Powered By Blogger
Showing posts with label Short Stories. Show all posts
Showing posts with label Short Stories. Show all posts

Wednesday, September 14, 2011

Silver Coin

I was sipping my Venti-sized Peppermint Java Chip Frappe while unconsciously writing my name on a piece of silver coin with the marker I accidentally brought from office when this beggar came into view. As the soft-heartened person that I am, I came out of the coffee shop and handed her several coins that I possessed and went back to work. Good environment, good people, good compensation but very bad management. That's the kind of company I have. I finished all my paper works and went on with my life.

____________________


I counted all the money I have and it totaled to an amount  enough to buy myself a good dinner and breakfast for tomorrow . Thanks to that good Samaritan who even went out to the coffee shop and gave me a big amount of money. I gave myself a mouthful dinner due to the hunger I've been experiencing for the past few days. I went back to the place I've been staying for several days now and slept with a big grin on my face. I woke up, had a meal and went on with my life.

____________________


I gave my son his tuition fee that has been accumulated  from the income I've earned from the food stall. Last night, a beggar came to the store and bought some food for dinner. I don't want to accept her payment due to pity but when I saw that she had enough money, I accepted her payment but gave her excessive food because I'm sure she's so hungry. Night came and my son presented to me the proof of his enrollment. I went to church the next day to thank Him and went on with my life.
____________________


I just received my salary from helping the teachers to organize yesterday's enrollment. I'm so thankful to Him and to all the students who enrolled this semester.  If they're not there, I would have not had an extra income. I treated myself a merienda. I paid my bill with the salary I've just received. I came out of the shop satisfied with what I ate. I walked along the streets searching for another part-time job to have another extra income. I bumped into this poster, had a "TING" in my head and went on with my life.

____________________


I went out of the office to breath some fresh air. I am pissed at work. I walked my way to my favorite coffee shop. I ordered my favorite drink. Venti-sized Peppermint Java Chip Frappe it is. I received my change and sat on the couch on the corner. I was counting my change when I saw this coin. It was the coin I've signed days ago. It was one of the coins I gave to the beggar outside the shop. I shift my gaze outside the shop where I saw the beggar and to my surprise, she's there again. I smiled with amazement,  got out of the shop, handed again several coins to her and went on with my life.


Wednesday, July 20, 2011

Lies


Bughaw ang karagatan. Maliwanag ang sikat ng araw. Nakakabulag kung ito'y iyong tititigan. Maganda ang panahon. Hindi mainit, hindi maalinsangan. Hindi malamig, hindi malakas ang ihip ng hangin. Tamang tama para sa isang taong katulad ko na naghihintay sa pagdating ng kanyang mahal. Lumipas na ang ilang minuto habang hinihintay kita sa paborito nating lugar. Inaliw ko na lamang ang aking sarili sa pamamagitan ng paglalakad sa dalampasigan habang inaabangan ang iyong pagdating. Makailang beses na din akong tumingin sa orasan ngunit wala ka pa din. Kung ano anong ispekulasyon ang pumolusyon sa aking kanina'y payapang utak pero hindi ko hinayaan ang mga iyon na sirain kung anu mang tiwala para sayo ang tinataglay ko ng mga panahong iyon. Nagsimula na akong mainip at mapagod sa paghihintay pero hindi ako sumuko dahil alam kong darating ka ngunit dala na din ng kapayapaan sa aking paligid, hindi ko namalayang ako'y nakatulog.


Dala ng iyong mukha ang isang matamis na ngiti. Kitang kita na masaya ka sa pagtatagpo natin. Iyan ang bumungad sa aking pagdilat. Makita ko lamang iyon ay masaya na ako. Hindi na ako sumubok pang magtanong kung anong dahilan ng pagkaantala ng iyong pagdating. Nawala na lahat ng pag-a-agam-agam sa aking kalooban ng mapagtanto kong totoo ngang ika'y dumating at tumupad sa ating usapan. Dali dali tayong umalpas sa lugar na iyon upang muling pagsaluhan ang ating pag-ibig. Masayang masaya ako matapos iyon. Hindi ko na masalo ang umaapaw na kaligayahan na nanggagaling sa kaibuturan ng aking puso. Hindi mailalarawan ng kahit na sinong sikat na pintor sa buong mundo ang aking kasiyahan. Hindi maikukumpara sa kung ano ang yaman sa mundo ang nararamdaman ko. Hindi maitatatwang ang pag-ibig ko para sa iyo ay maihahalintulad sa karagatang kanina lamang ay pinagmamasdan ko pa. Tila ba walang katapusan.


Mahal kita. Yan ang mga katagang madalas kong marinig mula sayo magmula ng araw na iyon. Nakakatawa mang sabihin pero halos mawalan ako ng ulirat sa mgamatatamis mong salita. Kung makakain ko lamang ang mga iyon, malamang malala na ang kaso ko ng diabetes. Kulang na lamang ay araw arawin mo ang mga surpresa mo sakin. Sabay na tuwa at inggit ang naramdaman ng mga taong nakasaksi kung paano mo pintahan ng kulay pula ang buong mundo ko. Sa gitna ng mga umaga at gabi na ginawa ng Maykapal, hindi ka nagkulang sa pagpaparamdam sa akin kung gaano ako kaespesyal.

Feel na feel ko ang kahabaan ng aking buhok ng mga panahong iyon. Halos libutin nito ang buong EDSA. Hirap na hirap na nga akong itago ito sa sambayanan dahil ipinagsisigawan mo pa ang damdamin mo para sa akin. Sa bawat surpresa mong ibinibigay sa akin ay saksi ang mga taong nananahimik lang sa isang tabi. Kaya naman panay alaska ang inabot ko galing sa kanila.Pero sino ba ako para hindi kiligin? Kung alam mo lang kung paanong muntik ng lumabas sa rib cage ang aking puso sa tuwing gagawa ka ng eksena para sa akin. Taray ko diba? Ang ganda ko masyado. Sino ba ang mag-aakalang ang isang tulad mo ay magbibigay ng atensyon sa isang tulad ko. Wala diba. Oh well...

Ikaw na talaga ang para sa akin. Mga salitang tumimo na sa isipan ko sa araw araw. Naging masayahin ako ng sobra sobra dahil sa pagpuno mo ng mga magagandang ala-ala sa aking isipan. Mga ala-alang ni sa hinagap ay hindi ko naisip na mararanasan ng isang tulad ko. Kaya sinubok ko ang aking sarili at ang nararamdaman ko para sayo. Sino ba naman ang tatanggi pa sa mga perpektong bagay na inihahain na sa harapan mo? Too good to be true ika nga. Kaya habang nandyan pa, sumabay lang sa agos. Sino ba naman ako para hindi tanggapin ang mga biyayang ipinapadala sa akin ng kalangitan. Good catch na siya, mahal ko pa. San ka pa?


Bilog ang mundo. Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Parang kailan lang at sinasamba ko ang mga bagay na ginawa mo para sa akin. Napakabilis ng mga pangyayari. Ngayon? Heto ako't lumuluha  dahil sa mga kasinungalingang ibinigay mo sa aking pagkatao. Isa isang nabunyag ang iyong mga lihim. Pinira-piraso sa aking harapan ang mga natatago mong hangarin kaya mo nagawa ang mga bagay na ni sa pelikula ay hindi naisakatuparan. Halos mabaliw ako sa pinagsama-samang lungkot, poot at panghihinayang na sabay sabay mong ipinalasap sa akin. Masakit. Sobrang sakit. Mabuti na lamang ay unti unti kong nabuo ulit ang aking pagkatao at natuto ng isang bagay na alam kong makakatulong sa muli kong pagbangon at pakikipagsapalaran.


Punong puno ng kasinungalingan ang mundo.


Hindi bughaw ang karagatan. Dala lamang ito ng repleksyon ng langit.


Hindi buo ang iyong ngiti sa piling ko. Magaling ka lang magtago sa likod ng iyong mga ngiti ngunit kita sa iyong mukha ang isang emosyong me dala dala palang masamang hangarin.


Hindi mo ako mahal. Ginawa mo lamang iyong maskara sa mga lihim mong atake para makuha ang loob ko at maisakatuparan ang maitim mong balak.


Hindi humaba ang buhok ko. Isa lamang iyon sa mga dinulot ng imahinasyon ko katulad din ng mga pangakong binitawan mo sa akin na ngayon ay nabubuhay na lamang sa aking mga pangarap.


Hindi ikaw ang para sa akin. Hindi ba obvious? Pero alam kong nariyan lamang ang "tamang siya" sa malapit at hinihintay na lamang ang tamang tiyempo.


At lalong hindi bilog ang mundo. Katulad din nito ang hugis ng buhay ng isang tao. Hindi perpekto. 

Puno ng kabalintunaan. 

Puno ng pandaraya. 

Puno ng panloloko. 

Puno ng kasinungalingan. 

At sa lahat ng nangyari, uulitin ko, iisa lamang ang natutunan ko. 

Puno ng kasinungalingan ang mundo. 

Lies are everywhere.


So beware.



Friday, May 27, 2011

Karma

Natatandaan ko pa noon. Halos isumpa ko ang pag-ibig dahil sa pagkasira ng pamilya ko. Nagtatanong ako sa kawalan kung sino ba ang nag-imbento ng punyetang bagay na iyon at kung bakit naisipan niyang ihalo iyon sa mga kakaiba pang mga bagay na umiikot sa sangkatauhan. Nagtataka ako kung bakit kinailangan pang isama ito sa buhay ng mga nakatira sa sansinukob. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang may kaakibat na sakit ang bagay na iyon. Naguguluhan ako sa kung anong purpose nito sa ating buhay. Kung hindi ba pwedeng uminog ang mundo at magpatuloy ang buhay ng tao sa kabila ng kawalan nito. Nagaalinlangan ako sa kotasyon na "Love makes the world go round". Taray! Gravitational pull ba galing sa araw ang love?! Malamang ay may nakarinig ng mga katanungan at kaguluhan sa aking pagiisip kaya naman isang araw ay nangyari ang isang bagay na ni sa hinagap ay di ko inasahan.

Natatandaan ko pa noon. Una kitang nakita sa hallway ng campus. Dala ng iyong mukha ang isang salbaheng ngiti na nakaukol sa akin. Halos himatayin ako sa kilig that time. Nagtinginan tayo hanggang makalampas tayo sa isa't isa. Ngunit tila hindi ko kayang bumitaw sa pagkakatingin ko sa iyo. Halos magkandabali ang leeg ko masundan ka lamang ng tingin. Ilang segundo rin akong nasa ganung posisyon ng matigil ang pagkatulala ko nang pumasok ka na sa isang kwarto. Grabe ang moment na iyon. I asked myself ng isang cliche: "Ito na ba ang sinasabi nilang pag-ibig?". Isa ka sa mga naging inspirasyon ko sa aking pag-aaral. Wala man tayong communication, sapat na ang malagkit nating tinginan na patunay sa tunay nating nararamdaman. Mukha man akong tanga, araw araw akong sumasaglit sa harap ng kwartong pinasukan mo para magbaka-sakaling  makita kitang muli. Binaba ko ang lebel ng aking pagkatao dahil sayo. Masasabing espesyal ka para sa akin dahil sa realisasyong iyon.  Biglang nawala ang mga katanungan at kaguluhan sa isip ko. Hindi ko man aminin eh talagang napahiya ako sa aking sarili. Ang mga pangyayari na mismo ang sumagot sa mga katanungan at kaguluhan sa aking isipan.  


Natatandaan ko pa noon. Lumapit ka sa akin at nagpakilala ng pormal. Abot langit ang ngiti ko ng ibigay ang aking pangalan at numero. Halos araw araw tayong magka-usap noon. Isang araw na lamang ay inaya mo akong lumabas. Siyempre pa ay pumayag ako. Sobra sobrang kaba ang naramdaman ko habang hinihintay kang sunduin ako. At nang dumating ka, isang dream come true ang naganap. Kumain tayo sa isang restaurant. Hindi ko akalaing ikaw pa ang makakasama ko sa pagkain sa lugar na iyon. Napaka-romantic ng ambience. Talagang iyon ay para sa mga taong pinagdugtong ang mga puso. Naging tahimik ang ating buong pagkain sa lugar na iyon. Nagulat na lamang ako ng hinawakan mo ang aking mga kamay. Tinitigan mo ako sa aking mga mata at sinabi mong mahal mo ako. Halos lumundag ako sa kilig ng mga oras na iyon. Hindi mo rin napigilang itanong kung mutual ba ang nararamdaman natin. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinagot ka agad. Magkahawak kamay nating nilisan ang restaurant habang kumakanta sa isipan ko ang The Carpenters ng "Why do birds suddenly appear, every time you are near...".


Natatandaan ko pa noon. Naging masaya ang mga unang lingo ng ating pagiging magkarelasyon. Araw araw tayong nagkikita. Kung hindi man tayo magkasama ay siguradong kinukumusta natin ang isa't isa. Masayang masaya ako ng mga panahong iyon. Walang pagsidlan ang aking kaligayahan. Sabi nga nila, "Dreams do come true". At iyan ang nangyari sa akin. Kung dati ay pinapangarap lamang kita, ngayon ay abot kamay na kita. Kaya naman pansin na pansin ang mga positibong pagbabago sa akin. Ngunit tulad din ng mga sinasabi nila, "Things will change eventually". At nangyari sa atin yan makalipas ang ilang araw. Hindi ka na tumatawag at nagtetext. Hindi ka rin na sumasagot sa mga tawag at text ko. Hindi ko din alam kung saan ka nakatira kaya wala talaga akong alam na paraan kung paano ka kakausapin. Puno ako ng pagtataka noon.


Natatandaan ko pa noon. Lumipas ang ilang linggo ng wala tayong komunikasyon. Tinanggap ko na ang katotohanan na iniwan mo na ako. Patatawarin na sana kita sa kasalanang hindi ka man lamang nagpaalam sa akin ng maayos ng may matanggap akong sulat mula sa iyo. Lumuluha at nanghihina akong napaupo matapos basahin ang sulat. Kaya pala. Kaya pala hindi ka nagpaalam. Napakasama ng ginawa mo sa akin. Sinabi mo sa sulat na pinagpustahan niyo lang pala ako ng barkada mo. Grabe ka. At sinabi mo pa na kaya ka nawala ay nagbakasyon ka pala gamit ang perang napanalunan mo sa pustahan. At pinamukha mo pa sa akin ang naging bunga ng kawalanghiyaan mo. Hindi ko na binalak pang maghiganti sa iyo. I know it's not worth it. "Vengeance will never take away the pain".


Natatandaan ko pa noon. Nakangisi ka pa din sa tuwing magkakasalubong tayo. Siguro ngayon, ang ngising yan ang tropeo mo sa panloloko sa akin. Deadma na lang kunwari ako pero pag nakalampas na tayo sa isa't isa, palaging nakahanda na ang panyo ko sa aking kamay. Masakit pa rin sa akin ang nangyari pero pilit kong kinakalimutan. I truly believe that "Life's like a wheel". Ilang beses ko ng napatunayan iyan. At iniadya ng Maykapal ng isama ka sa mga proofs ko. Nabalitaan ko na lamang isang araw ang sunod sunod na mga negatibong nangyari sa iyo. Bumagsak ka daw sa ilan sa mga subjects mo dahil sa pagsama sa mga kaibigan mong hindi mahilig pumasok sa klase. Nalulong ka pa sa masamang bisyo. At ngayon ay isa na lamang tambay. Ako naman, naging masigasig sa pag-aaral at nakakilala ng isang taong alam ko na magmamahal sa akin ng tapat at hindi gagawin ang bagay na ginawa mo sa akin noon. Alam ng Diyos na hindi ko hiniling ang lahat ng nangyari sa iyo. Matagal ko ng sinimulan na patawarin ka. Hindi man ako labis na natutuwa sa kinahantungan mo, napalagay na din ako. At least, assured ako. The wheel of fortune is really turning. Karma's a bitch... and so are we.


 

Monday, May 23, 2011

Phobia

Kung may kinatatakutan man ako sa mundong ito, masasabi kong sa dalawang bagay lamang yan; sa pag-ibig at sa ipis. Hindi ka nagkakamali ng pagkakabasa. Matuwa ka na. At least, hindi pa malabo ang mga mata mo. Hindi ko din alam kung bakit sa dinami dami  ng mga bagay na inilagay ng Diyos sa mundong ito, diyan sa dalawang bagay pa na yan ako nagkaroon ng katakot takot na takot. Weird.

Naalala ko pa noon; nasa iskwelahan ako. Tinatalakay ng Physics professor ko ng mga oras na iyon ang Three Laws of Motion ni Newton. Nakikinig ako sa kanya noon ng sobra. Oo na. Ako na ang studious at grade conscious. Nagulat na lamang ako ng me isang munting nilalang ang lumilipad na pala papunta sa aking direksyon. Abot abot na kaba ang naramdaman ko noon. Grabe. Para akong ipinako sa aking kinauupuan. Hindi ako makagalaw. Walang biro. Nawala ang pagkamanhid ng katawan ko ng maramdaman kong nag-landing na pala ang isinumpa kong hayop, hulaan niyo kung saan, sa gitna pa mismo ng aking mukha. Kitang kita ng aking mga mata kung paano pa ito naglaro sa aking ilong. Grabe. Halos himatayin ako ng mga oras na iyon. Tila naman kusang nakisama ang lalamunan ko at lumabas mula dito ang isang sigaw na noon ko lang ata napakawalan sa buong buhay ko. Nagulat siyempre ang buong klase sa ginawa ko. Pinuno ng kantiyaw ang buong klase dahil sa nangyari. Tawa sila ng tawa sa akin. At siyempre, isang napakahabang litanya ang pinakawalan ng aking prof matapos ang nangyari. Ipinasok ko na lang iyon sa aking isang tenga at inilabas sa isa pa. Natatawa na lang din ako sa aking sarili. Nakakahiya kase. Talagang nakakahiya.

Pagdating naman sa pangalawang bagay na kinatatakutan ko, masasabi ko na hindi ako papasok sa kategorya ng pagiging weirdo. Madami akong kasama sa grupo ng mga taong takot sa pag-ibig. Aminin! Sa totoo lang, hindi naman sa pag-ibig ako natatakot kundi sa sakit na maaaring kaakibat nito. Sino ba namang gustong masaktan diba? Mabuti na nga lamang at sa edad kong ito eh hindi pa inaadya ng langit na maramdaman ko yun kundi eh malamang hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit kase alam ko na me kaakibat din naman ang mahiwagang bagay na ito na kasiyahan, mas nangingibabaw sakin ang takot. Isa sa mga nagpapalala ng aking pangamba ang hindi rin iilan na mga kaso ng pagkabigo dito na aking nasaksihan. Nalulungkot ako't nagtataka kung bakit kailangan pa yung mangyari sa kanila. Kung bakit dati, tila nasa alapaap sila sa tuwing sila ay magkasama. Yung tipong akala mo sila lang ang tao sa mundo tapos ngayon animo'y hindi na sila magkakilala. Pahabol lang, masama pa ang loob sa isa't isa.

Kagagaling ko lang sa eskwelahan ng araw na iyon ng mangyari ang isang pangyayari na maghahatid sa isa pang kinatatakutan ko. Palasak mang sabihin pero literal na bumagal ang pagtakbo ng kamay ng orasan noon. Masaya ako ng mapagtanto ko na kalapit bahay ko lamang pala siya. Naging masigla ako ng mga sumunod na araw. Hindi ko nga namamalayang lagi na pala akong nakangiti kahit saan ako magpunta. Napansin lang ng aking mga kaibigan. Halos mawalan ako ng ulirat ng isang araw ay magpakilala siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman. Lalo pang nanghina ang mga tuhod ko ng yayain niya akong magmeryenda. Epic moment, ika nga nila. Marami kaming napagkwentuhan habang kumakain. Hindi ko man aminin ngunit masasabi kong hindi ko maikakaila ang kasiyahan sa mukha ko ng mga oras na iyon. At doon nagsimula ang aming pagkakaibigan. Sino ba ang nagsabing nakakatakot ang umibig? Sino??? Sabihin niyo't sasabihin ko sa kanya na sinungaling siya. Haha.

Dumaan ang mga araw at lalo kaming napalapit sa isa't isa. Halos kaming dalawa na lamang ang magkasama sa lahat ng oras lalo na kapag walang pasok sa eskwela. Umaalis kami ng kaming dalawa lang. Nag-uusap ng mga personal na bagay. Nagtutulungan sa lahat ng bagay. Habang dumadaan ang mga araw, lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngunit hindi ko alam kung ganoon din siya sa akin. Siguro yung sinasabi nilang oras kung saan mararamdaman mo yung sakit eh isa na dito yung kapag hindi tinanggap ng taong mahal mo yung pagmamahal na inaalay mo para sa kanya. Ngunit hindi pa ako handa sa ganoong sakit kaya naman wala pa akong balak sabihin sa kanya. Sumabay sa daloy. Yan ang ginagawa ko muna.

Isang hapon iyon. Naghihintay ako sa aming laging tagpuan sa tuwing kami'y me lakad. Pinaghahandaan ko lagi ang araw sa tuwing aalis kame. Palagi kong inilalabas ang kung anung maganda sa akin.Magandang damit, mabangong pabango, maayos na porma. Kaya naman maraming nagdadaan ang napapalingon sa akin. Pero wala akong pakeilam. Ang ayos ko na iyon ay para sa kanya lamang. Tumingin ako sa orasan dahil ilang minuto na siyang late. Maya maya pa'y may naramdaman ako sa aking balikat. Ang munting kulay pulang nilalang, nariyan na naman. Kasabay ng pagkagulat ko ang paglabas niya mula sa aking likuran. Tumatawa siya ng parang wala ng bukas. Hindi ko napigilang sumigaw. Hindi ko napansing napayakap na pala ako sa kanya ng hindi sinasadya. Namumula akong kumalas. Pareho kaming napahiya sa nangyari at natahimik pagkatapos. Dinaan ko na lamang sa kunwaring pagka-inis ang nangyari. Ngunit hindi noon natabunan ang kung anong tensyon ang namamayani ng mga oras na iyon. Nabingi ako sa mga sumunod niyang ikinilos at sinabi. Hinawakan niya ang aking mga kamay at sinabi ang three magical ang wonderful words. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya ang pagkilos ko ang ginawa kong pang-responde. Hindi na kinailangan ang mga salita. Ngumiti ako at hinawakan ng mahigpit ang kanyang mga kamay. Magkahawak-kamay naming nilakad ang aming patutunguhan. Batid na namin noong mga panahong iyon na pareho kaming napupuno ng saya. May napagtanto ako ng mga oras na iyon. Nagpapasalamat ako sa ipis na iyon dahil kung hindi sa kanya eh hindi ko mararanasan ang bagay na lubos palang magpapaligaya sa akin. Sabay na nawala ang phobia ko sa dalawang bagay na lubos kong kinakatakutan noon. I hit two birds with one stone. Amazing!

Friday, May 20, 2011

Coincidence

Bakit kaya ngayon pa nagtraffic? Sabi na nga ba. Dapat mas maaga akong umalis ng bahay. Eh di sana mas maliit ang posibilidad na ma-late ako sa klase. Shetness. First day pa naman ngayon ng second semester. Buset. Lagot ako nito. Maba-bad shot ako sa professor ko. Naniniwala pa naman ako sa kasabihan na "First impression lasts". Tumitingin ako sa relo ko ng mayroong sumakay ng jeep. Natigilan ako ng napatingin ako sa kanyang mukha. Grabe, sobrang ganda ni ate. Parang anghel na nahulog sa lupa. Parang huminto ang oras noon. Nakakatawa. Kanina lang, hinihiling ko na bumagal ang oras. Mapagbiro talaga ang langit. Sobra sobra pa ang ibinigay. Hindi lang pinabagal ang oras, pinahinto pa.  Haha.

Namalayan ko na lamang na umandar na muli ang sinasakyan naming jeep. Nabuhayan ako ng loob. Baka makahabol pa ako sa una kong klase at hindi malate. Habang binabagtas ng kinalululanan naming sasakyan ang daan, hindi ko napigilang muling mapatitig ke ate. Nagulat ako. Nakatingin din siya sa akin. At ngumiti pa siya. Oh gosh! Napakaganda talaga niya. Hindi ko naiwasang gantihan ang ngiti niya. Nasa kalagitnaan na ako ng pagde-daydreaming na magsalita si manong driver. Nasa harap na pala kami ng university. Tapos na ang kakiligan ko. Mapagbiro talaga ang langit. Kinulangan naman ako ngayon. Sayang, sana pinatagal pa niya ang munting kasiyahan ko. Haha.

Hinagilap ko agad ang mahiwagang babae pagbaba na pagbaba namin ng jeep ngunit hindi ko na siya matagpuan. Nanghinayang ako. Sana man lang natanong ko ang kanyang pangalan, kung ano ang kinukuha niyang course at higit sa lahat eh ang kanyang cellphone number. Sayang talaga. Himala ang nangyari sapagkat maaga pa ako sa oras ng simula ng aking unang klase. Natuwa ako sa realisasyong iyon. Hindi na ako maba-bad shot sa professor ko. Iniisip ko pa din ang babae kanina sa jeep kaya marahan pa ang aking paglalakad. Papasok na ako sa gate ng muling matigilan. Naramdaman muli ang aking naramdaman kanina. Mapagbiro talaga ang langit. Kung kanina eh nagaalala ako, ngayon naman eh mistulang busog ako sa mga magagandang tanawin. Haha.

Nakatayo sa me gate ng unibersidad ang dahilan ng pagkatigil muli ng mundo ko. Ayun siya. Napakakisig sa suot na puting uniporme. Ang gwapo niya. Grabe. Umiral na naman ang aking kalandian. Pasensya na. Tao lang. Oo na. Hindi "normal" ang aking pagkatao. Nagets niyo na siguro. Isa akong chickboy. Pwede sa chicks, pwede sa boys. Grabe talaga siya. Para rin siyang anghel sa aking paningin tulad ni ateng nakasabay ko sa jeep kanina. Sino kaya ang hinihintay niya. Hindi ko na inalam pa. Nadala na ako sa daloy ng mga estudyanteng excited ng pumasok. Excited nga ba? Mapaglaro talaga ang langit. Binigyan niya ako ng kakaibang "talento" sa buhay: ang magkagusto sa parehong kasarian. Haha.

Hindi ako mapakali sa klase. Mabuti na lamang at pagpapakilala lamang sa sarili ang ginawa namin. Iniisip ko pa din silang dalawa. Oo, silang dalawa talaga. Ano kayang course nila? Nasaang building kaya sila? Makikita ko pa kaya sila? Sana. Wala akong ginawa sa buong maghapon kundi isipin silang dalawa. Nagtataka nga ang mga kaibigan ko kung ano bang nangyayari sa akin. Bakit daw lagi akong tulala. Bakit daw hindi ako nagsasalita. Ngumiti na lang ako. Mas inalaska tuloy nila ako. Mapaglaro talaga ang langit. Binigyan niya ko ng iba't ibang emosyon. Emosyon na nagkagulo-gulo siguro kaya ako nagkaganito. Haha.

Dumating ang oras ng uwian. Nagpaalam ako saking mga kaibigan. Dali dali akong lumabas ng kwarto. Nilakad ang daan papuntang gate ng iskwelahan. Hindi ko talaga matiis na hindi makita ni isa man sa kanila. Mabilis akong naglakad para maunahan ang mga papalabas na din ng unibersidad. Hingal na hingal na ako sa pagmamadali. Kumabog ang dibdib ko sa aking nakita. Ang isa sa mga anghel na nakita ko kaninang umaga. Napakaganda niya pa din kahit lumipas na ang maghapon. Lalapitan ko na sana siya ng bigla akong matigilan. Nakangiti siya sa aking direksyon. Lalo akong ginanahang lapitan siya. Ngunit nang mga ilang metro na lamang ako mula sa kanya eh me bumunggo sa aking likuran. Halos madapa ako sa nangyari. Marahan kong pinulot ang mga natabig sa akin. Nagulat ako ng me isang kamay na tumulong sa akin. Ang isa pang anghel na nakita ko ngayong araw. Kung se-swertihin ka nga naman oh! Mabilis ang kanyang kilos. Mistulang may hinahabol. Matapos niyang humingi ng tawad ay dire-diretsong naglakad. Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Si kuya, papunta ke ate. Inakbayan  ni kuya si ate. Si ate naman ay inilibot ang kamay sa beywang ni kuya. Nagtagpo ang dalawang anghel na aking kinahumalingan. Sabay nilang nilakad ang daan. Naiwan akong natigagal sa mga nangyari. Mapaglaro talaga ang langit. Wala sa hinagap na may kaugnayan ang dalawang taong kinabaliwan ko ng araw na yun. Mapaglaro nga talaga ang langit. Sobra.    


Thursday, May 19, 2011

Déjà vu

Madilim ang daan na tinatahak ko pero hindi ko iyon alintana.  Mabilis pa din ang lakad ko at malalaki pa din ang aking mga hakbang. Hindi ko na napigilan ng kusang umagos ang mga mainit na likido mula sa aking mga mata papunta sa aking pisngi sa hanggang mahulog na ito sa lupa. Maraming pares ng mga mata ang nakatingin sa akin ngunit hindi ko sila pinapansin. Wala akong pakeilam sa kanila. Wala akong pakeilam kung tawanan man nila ako. Masama ang loob ko. Masamang masama at walang makakapagpagaan nito sa mga oras na iyon.

Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit nila nagawa sa akin yun. Ano bang naging kasalanan ko sa kanila para bigyan nila ako ng ganitong klaseng parusa. Masakit. Sobrang sakit ng ginawa nila sa akin. Isang klase ng pagta-traydor na kahit kelan ay hindi ko pinangarap at hindi ko inakalang gagawin sa akin. Sila pa na pinagkatiwalaan ko ng sobra sobra. Sila pa na halos pinag-alayan ko ng lahat ng  aking oras at panahon. Sila pa na takot na takot akong magawan ng kasalanan. Sila pa na ni minsan ay hindi ko iwinaglit sa mga magagandang plano ko sa buhay. Sila pa na mahal na mahal ko.

Maaga kesa sa kinagawian nang umalis ako ng opisina kanina. Nais ko silang sorpresahin dahil me napakagandang nangyari sa trabaho ko. Gusto kong sabay sabay namin iyong ipagdiwang. Dumaan ako sa tindahan para bumili ng aming kakainin at iinumin habang nagseselbra. Masayang masaya akong lumabas ng tindahan bitbit ang aking mga ipinamili. Halos takbuhin ko na ang daan patungo s aming tinutuluyan. Dahan dahan pa akong pumasok sa bahay para mas maganda ang pagpresenta ng aking surpresa. Kasabay ng paghahanda ko sa pagsigaw ng "Surprise" ang dahan dahan kong pagbukas ng kurtina. Ngunit bago ko pa masambit ang kanina ko pa pinananabikang salita, tila sila pa ang naunang magbanggit sa akin noon. Hindi sa salita kung hindi sa mga mukha nilang napintahan ng hindi maipaliwanag na mga emosyon. Tila bumagal ang pag-ikot ng mundo sa aking paligid. Unti unti kong nabitawan ang aking mga dalahin. Bago pa man nila ako nalapitan ay nagtatatakbo na ako palabas.

Hindi ko alam kung san ako papunta noon. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa mapagod. Nagpahinga, muling naglakad at muling napagod. Paulit ulit hanggang sa humantong ako sa isang bahay-inuman. Nagpakalasing ako. Medyo nahihilo na ako dahil sa ilang bote ng alkohol na ang naubos ko ngunit hindi man lamang nabawasan ng kahit na kaunti ang halo halong negatibong emosyon na bumabalot sa puso ko ng mga panahong iyon. Malalim na ang gabi nang lumabas ako. Naglakad muli ng naglakad.

Naglalakad ako sa madilim na daan nang may humawak sa aking kamay. Walang lugar ang takot sa sistema ko ng mga oras na yun. Lumingon ako at nakita ang isang batang pulubi. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa malamang na pinaghalong gutom at lamig ng gabing iyon. Hindi ko na sana siya papansinin ng mayroon siyang inilabas sa isang bulsa. Isang papel na me guhit na puso. Nagmukhang espesyal ang hitsura ng pusong nakaguhit sa papel dahil sa mga iba't ibang kulay na nakapaloob dito. Nasa gitna ako ng pagtingin sa pusong nakaguhit sa papel ng mapagtanto ko na parang nakita ko na ang imaheng iyon. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan. Lumambot ang puso ko sa inasal ng bata kaya't hindi ko napigilang bumunot ng ilang pirasong perang papel mula sa aking bulsa. Tuwang tuwa ang bata pagkaabot ko ng mga salapi. Nagtatatakbo siya sa gitna ng daan. Huli na ng mapansin namin ang paparating at humaharurot na sasakyan. Kahit sinong tao ay hindi makaliligtas sa ganoong klaseng trahedya. Hawak hawak ko ang nalukot na papel sa gitna ng nakakuyom kong palad habang lumuluha. Hindi ko napigilang sumigaw sa abot ng aking makakaya.

Napabalikwas ako ng bangon. Punong puno ng butil butil na pawis ang aking katawan. Mabilis ang aking paghinga. Napakabilis ng mga pangyayari. Panaginip lamang pala ang lahat. Sinubukan kong i-hinahon ang aking sarili. Ilang minuto din akong nasa gaanoong ayos ng maisipang tumayo at tignan ang orasan. Mahuhuli na pala ako sa trabaho. Dali dali akong kumilos at kumuha ng mga gamit sa paliligo. Napansin kong wala pa silang dalawa. Marahil ay papauwi pa lamang galing sa kani-kanilang pang-gabing trabaho . Papunta na sana ako ng banyo na mapatigil sa gitna ng sala.

Kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Dahan dahang lumapit sa bagay ng nagnakaw ng aking atensyon. Rinig na rinig ko ang kaba sa aking dibdib ng makita ang naging simbulo ng aking panaginip. Katulad na katulad. Kamukhang kamukha. Yung puso na iginuhit ng musmos sa aking panaginip ay nakita ko mismo sa aking bahay. Kaya pala parang pamilyar sa akin ang bagay na iyon. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng tokador na kinakukurbahan ng hugis na iyon ng biglang tumunog ang aking telepono. Agad ko iyong sinagot ng makitang ang aking amo ang tumatawag. Ako'y kanyang pinagmamadali. Masaya ang kanyang boses. Kinabahan ako. Tinanong ang aking sarili kung bakit ganoon ang takbo ng mga pangyayari. Nahimasmasan ako. Tinungo ang tokador na kanina ko pa nais buksan. Walang ibang laman ang kahon maliban sa isang sulat. Galing sa kanya ang sulat. Patungo sa isa pa. Nanginginig kong binuksan ang sulat at nagitla sa nabasa. Nanghina ang aking maga tuhod. Kumulog. Kumidlat. Kasabay ng pag-ulan, umagos ang aking mga luha. Naihatid sa realidad ang aking nakapanghihilakbot na panaginip. Bumukas ang pinto at nakita ko silang basang basa. Gulat din sila sa kanilang nasaksihan. Kapwa nabitawan ang mga dala dala habang papalapit sa akin. Hindi ko sila hinayaang madampian nila ako ng kanilang mga kamay. Tuloy tuloy ako sa labas. At sa gitna ng daan, nandoon ako, sumisigaw at lumuluha kasabay ng pagkulog, pagkidlat at pagbuhos ng ulan.