Powered By Blogger

Friday, January 22, 2010

WALA LANG

Waaahhh... Antagal kong walang post... At ang dahilan niyan ay ang sobrang pgkabusy ko sa studies. Overnyt ngayon, tapos bukas, tapus review dito, review doon. Hindi ko na alam ang gagawin. Sana lang worth naman itong mga pinagpapaguran namin pag gumraduate na kami (kung sakaling susuwerthin this April).

Aun, like i said earlier, super busy naming lahat dahil malapit na ang mga kinatatakutang defenses sa iba't ibang subjects, especially thesis. Haykz. Mabuti na lang at magaling dumiskarte ung partner ko sa thesis at medyo nakagawa na kmi ng konti sa thesis namin. indi katulad ng iba kong friends na usad pagong sa thesis nila dahil sa sobrang hirap nung sa kanila. Haykz.

Wala na kong maisip na maisulat. Dahil hindi naman interesting ang mga nangyari sakin these past few days. At dahil diyan isheshare ko na lang  xeniu ang 2 tulang ginawa ko nung high school out of the blue. Yung isa is about friendship and the other one is about love. Sana'y mgustuhn niu.
Salamat
Salamat sa iyo kaibigan
Sa kasayahang walang hangggan
Na ating pinagsamahan
Na hinding-hindi ko malilimutan

Salamat sa mga payo
Sa mga problema’t paglutas nito
Siguradong di makaliligtaaan kayo
Ng sumulat ng tulang ito

Salamat sa pagpapakopya sa akin
Dahil sa talino mong angkin
Joke Joke Joke ang nasa isipin
Nang ikalawang linya ang sulatin

Salamat sa ginawang pagtulong
Na kahit sa isang bulong
Nagiging isang ugong
At proteksiyon na parang bubong

Salamat sa inyong pag-away
Sa taong talagang pasaway
Dahil ito’y naging isang gabay
Sa pang araw-araw na buhay

Salamat sa pagbuhay
Sa mundo kong parang patay
At pagbibigay kulay
Sa walang buhay na bahay

Ganyan ba ang buhay talaga
Kailangang magkahiwa-hiwalay pa
Na parang walis-tingting na sira
Na wala nang silbi pa sa lupa

Maraming salamat, maraming salamat
Sa ligayang di masukat-sukat
Maraming salamat, maraming salamat
Tandaan, Diyos lamang ang marapat






Kasalanan ba?
Kasalanan bang magmahal
At maghintay ng matagal
Sa taong iyong minamahal
Na sanhi ng pagiging hangal

Kasalanan bang maging tanga
Sa taong iyong minumutya
At tunay na dinadakila
Sa puso ay idinadambana

Kasalanan bang maging bulag
Sa isang tao ay malaglag
Ang puso na isang ilag
Sa isang mundong lagalag

Kasalanan ba ang mangarap
Na ang minamahal ay kaharap
At lumilipad sa alapaap
At tanging dama ay isang yakap

Kasalanan ba ang mangako
Na itatabi ka dito sa aking puso
At mamahalin ng todo’t totoo
Na parang hangin sa mundo

Kasalanan ba ang lumayo
Kung talagang tayo ay malabo
Ang ating nakikitang patutungo
Sa hinaharap na pangako

Kahit masakit ay tatanggapin ko
Na imposible talaga tayo
Kahit na parang ipinapako
Ang aking nagdurugong puso

Kahi malayo, sana’y tandaan
Na kahit tayo ay hindi laan
Na alaala’y mamahalin at iingatan
Ako’y nangangako, magpakailanpaman

Un lng poh... Yngatz and Godbless...

2 comments:

  1. thesis sucks!

    ako ata ginawa ko thesis ko one moth before thesis,at solohan kami ha alang partner partner!it was hell!!haha

    ReplyDelete
  2. Super late reply. Haha! Wow! solo solo pala kayo. Bongga! Galing mo naman. Nagawa mo un ng magisa. Haha.

    ReplyDelete