I've already said on my previous posts ang tungkol sa pagkawala ng cp ko last last week and yung paghanap ko ng solusyon kung pano ako magkakaron uli ng ganung unit din. So I ended up cavassing sa mga second hand stores tsaka sa tipidcp.com para makipagmeet sa seller. Last week, pumunta kame ng friend ko sa Robinson's Place Ermita para makahanap and may nakita kame. Kaso medyo mahal pa xa considering na second hand siya, nakaw at yung mismong unit lang naman yung ibibigay sa akin. Kaya medyo nagdalawang isip ako dun.
Kahapon, nakausap ko yung isang seller sa tipidcp.com and napagkasunduan naming magkita that day. Ako naman, siyempre, first time kong makikipagtransact with that kind of business kaya naman naghanap ako ng makakasama ko. At ayun, nakayag ko ang isa kong friend na samahan ako.
Habang papunta sa meeting place namin, nanghihina talaga yung tuhod ko sa kaba. Hindi ko alam kung bakit. Lol. And habang nasa biyahe ako, tsaka lang talaga nagsink in sa akin yung panghihinayang para dun sa nawala kong cp. It's so 2000-late na diba. Two weeks ng nawala yung phone ko pero ngayon ko lang talaga naramdaman yung pagkawala niya. Haha.
So ayun na nga, nagkita na muna kame ng friend ko para magkasama na kame bago namin puntahan yung kameeting ko. Muntik pa kameng hindi magkita nung friend ko kase ang pagkakaintindi niya nung sinabe kong sa labas ng National Bookstore kame magkita eh sa labas ng NBS at mall talaga eh ang ibig kong sabihin dun eh sa labas ng NBS pero sa loob ng mall. Mabuti na lang eh nagtry akong lumabas ng mall at sumilip dun at dun ko nga nakita na she's waiting for me there. Nakakapagtaka lang kase sabi niya hindi naman daw siya lumabas ng NBS papunta sa loob ng mall eh kaya nga ko bumaba (yep, sa taas ako sumisilip para tignan kung nandun na nga siya. Kakahiya kayang maghintay dun sa labas ng NBS mismo. Duh! Hahaha) galing ng second floor eh nakita ko siyang papasok pa lang ng NBS galing sa loob ng mall. Magulo yung scenario pero magtataka din kayo pag naliwanagan kayo. Haha. Anyways, hindi naman yun yung highlight nung pangyayaring yun kaya let's leave it behind na. Past is past. Echos.
After naming magkita, tinext na namin si Kuya na ka-meet namin. Nagreply siya na nasa Food Court na daw siya at hinihintay na daw niya kame dun. So kame, punta agad kame para matapos na yung business namin. And yun na nga. Presto! Nagkakilala na kame and Michael yung name niya. Kinalkal kalkal ko na agad yun phone ad satisfied naman ako. Mukhang bago talaga siya and kumpleto pa yung mga accessories yun nga lang, oo me ISANG MALAKING YUN NGA LANG! Lol, nawawala yung resibo niya. So ako, siyempre, hindi ako papayag. Actually nalaman ko na yun papunta pa lang ako. Pero sabi niya sa akin, hindi naman daw kelangan ng resibo para sa warranty. Ako naman, hindi naniwala. Kaya ang ginawa ko, actually, pinayo niya sa akin, tumawag ako mismo sa Nokia para iconfirm kung totoo nga yung sinabi niya. And oo, tama naman yung sinabi niya. Pero ang isang disadvantage nun, mapapagawa ko lang yung unit hanggang sa time na na-manufactured ito + 1 year. Meaning kung August 2010 yung na-manufactured, hanggang August 2011 na lang yung warranty nung unit kase nga hindi alam kung kelan siya totoong binili which he claims na January 2011 lang daw. Ang sa akin naman, keri lang kase based on experiences, hindi naman siya ganun masisirain talaga kaya hinayaan ko ng ganun at binili ko na ung unit.
Oo, binili ko na ung unit. Nabawasan ng 100 ung price kase hindi ko na sinama yung memory card sa bibilhin ko tutal hindi ko din magagamit un kase kelngan kong bumili ng mas mataas na memory ng mmc compared dun sa inooffer niya. Ayun, as a conclusion, naging maayos naman ang buong transaction between us last night and I think magiging maayos naman ang paggamit ko sa cp. Yun nga lang, kelngan kong gawing similar ang bago kong cp sa nawala. Kundi yari ako sa bahay. Haha.
And that ends my adventure last night sa pakikipagmeet kay Kuya. Btw, kung mapapansin niyo sa last posts ko, hindi na lamang ako nagkukuwento ng mga nangyayari sa buhay ko kundi nagbibigay na rin ako ng mga opinyon sa mga bagay bagay na nangyayari sa aking paligid. Yes, simula ngayon, hindi na lang magfofocus sa author ang blog na ito. Nawa'y maging maayos ang pagbibigay ko ng mga kuro kuro sa iba't ibang isyu at makwento ko pa din ang mga nangyayari sa life ng inyong lingkod. Keep safe, Godbless.