Naging kontrobersyal sa buong bansa ang balitang pagbitay sa tatlong Filipino na nakasuhan ng drug trafficking sa China. Hindi man natin alam ang tunay na nangyari, hindi talaga maalis sa atin ang makialam sa takbo ng mga happenings. Talagang masasabing affected ang mga kababayan natin sa mga nangyayayari at mga mangyayari pa kaya't gagawa tayo at gagawa ng paraan. Tulad na lang ng pagpunta ni Vice President Jejomar Binay sa China upang makiusap na huwag ng ituloy pagbitay sa nasabing tatlong Pinoy.
Maituturing na matagumpay ang ginawang pagpunta ni Vice sa China dahil na-postponed ang itinakdang pagbitay. Hindi man ito tuluyang napigil, masasabing malaking tulong ang nangyari dahil:
1. Sa panahong hindi pa nabibitay ang tatlong Pinoy, maari pang umapila ang Philippine Government sa China na ipawalang-bisa ang parusa sa tatlo.
2. Kung sakali man na itutuloy pa din ang pagbitay, maari pang pumunta roon ang mga kamag-anak ng mga nasabing Pinoy at makasama pa nila ito bago ito bitayin. At least diba! Hindi katulad kung nabitay na ang mga ito. Hindi na nila kailanman makakasama ang mga ito.
Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis sa ginawa ng TV Patrol nuong nakaraang linggo kung saan tinanong ang taong-bayan via text votes kung anung opinyon nila ukol sa nasabing isyu. Tinanong sila kung sa tingin daw ba nila ay tama na bitayin ang nasabing mga Pinoy sa China. Anak ng limampu't limang tupa naman oh! Dapat bang itanong yun?!?! Hindi ba nila naisip na napakalaking impact nun sa isipan ng mga manunuod sa kanila? Parang ang pinapalabas kase nila dun eh me doubt sa kung dapat bang hindi bitayin ang nasabing mga Pinoy.
Naman! Parang kinalaban na nila doon ang mga kapwa nila Pinoy. Eto pa! Nakakaloka ang mga kababayan natin sapagkat halos magtitriple ng mga bumoto sa Hindi Dapat Bitayin ang mga bumoto sa Dapat Bitayin. Tignan mo nga naman o! Nakakaloka talaga na mismong mga kababayan natin eh mas gustong bitayin ang mga kapwa nila Pinoy.
Hindi ko din naman alam kung ano ba dapat ang mangyari sa kanila dahil:
1. Maaring inosente sila. Hindi natin alam kung totoo ang sinasabi ng kanilang mga kamag-anak na planted ang mga droga na natagpuan sa kanila. Wala tayong alam sa tunay na nangyari. Kung totoo man na hindi nila alam na me dala silang droga o kung sila mismo ang nagpuslit noong mga yun sa ibang bansa.
2. Mukhang hindi tama ang konsepto ng pakikipagusap ng pinuno ng isang bansa sa kapwa pinuno ng ibang bansa para lamang mapalaya ang mga kababayang "nakagawa" ng kasalanan sa ibang bayan dahil tulad ng nabanggit, hindi naman talaga natin alam ang buong katotohanan sa nangyari. Hindi natin alam kung guily or not guilty ba sila sa mga kasong sinampa laban sa kanila.
At higit sa lahat!
3. Parang hindi naman tama na bitay ang ipataw na parusa laban sa kanila. Matatanggap pa kung habambuhay na pagkakabilanggo ang kanilang naging kaparusahan. Oo, mabigat ang kanilang naging kasalanan pero hindi ito maihahanay sa pagpatay o pagnanakaw o pangangalunya. Pero ano bang magagawa natin? Iyon ang nakasaad sa kanilang konstitusyon at masasabing wala tayong karapatan para kwestyunin yon.
Hindi ko mapalampas sa pandinig ko ang narinig ko sa balita na dahil daw sa ginawang pagpostponed ng China sa pagbitay sa ating mga kababayan eh hintayin na raw natin ang hihinging kapalit ng mga ito! Nakakaloka! Tama ba naman na sabihin yun on national TV! Masyado atang naging judgmental ang gumawa ng balitang iyon! Bakit kelangang pairalin ang kakitiran at kadumihan ng isip sa ganuong sitwasyon. Hindi na lang sila magpasalamat sa ginawa ng China! Kaloka! Paano na lamang kung masamain yon ng China? Aber! Kayo na lang mag-isip kung anung pwedeng mangyari! Take note, isa ang China sa mga pinakamalakas na bansa ngayon sa buong daigdig. Malakas ang kanilang ekonomiya. Maraming investors sa Pilipinas ang mga Tsino. Based on the given facts, well then, DO THE MATH!
Mukhang sa ngayon ay paghihitay lamang ang ating magagawa. Paghihintay sa kung anong magiging hatol ng China sa ating mga kababayan. Kaya manalangin tayo na sana'y lumabas ang totoo. May God move in His own mysterious way. Ingat, Godbless.