Powered By Blogger

Sunday, September 4, 2011

Once again

Once again, I think I'm in love. I'm not happy though. Is there any reason to be? Right now, repentance is all over me. Repentance on the fact that if I didn't come to that event, I'd probably would not meet him and I'll not have this sort of eerie feeling. Sigh.

I'm there, in front of him, holding their (him and his thesis partner) future, literally. I always caught him looking at me. Why he'll not? He should be. I'm just imagining things that are not in other people's world. Yes, he's lookin' at me and once again, I'll insinuate that he's not staring at me; he's just looking at me for the sake of good communication. Call me nega but at least I did not assume. Sigh.

I'm his boss at that time but I feel like a servant to him. All I can do was ask his partner. I can't look at him. I mean, can you blame me? I tried to keep our eyes lined but I can't hold it for at least a second. I can't prevent his smile to make a bridge towards my mouth and do the same. And I hate it. I felt so uncomfortable because of that. Sigh.

We had passed them and I'm guilty. I'm guilty because of the fact that I did not know if I became biased to them. The session was finished and they started to clean up the area. My heart was pounding as they, especially him, start to evacuate the room. I was hoping that he'll turn back around and get my number for academical reasons but that scenario didn't made it to reality. Sigh.

My system was affected. I did flank my own expectations when I sat down to the next proponents. And finally, there they were, slowly walking in the corner of my eye approaching the door. So I said to myself, "that was it". It's already the end of the short journey of my heart. That's what I thought. Sigh.

As the time flies by, I can't concentrate on what I'm doing because of my thoughts on him. My epic "fear" again visited me so I decided to have, for me, a very shameful action. I did ask the new proponents for his number. She said out loud the things I asked her. Because of that, I think destiny did a good move 'cause I retracted my plea because of embarrassment. Sigh.

The time passed so fast and I didn't seen him again. Sadness covered my whole being. I did realize that that feeling was so wrong. I know right! I mean, I just met him hours ago and his absence made me so sad. Sigh.

I can't sleep that night. For the hours that I did seen and interrogated him, it seems like I've known him for years. Funny right. I know. I know. I'm just hoping that I'll see him soon. Sigh.

Right now, there's one thing I'm certain of. I think I'm in love. Sigh.


Keep safe guy. Godbless. :-)



Friday, September 2, 2011

Tiis Ganda

Second post ko pa lang pala for the month. Grabe. Yan ang nagagawa ng sobrang pagkabusy... sa Youtube. Chos! Minsan lang naman ako magsurfsurf dito sa office nowadays no! Kase nga busy busy-han kame sa project kase matatapos na siya. Yes, konti na lang talaga at balik buhay bench na naman ako. Tambay sa company at sumasahod. Pero hindi ibig sabihin nun na masaya yun. Alam niyo naman kung gaano katagal kong naranasan ang maging bench last year and masasabi kong hindi sa lahat ng time eh masaya ang walang ginagawa.

Ang pinakamabigat na dahilan diyan eh mauubos at mauubos ang mga blog na mababasa ko sa web. Hahaha. Echos lang. Seriously, nangunguna talaga sa mga dahilan kaya ayaw kong maging bench eh yung pagbagalng growth ko dito sa company. Syempre, future career yung una kong concern. Papano na lang kung ma-bench ako dito sa company hanggang matapos yung bond ko which is a year from now pa. Gosh! Sira ang career ko nun. Kumusta naman ang resume ko no! Hahaha.

Anyway, wala namang masyadong highlights sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon kaya hindi din ako excited na magpost. Wala kase akong makwentong matino-tino. Latest lang na kaaya-ayang nangyari sa buhay ko eh yung mga libre na ginawa ng mga friends ko. Hahaha. Ako na ang timawa at patay-gutom sa libre.  Sa sobrang pagkagahaman ko sa libre, ako pa ang number 1 na taga-plano kung san kami kakain. Kapal much lang. Lol

Sa MOA kami nilibre ng 2 of my closest friends. Yung isa, nanlibre kase meron na siyang work, bale first blood niya. Chos! First blood pero two months na siya sa work. Hahaha. Tapos yung isa naman, birthday niya kase. Ayun. Nakakatawa kase sandamukal yung inorder namin. Btw, A Veneto yung name nung resto. Hindi namin akalain na ganun pala kadami yung per order kaya naman andami naming natira. Ang ending,  pinabalot na lang namin yung iba tapos binigay yung ibang natira sa may pulubi dun sa me LRT.  Sayang naman kase eh. Mabuti na yung me makinabang na iba sa mga bagay na hindi mo na naman gagamitin/mapapakinabangan pa. 


(Kakadagdag ko lang ng part na to. Matagal na tong post na to actually, hindi ko lang matapos tapos)


Next is yung sa TOR ko. Inayos na namin ng mga friends ko yung TOR namin kase anung petsa na, wala pa kameng TOR. Nakakaloka. 1 1/2 years na kaming graduate  pero wala pa sa mga kamay namin yung isa sa mga katunayan ng pagtatapos namin. Kaya sa wakas, ready for pick-up na yung TOR namin. Ansaya saya. 


So far, ok naman ang mga nagiging takbo ng pangyayari sa buhay ko. Kanina nga pala, nag-exam dito sa company yung classmate ko nung highschool. I hope he'll pass kase sayang ang commission ko. Bwahahaha.


Yun lang guys. Keep safe, Godbless. :-)


__________


Wait lang. Shet. Wala palang kinalaman yung title ko sa content ng post na ito. Kaloka. Hahaha. Btw, ang tiis ganda ay isang word na nagrerefer sa condition na tinitiis mo yung porma mo even though uncomfortable na siya sa current na panahon. For example, pumorma porma ka ng bonggang bongga with matching jacket then not so good shirt sa loob. Dahil sa kapangitan nung t-shirt mo sa loob, hindi mo mahubad hubad yung jacket mo kahit super pawis na pawis ka na. I just wanna share. Hahahaha.




Tuesday, August 9, 2011

Captain America / Rise of the Planet of the Apes

Grabe! Super tagal ko na palang walang post. Super busy kase dito sa project ko ngayon. Kakatapos lang ng bonggang bonggang testing namin kaya medyo maluwag ako ngayon. Konti lang. As in. Kaya magiging maikli lang to. Share ko lang yung thoughts  ko sa dalawang movies na latest kong napanood. Ang Captain America and Rise of the Planet of the Apes.

Unahin ko na ang mahal kong si Chris Evans. Chos! Crush ko talaga yang si Evans. Kaya gustong gusto kong panoorin yung Captain America mereseng mag-isa akong manood which is nagkatotoo nga. Mag-isa kong pinanood yung Captain America. Excited na excited ako kase crush na crush ko talaga si Mr. Evans. LOL. Hindi ako masyadong natuwa sa movie kase hindi ko feel yung naging celebrity si Captain America. Nakakairita. Hindi ko akalain na me ganung part ng movie. Hindi ko talaga yung inexpect pero so far, naaliw pa din naman ako kahit papaano sa buong movie. Nakakalungkot lang yung ending kase nakatulog siya ng bonggang bongga. Imagine, makatulog ka ng 70 years.  NAKAKALOKA! Tapos hindi man lang niya nakita yung love interest niya which I assume na patay na that time. Malamang talaga. Kase if calculated, nasa mga 85-90 years old na yun. Antaray naman niya kung buhay pa siya diba. Hahaha.


I'm rating this movie 9.



I know you're wondering bakit 9 pa din yung binigay ko even though medyo disappointed ako sa movie. Itanong niyo na lang sa nagmumurang abs ni Papa Chris Evans. Bwahahaha.


Next stop is Rise of the Planet of the Apes. Actually, nagdadalawang isip pa ako nung una na panoorin to kase naubos ang budget ko. Lol. Ang gastos ko kase nowadays. Pero like what really happened, nagawan ng paraan. Hahaha. Simpleng yayaan lang ang nangyari. Tapos natuloy kaming apat na magkaka-officemate. Ayun. Sa Waltermart lang kami nanuod. So far, naging maganda naman yung movie kaso parang medyo nabitin ako sa effects. Nakakaloka si Caesar (yung bidang unggoy) nung nagsalita siya nung makasaysayan niyang "NO". Hahaha. Eh kase naman, sino ba naman ang magaakalang ang isang unggoy ay makakapagsalita. Oo given na matalino siya pero never in my wildest imagination na magsasalita siya. Kaya naman lahat kame sa loob ng sinehan ay gulat na gulat. Hahaha.


Nakakaloka kase nandun sa movie si Draco Malfoy ng Harry Potter (Tom Felton). I noticed na super humpak pala yung mukha niya. Yung para bang naka-drugs. Promise. Tapos andumi-dumi pa nung trabaho niya dun. Tagapagpa-kain nung mga unggoy. Tapos basta andumi dumi niya. I don't have anything against sa mga taong nasa ganung line of work pero nakakatawa kase pinagmukha talaga nilang madungis yung mga ganun. Para siyang taong grasa. Literally. Promise. Tapos ansama sama pa ng ugali niya. Nakakaloka yung pagkamatay niya dun. As in. Dapat kase kukuryentihin niya si Caesar. Tapos, ito namang matalinong unggoy, kinuha yung hose nung tubig tapos tinapat ke Tom. Nakakaloka no! Ayun, tustado si Draco Malfoy. Hindi niya na-Avada Kedavra yung mga balahurang unggoy na nagchi-cheer pa habang pinapatay siya. Bwahahaha.


Nakakaawa yung mga ibang unggoy na napatay after na tumatakas sila sa kulungan and papunta na dun sa gubat. Palagi ko na lang nakikita yung Golden Gate Bridge sa mga ganitong movie. Hahaha. Ayun, dun na naman ginanap yung climax nung movie. Nanghihinayang lang ako na dahil sa magulong pag-uusap tsaka dahil sa dahas, yung simpleng kagustuhan lang naman ng mga unggoy na makapunta dun sa gubat eh umabot pa sa mga patayan. Effected much??? Hahahaha.


Yun lang guys. Btw, I'm giving this movie also a 9.


That's all. Keep safe guys lalo na sa ganitong panahon. Godbless. :-)

Wednesday, July 20, 2011

Lies


Bughaw ang karagatan. Maliwanag ang sikat ng araw. Nakakabulag kung ito'y iyong tititigan. Maganda ang panahon. Hindi mainit, hindi maalinsangan. Hindi malamig, hindi malakas ang ihip ng hangin. Tamang tama para sa isang taong katulad ko na naghihintay sa pagdating ng kanyang mahal. Lumipas na ang ilang minuto habang hinihintay kita sa paborito nating lugar. Inaliw ko na lamang ang aking sarili sa pamamagitan ng paglalakad sa dalampasigan habang inaabangan ang iyong pagdating. Makailang beses na din akong tumingin sa orasan ngunit wala ka pa din. Kung ano anong ispekulasyon ang pumolusyon sa aking kanina'y payapang utak pero hindi ko hinayaan ang mga iyon na sirain kung anu mang tiwala para sayo ang tinataglay ko ng mga panahong iyon. Nagsimula na akong mainip at mapagod sa paghihintay pero hindi ako sumuko dahil alam kong darating ka ngunit dala na din ng kapayapaan sa aking paligid, hindi ko namalayang ako'y nakatulog.


Dala ng iyong mukha ang isang matamis na ngiti. Kitang kita na masaya ka sa pagtatagpo natin. Iyan ang bumungad sa aking pagdilat. Makita ko lamang iyon ay masaya na ako. Hindi na ako sumubok pang magtanong kung anong dahilan ng pagkaantala ng iyong pagdating. Nawala na lahat ng pag-a-agam-agam sa aking kalooban ng mapagtanto kong totoo ngang ika'y dumating at tumupad sa ating usapan. Dali dali tayong umalpas sa lugar na iyon upang muling pagsaluhan ang ating pag-ibig. Masayang masaya ako matapos iyon. Hindi ko na masalo ang umaapaw na kaligayahan na nanggagaling sa kaibuturan ng aking puso. Hindi mailalarawan ng kahit na sinong sikat na pintor sa buong mundo ang aking kasiyahan. Hindi maikukumpara sa kung ano ang yaman sa mundo ang nararamdaman ko. Hindi maitatatwang ang pag-ibig ko para sa iyo ay maihahalintulad sa karagatang kanina lamang ay pinagmamasdan ko pa. Tila ba walang katapusan.


Mahal kita. Yan ang mga katagang madalas kong marinig mula sayo magmula ng araw na iyon. Nakakatawa mang sabihin pero halos mawalan ako ng ulirat sa mgamatatamis mong salita. Kung makakain ko lamang ang mga iyon, malamang malala na ang kaso ko ng diabetes. Kulang na lamang ay araw arawin mo ang mga surpresa mo sakin. Sabay na tuwa at inggit ang naramdaman ng mga taong nakasaksi kung paano mo pintahan ng kulay pula ang buong mundo ko. Sa gitna ng mga umaga at gabi na ginawa ng Maykapal, hindi ka nagkulang sa pagpaparamdam sa akin kung gaano ako kaespesyal.

Feel na feel ko ang kahabaan ng aking buhok ng mga panahong iyon. Halos libutin nito ang buong EDSA. Hirap na hirap na nga akong itago ito sa sambayanan dahil ipinagsisigawan mo pa ang damdamin mo para sa akin. Sa bawat surpresa mong ibinibigay sa akin ay saksi ang mga taong nananahimik lang sa isang tabi. Kaya naman panay alaska ang inabot ko galing sa kanila.Pero sino ba ako para hindi kiligin? Kung alam mo lang kung paanong muntik ng lumabas sa rib cage ang aking puso sa tuwing gagawa ka ng eksena para sa akin. Taray ko diba? Ang ganda ko masyado. Sino ba ang mag-aakalang ang isang tulad mo ay magbibigay ng atensyon sa isang tulad ko. Wala diba. Oh well...

Ikaw na talaga ang para sa akin. Mga salitang tumimo na sa isipan ko sa araw araw. Naging masayahin ako ng sobra sobra dahil sa pagpuno mo ng mga magagandang ala-ala sa aking isipan. Mga ala-alang ni sa hinagap ay hindi ko naisip na mararanasan ng isang tulad ko. Kaya sinubok ko ang aking sarili at ang nararamdaman ko para sayo. Sino ba naman ang tatanggi pa sa mga perpektong bagay na inihahain na sa harapan mo? Too good to be true ika nga. Kaya habang nandyan pa, sumabay lang sa agos. Sino ba naman ako para hindi tanggapin ang mga biyayang ipinapadala sa akin ng kalangitan. Good catch na siya, mahal ko pa. San ka pa?


Bilog ang mundo. Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Parang kailan lang at sinasamba ko ang mga bagay na ginawa mo para sa akin. Napakabilis ng mga pangyayari. Ngayon? Heto ako't lumuluha  dahil sa mga kasinungalingang ibinigay mo sa aking pagkatao. Isa isang nabunyag ang iyong mga lihim. Pinira-piraso sa aking harapan ang mga natatago mong hangarin kaya mo nagawa ang mga bagay na ni sa pelikula ay hindi naisakatuparan. Halos mabaliw ako sa pinagsama-samang lungkot, poot at panghihinayang na sabay sabay mong ipinalasap sa akin. Masakit. Sobrang sakit. Mabuti na lamang ay unti unti kong nabuo ulit ang aking pagkatao at natuto ng isang bagay na alam kong makakatulong sa muli kong pagbangon at pakikipagsapalaran.


Punong puno ng kasinungalingan ang mundo.


Hindi bughaw ang karagatan. Dala lamang ito ng repleksyon ng langit.


Hindi buo ang iyong ngiti sa piling ko. Magaling ka lang magtago sa likod ng iyong mga ngiti ngunit kita sa iyong mukha ang isang emosyong me dala dala palang masamang hangarin.


Hindi mo ako mahal. Ginawa mo lamang iyong maskara sa mga lihim mong atake para makuha ang loob ko at maisakatuparan ang maitim mong balak.


Hindi humaba ang buhok ko. Isa lamang iyon sa mga dinulot ng imahinasyon ko katulad din ng mga pangakong binitawan mo sa akin na ngayon ay nabubuhay na lamang sa aking mga pangarap.


Hindi ikaw ang para sa akin. Hindi ba obvious? Pero alam kong nariyan lamang ang "tamang siya" sa malapit at hinihintay na lamang ang tamang tiyempo.


At lalong hindi bilog ang mundo. Katulad din nito ang hugis ng buhay ng isang tao. Hindi perpekto. 

Puno ng kabalintunaan. 

Puno ng pandaraya. 

Puno ng panloloko. 

Puno ng kasinungalingan. 

At sa lahat ng nangyari, uulitin ko, iisa lamang ang natutunan ko. 

Puno ng kasinungalingan ang mundo. 

Lies are everywhere.


So beware.



Monday, July 18, 2011

Busy Much

Hindi ko masasabing napabayaan ko na itong aking blog. Palagi ko pa din naman itong binibisita. It's just that masyado talaga tambak ang aking workload nowadays kaya hindi ako nakakapagpost.

Hindi din ako makapaniwala sa ka-busy-han na aking nararanasan ngayon. Merong mga araw na hindi na talaga ako bumubitaw sa mga applications na ginagamit ko sa project. Grabe. Hindi na din ako nakakapag-surf. Nakakaloka.

Hindi ko alam kung kelan ako makakabalik sa aking regular na pagpo-post. Huhuhu. Well actually, dahil na din sa ka-busy-han ko, wala din namang nangyayaring kakaiba sa buhay ko nowadays kaya kahit me free time ako, hindi din ako makakapag-post kase wala naman akong maisusulat.

Me niluluto ako ngayong fiction short story pero hindi ko matapos tapos sa bahay kase hindi ko makuha yung tamang timpla nung istorya. Naiirita din ako kase nakukumpara ko siya sa mga dati kong gawa. Which is hindi pala dapat kase naapektuhan ng bonggang bongga yung ginagawa ko ngayon. Well, hintayin na lang natin ang outcome. Sana maging maganda pa din. Lol

Keep safe guys. Godbless. :-)

Friday, July 15, 2011

Tagaytay Escapade

Hindi ko akalain na magiging masaya pa din ang bakasyon namin sa Tagaytay last July 2-3. Eh pano naman kase hindi kumpleto ang barkada. Wala si Joyce and Yani. Dapat kasama si Joyce pero biglaang me gagawin sa work si Joyce on a Saturday. Kaloka. Si Yani naman, death anniversary ng father niya sa July 4. Eh since weekday yun, napagpasyahan nila ng family niya na July 3 na lang iyon gunitain. Kaya ayun at lima na lang kaming tumuloy. Eto eto kame. For the first time in the Philippine history, ipapakita ko yung faces ng mga gal friends ko. LOL.


Eto kame. Si Eunny, Sarah, Ivie, Your Royal Highness(chos!), tsaka si Midz . In no particular order yan(kayo manghula kung sino sino yang mga yan. CHOS!) Syempre, I stated our names respectively no! Hahaha. 

Hindi ko alam kung medyo late na ba kami nagkita kita or sakto lang. 10:30am na din kase kame nakumpleto sa D. Jose station ng LRT 1. Tapos, passed 1 na din kame umalis ng Buendia. Punyeta kase yung FX na sinakyan namin. Anung petsa na umalis. Lagpas isang oras din kaming naghintay sa loob ng FX no! Dapat nga bababa na kame kaso baka murahin kame ng ibang pasahero na matagal tagal na ding naghihintay dun kase nga naman 5 din yung mababakanteng pwesto and matatagalan pang lalo yung paghihintay nila kaya naisipan naming tiisin na lang.

Kawawa si Sarah and Midz dun sa FX kase me plastic na malaki dun sa unahan namin and throughout the travel eh nakadagan yun sa mga paa nila. Grabe no. Ramdam ko yung ngalay nila. Hahaha. Hindi na natuloy yung balak naming mamasyal muna bago magcheck-in dun sa bahay na tutuluyan namin kase dumating kame sa Tagaytay pasado 2pm na. Eh yun yung check-in time namin kaya doon na lang namin sa resort pinalipas ang maghapon. Btw, yung sinakyan naming tricycle, medyo nakakatawa kase hindi pala talaga niya alm kung saan yung pupuntahan namin. Buti na alng nakarating kame ng maayos. Nag-offer siya ng service for Sunday para sa pamamasyal namin. Sakto naman kase wala din kaming alam sa mga pupuntahan namin kaya tinanggap na namin yung offer niya. Hindi din naman kame lugi sa bayad.

Eto pala yung bahay na tinuluyan namin. Syempre hindi yung buong yan yung tinuluyan namin no. 5 lang kame diba. Dun lang kame sa baba. Dun sa left side.





Syempre, unang una naming ginawa yung pamamasyal sa loob ng resort. Super picturan talaga. Siguro kulang ang 1 TB(Terabyte) sa mga naging pictures namin. Echos lang. Nung namamasyal kame, biglaang umambon kaya naisipan naming bumalik na sa bahay at magpalit na ng pang-swimming. Habang papabalik, nakayuko ako sa hindi malamang kadahilanan. Hahaha. Siguro kase ganun yung mga naabutan ng ulan, yumuyuko. Gets? Tapos nung papasok na kame sa silong nung tinutuluyan namin, tinaas ko na yung ulo ko. Eh saktong me nakabukas palang binatan dun. Nauntog tuloy ako ng bonggang bongga. As in bongga talaga. Masakit siya. Nung papasok, niloko ko yung mga friends ko na dumudugo siya. Tinginan silang lahat. Tapos sabi ko joke lang. Maya maya ako naman biniro nila, nagdudugo daw. Sabi ko, "Tse". Sabi nila totoo daw. Nagpanic tuloy ako. Pagtingin ko sa mirror mirror on the wall, shetness, nagdudugo na pala talaga siya. Buti na lang hindi malakas yung pag-agos. Nato-tolerate pa naman. Nato-tolerate? Parang gago  lang. Hahaha.

After kong malinis yung dugo, diretso swimming kame. Hindi naman umagos sa swimming pool yung dugo. Sabi ko sa inyo nato-tolerate pa siya eh. Bwahaha. Kaso medyo malamig nung time na yon tapos malamig din yung tubig sa pool. Pero kinaya naman namin. Halos 2 oras din kameng tumagal sa tubig. After that, nag-shower na kaming lahat tapos inasikaso na namin yung dinner namin. Nakakaloka lang kase para kaming nasa evacuation center dahil sa mga kinain naming "relief goods". Bwahaha. Dahil nga malayo na sa market yung tinutuluyan namin, doon na lang sa maliit na tindahan sa loob ng resort kame bumili. Mabuti na lang talaga at kumpleto sa mga kelangan namin yung sari-sari store na yun at nakabili kame ng maayos. Ang dinner namin? Lucky me tsaka meat and tocino loaf. Hahaha. Keri naman. Masarap pa din. Enjoy pa din ang dinner.
 

Inuman naman after. The Bar green apple ang ininom namin. Keri naman kaso parang nakadami kame. Hindi pa naman ako sanay uminom. Promise. Kaya naman mahilo hilo na ako after naming uminom. and diretso tulog na kaming lahat. Me nakakatawang nangyari lang. Eh kasi diba, kapag uminom ka, madalas kang mawiwiwi after? Tapos eto na. Tapos na kaming uminom diba. Pagpka-cr nung isa kong kasama, she didn't noticed na nakaloked pala yung door sa loob. SInara pa niya ng bonggang bongga. Nalaman na lang namin nung me magwiwiwi na ulit. Shetness talaga. Pumunta pa tuloy kame sa super layong cr para magwiwi. Hindi ko kase kayang tiisin. Ganun pala yun. 


Swimming uli kame kinabukasan. Kainis. Kahit mainit na, super lamig pa din ng tubig. Brrrr. Lol. Kaya naman sandali lang kame nagswimming. Then prepare na para sa pag-alis sa resort. So far, so good naman yung naging pag-stay namin doon. Keri naman siya. Kumpleto naman sa amenities. Sabi ko nga sa kanila, sa susunod na pupunta ulit kame ng Tagaytay, doon na lang ulit kame mag-stay. Sang-ayon naman silang lahat. Pero feeling din namin, matatagalan kame bago ulit makabalik sa Tagaytay kase syempre, sa iba naman kame pupunta sa susunod. Lol.


Eto kame habang nagswi-swimming. Wala si Eunny. Siya ata yung nagpicture.

Ayan, kumpleto na kame. Nag-timer na lang kame dun sa cam.
Required talaga na nakataas yung kilay ko. LOL

(Grabe super tagal ko ng sinusulat 'tong post na 'to kaso hindi ko matapos tapos kase mabigat ang workload ko ngayon. Madalas hindi na nga ako nakakapag-surf sa net eh. Nakakagulat no. Hindi nga din ako makapaniwala na madami na akogn ginagawa nowadays eh. Lol. Sisingit ko lang siya ngayon para ma-publish ko na. Iiklian ko na lang. Hahaha)

Kelangan naming umalis ng villa by 2pm kase yun yung nasa rules kaya nag-ayos na kame ng mga bandang 12:30. Kinontak na ni Ivie si kuyang tricycle driver  na si Dave na maghahatid samin sa mga pasyalan. Diretso kaming Picnic Grove. Nakakaloka pala yung zip line dun. Akala ko kakayanin ko kaso nakakatakot talaga yung height niya kaya hindi na ko tumuloy. Hahaha.

Si Ivie kumuha nito kaya wala siya.

 Wala din si Ivie dito. Lol
Taray! Pictorial talaga considering na super daming tao niya huh!

Si Eunny naman wala. Hahaha
Hita ko ba yan? Shet...


People's Park naman yung next naming pinuntahan. Here are the pics.


Ayun kame oh!
Is it just me or nilulumot na talaga yung Welcome signboard?


Hindi pa naman kame mukhang haggard nito diba?

After that, pumunta naman kame ng Grotto of Lady of Manaoag. Hindi na kame kumuha ng pic doon for the religious place's sake. Kain naman kame after sa Dencio's. Nakakaloka lang yung mga kasabay naming kumain. Nakakbwisit yung isa. Maganda nga, rotten tomato naman ang ugali. Kung makapagdemand sa mga waitresses akala mo siya nagpapasahod dun. She's a shit. Ewan ko sa kanya. Che! Btw, eto na ang pics. 


Kumusta naman ang mga gutom? Heller! 3:00 na kaya niyan. Hindi pa kame nagla-lunch!

Umuwi na kame after naming kumain. Oh siya, I have so many things to do pa. Siningit ko lang to sa aking busy sched. Chos! Keep safe guys. Godbless. :-)

Tuesday, July 5, 2011

Transformers 3

Nanood kame ng Transformers 3 sa Glorietta last Thursday. Hindi kame nakapag-3d kase hindi kame nakapagpareserve sa sureseats. Hindi ko alam kung bakit hindi pwedeng magpa-reserve gamit yung account ng friend ko. Hindi naman ako makagawa ng account kase kelangan globe and smart subscribers lang. Discrimination no! Porque ba mura lang ang load sa sun tapos pang-Ayala malls lang ang sureseats, ganun na lang yun??? It's so unfair! Chos! Hahaha.

Ok! Jump to the movie na tayo. Naloka na agad ako sa first scene! Nakakaloka talaga yung wetpaks ni  Carly aka Rosie Huntington-Whiteley. Parang monay lang. Chos! As usual, hindi na ako magdedetalye ng story ng Transformers 3. Magbibigay na lang ako ng aking mga points, opinions and violent reactions (POV). Chos! 

Isa lang masasabi ko sa effects ng Transformers 3. So EPIC!!! As in! Panalo talaga. Flawless yung mga eksena na hindi mo aakalaing magaganap sa tunay na buhay. Hindi ako nabored sa buong movie kahit maraming kwentuhan kase nga bumawi naman sa effects. Nakakaloka yung lips ni Rosie kung makapag-pout. Parang wala ng bukas. Daig pa yung nguso ni Angelina Jolie. Pero enjoy naman siya. Kaso iba pa din talaga yung karisma ni Megan Fox. When it comes to the lead character, syempre, winner pa din ang innocent/hunk/hottie/boy-next-door look ni Sam aka Shia Labouf. Natutuwa ako sa team up nila ni Rosie but if it's Megan, I think it would have been better. But I do not have bad blood ke Rosie, it's just that, aminin na natin, iba pa din si Fox. I know majority of you will agree.

As usual eh nakakapanindig balahibo pa din ang character at boses ni Megatron (voiced by Hugo Weaving) na ngayon eh kinakalawang at halos lasog lasog na ang katawan. Actually, kalahati na nga lang yung mukha niya eh pero winner pa din siya sa kasamaan bilang leader ng Decepticons. Si Optimus Prime (voiced by Peter Cullen) naman eh bida pa din bilang narrator ng story. Chos! Ganun pa din naman ang papel ni  OP bilang tagapagtanggol ng mga tao.

Nagkaroon ng bagong character sa movie. Si Sentinel Prime (voiced by Leonard Nimoy) bilang dating leader pala ng Autobots na tumakas sa Cybertron upang iligtas yung mga churvaness na parang crystals. Nakalimutan ko na yung tawag nila dun. Hahaha. Napasigaw naman ako nung aktong papatayin na ng isa sa mga Decepticons si Bumblebee. Halos umingay talaga sa loob ng sinehan sa eksenang yun. Eh kase naman no! Siya yung bestfriend ni Sam sa mga Autobots kaya naman ganun na lang kami ka-affected. Hahaha. 

Ang ayaw ko lang sa movie eh yung storyline. Nakakaloka lang na parang nalayo sa tunay na kwento yung takbo nung palabas. Parang mababanggit mo talaga yung mga katagang "Bakit me ganun?" tsaka "Ay, ano yun?". Eh kase naman dinamay pa yung buwan makagawa lang ng story. Chos! Sa totoo lang, hindi ko din sure kung yun talaga yung story ng totoong Transformers na pinalabas dati pero kung totoo man, parang hindi siya masyadong connected sa mga nangyari dati. Lol. Well, that's just my two cents. Pero overall, super nagandahan pa din ako sa movie.

I'm giving this movie a rating of 9.5 out of 10. 

Wednesday, June 29, 2011

Si Falcon

Super busy ko nowadays sa work! Gosh! Totoo yun no! Hindi lang halata. Lol. Puro kase tungkol sa pagka-bum ko dito sa office yung kinukwento ko date. Pero totoo talaga na madami na akong ginagawa nowadays. Haha. 

Bongga yung ulan last Thursday no! Grabe talaga. Mala-Ondoy. Naglakad tuloy kame ng bonggang bongga sa baha. Take note, nakaformal ako nun and wala akong  baong tsinelas. Yes mga kapamilya, kapatid at mga kapuso. Sinuong ko sa baha ang aking bagong sapatos. Huhuhu. Bobo much ko no! Sana nagpaa na lang ako pero hindi ko talaga keri eh. Hahaha. 

Actually dapat hindi naman siya mababasa. Bwisit lang talaga ang tadhana. Sinisi ko talaga ang tadhana. Lol. Ganito kase yun. Sobrang lakas ng ulan non diba kaya hindi namin alam kung aalis na ba kame ng office ng kasama ko. Mga 9:00pm na kame umalis ng office. Medyo umuulan na nun at super baha na sa dadaanan namin. As in. Hanggang tuhod na ata that time sa ibang lugar.

Nakasakay pa kame ng bus pero umatras din yung bus sa baha kaya no choice kame kung hindi maglakad na talaga sa baha. Nalulungkot lang ako kase wala akong dalang slippers that time. Bonggang bongga kong sinugod sa baha ang aking shoes na wala pang one month nung binili ko. Huhuhu. For sure, malaki yung epekto nun sa sapatos ko. Antanga ko kase. Nakalimutan kong magdala ng slippers. Tanga mo Marvin! Lol

Mukha akong tanga nung mga panahong iyon kase naka-formal attire pa ko that time. Super long sleeves pa ako at slacks. Habang naglalakad, nakataas yung slacks ko above the knee kaya mukhang tanga talaga. Pagod na pagod ako pagdating ko sa LRT Station na sarado na that time. Biruin niyo naman kase no! From 9-12, nilakad namin ng bonggang bongga yung baha galing sa building namin hanggang sa LRT Station. Nakakaloka talaga! Parang yung defense lang namin nung college

Matiwasay naman akong nakauwi bandang mga 1:30am. Kaya anong petsa na ako nakapasok kinabukasan. Keri lang naman din kase flexi time naman kame dito sa office. Yun nga lang, sanay akong umuwi ng maaga kaya naga-undertime ako kapag ganung time na ako nakakapasok. Hahaha.

____________________

Umuulan pa din nung Friday pero kelangan ko pa ding pumasok. Nakakaloka yung suot ko nun. Naka-tsinelas lang. Parang mamamasyal lang sa park. Medyo maaga kaming pinauwi (5:00. Maaga na yun kase mga 11am na din naman ako nakapasok). Nakakatawa lang kase kahit bumabagyo na, tumuloy pa din kame ng mga classmates ko nung high school sa lakad namin na naka-sked na. Kahit umuulan ng malakas, nagsidatingan pa din kame sa birthday ng anak ng isa naming classmates. Ansaya no Parang kelan lang ambabata pa namin. Ngayon, me anak na yung iba. :-)

As usual, walang humpay na tawanan na naman ang naganap. Me ilang secrets na na-reveal. Me mga chikang noon ko lang narinig. Kaya masaya talaga pag nagkasama sama kame eh. Meron na naman kaming kita-kits later. Excited na ako. Hahaha. Bibisitahin naman namin yung isang friend ko na nanganak na. See, andami ng nanganak samin, ako na lang ang hindi. CHOS!

____________________

Shopping galore na naman ako last Sunday. Echos lang. Konti lang naman yung binili ko. Tsaka sale lang naman. Kaya keri lang. Hahaha. Goodluck na lang pag bayaran na naman ng bill sa credit card. LOL.

____________________

Medyo busy ako ngayon sa work kaya babu na. Keep safe gusy. Godbless. XD


Tuesday, June 21, 2011

Super 8

Friday Night (June 17, 2011)

Foundation Day ng aking pinakamamahal na alma mater; ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. That time, wala na sa plano namin ang pagpunta sa nasabing event ng skul pero biglaang change of minds, pumunta na kame. Napakabilis ng mga pangyayari. Hahaha. Eh kase naman wala pa ata kameng 2 hours sa school, umuwi na din kame. Super parang tanga kase right after matapos ng swimwear competition ng mga candidates for Ginoo at Binibining Pamantasan, nagsiuwian na karamihan ng mga students! Nakakaloka. Sadyang makamundo ang mga kabataan ngayon. CHOS!

Me nagawa akong kasalanan that night. Yung isa ko kaseng ka-close na prof, siya yung kasama namin all throughout the event. Tapos nung pauwi na kame, nakalimutan kong tawagan siya na pauwi na kame tapos nung nasa jeep na kame, tinext niya ko. Dun ko naalala na hindi ko pala siya nasabihan na uuwi na kame. Nagreply ako ng sorry sa kanya per hindi na siya nagreply. Shetness. Sorry talaga Sir! Lol.

Bakit ko nga ba nakalimutan na itext si sir? Ang sagot: eh kase naman bigla kong naalala yung nomo session ng portri (batchmates ko nung highschool. Kaya portri kase section 3 kame nung fourth year high school. Got it? Ayun!) sa Panulukan, Tayuman. Na-excite ako bigla kaya fly fly agad ako. Bwahaha.

Madami na sila pagdating ko. Nakakatuwa kase sa tabi ng ex-crush ko (na hindi naman gwapo pero super mabenta sa gays and gals. Siguro kase super duper bait niya. As in.) ako napaupo. Tama, hindi ko sinadyang dun umupo no! Promise. Hahaha. Pero hindi ko na siya crush ngayon. Promise! Me nangyaring kakaiba. Yung isa ko kaseng classmate na girl na so so lang yung closeness namin, nagkwento ng bonggang bongga tungkol sa lovelife niya. Ako, naman, natuwa kase parang nagbigay siya sakin ng trust sa move niyang yun kaya todo kinig ako sa kanya. Todo advice din kung sakaling nagtatanong siya ng opinyon ko. Super tagal din naming nagkwentuhan. As in. Halos buong stay ko dun eh ka-kwentuhan ko siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa tipsy na siya kaya siya nag-open sa akin o pinagkakatiwalaan niya talaga ako. 

Mahirap ang sitwasyon ni friend. Me gusto siya na gusto din siya (actually, mag-ex na sila dahil sa napakababaw na dahilan, imo) kaso me ibang mas priority si guy; ang studies. Kaya naghiwalay muna sila. Si girl yung nakipaghiwalay kase ramdam na ramdam daw niya yung kawalan niya ng halaga kay guy. Tapos itong si guy, sinasabi niya ke girl na mahal niya to pero hindi naman nararamdaman ni girl. Hindi kase showy si guy. Then another person came in. Meron daw ngayong "nanliligaw" ke girl. Eh ang kaso, wala talagang nararamdaman si girl ke guy2. Hanggang super friendship lang talaga ang maibibigay niya rito. Pero consistent pa din si guy2 sa panunuyo ke girl. Tinanong ako ni girl kung masama ba siya sa ginagawa niya na hindi pagbibigay ke guy2 ng chance. Ang sabi ko naman, hindi. Super hindi talaga. Dahil ang masama ay  kung bibigyan niya ito ng chance pero ke guy1 pa din nakatali yung puso niya kase magiging super unfair niya nun ke guy2 tsaka clear naman daw ke guy2 na nagiging mabait lang siya dito for friendship sake and not for the reason na binibigyan niya ito ng pag-asa. Tama naman diba??? 

Natigil sandali ang pagkukuwentuhan namin dahil naki-mingle muna kame sa iba kase parang tinutukso kame na me ibang world na kame kase nga super serious ng pinaguusapan naming dalawa. Maya maya pa eh nagkukuwentuhan na naman kame ni friend na girl. Napapansin ko na paulit-ulit din yung sinasabi niya pero sinasagot ko pa din. Hahaha. Tipsy na kase siya. Nakailang bote na din kase samantalang ako, 1/3 na bote pa lang yung nalaklak ko. Dinaan ko kase sa kwento eh. Bwahaha. Ang mga sumunod na sinabi ni friend na girl ang ikinagulat ko. Hindi ko akalain. A big revelation! Kaloka. Si mabentang ex-crushie pala si guy2. 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni girl. Ang nasabi ko na lang, "Ganda mo te!". Wahahaha. Eh kase naman no, andaming nagkaka-crush dun tapos sa kanya nagkagusto. Hahaha. Ang ironic no! Kung sino yung gusto niya, hindi pa sila pwede, tapos yung me gusto sa kanya, hindi naman niya gusto. Hay buhay.

Another highlight ng gabing yun eh yung pagkakatupad ng isa sa aking mga dream. Ang aking super duper ultimate dream na napakababaw naman. Hahaha. Super babaw talaga. Ayaw ko na tuloy i-share. Nahiya na ko. Chos! Ang dream na iyon is yung yakapin ng isang guy. OO NA! Napakababaw na! Hahaha. Anyway, kwento ko na kung paano nangyari yun. Btw, ke ex-crush galing yung dream hug. I just stated earlier na mahilig mang-akbay si ex-crush pag nagpipicture. So hindi ko alam kung saan nanggaling yung tapang ko that night at tinanong ko sa kanya kung kaya niyang yakapin ako habang nagpapapicture kame. Shetness. Wala man lang inhibitions niya akong niyakap. Grabe. Hindi kilig ang naramdaman ko that time kundi super tuwa kase me straight guy pa palang ganun sa mundo. Hahaha. Ini-status ko pa sa fb na natupad na yung pangarap ko. Thank you talaga friend. Hahaha.

____________________

Naka-message ko sa facebook yung super friend kong lalaki nung bata pa ako. 10 years na kaming hindi nagkikita. Sabi niya, pupunta daw siya sa bahay namin kase me pupuntahan siya sa malapit samin. Hindi ko gusto yung idea na yun kase hindi ako prepared. Bwahaha. Biglaan naman kase. Tsaka lalake siya (kung lalake nga. LOL). Hindi ako comfortable talaga kaya gumawa ako ng paraan para hindi kame magkita. Hahaha. At ayun nga, pumunta ako't nagpaabot ng madaling araw sa inuman namin ng high school friends ko para hindi ko na siya maabutan sa bahay. Ansama ko no! Hahaha. Hindi pa kase ako ready. Maybe in time. :-)
____________________

Saturday (June 18, 2011)

Nagkita kita naman kame ng mga college friends ko para pumunta ng Trinoma to watch Super 8. Ang konti namin. Grabe. Nakakalungkot. Apat lang kame. Kaya namin naisipan na gumimik kase baka biglaan na lang umalis na yung isa naming friend papuntang US and ang alam ko, for good na siya dun and bibisi-bisita na lang siya dito sa Philippines. Ayun. Nakakalungkot lang kase dapat madami kame eh. Nagkataon lang na me pasok yung iba tapos yung iba me gagawin that time. Hay.

Ayun. Super disappointed ako sa ending ng movie. Nakakabwisit talaga. Alam mo yung feeling na me hawak kang pagkalaki-laking gift tapos tuwang tuwa ka nung binuksan mo tapos ang laman lang pala is pagkaliit liit na walang kwentang bagay? Ganun. Natutuwa na ako eh. Nae-excite na din ako. Tapos biglang ganun na alng yung ending??? Kaloka! Hahaha. Second time ko na tong na-disappoint ng bonggang bongga sa movie na me kinalaman si Steven Spielberg. Una na yung War of the Worlds kung saan siya pa yung director. Executive producer naman siya dito sa Super 8. Laging walang kwenta talaga yung mga ending nitong dalawang movies na ito. What happened Steven??? LOL. (Paulit ulit??? Hahaha. Na-post ko na din kase yan sa FB tsaka sa twitter. Bwahaha).

I'm giving this movie a rating of 5 out of 10.  Bwahahaha.

Mabuti na lang bumawi ang happenings kase me 50% off kame sa Gelatissimo. 110 pa naman yung isang scoop dun ng ice cream kaya bumili na kame. Hahaha. Nag-enjoy naman ako sa ice cream na kinain ko kaya nabawasan na yung inis ko sa movie. Wahaha. 
____________________

 Sunday and Monday  (June 19-20, 2011)

Father's Day last Sunday. Pero hindi ko na binati yung tatay ko. Hindi naman kase kami ok. Naisip ko na mas masama lang ang gagawin ko kung makikipagplastikan ako sa kanya. Papalabasin na ok kame kahit hindi. Hay.

Birthday ni Jose Rizal. Birthday din nung crush ko nung high school. Hindi ko na siya crush ngayon. Nagtataka ako, kahit yung ibang classmates ko nung highschool, wala ding balita sa kanya. Bumagsak kase siya dati nung 2nd year pa lang kami. Magka-college din kame nun kaya nakikita ko pa siya pero after some time, nalaman ko na lang na lumipat na siya ng school. Nasan na kaya yun? I'm just wondering.

Wala akong ginawa buong maghapon kahapon. Puro tulog lang then nagsugal kame ng Pares-Pares. Bwahaha. Katuwaan lang naman. Nanalo ako. Yehey. Hahaha. I just wanna share. Lol.

____________________

Bye bye! Keep safe. Godbless. 

 

Thursday, June 16, 2011

Badtrip

Matagal tagal na din pala akong walang post at hindi ko akalain na hindi pa maganda ang maba-blog ko ngayon. Anyway, bago ko ilabas ang sama ng loob ko, magku-kwento na muna ako sa mga nangyayari sa akin nowadays. Actually, wala namang mga interesanteng bagay ang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw kaya nga wala akong mai-post. Puro meetings lang kase dito sa work. Wala namang kaganapan sa bahay at sa social life ko. In short, boring ang life ko nowadays.

Me first time na nangyari sa akin kagabi. Ay hindi yung iniisip niyo yun. Malayo masyado. Haha. Dapat kase mid-shift (4pm-12mn) kame kahapon. Pero last Tuesday night, biglang nagbago ang mga plano sa hindi ko malamang mga kadahilanan. Kaya kahapon eh mid-shift pa din naman kame pero 1-6pm lang kame dito sa office dahil sa bahay na lang daw namin kukunin yung calls. Kinabahan ako ng bonggang bongga nun kase hindi naman ako marunong sa mga ganung bagay tapos baka hindi ako maka-attend sa nasabing meetings.Kaya todo prepare ako sa mga procedures na gagawin para makapunta sa nasabing online meeting (Webex). Nagmamadali pa kong umuwi kase magpe-prepare pa ko sa bahay tapos aayusin ko pa yung connection ko para maka-attend. 

Meron kaming dalawang meeting kagabi. Isang 8-9pm tsaka meron 10pm-12mn. Masayang masaya ako kase nakapunta naman ako ng maayos sa unang Webex kaso hindi ko naririnig yung conversations ng mga ka-meeting ko kase biglang nasira yung landline namin. Haha. Kaya sa screen lang ako nakatingin at hinuhulaan  kung anong paliwanag ang ginagawa nung host sa mga pinaggagagawa niya. Lol. Pagdating nung second meeting, nalaman ko na pwede palang kumonek sa call gamit yung skype kaya tinry ko siya and, amazing!, nagawa ko siya. I'm so happy. Hahaha. Kaso hindi ko rin maintindihan lahat ng mga sinasabi ng mga nagsasalita kase Indian yung accent nila and sabay sabay pa silang magsalita. Kairita. Lol. Hindi rin ako nagtagal sa call na yun kase naputol yung line tapos ayaw na kong pabalikin nung host. Grabe. He's so bad. Hahaha. So far, so good naman yung Webex and client call experience ko last night. Sana magkaron pa uli. Hahaha.
____________________ 

ETO NA!!! Hindi ko na mapigilan yung inis ko. Magiging maikli lang to. Ayaw ko ng patagalin pa yung inis ko. Habang nagla-lunch kame sa pantry ng 16th floor kanina, pumasok si RaDaR and yung barkada and nag-init sila ng pagkain. Hindi ko akalain na dun din sila kakain kase kadalasan, bumababa sila sa basement or lumilipat ng pantry ng ibang floor. Kaya ako naman, super binilisan kong kumain. Ayaw ko kase silang makasama sa kahit na anong lugar. So awkward kaya! 


Tapos mabilis na natapos yung dalawa kong kasama na parehong nasa right side ko. Btw, nasa left most side kame ng pantry that time. Take note, super liit lang ng pantry ng 16th floor. 10 persons lang ata yung kasya. So eto na! After nilang mag-init, umupo na sila. Since ako na yung nasa pinaka-left side sa aming dalawang natira, ako yung pinakamalapit sa kanila. Ang nakakainis na part dun, super luwag pa sa tabi ko. Bakit kelangan nilang magsiksikan dun sa dulo. I'm not saying na tumabi sila sakin no! Ayaw ko din naman nun. Ang point ko lang. Me ilang seats pa naman kahit layuan nila ako ng konti pero mas pinili nilang kumain sa kasuluk-sulukan. 

Ang pinakanakakairitang part eh eto! Super sikip na dun sa part nila. As in! Walang halong ka-oa-yan. Yung isa niyang friend, parang mas nag-iinaso pa kesa sa kanya. Kairita talaga! Alam niyo ba ginawa niya? Wala na talagang puwesto dun sa side nila. Pinagsisiksikan niya talaga yung sarili niya mereseng nakaharang na siya sa pinto! Bwiset!


I'm don't know kung paranoid much lang ako pero masisisi niyo ba ko? Eh alam na niya na cursh ko siya and malamang ginagawa niya ang mga bwisit na bagay na yan para umiwas. Kairita much lang kase parang they're treating me as if me nakakahawa akong sakit. Kainis talaga. Grrrrrrrrr. BADTRIP!

____________________ 
 
 Nagsend ng e-mail samin about sa liga ng basketball na magaganap. Magsisimula na siya bukas. Kasama si RaDaR sa mga players. Inaaya ako ng mga friends kong girls na manood. Hindi ko na pinag-isipan pa! Sinabi ko agad na AYAW kong manood. Unang una sa lahat, baka isipin niya na siya ang ipinunta ko dun. That's a very big lie kung nagkataon. Haha. Second, hindi naman ako mage-enjoy sa mga ganun. Kahit gaano pa kadami ang gwapo sa mga players. WHATEVER!

Keep safe. Godbless.