Halos umikot doon sa nirerentahan naming bahay yung kwento ng pagmamahalan namin ni Pakner. Echos! Ako lang ang nagmahal. Hahaha. First sem pa din ito btw. Madaming nangyaring kakatwa saming dalawa ng mga panahong iyon. I'll elaborate one by one later. Sa ngayon, kwento ko muna kung paano ko sinabi sa kanya na I'm having a "something" for him. Yeah, grabe, sinabi ko sa kanya na me gusto ako sa kanya. Nagulat ako sa sarili ko na nagawa ko pala yun. Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala. Hahaha. Ganito kase yun. Defense namin nun sa isang subject namin which is Data Communications. Hindi ko akalain na magiging maayos at mabilis lang yung defense namin na yun kaya naman sobrang saya naming buong grupo nun. As in. Kase nga nakapasa kame agad. Tapos ayun, sa sobrang kasiyahan ko, sinabi ko sa kanya na me sasabihin ako sa kanya later that night. Halos gabi gabi kase kaming nag-uusap sa ym dahil sa thesis. Sabi niya, bakit hindi ko na lang sabihin dun mismo. Naisip ko, wala pa kong lakas ng loob na sabihin sa kanya ng face to face kaya pinagpilitan kong mamayang gabi na lang. Nagulat na lang ako bigla sa sinabi niya. "Me gusto ka sakin no!". Napa-omg ako sa isipan ko kase paano niya naman nasabi. Ganun ba ko ka-obvious or ganun lang talaga kataas yung confidence niya sa sarili niya. Hahaha. Bumawi ako at sinabing "Wala no! Kapal mo! Hahaha". Pero maya maya lang eh naisip ko na kung umamin lang ako, hindi na ako mahihirapan pang umamin mamayang gabi. Kaya agad ko siyang tinawag at sinabing "Oo, yun na nga yun. Galit ka?". Hindi ko alam kung bakit kelangan ko pang itanong yun. Kabadong kabado tuloy ako sa isasagot niya sa akin. Pero hindi na din ako nagulat sa naging tugon niya. "Ok lang. Normal lang naman yun". Natuwa ako sa naging sagot niya sa akin. Pero hindi na ako nag-expect pa ng kung ano. Basta natuwa na lang ako. Ayun. Dun na nagsimula yung mga nakakakilig para sa akin na mga pangyayari between us. Iisa isahin ko na. Magbabanggit ako ng mga bagay na magiging parang title sa bawat nakakakilig/ nakakalungkot/ kadramahang nangyari saming dalawa ng mga panahong iyon. game!
Kumot - This is a side story of this post. Nasa apartment kame noon sa Dapitan. Kameng lahat na anim na magkakagrupo. Maaga kaming nagising dahil me defense kami that day. Wala pang 6:00 am eh tapos na akong maligo at nakakaramdam na ako ng panghihina dahil sa pagod at puyat sa mga nagdaang araw. Sobrang lakas ng ulan simula pa ng nagdaang gabi hanggang sa mga oras na iyon. Nilalamig na ako ng sobra kaya nagtalukbong ako ng kumot. Sabay pa kaming nagkaroon ng masamang pakiramdam ng kagrupo kong babae. Tapos ng maligo si Pakner at nakikita ko mula sa loob ng kumot ang mga kilos niya. Pinuntahan niya si ka-group na girl at chineck ang kalagayan nito. Natuwa ako sa thoughtful niyang gesture na iyon. Sunod niya akong nilapitan. Tinanong niya ang kalagayan ko. Ansaya saya ko ng mga panahong iyon kase ang sweet sweet niya pero sinampal ako ng katotohanang sa lahat ng tao'y ganun siya. Napagtanto ko na walang dapat kakiligan sa mga oras na iyon. Dahil sa panghihina at negatibong pag-iisip, hindi ko napigilang mapaluha. Oo, umiyak ako habang nakaupo sa silya at nakatalukbong ng kumot. Mabuti na lang at hindi ganun ka-obvious kahit na sumusinghot ako dahil inakala nila siguro na me sipon ako. Matagal akong nasa ganun kalagayan dahil hindi pa din namin alam kung paano kame papasok dahil sa lakas pa din ng ulan at sa taas ng baha sa labas kaya matagal tagal din akong nakakubli sa kumot. Fetus style pa naman ang posisyon ko nun. Para akong kaawa awang batang pinagkaitan ng lollipop kaya nag-iiiyak sa isang sulok sa loob ng isang kumot. Ang kumot na naging piping saksi sa kadramahan ko ng mga panahong iyon. Arti! Hahaha.
Hallway - Sa araw ding iyon, nakapasok kame ng unibersidad at naghihintay ng pagsalang namin sa defense (nalate kame at nabigyan lang ng chance). Nakaupo kame sa corridor at nagbabasa ng mga documents namin bilang paghahanda sa defense. Katabi ko siya at nagtatanong tanong sa akin ng mga bagay bagay na nakalagay sa documents namin. Ninanamnam ko ang mga sandaling iyon ng dumaan sa hallway ang grupo nila Covin. Nakakatawa na wala man alng akong reaksyon ng mga oras na iyon. Ito yung mga panahon na akala ko eh napalitan na ni Pakner si Covin sa aking puso kaya deadma na lang ako. Naalala ko pa nga na tinext ko pa noon si Covin na sa wakas hindi ko na siya guguluhin ulit kase me iba na kong mahal pero nagkamali pala ako. Hahaha. Ok, back to regular programming. Nagulat ako ng biglang sinabi ni Pakner na "Marvin, yung crush mo dadaan!". Natawa ako ng sobra sobra sa loob loob ko kase naalala pa pala niya si Covin even though several times ko pa lang iyon natuturo sa kanya. Lalo akong natawa dahil sa sagot ko sa tinuran niya na hindi ko na naisatinig pa. Ang sabi ko sa isip ko, "Ano ngayon, Eh katabi na kita no!". Bwahahaha. Siguro bubulanghit si Pakner ng tawa kung sinabi ko ang mga iyon.
Fetsih - bokal ako sa pagsasabing isa sa mga kinababaliwan ko sa isang lalaki eh yung pisngi nila. Para sakin, yung mga merong malalamang pisngi eh yun yung mga cute kaya karamihan ng mga naging crush ko eh malalaman ang pisngi. Well, imho. Isa sa mga pinapangarap kong laging gawin sa taong mahal ko eh kurutin yung pisngi niya lagi. Next to yakapin siya. Since close close naman kame nun ni Pakner, hiniling ko sa kanya yun. Na kung pwede, pipisilin ko yung pisngi niya kahit once a day lang. Hahaha. Kinilig ako ng pumayag siya pero hindi naman iyon natupad. Nung minessage ko siya sa ym ng "asan na?" pertaining sa pagkurot ko sa pisngi niya, mistulang gumuho ang aking mundo (exagged) sa naging tugon niya. Sabi niya parang nakakahiya daw kung me ibang taong makakakita. naintindihan ko naman yung punto niya kaya hinayaan ko na lang. Wala naman akong magagawa. Nakakalungkot lang talaga yung moment na yun.
Jeepney Ride - Busy kame noon sa pag-aasikaso ng aming thesis. Nagkita kame para bumili ng mga materials para sa magiging visuals namin sa defense. Keri naman. Next naming hinanap eh yung susuotin naming coat sa defense. Ang arte no! Kelangan naka-coat and tie talaga sa defense. Oo as in. Magastos talaga yung defense na yun. Hindi lang sa pera kundi sa pagod at puyat. Haha. Papauwe na kame nang mangyari yung isa sa mga pinakanakakakilig na pangyayari between the two of us para sakin. Papasakay na kame sa loob ng jeep nang sabihin niya na sa unahan kame umupo. And take note, ako pa yung pinauna niya. What a gentleman! CHOS!!! Hahaha. Kinilig talaga ako ng bonggang bongga dahil dun. Ayun lang. Lol.
Overnight with Bru - isang gabi bago ang first defense namin sa thesis eh pinakiusapan ni Pakner na sumama yung isa sa mga bestfriends niya. Oo, madami siyang bestfriend. Super dami nga ata. Hahaha. Ayun, naging super close kame ni Bok (tawagan nila ng bestfriend niyang iyon). Tsinika tsika ko kase ng bonggang bongga si bru (tawagan naman namin ngayon) at hindi naman siya nagpatalo kase madaldal din si bru. Ayun. Naiinggit lang ako sa kanya nung time na yun kase super asikaso si Pakner sa kanya. Pero hindi ako nagselos. Walang dapat pagselosan. Nag-inaso lang ako ng konti. Konti lang talaga. Promise. Hahaha. Ayun. Sobrang bait ni bru. Kahit nung nasa school na kame, tinutulungan niya pa din kame. Hanggang ngayon, super close pa din kame ni bru. Isa siya sa mga naging bunga ng pagmamahalan namin ni Pakner. Echos! I mean, isa siya sa mga naging positibong nangyari sa buhay ko ng maging partner ko si Pakner.
Home Visit - Galing kame ng overnight noon sa bahay nila Pakner at napagpasyahan naming pumunta sa bahay namin para makatipid ng oras. Me commitment kame noon sa aming adviser sa thesis at hindi kame pwedeng malate dahil yung adviser namin eh yung pinaka-terror sa lahat ng professors namin. Natulog siya sa sofa nung maliligo na ako. Pagkatapos kong maligo eh masarap pa rin yung tulog niya. Kung wala lang yung nanay ko nung time na yun eh pagmamasdan ko siya ng bonggang bongga habang siya'y nahihimbing Matapos kong magbihis ay sapilitan ko siyang ginising upang mag-breakfast. Masayang masaya ako nung moment na yun. Kasabay ko siyang nag-agahan sa mismong bahay namin. Ayiiieeee. Chos! Ayun lang. Eto na yung last at isa sa mga pinakamagandang nangyari saming dalawa para sa akin.
Ilang buwan makalipas ang mga pangyayaring iyan, unti unti ng nawala yung romantikong nararamdaman ko para ke Pakner. Hindi ko alam kung paano at bakit. Basta ang sigurado ako, isa sa mga dahilan eh yung pagiging insensitive niya ng bonggang bongga. Biruin mo naman, paulit ulit niyang tinuturo sakin yung crush niyang girl kahit na alam niyang me feelings ako sa kanya. Bumalik na naman ako sa dating ako na mailap dahil dun. Mas malala that time. Hindi ko na nagawang sabihin sa kanya ang dahilan ng biglaang pagbabago ng ugali ko towards him. Naging casual na lang ang aming pag-uusap at nawala na ang closeness namin. At unti unti na kaming naging malayo sa isa't isa. Nag-uusap na lang pag me kelangan o kapag tungkol sa thesis. Nagkaron pa kame ng confrontation dahil sa mga ginagawa kong pag-iwas pero hindi ko na nagawang sumagot sa mga tanong niya. Iyan ang malaking pagkakamali ko. Ni minsan eh hindi ko nasabi sa kanya kung ano ang dahilan ng biglaang paglayo ng loob ko sa kanya. Umabot sa graduation yung pagkakagalit namin hanggang sa kami'y nagkatrabaho na. Nagkabati lang kami ulit noong January 30 2011. Birthday niya nun. Tinext ko siya ng isang pagbati. At ayun, naging ok na kame. :-)
____________________
Ayan! Tapos na ko sa pagshe-share ng isang bahagi ng lovelife ko. Magda-dalawang taon na simula nang maganap ang mga pangyayaring nakasaad sa itaas. Siguro nagtataka kayo kung bakit bigla kong naisipan na magsulat tungkol sa kanya. Actually, dati ko pa gustong isulat 'tong istoryang ito tungkol sa kanya. Kaso nung mga panahong iyon, hindi pa pwede kase bulgar pa tong blog na to. Tapos konti pa lang yung nakakaalam ng sikreto kong malupit (echos lang. madami ng nakakaalam. Ayaw ko lang na madagdagan pa) tungkol ke Pakner. Kaya ito, nasulat ko na kase lumamig na yung blog ko sa mga kakilala ko. Meaning, nabura ko na sa kanilang mga isipan na meron akong ganitong blog na nag-e-exist.
Eto na yung dahilan kung bakit ko to nasulat. Kase nakita ko si Pakner. KALBO! Yes, nagpakalbo si Pakner. Bwahaha. Nakakaloka lang. Two weeks ago nung makita ko siyang hubad na yung ulo niya. Nagulat ako sa aking nasaksihan. Chos! Hahaha. Nakwento niya sakin na nagpakalbo na siya dati. Pero nung elementary days pa yun. Kaya nagulat pa din ako sa ginawa niyang marahas na aksyon. Lol. Hindi ko gusto yung naging itsura niya. Actually, sa lahat ng nakakita na at nakakwentuhan ko na, lahat sila nagsasabi na hindi talaga bagay sa kanya. Tapos kahapon, naka-chat ko si Pakner after a loooong time (dahil hindi kame nakapag-usap ng mahaba nung huli naming pagkikita) at aminado din siyang madaming nagsasabing hindi bagay sa kanya ang pagiging kalbo. Ayun lang talaga yung dahilan. I just wanna share. Hahaha. Ambabaw no! Bwahahahaha. Lol.
Keep safe guys. Godbless. :-)
kakalokaaaaa... ganda ng buhay mo frend!! buti ka pa me communication ka pa din kay pakner... eh ako nga eh kinalimutan na ako....
ReplyDeletehayyy kakamiss maging estudyante....
super nice ang story mo na to... dami ko lang kilig frend!!!!!!!!!