thing is dun pa siya umupo s likod ko. Kundi b nmn sila mga walanghiya. Balak talaga nila akong gaguhin. Shitness tlga. Aun nga, ngkatotoo ung hinala ko. Tawag pa din sila ng tawag. And worst, tinatawag nila ako sa pinagsama naming name. Where the heck nila nakuha ung name na un? Indi ko nmn ginagamit un s iba; sa plurk ko lang pero wala naman akong friend sa plurk na friend ni Covin. Dedma na lang pero naiiyak na ko s sobrang hiya. Imagine that, niloloko k ng maraming tao including your crush sa harap ng mga friends mo. Duh!

Aun, thank God at ngsimula na yung seminar. Tumahimik na ng konti. Pero alam ko na patuloy pa din yung kagaguhan na nagaganap sa likuran ko. Kaya natulog na lang ako sa sobrang lungkot. Hay. Aun, in God's grace, naisipan ng mga friends ko na umlis na sa hell na lugar na un. Aun. Madami pang nangyari pero indi ko n ikukuwento. LOL.

Mula nung time na nrinig kong tawagin nila ako s pinagsama naming name, inisip ko na kung anu anung panunumbat ang sasabhin ko sa friend ni Covin na minsan kong nakakachat. Malamang kase eh xa ang me pakana ng lahat ng mga kagaguhan na ginawa nila skin. Kaya pagka ol na pagka ol ko, piniem ko agad xa. Aun at ngsori nmn xa. akala nia daw eh close na kami kaya ganun na lang siya makapanggagu. Hay. Ok na ko ngayon. Hindi na naiiyak tulad ng nararamdaman ko knina. Hay. Sana lang ay indi na maulit ang nakakahiya naman talagang bagay na un. Un lng poh. Nglabas lamang ng sama ng loob.

Yngatz guyz and Godbless...=)

Friday, January 22, 2010

WALA LANG

Waaahhh... Antagal kong walang post... At ang dahilan niyan ay ang sobrang pgkabusy ko sa studies. Overnyt ngayon, tapos bukas, tapus review dito, review doon. Hindi ko na alam ang gagawin. Sana lang worth naman itong mga pinagpapaguran namin pag gumraduate na kami (kung sakaling susuwerthin this April).

Aun, like i said earlier, super busy naming lahat dahil malapit na ang mga kinatatakutang defenses sa iba't ibang subjects, especially thesis. Haykz. Mabuti na lang at magaling dumiskarte ung partner ko sa thesis at medyo nakagawa na kmi ng konti sa thesis namin. indi katulad ng iba kong friends na usad pagong sa thesis nila dahil sa sobrang hirap nung sa kanila. Haykz.

Wala na kong maisip na maisulat. Dahil hindi naman interesting ang mga nangyari sakin these past few days. At dahil diyan isheshare ko na lang  xeniu ang 2 tulang ginawa ko nung high school out of the blue. Yung isa is about friendship and the other one is about love. Sana'y mgustuhn niu.
Salamat
Salamat sa iyo kaibigan
Sa kasayahang walang hangggan
Na ating pinagsamahan
Na hinding-hindi ko malilimutan

Salamat sa mga payo
Sa mga problema’t paglutas nito
Siguradong di makaliligtaaan kayo
Ng sumulat ng tulang ito

Salamat sa pagpapakopya sa akin
Dahil sa talino mong angkin
Joke Joke Joke ang nasa isipin
Nang ikalawang linya ang sulatin

Salamat sa ginawang pagtulong
Na kahit sa isang bulong
Nagiging isang ugong
At proteksiyon na parang bubong

Salamat sa inyong pag-away
Sa taong talagang pasaway
Dahil ito’y naging isang gabay
Sa pang araw-araw na buhay

Salamat sa pagbuhay
Sa mundo kong parang patay
At pagbibigay kulay
Sa walang buhay na bahay

Ganyan ba ang buhay talaga
Kailangang magkahiwa-hiwalay pa
Na parang walis-tingting na sira
Na wala nang silbi pa sa lupa

Maraming salamat, maraming salamat
Sa ligayang di masukat-sukat
Maraming salamat, maraming salamat
Tandaan, Diyos lamang ang marapat






Kasalanan ba?
Kasalanan bang magmahal
At maghintay ng matagal
Sa taong iyong minamahal
Na sanhi ng pagiging hangal

Kasalanan bang maging tanga
Sa taong iyong minumutya
At tunay na dinadakila
Sa puso ay idinadambana

Kasalanan bang maging bulag
Sa isang tao ay malaglag
Ang puso na isang ilag
Sa isang mundong lagalag

Kasalanan ba ang mangarap
Na ang minamahal ay kaharap
At lumilipad sa alapaap
At tanging dama ay isang yakap

Kasalanan ba ang mangako
Na itatabi ka dito sa aking puso
At mamahalin ng todo’t totoo
Na parang hangin sa mundo

Kasalanan ba ang lumayo
Kung talagang tayo ay malabo
Ang ating nakikitang patutungo
Sa hinaharap na pangako

Kahit masakit ay tatanggapin ko
Na imposible talaga tayo
Kahit na parang ipinapako
Ang aking nagdurugong puso

Kahi malayo, sana’y tandaan
Na kahit tayo ay hindi laan
Na alaala’y mamahalin at iingatan
Ako’y nangangako, magpakailanpaman

Un lng poh... Yngatz and Godbless...