Powered By Blogger

Thursday, December 2, 2010

The Lucky 13

YES! Oo, isang napakalaking yes! Wahaha. Finally, we're going to have na our 13th month pay tomorrow. Isa lamang ang masasabi ko. Hindi lahat ng 13 ay malas. wahahaha. Well, hindi naman ganon kalaki ang makukuha ko dahil five months pa lang naman ako dito  but the fact na hindi ko na iisipin kung pano ko matutulungan ang aking sisters sa mga gastusin sa darating na mga birthdays ng kanilang mga anak ay isa ng malaking relief sa akin. Yep, two of my beloved pamangkins ang magcecelebrate ng kanilang birthday this December but with different dates. And both of them will turn 1. So magastos talaga.



Actually, super simple lang naman ng handaan. Gusto ko lang talagang tumulong since i'm earning above the amount of money I need. So I'm  alloting 80% of my 13th month pay for the both of them. It's not that much but I think it will help a lot naman. Kasya na un para bumili ng birthday cake and some ingredients sa mga lulutuin. They'll understand naman siguro kung iyon lang muna for now ang aking maitutulong cause u know, I just starting to work pa lang naman. Anyway, sana maging maayos at masaya ang kanilang mga birthday celebrations.

Syanga pala, I'll be receiving my company Christmas Basket later. Malaking bagay din yun cause me kasama un na Ham, ang isa sa mga star ng Pasko. Wahahaha. I don't know pa the things inside the bag eh. Maybe I'll make kwento to you na lang one of these days. 



Postponed ang everyday practice namin for the presentaion sa Christmas Party. Busy ang mga kagroup ko. So i can go home earlier than the usual 11pm.  Un lamang for now. 

By the way, I'm already missing the RaDaR. If you know what I mean. LOL.

Ingat guys, Godbless. =) 

Wednesday, December 1, 2010

Plus One

(Hindi tungkol sa boy band na Plus One ang post na ito.)

It's December again! Gosh. Parang ilang araw lang ang lumipas since I celebrated my 19th birthday and here I am now trying to embrace my goodbye to teenage years. Hay, ang oras nga naman, minsan usad pagong, minsan naman parang hinahabol ng sampung kabayo sa bilis. 


Dahil it's birth month na ng ating Panginoon, marami na ang napaplano ng kanilang Christmas Party. Siyempre, isa na diyan ang company namin. Our company will have its Christmas Party at SMX this coming December 11 having Beach Party as our theme. Actually there were three options about the theme namely, Retro, Masquerade or Beach. The decison was unanimous that the theme will be the last one. 


As newcomers, all bootcampers this year will have to have a presentation. The presentation  should look like the scenes in Glee wherein there are song and dance number. After naming malaman ang kelngang gawin, we had a conference through emails regarding what should we do. And sa kabutihang palad, our team leader can sing and dance. She also has songs na me mga steps na that she got from the dance contests na sinalihan niya. Because of that, hindi na kami masyadong nahirapan na kumuha ng choreographer. After that, the schedules of the practices are done. Dito pa din kame sa loob ng company magpapractice. 

Nagulat ako na halos araw araw ay me practice kame except for Sundays. Well, I treated it as a good thing na lang kasi at least maraming beses kaming makakapagpractice and because of that, madali naming mamememorize and maeexecute ang dance steps (for us na hindi naman kakanta). Actually, I'm not into winning the prize which is btw P 20000. Gusto ko lang na hindi kami mapahiya sa stage during the performance. Gusto ko lang na maayos naming magawa yung performance. Yung walang natutumba, nadudulas or even nagkakamali ng steps. That's all.

Two weeks na kaming nagpapractice. And I can say na malayo layo na rin ang aming narating. Echos! Andarama! Lol. Anyway, naka 3 kanta na kame within two weeks. One more and we're finished. Yipeeeee! Then some sort of polishing na lang ang kulang and we're ready to perform na. Wish us luck na lang guys!

I hope maging maganda ang outcome ng nalalapit naming Christmas Party pati na rin lahat ng me Christmas Party sa buong mundo. Hahaha. Bye, Ingat, Godbless. =)

          

Tuesday, November 30, 2010

Ako Ito, Paalam!

Ako ito, bilang na ang mga araw ko. Kaunting panahon na lamang ang ilalagi ng edad ko sa teenage bracket. Ilang araw na lamang at kelangan ko ng yakapin ang pagiging "hindi na bata" . Kelangan, kahit ayaw ko. Oo, ayaw ko. Ayaw ko pang iwan ang kinasanayan kong buhay na may nakikihati sa pagpapatakbo ng buhay ko. Na me nagbabawal sa akin sa mga hindi ko dapat gawin. Na me nangengeilam sa personal kong buhay. Ayaw ko pa.

Ako ito, hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang mawalan ng kasama. Hindi ko pa kayang alagaan ang sarili ko sa tuwing ako'y magkakasakit. Hindi ko pa kayang gawin ang mga gawaing bahay ng ako lamang magisa. Hindi ko pa kayang matulog sa gabi na batid kong wala akong kasama sa kung saan man ako mahihimlay. Hindi ko pa kayang mabuhay magisa. 

Ako ito, mahirap ang buhay ng isang tulad ko. Pinagtitinginan. Pinaguusapan. Hinuhusgahan. Pinagtatawanan. Nilalait. Kinasusuklaman. Nagtatago. Nagmamahal. Nagpaparaya. Nagbibigay. Nagtitiis. Nagpapakatanga. Kakarampot lang naman ang hinihingi ko. Paggalang. Pagtanggap. Kahit wala ng pagmamahal. Kahit wala na. 

Ako ito, mahal kita. Ilang taon na din. Hay. Pakikipagkaibigan lang naman. Madamot ka. Andamot damot mo. Pero naiintindihan kita. Normal lang naman ang pagresponde mo sa mga paglapit ko. Kung pwede lamang bayaran ang puso para hindi na tumibok, hindi na ako kumain makaipon lang. Pasensya ka na. Hindi ko sinasadya. Hindi ko ito ginusto. Sana maintindihan mo.  

Ako ito, iniibig Kita. Hindi Mo ko iniwan. Nariyan Ka palagi. At sigurado akong nariyan Ka lang. Alam ko na gawa na ang istorya ko. Napakagaling Niyo. Humahanga ako sa pagkakabalangkas ng buhay ko. Hayaan Mo at gagawin ko ang lahat para maging blockbuster ang pelikula ko na Ikaw ang nagsulat at nagdirehe. Isa lamang akong hamak na aktor na gaganap sa sarili kong istorya. Patawad sa mga maling pagganap ko. At sa mga pagarte ko ng hindi tama. Sana'y bigyan Mo pa ako ng pagkakataon na mapagbuti pa ang pagarte ko. Patawad. Patawad. At isa pa uling Patawad. Salamat. Salamat. Maraming maraming salamat.            

Ako ito, wala na. Ingat, Godbless. Ako ito, Paalam! 

Friday, November 26, 2010

the RaDaR

To give you a hint, ang post na ito ay tungkol sa aking kalandian dito sa company. Hahaha. Actually, hindi siya kalandian kase hindi naman ako malandi. Well, I'm haliparot in my own way but I'm not the kind that make lapit to guys. I have finesse, you know. Echos! But kidding aside, hindi talaga ako marunong lumandi as in landi talaga. I have the kilig factor when gwapo guys are in sight but I don't really have the capability to do "something" just to start a conversation. I don't have the guts to do that. Anyway, enough of the arte thing, I'll proceed na with him.


Maybe u're wondering wtf ang kinalaman ng title ko sa sinasabi kong guy dito sa Headstrong. Well, pansinin nio kung anong kakaiba diyan sa title na yan. O dibah nakita niyo na ung ibang letters ay capitalized? (napansin niyo nga ba? lol). To end the walang kwentang puzzle na yan, I'll make amin na sa kaartehang yan. lol. Ung mga capitalized letters dyan represent his initials. RDR ang initials nung crushie ko. Wala talagang kinalaman ang radar. Wahahaha


As far as I remember, I saw him many times na before I realized his cuteness. Haha. And ito ay nuong Townhall event wherein all employees of the company will gather to a specific area and some high profiled member of the board will discuss some things about the company like the history of the company, the revenues it earned every year, etc.

Prior to the event, we have to register before we can enter to the venue. Btw, the registration thing is needed because it will be the basis kung sino sino ang kasali sa raffle. So aun, I'm standing on a place where kita yung mga tao na papasok pa lang s room. And aun, nakita ko siya.My goodness! hahaha. Noon ko lang naappreciate ung cuteness nia. hahaha. As in, super cute pala niya.


Aun, simula noon, naging crush ko na siya. At swerte naman na nalipat ako sa floor kung saan nandun ang project na kinabibilangan niya. Aun, halos araw araw ko siyang nakikita. And it feels like heaven. Chos! Nagkaron pa ng time na naging magkatabi ang cubicles namin. And because of that, isang simpleng tayo lang at natatanaw ko agad siya. Hay, Father God really does a thing na makakapagpasaya sayo kahit papano. And I really thank Him for that.


Sa ngayon, nalipat uli ako ng floor kasi nga wala akong project. Wala akong kwenta. Isa lang akong dakilang utusan. Wahaha. I'm seeing him minsan. Sa lobby ng building, sa elevator, sa food shops. Pero I don't have any plans na makipagclose sa kanya kasi I don't have the guts to do that. Even though I really know na all I want is friendship, ayokong isugal ung kahihiyan ko if sakaling ituturn down nia ung friendship na inooffer ko. Lalo na at nabasa ko sa profile niya sa fb that he hates gays. Sapat na sa akin na nakikita ko siya. Napagmamasdan. Pinagnanasaan. Echos. Hindi ako ganon (minsan lang. LOL).


Seriously, tama na sakin yung nandyan lang siya. Hindi umaalis. At least, I'm rest assured na makikita ko pa siya. Kung sakali naman kasi na maging friends nga kami, naniniwala ako na magkakatotoo yung sinasabi ng best friend ko na I'll hunger for more. Siyempre nga naman, naging friends kame, iisipin kong samantalahin ung kahinaan este kabaitan niya. Do you agree on that? That's all!


PS Hindi ako makapaglagay ng pic niya dito kasi baka may maligaw na employee dito(assuming?.lol) and makilala pa niya kung sinu si crushie. It's so nakakahiya kaya, you know. Lol. Balita ko nga pala, he has a gf now. Congratulations to him. May the both of you be happy with each other. Another one is, If have read my previos posts, u'll know who Covin is. I just want to clarify na si crushie ay isa lamang crush. Hindi pa niya nalalagpasan ang lalim ng hukay na ginawa ni Covin sa puso ko. It's so lalim xe na it will take years na crush ko si crushie para mapantayan si Covin. Puta, ang corny. LOL. Un lang, I just want to share. Yngats guys, Godbless.

Thursday, November 25, 2010

Matigas Ang Ulo ng Company Ko!

As promised, I'll make kwento to you na ang mga experiences ko bago at habang ako'y employee ng aking current company; ang HEADSTRONG. Well, I can say na I'm really lucky na mapabilang sa iilang daang employess nito. There's so many Thank you Father God ang nasabi ko when my interviewer said "I'm hiring you". At ng dahil don, hindi ako nakapgreact. All I said is "Thank you, sir". Napuno sa loob ko ang kaligayahan ko. Hindi ko naexpress at that time maybe because magmumukha akong tanga sa harap ng interviewer ko.lol.
May naganap ang said interview. But the Bootcamp Training started July 5. Actually, the start of the bootcamp ay nausog ng 2 weeks kaya July 5 n nagstart. So imagine the tagal ng panahon na hinintay ko sa bahay bago ko makapagstart na magwork. And the fact na ubos ang aking money that time kasi nga I graduated na and I don't recieve allowance na that time, imagine na lang ang pagtiis ko that time. lol. Pero it's really worth naman ang paghihintay. Last week of June ako nagsign ng contract. So it's already final. I'm already an official employee of the company. Wahaha.

Two weeks ang training namin sa iba't ibang topics about technology specially programming languages. Merong SQL, Oracle, SDLC, Unix, etc. After that nadisseminate na kami sa kanya kanya naming capability. Sa .Net ako napunta. Anyway, hindi na ako magdedetail sa part na yan dahil I think not all people know that thing naman. Let's jump naman sa time na tapos na ako sa training and maaassign na kami sa kanya kanya naming projects.

Malungkot ako. Wala akong project na napuntahan. 2 months akong walang ginagawa na makakatulong sa company. As in wala. So because of that, my conscience is attacking me. Siyempre naman noh! Sayang ang ilang libo ng kumpanya na napupunta lamang sa isang tulad ko na wala namang gingawa. After 2 months na walang ginagawa, napunta ako sa isang team na nagaasikaso ng mga proposals for the clients.

Oo, me ginagawa ako pero hindi ako masaya. Hindi ko naman kase naaapply ang mga pinagaralan at tinraining ko sa current tasks ko. Hanggang ngayon heto ako at yun pa rin ang ginagawa. Hay, sana magkaron na kmi ng project na pangmatagalan. Aaahhhh, I'm starting to have drama. Stop it Marvin! lol.

Before I have a crying scene here in my blog, let me end this post of mine. As a summary, medyo masaya naman ako sa current work ko. Hindi ako nakokonsiyensya. But of course, I'm still hoping na magkaron ako ng work na maaapply ang mga skills ko. Un lang. That's all I need now.

By the way, I have this crushie sa company namin. Mas matagal lang siya ng ilang months sakin. I'll make kwento about him next time. Hahaha. Bye for now! Ingats, Godbless.=)

Wednesday, November 24, 2010

I'm Back! Am I?

And so i'm back after less than a year. OMG! It's so tagal na pala since my last post. Aaahhhh, actually, I don't have any plans of posting any thing yet kasi wala naman talaga akong maisip na ipost. Siguro I'm not born to be a writer talaga. Bitter?!?! LOL.

Well, there's so many many things happened to me after my last post. Here I am, already an alumnus of my minamahal na Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Hindi lahat ng kabatch ko ay pinalad na gumraduate on time because of the hardships we've gone through when we were at our dapat na last year. Naging super busy namin noong second half ng 2nd semester. As in super busy na lagi akong gising hnggng 5am to do major projects including thesis and me pasok kami ng 7am para umattend ng seminars. And after that, sa wakas, natapos ko din ang 14 consecutive years na pagaaral.





April 19 is the day. Our Graduation day. Super aga namin sa venue. Btw, sa PICC Clamshell ginanap ang graduation. Bilang pa lang sa daliri ang mga tao ng dumating kami. Hindi naging maganda,as far as I'm concerned, ang buong ceremony dahil halos lahat ng graduates ay mga tulog. Siyempre naman noh, ang aga aga kaya ng call time and alam naman natin na siyempre pagandahan ang mga girls ang papormahan naman ang mga boys. To cut the long story short, hindi naging memorable sakin ang graduation. There's nothing special during the ceremony. Anyway, let's go na sa aking current life, ang pagiging employed.




Bago pa matapos ang aking life as a student, nagaapply na kami ng 2 of my closest friends. Madalas kami sa Makati specifically Ayala. Andami naming inapplayan. But of course, most of them were IT company so we can apply naman our degree to whatever work we will have. Unfortunately, hindi kami sabay sabay na nagkawork. Si Sarah, sa isang sikat na IT company. Accenture is the name. To be frank, nainggit ako sa kanya. Not because of the name of her first employer but to the fact that she will not apply anymore. Even though her start date will be one month later after she had the call, of course, there was already an assurance if you know what I mean.




So after that, sabay pa din kaming nagaapply ni Joyce with our bagong kasama Ann, another close friend of mine. Swerteng halos sabay na nakacatch ng good company ang 2. Pero hindi din sila magkasama. So there I am, hinihintay ang tawag mula sa aking kaisa isang pag asa, ang Headstrong, which fortunately is my current employer. Yes, tama! tinanggap nila ako despite of everything. Chos!







As of now, isa na lamang sa aming magkakaibigan na gumraduate na ang wala pang trabaho. So far, lahat kami ay napunta sa mga reputable companies and earning well. That's all for now folks!




My stories here in our company will be my next post. Wahaha. Ingat and Godbless! :)

Friday, February 26, 2010

MOST EMBARASSING MOMENT PART II

Hay. After so many days, nakapagpost uli. ang oa kasi ng sked eh. overnight ngayon, maaga ang pasuk kinabukasan. Gawa ng thesis dito, Compiler naman ang next. Haykz... Nainspire akong mgsulat ngayonn dahil sa isa na namang pangyayaring nangyri sakin ngayong araw na alam kong hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. And ito ay tungkol na naman ke Covin.

Seminar kanina ng block 1 ng CS, and full force ang mga CS students sa pagattend dahil kelangan ata nilang mpuno ung auditorium. Nagulat ako ng malaman kong invited pala ang mga 4th year ECE studs. Kaya aun, naexcyt sa notion n pupunta sila Covin. At indi nga ako nagkamli ng hinala. Aun, at pglingon ko ay nakita ko siya. Then pumsok na kmi ng friends ko. After that, hinanap ko siya pero wala p rin, hindi ako mapakli kaya niyaya ko ung 1 kong friend n lumabas sandali ng audi para tignan kung pupunta ba talaga sila. Aun at nakasalubong ko siya sa pinto!!! Tumuloy pa rin kaming bumaba para hindi ganun kaobvious.

Pagbalik nmin, nagulat ako ng makita ko na ung nsa likod lang ng row namin ung inupuan nila. Sa sobrang gulat ko, sa ibang upuan muna ako umupo. Kinabahan ako bigla ng marinig kong tinatawag nila ung name ni Covin. Obviously, ako ung tinatawag nila. Kinabahan tlga ako ng sobra sobra. Ibig sabihin kase nun, alam  na nilang lahat na crush ko si Covin. And the mere fact na isang batalyon silang mga lalaki made me feel so small. Yung upuan xe na nilipatn ko is 1 row ahead lang dun s dapat na uupuan ko. Nagulat ako ng mkita ko silang lumilipat dun sa row sa likod ko kung san nandun ung mga friends ko. The shittiest thing is dun pa siya umupo s likod ko. Kundi b nmn sila mga walanghiya. Balak talaga nila akong gaguhin. Shitness tlga. Aun nga, ngkatotoo ung hinala ko. Tawag pa din sila ng tawag. And worst, tinatawag nila ako sa pinagsama naming name. Where the heck nila nakuha ung name na un? Indi ko nmn ginagamit un s iba; sa plurk ko lang pero wala naman akong friend sa plurk na friend ni Covin. Dedma na lang pero naiiyak na ko s sobrang hiya. Imagine that, niloloko k ng maraming tao including your crush sa harap ng mga friends mo. Duh!

Aun, thank God at ngsimula na yung seminar. Tumahimik na ng konti. Pero alam ko na patuloy pa din yung kagaguhan na nagaganap sa likuran ko. Kaya natulog na lang ako sa sobrang lungkot. Hay. Aun, in God's grace, naisipan ng mga friends ko na umlis na sa hell na lugar na un. Aun. Madami pang nangyari pero indi ko n ikukuwento. LOL.

Mula nung time na nrinig kong tawagin nila ako s pinagsama naming name, inisip ko na kung anu anung panunumbat ang sasabhin ko sa friend ni Covin na minsan kong nakakachat. Malamang kase eh xa ang me pakana ng lahat ng mga kagaguhan na ginawa nila skin. Kaya pagka ol na pagka ol ko, piniem ko agad xa. Aun at ngsori nmn xa. akala nia daw eh close na kami kaya ganun na lang siya makapanggagu. Hay. Ok na ko ngayon. Hindi na naiiyak tulad ng nararamdaman ko knina. Hay. Sana lang ay indi na maulit ang nakakahiya naman talagang bagay na un. Un lng poh. Nglabas lamang ng sama ng loob.

Yngatz guyz and Godbless...=)

Friday, January 22, 2010

WALA LANG

Waaahhh... Antagal kong walang post... At ang dahilan niyan ay ang sobrang pgkabusy ko sa studies. Overnyt ngayon, tapos bukas, tapus review dito, review doon. Hindi ko na alam ang gagawin. Sana lang worth naman itong mga pinagpapaguran namin pag gumraduate na kami (kung sakaling susuwerthin this April).

Aun, like i said earlier, super busy naming lahat dahil malapit na ang mga kinatatakutang defenses sa iba't ibang subjects, especially thesis. Haykz. Mabuti na lang at magaling dumiskarte ung partner ko sa thesis at medyo nakagawa na kmi ng konti sa thesis namin. indi katulad ng iba kong friends na usad pagong sa thesis nila dahil sa sobrang hirap nung sa kanila. Haykz.

Wala na kong maisip na maisulat. Dahil hindi naman interesting ang mga nangyari sakin these past few days. At dahil diyan isheshare ko na lang  xeniu ang 2 tulang ginawa ko nung high school out of the blue. Yung isa is about friendship and the other one is about love. Sana'y mgustuhn niu.
Salamat
Salamat sa iyo kaibigan
Sa kasayahang walang hangggan
Na ating pinagsamahan
Na hinding-hindi ko malilimutan

Salamat sa mga payo
Sa mga problema’t paglutas nito
Siguradong di makaliligtaaan kayo
Ng sumulat ng tulang ito

Salamat sa pagpapakopya sa akin
Dahil sa talino mong angkin
Joke Joke Joke ang nasa isipin
Nang ikalawang linya ang sulatin

Salamat sa ginawang pagtulong
Na kahit sa isang bulong
Nagiging isang ugong
At proteksiyon na parang bubong

Salamat sa inyong pag-away
Sa taong talagang pasaway
Dahil ito’y naging isang gabay
Sa pang araw-araw na buhay

Salamat sa pagbuhay
Sa mundo kong parang patay
At pagbibigay kulay
Sa walang buhay na bahay

Ganyan ba ang buhay talaga
Kailangang magkahiwa-hiwalay pa
Na parang walis-tingting na sira
Na wala nang silbi pa sa lupa

Maraming salamat, maraming salamat
Sa ligayang di masukat-sukat
Maraming salamat, maraming salamat
Tandaan, Diyos lamang ang marapat






Kasalanan ba?
Kasalanan bang magmahal
At maghintay ng matagal
Sa taong iyong minamahal
Na sanhi ng pagiging hangal

Kasalanan bang maging tanga
Sa taong iyong minumutya
At tunay na dinadakila
Sa puso ay idinadambana

Kasalanan bang maging bulag
Sa isang tao ay malaglag
Ang puso na isang ilag
Sa isang mundong lagalag

Kasalanan ba ang mangarap
Na ang minamahal ay kaharap
At lumilipad sa alapaap
At tanging dama ay isang yakap

Kasalanan ba ang mangako
Na itatabi ka dito sa aking puso
At mamahalin ng todo’t totoo
Na parang hangin sa mundo

Kasalanan ba ang lumayo
Kung talagang tayo ay malabo
Ang ating nakikitang patutungo
Sa hinaharap na pangako

Kahit masakit ay tatanggapin ko
Na imposible talaga tayo
Kahit na parang ipinapako
Ang aking nagdurugong puso

Kahi malayo, sana’y tandaan
Na kahit tayo ay hindi laan
Na alaala’y mamahalin at iingatan
Ako’y nangangako, magpakailanpaman

Un lng poh... Yngatz and Godbless...

Sunday, January 3, 2010

Ang Metal na Tigre

Kung meron kayang nageexist n ganito, kita pa rin kaya yung stripes niya? Wala lng, just wodering.

Anyways, I spent the New Year here in our house with just my family and a few relatives. Hindi ko masabing masaya ang naging pagsalubong ko sa bagong taon because of the fact na hindi maganda ang relasyon ko sa mga kafamily members ko. Actually, nsa loob lng ako ng bahay at ngeefb ng dumting ang bagong year. Hindi ko man lang siya nabati and nykp tulad ng dati kong kingawian. Aun, maingy ang iba habang ako ay nasa isang sulok at tumitipa sa keyboard ng mga urls n madalas kong binibista.

Sa sobrng pagkabusy ko sa fb, indi ko napansin na 2am na pala at wala ng putukan at ang ingay ng mga tao. Ang tangi na lang natirang tunog ay ang mga yabag ng mga kasambahay ko na pupunta na sa kanilng mga kwarto. Aun at naiwan na naman akong magisa. Magisa kong hinarap ang unang 4 n oras ng taong Bente Diyes(2010). Indi ko alam sa sarili ko pero ang oa ko mg plurk nung mga time na un. Kung kelan ang lahat ng mga plurkers ay abala s pagpapaputok, aun ako at sawang sawang ishinare sa mga friends ko ang mga walang kwentang plurks ko. Ewan ko ba at sinipag akong magtype ng kung anu anu kahit na it's obvious na awla namang magrerespond sa mga pinagsasasabi ko. Aun at natapus ang pagharap ko sa computer. 4am.

Pagkagisng ko ay kalahati na ng unang araw ng taon ang nalagpasan ko. Lampas p nga. Lagi na lang akong nagigising nowadays ng between 2-4pm. Imagine that. Ngayon ko lang un nagawa in my entire life. At naiiniz ako sa sarili ko because of that. Kinakabahan tuloi ako na baka pagdating ng pasukan ay ugali ko pa din ang gumising ng ganun katanghali. Patay ako pag nagkataon.

Hindi ko pa din pala nasisimuln ung thesis namin dahil cmple lang ang sagot. Hindi ko alam kung pano sisimuln. Dahil kung alam ko lng kung pano, matagal ko ng sinimulan un. Natatakot na nga ako dahil 1 mo. na lng at defense na namin. Nakakapressure pa ung partner ko. Hindi ko lam kung bakit pero napepressure talaga ako sa kanya haha. Sana ay masimulan ko na ang thesis namin at matapus eventually. Haykz.

That's all for the first day of the decade.

Syanga pala, totoo bang simula na ngayon ng bagong dekada? Hindi ba sa 2011 pah? pakiexplain naman. hehe. Xe iniicp ko, ang bilang is from 1-10 kya sakop pa rin ang 2010 ng 211^th (tma bah? basta kung saan kasali ung 2009. haha) decade.

Aun lng poh. Yngatz and Godbless us all this year at s mga taon pang darating...=)

Friday, January 1, 2010

Continuation ng BGO 2h!!!

Nga pala, nagdala ung friend kong si D ng dessert. It's like salad na ang tanging laman ay pineapple. Indi ako tumikim nung una dahil sa kabusugan sa Loaded. Aun, after ng ilang hours, tinray ko n siya khit I'm half full pa, aun, ngustuhna ko xa ng sobra na hlos kalahati ata nung container ung naubos ko. LOL.

Aun, after eating alot, napagpasayhan na naming umalis. Bago umuwi ng bahay, sinamahan nmin ni J si E para pasikipan ung watch na nakuha nia from D. Aun, ok naman. Uwian na pagkatapus. Pagkauwi ng bahay, tulog ako and gcng after some hours. Then umaatikabong basahan ng blogs and research tungkol sa language na gagamitn ko sa thesis namin.

Kinabukasan, nalaman ko na me consultation kmi sa DBMS. Imagine, nasa gitna kami ng bakasyon pero me consultation pang nagaganap. And ang location, sa Makati. Actually, kapag hindi kami nakapagpconsult eh bka indi n naman kmi makapagdefense sa January 9. Yes, First Sat of the new year eh excruciating defense na naman kmi and alam ko n tuloi tuloi na yan hanggang Feb. Huhuhu.

Aun, ok naman ang consultation. Nung una eh dun kmi sa building na pinagtatrabahuhan nung prof ko. Eh since pasara na ung canteen nila eh lumipat kmi sa isang soxal na fastfood chain. Sa Jollibee. LOL. Aun, nakakatawa xe habang nagpapaconsult yung iba kong grupmates, nasa ibang table ako at nkikipagkwentuhn sa mga friends ko na indi ko kagroup. What can i do? Wala naman akong alam dun s pinapaconsult. Sa ibang subject xe ako natokang gumawa ng main project namin. So aun, natapus ung pagpapaconsult ng grup namin ng ala akong alam s napagusapan nila. HAHA. Uwian na after that.


The next day, I am shocked because me another consultation na naman kmi that evening. Imagine the pesos I'm wasting. I can say na I'm just wasting it xe like i said earlier wala naman akong nasasabi at sinasabi during the consultation. Dapat, kung sinu lang ung involve dun s project na un, dapat sila lang ung nandun(ryt, pero medyo wrong din LOL).

Aun ok naman uli. Kaso antgl naming nagantay bago dumting ung prof namin. Cguro mga 1 1/2 hrs kaming nagantay. Siguro me tinapus pa ung prof namin sa office. Buti na lang at nayaya ko ung friends ko n magpaconsult din sila. Dahil kung hindi, malamang naspoiled na ung saliva ko kakahintay ng walang makausap.

Anung petsa na nga kmi ntpus eh. 10:00 pm na kaya wala ng LRT at ngjip na lng kami. Ok naman kaso Kapagod. Un lng. Yngatz Godbless.=)