Sabi nila, kapag nagmahal ka ng isang tao, hindi mo daw maaarok kung ano yung dahilan kung bakit mo siya minamahal. In short, you'll love daw for no reason at all. Naniniwala ba kayo dito? Ako kase, hinde. Isipin niyong mabuti ha. Kung iibig ka sa isang tao ng walang dahilan, eh di lahat ng tao sa mundo kaya mong bigyan ng pagtingin na higit pa sa kaibigan. Got it? Kung oo, go and spread the news na kalokohan ang kasabihan na yun. Kung hindi pa din, wait ka lang diyan at magbibigay ako later ng mga bagay na sisira sa matibay na pader na pumipigil sa'yo para paniwalaan ako.
Bago tayo dumako sa pagsira ng pader na yan, lemme give some examples kung paano malalaman kung true love na ba yang nararamdaman mo. Below are just some of the symptoms sa pagiging in love.
Disclaimer : Hindi ko sure kung tamang mga sintomas yung sasabihin ko. Hahaha. Base lang ang mga ito sa mga naranasan/nararanasan ko. Game!
Sleepless Nights- Hindi ka ba lagi makatulog? Inaabot ka ba ng bukang liwayway sa pag-iisip sa isang tao? Baka nga inlab ka dude or dudette! Pero bago mo i-congratulate yung sarili mo, check mo muna kung yung pagkakaroon mo ba ng sleepless nights eh dahil talaga sa pag-iisp mo ng bonggang bongga sa taong sinisinta mo. Baka naman normal na sayo yung madaling araw nang natutulog dahil me INSOMNIA ka! Ambisyoso/ambisyosa ka lang diyan! Pero kung napagtanto mo na dahil nga sa pag-iisip mo sa iniirog mo (with matching building your future together) yung pagkapuyat mo, aba, plus one point ka na dyan. Apir!
Faces Everywhere- Lagi mo bang nakikita yung mukha ng taong mahal mo kahit saan ka tumingin? Hindi na ba mawaglit sa iyong periperya ang kanyang presensya? Nako, check mo ulit muna. Baka naman nakadrugs ka lang friend! O kaya naman me powers lang siya ng teleportation kaya naman ganun na lang siya kabilis mag-appear sa mga tinitignan mo. Bongga yun pag nagkataon. Magkakajowa ka ng me super powers! Pero tignan mo din yung contact lens mo kapatid! Baka naman pinasadya mo pa yung design niyan! Isang design na one of a kind talaga. Walang iba kundi yung mukha niya. Naku te, hindi love yan, obsession yan! Kung isa diyan sa mga iyan ang nangyayari sayo, grabe ka na! Hindi ka in love, adik ka lang. Pero kung gusto mong tignan talaga kung pasok ka sa kategoryang ito, ilista mo yung mga nagdaan mong panaginip tapos i-tabulate mo. Kapag karamihan sa mga ito ay tungkol sa kanya, nako, plus point ka ulit! This time, ang ia-add mo sa current score mo eh yung cube root naman nung 1.
Galante- Napapansin mo bang madalas kang mag-treat sa mga kaibigan mong ni minsan eh hindi mo nga nalibre ng lollipop? Lalo na kung kasama sa circle of friends mo na yun yung mahal mo. Nako nako nako. Isa ito sa mga mabigat na epekto ng pagmamahal. Oo, mabigat. Mabigat sa bulsa. Imagine, kahit yung allowance mo para sa susunod na linggo, mawawaldas para lang makapagpa-impress ka sa kanya. Tsk3. Tapos syempre mag-aaya ka pa dun sa mga favorite restaurants niya. Nako, pano kung Italianni's o sa TGIF pa pala yun. Patay kang bata ka. Paano pa pala lalo kung natripan niyang sa buffet lunch ng isang sikat na hotel pa kayo mananghalian. Syempre hindi ka makakatanggi no! Imbes na allowance mo lang para sa next week yung mawawala, lilipad na din sa hangin pati yung mga panggastos mo sa gimiks mo. Lagot ka ngayon. Napasubo ka tuloy. Well, at least nakapagbigay ka ng magandang impresyon sa kanya. Dagdag pogi/ganda points din yun kaibigan! Dahil magtitiis ka para lang mapasaya siya, me additional points ka na naman. This time, add (the derivative of a constant + 1) to your current score.
Diet- Hindi ka ba makakain? Nako naman, baka naman nanghihina ka lang. Me sakit or something. Double check mo muna. Baka ayaw mo lang talaga ng mga nagiging ulam niyo sa bahay. Nag-iinarte ka lang talaga. Kung hindi man, kung ok naman yung pakiramdam mo at puro favorites mo naman yung nagiging viands niyo sa bahay pero wala ka pa ding ganang kumain, another congratulations to you mafrend! You are certified na nakakaranas ng sintomas na ito. Additional 683681795426736825278 to the nth power where n=0 point to you!
Joker- Nagiging kamukha mo na ba ang namayapang aktor na si Heath Ledger sa ginampanan niya sa huling installment ng Batman dahil sa hindi mawalang ngiti diyan sa iyong mga labi? Sabi nila, palagi daw masaya ang isang tao kapag in love. Bakit nga kaya? Bakit kaya kahit me nakaambang problema sa taong in love, parang sing gaan lang ng papel ang problema na tinatangay ng hangin. Maaaring dahil sa pagiging in love ng isang tao, naapektuhan ng pag-ibig yung sistema nito. Naging positibo ang pananaw nito dahil sa mga kasiyahan at kakiligang kaakibat ng pagiging in love niya. Pwede ka ng sumali sa commercial ng Nescafe. Katabi ni ate, lumulutang habang kumakanta ng "Good morning sa inyyooooo!!!". Additional (356746 * (x-y) + 1), where x and y are both equal to one, point ka dyan!
Ayan! Ngayong nakapagsabi na ako ng mga palasak na palatandaan ng pagiging in love ng isang tao, maaassess mo na kung totoong in love ka. Oo, ikaw pa din ang mag-aassess, hindi ako. Tapos tsaka natin pag-usapan ang mga dahilan ng isang tao para ma-in love sa taong mahal niya. Hindi ko kase mapapatunayan yung teorya ko kung hindi naman pala in love yung isang tao. Pre-requisite kumbaga.
Check mo ngayon kung ilan ang nakuha mong score dun sa mga signs ng pagiging in love sa taas. Pwede kang mag-hire ng isang mathematician if you like. Ikaw/Kayo ngayon ang mag-verify kung in love ka nga. Kung sa tingin mo eh hindi, kindly click na lang yung pulang button na me "X" sa upper right corner ng page na ito. Wala na kase itong kwenta. Babu! Kung sa tingin mo naman eh in love ka nga, lemme continue. Eto na, I'll elaborate na ang mga sa tingin ko eh dahilan kung bakit minamahal mo ang isang tao. Go!
Para sa akin, Dalawa lamang ang pangkalahatang dahilan kung bakit minamahal natin ang isang tao. Ito ay ay dahil sa kanyang pisikal na kaanyuan at pangalawa eh dahil sa kanyang mga intangible na katangian.
Pisikal- Naniniwala akong malaking parte ng pagkagusto ng isang tao sa isa pang nilalang yung itsura nito. Uulitin ko, pagkagusto, hindi pagmamahal. Got it? Siguro sinasakop ng aspetong ito yung diyes porsyento ng dahilan ng pagkakaroon ng espesyal na damdamin ng isang tao towards another person. Ito yung sumasakop sa mababaw na layer ng pagmamahal. Mababaw lang dahil hindi nito napapasok yung emosyonal na damdamin ng isang tao. Ibig sabihin, kahit pa mabawasn ng bonggang bongga yung kagandahan/kakisigan ng mahal mo, oo mababawasan yung pagmamahal mo sa kanya pero hindi yun sapat para makaapekto ng malaki sa kung anu man yung lebel ng pag-ibig mo para sa kanya. Guess what, kung iba ang nangyari sayo at nabawasan ng malaking porsyento yung romantikong nararamdam mo para sa kanya dahil sa pagbabago ng kanyang pisikal na katangian, nako te, hindi pagmamahal ang tawag diyan. Isang malaking kasinungalingan ang nangyari sa inyong dalawa. Baka kumakati ka lang friend. Move on!
Intangible- Ito yung parte ng pag-ibig na sumasakop sa napakaraming parte ng buhay ng tao tulad ng emosyonal, intelektwal, spiritual, etc etc. kaya ang natitirang nobenta porsyento ay tungkol sa mga katangiang ito ng isang tao. Anlaki no! Syempre naman. Andami kaseng aspeto ng buhay yung nakapaloob sa dibisyong ito. Isa na dito yung mababaw na lebel ng intangible na katangian ng isang tao. Ang ugali. Ito yung part kung saan nahuhulog ka sa isang tao dahil sa mabubuting ugali nito. Ito yung sumasakop sa kalahati ng kabuuang porsyento ng dibisyong ito. Sunod na part ng dibisyong ito eh yung mas malalim na pagkakakilala mo sa taong iyong iniirog. Sakop nito yung natitirang kalahati pang parte ng dibisyong ito. Nakapaloob dito yung mga pinagsamahan niyong dalawa throughout ng inyong relasyon, romantiko man o hindi. Yes, bilang dito yung mga pinagdaanan niyong dalawa kahit pa noong hindi pa kayo magsyota. Doon mo kase malalaman kung constant ba yung naging pakikitungo niya sayo nung kayo na. Mas maganda pa kung mas lumalim yung relasyon niyo ngayon kesa dati na wala pa kayong commitment sa isa't isa.
Yes, natapos na din. Yan yung mga sinasabi kong dahilan kung bakit natin minamahal/sinisinta/iniirog/iniibig ang isang tao. Kaya kung wala ni isa diyan yung nararamdaman mo ngayon sa taong mahal mo, nako friend, malamang nabubuhay ka pa din sa isang kotasyon na inimbento lang para mas maging romantiko ang tingin natin sa pag-ibig. Ang masasabi ko lang sa gumawa ng teoryang iyan, napakagaling mo! Napaniwala mo ang mga tao na walang dahilan kung bakit minamahal natin ang isang tao. Napakagaling mo dahil matagumpay mong na-impose sa kanilang mga pag-iisip ang isang bagay na mas nagpapaganda ng tingin nila sa pag-ibig. Hindi ko sinasabing dapat pangit ang tingin natin sa love. Ang punto ko lang, hindi dapat tayo nabubuhay sa isang konseptong ginawa lamang para pagandahin ang tingin natin sa isang bagay. Actually, gusto ko lang maging maganda at maliwanag ang pananaw natin sa love kaya ko inakda ang mga saloobin ko tungkol sa isyung ito. Ngayon, bahala ka na kung hindi mo pa din iiwan ang konseptong iyan. Isa lang ang masasabi ko sa iyo. Wake up!
Keep safe. Godbless. :-)
No comments:
Post a Comment