Powered By Blogger

Friday, January 7, 2011

At Last!

Sa wakas, nakapagsimula na ako ng kwento ko. Sana lang me magbasa. Pinost ko din siya sa PEx. Wala lang. Gusto ko lang ishare sa iba. Natutuwa lang ako sa ibang tao na gumagawa din ng kwento at ishashare sa iba at nainggit ako sa kanila kaya shineshare ko din. Hahaha.

Sabay sabay kaming naglunch ng two of my friends in college. Napagkasunduan namin nung isa kong friend na ituloy na yung nakaschedule naming star city bukas. Grabe masyado ata akong natutuwa sa mga amusement parks. Kagagaling ko nga lang ng Enchanted nung nakaraan, Star City naman bukas. Sana lang matuloy kame dahil namimiss ko na ang Surf Dance. Lol.

Syanga pala, start na namin ng training next week. Sana maging maayos. Lilipat na kame ng pwesto. San pa! Siyempre sa training room. But I mean, after that, sa iba na kami ipupuwesto. Hay. Mamimiss ko tong place ko for two months na. Hay. Ansaya pa naman dito. Nasa tabi ako ng window. Kita ang labas. Me swimming pool pa kong natatanaw. Hay. I'll miss this. Really! Promise! Lol.

Anyway, excited na ko bukas. Sana lang talaga matuloy kame. Hahaha. Happy weekend everyone! Ingat, Godbless. =)

METAMORPHOSIS II

Nagmadali siyang lumakad para makakita ng mapagtatanungan. Lingon likod ang ginawa niya dahil sa pagkalito sa mga nakikita niyang bahay at gusali na hindi naman niya nakita kanina. Paliko na siya sa isang street habang nakatingin sa likod ng biglang BLUG!
________________________________________
“Oh my gosh! Ano ka ba?! Tignan mong ginawa mo sa akin! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaan mo eh”, galit na sabi ng nakabangga niya habang pinupunasan ang mga duming napunta sa long sleeves niya.



“Sorry. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya.”, Nahihiyang sabi ni Marco. Aminado naman siya na siya nga ang me kasalanan kaya todo hingi siya ng paumanhin.


“Naliligaw kase ako. Hindi ko alam kung paano makakabalik sa tinutuluyan ko. Pwede mu ba akong tulungan?”, dugtong ni Marco.


“Aba, ang kapal din naman ng mukha nito no! Hindi na nga ako tinulungang maglinis, me gana pang magtanong”, nasa isip ng nabangga niya. Pero dahil sa awa eh sinabi niya din dito kung paano makakauwe. Nagpasalamat naman si Marco dito.


“Siyanga pala, ako si Marco. Marco Aquino.”, pagpapakilala ni Marco sa sarili.


“Ano nga palang pangalan mo? Baka kase lagi tayong magkita dahil magkalapit lang naman ata tayo ng bahay. ”, dagdag ni Marco.


“Huwag na. Hindi na kelangan.”, masungit na sabi ng nabangga niya.


“Ah, ok, sige. Salamat na lang uli! Mauna na ako. Pasensya uli sa nagawa ko.”, pagpapaalam ni Marco.


“Ok”, at walang ano ano’y umalis na ang estranghero. Dumiretso naman sa paguwi si Marco, kumain at diretso na ng tulog para maagang magising bukas upang marami siyang mapasang resume sa pagwowalk-in sa mga companies.




Nakatapos naman si Marco ng second year sa kursong Computer Science at kasalukuyang nasa third year ng maisipang maglayas sa kanila dahil sa pangmomolestiya sa kanya ng amain. Oo, me dugong berde ang kanyang step-father pero hindi niya ito magawang isumbong sa kanyang ina dahil hindi niya alam kung papaano at natatakot siya sa mga maaaring mangyari. Kaya heto’t nagpakalayo layo siya. Ngunit ipapaalam niya rin naman sa pamilya niya ng naging pagalis niya at ang plano niya at hindi siya mapipilit ng mga ito na bumalik. Pero babalik naman siya. Hindi pa lang sa ngayon. Me gusto pa siyang patunayan kaya narito siya’t makikipagsapalaran.



Sa bahay naman ng estranghero’y hindi siya mapakali. Hindi niya makalimutan ang mukha ng nakabangga niya kanina. Kanina pa siya nakahiga pero hindi siya makatulog. Bading siya. Ngunit kakaunti lamang ang nakakaalam. Dahil batid niya ang mga consequences na naghihintay sa kanya kapag lumantad siya.


“Bakit ko kaya naiisip ang taong yun?”, naitanong na lang ng estranghero sa kanyang sarili bago siya nakatulog.




Maagang nagising si Marco kinabukasan dahil na din sa paninibago at excitement. Maghahanap siya ng trabaho ngayon. Mabilis siyang nagalmusal, naligo at nagbihis. Wala siyang inaksayang oras at dumiretso na sa Ayala. Bumalik na naman ang pagkamangha niya sa mga nagtataasang building. Nagsimula na siyang pumasok sa bawat gusali. Nagbakasakali na me opening pero makalipas ang dalawang oras ay wala pa din siyang nakitang opening. Karamihan ay nanghingi lang ng resume in case na biglang magkaroon ng bakante sa kanila.


Huling pasa na sana ni Marco sa isang building bago magtanghalian ng sinabing tamang tama daw ang kanyang dating dahil nangangailan daw ng encoder sa isang company sa gusaling iyon. Tuwang tuwa naman si Marco sa narinig. Agad agad siyang umakyat, nagpasa ng resume. Nagexam noong umaga and interview rin noong hapon na iyon.


Nagtawag ng isang employee ang interviewer na siyang mageevaluate ng application ni Marco.  Bumukas ang pinto at lumabas ang kanyang evaluator.

Nagulat si Marco ng mapagsino ang taong hahawak ng kanyang kapalaran. Parang pamilyar ang mukha. Siya nga! Ang estrangherong natapunan niya ng katakot takot na dumi kagabi!




“Lagot na ako.”, ang tanging nasabi ni Marco sa sarili.

METAMORPHOSIS I

DING! DING! DING! DING!

"Ang ingay naman! Ano ba?!", aburidong sabi ni Marco ng makita ang konduktor na me hawak na maliit na bell at kinakalansing ng kutsarang hawak nito.


"Anong ano ba?! Ginigising ka lang namin ng kasama kong driver kase ikaw na lang ang nagiisang pasahero dito sa bus. Nasa Maynila na tayo.", inis din na paliwanag ng konduktor.


"Alam mo bang kanina pa tayo tumigil at nakapananghalian na nga kami ng kasama ko ng malaman namin na me tao pa pala dito sa bus!", nanlalaki pa ang mga mata ni Manong driver.


"Shit. Anak ng. Ganon po ba? Nako, pasensya na po. Hindi ko sinasadyang makatulog ng mahimbing. Sige po bababa na po ako.", Nahihiyang sabi ni Marco.

Pagbaba ni Marco ng bus, naglakad siya buhat buhat ang maletang naglalaman ng mga gamit niya na tanging nadala niya sa pagmamadali sa paglayas sa kanilang probinsya. Kaunting lakad pa at namangha siya sa kanyang mga nakita. Nagtataasang mga buildings, mga restaurants na ngayon niya lang nakita at hindi pa mabigkas ang pangalan ng mga ito at mga taong nakabihis pormal.


“WOW! Nasa Maynila na nga ako. Akala ko sa panaginip ko lang ito mararating.”, nasa isip ni Marco.


Siya si Marco, 19. Gwapo. Maputi. Matangkad. Matalino. Naglayas sa bahay nila sa probinsya para takasan ang isang madilim na nakaraan. Nagpunta ng Maynila ng walang tiyak ng patutunguhan.

“Naku, san na kaya ako pupunta nito. Ay oo nga pala, kelangan ko ng makahanap ng matutuluyan . Maaga pa akong gigising bukas para maghanap ng trabaho. Kakaunti lang ang naipon ko galing sa dati kong trabaho sa factory. Siguradong kakapusin na ako sa mga susunod na linggo kung hindi pa ako mkakahanap ng trabaho.”, sa loob loob ni Marco.


Naglakad lakad si Marco papunta sa mga residential area na sa tingin niya ay makukuhanan niya ng marerentahang kwarto. Nakailang inquire din siya ng swerteng nakakuha na rin siya ng kwartong mapagtyatyagaan naman at kasya naman sa budget niya. Pagkaayos niya ng mga gamit niya sa gilid ng kama (dahil wala pa siyang malalagyan ng mga ito), nahiga siya at nakatulog dahil na rin sa pagod sa byahe at paghahanap ng matutuluyan. Nagising din siya makalipas ang ilang oras.


“Tsk! Alas otso na pala. Hindi pa ako nakakakain”, lumabas siya ng bahay para makahanap ng makakainan ng hapunan.


“Anu ba yan? Parang ang sososyal naman ng mga pagkain dito. Kelangan kong makahanap ng karinderya na pwede kong bilhan ng pagkain sa araw araw para naman hindi ako masydong gumastos.”, bulong ni Marco sa sarili.


Malayo layo na rin ang kanyang nalakad at ilang kalye din ang nadaanan niya ng makita ang kanyang hinahanap. Isang may kalakihang tapsilogan na nagbebenta din ng iba’t ibang ulam. Madaming tao sa loob kaya hindi na niya tinuloy ang planong doon pa kumain. Bitbit niya ang ulam at softdrinks sa kaliwang kamay at kanin naman sa kanan. Naglalakad na siya pabalik ng lumingon siya sa likod. Kinabahan siya bigla.

“Hala! Naliligaw na ata ako. Bakit ganon? Wala man lang tao? Kung mamalasin ka nga naman o!”, inis na sabi niya.


Nagmadali siyang lumakad para makakita ng mapagtatanungan. Lingon likod ang ginawa niya dahil sa pagkalito sa mga nakikita niyang bahay at gusali na hindi naman niya nakita kanina. Paliko na siya sa isang street habang nakatingin sa likod ng biglang BLAG!

Thursday, January 6, 2011

PEX

The other night, nagkita kami ng mga close friends ko nung college. Nakita ko na rin sa wakas ang kauna-unahan kong inaanak. Yes! Me inaanak na ako. Ang gwapo ha! Taliwas sa sinasabi ng marami na kamukha niya yung tatay niyang sira ulo. Badtrip ako sa tatay nun kase nung time na naghihirap yung friend ko sa pagbubuntis nito, wala siya at iniiwasan pa niya yugn kaibigan ko dahil na din sa udyok ng family niya. Tapos ngayon na lumabas na yung bata, pupunta punta siya dun sa bahay ng friend ko at magaaktong ama na parang walang nangyari. Bwiset! Hahaha.

Ako ang naging taya sa kuwentuhan namin. Andami nilang napulot na aral este tsismis sa mga pinagsasabi ko. Lahat ng mga tsismis simula ng hindi namin pagkikita ay sinabi ko sa kanila. Sa sobrang kadaldalan ko, pati yung nalaman kong something tungkol dun sa isa naming friend na minsang kinalikot ko yung cp niya, natsismis ko din. Hahaha.

Napapadalas ako ngayon sa PEx. Me mga sinubaybayan na kase akong mga istorya. Dati ko pa alam yung PEx pero ngayon lang ako nagbrowse sa mga topics. And talagang nahook ako dun sa iba na nagsabi pa ko sa mga author nung mga nabiting stories o yung mga kwentong walang end na tapusin na nila yung stories nila kahit na yung huling post nila ay nuong last mga October-November pa last year. Hahaha.

Speaking of stories, me naisip na kong magiging takbo ng kwento ko pero hindi ko pa nasisimulang isulat. Simulan ko na mamaya (sana nga masimulan ko at hindi ako malibang sa pagbabasa ng mga stories sa PEx.) yung pagsulat para mapost ko agad as soon as finished na yung isang chapter.

Ingat, Godbless us all. ;-)

Tuesday, January 4, 2011

REGULARIZED

I just received an e-mail a while ago contaning the details about my regularization. I'm so happy! Hindi na ako ngayon kakabahan na baka sa mga susunod na buwan eh wala na akong trabaho at mararanasan ko uli yung mga pinagdaanan ko dati habang nagaapply. Worse is that, kung mangyayari man un, wala na kong kasamang magaapply dahil me work na lahat ng mga friends ko. Thanks to Father God dahil hindi pa yun mangyayari for the next one and a half years.

Me kakaibang nangyayari sa akin ngayon. Remember my high school crush dun sa last kong post? Ewan ko ba pero lagi ko pa ding naiisip yung mga nangyari nung inuman. Sana lang it will not lead to something na ayaw ko at siyempre, ayaw din niya.

Anyway, birthday ng high school super close friend kong si Shiena. HAPPY BIRTHDAY SHIENA!!! I miss you so much! Love yah! Super tagal na naming hindi nagkikita. Mahigit 3 years na ata kaya nuong holiday season, nagkatext kaming magkakaibigan nung high school including my long lost friend na hindi ko nakausap for the past five years and napagkasunduan naming magkita kita. Push na to! Miss na miss ko na sila. As in! Sana lang walang maging hadlang o kung meron man, sana matuloy pa din siya this month. I'm really looking forward to that.

That's all. Wala pa namang gaanong balita sa akin nowadays. Siyanga pala. Wala pa akong maisip tungkol dun sa sinasabi kong kwento na gagawin ko. Hay. As soon as makagawa na ako ng plot sa isip ko, itutuloy tuloy ko na yun. Promise! For now, bye na muna. Ingat, Godbless. =)

Monday, January 3, 2011

The New Beginning

(Naiinis ako. Hindi ito yung original na post ko. Hindi nasave yung unang gawa ko. Ang haba pa naman nun. Hay.)


LET'SWELCOME 2011 WITH A BANG!!! Actually, I've done it! Hindi nga lang sa mismong January 1 kundi ngayong araw. Grabe anong petsa na ko pumasok ngayong araw because 2:30 am na ako nakauwe ng bahay kagabi. Nakakaloka. Let me tell you the story kung bakit at paano nangyari yan.

Binyag ng pamangkin ko kahapon. Sa chapel sa MOA ginanap yung binyag. As usual, me mga late na godparents kaya kinailangan ng mga proxy at isa ko sa mga napili na sumama sa loob. Naging super exciting sa akin ng experience na yun kase first time kong hahawak ng kandila, magdadasal at makikilahok sa ganung ceremony. After that, diretso agad kami sa reception which is sa seaside.

Nakakainis ng bonggang bongga ung service nung restaurant na kinainan namin kase wala man lang kaeffort effort. Anung petsa na, hindi pa ready yung ibang food. Tapos nakakainis pa yung setting nila. Halatang hindi pinaghandaan. Parang nasa isip nila, matapos lang at mabayaran sila ok na. Kaya hindi naman sa panglalait pero hindi talaga maganda yung service nila. Hindi ko na lang sasabihin yung name nung restaurant for their own good. Sana lang marealize nila yun at pagandahin na nila yung serbisyo nila. Haha.

After eating bumalik ako ng MOA to attend our high school class reunion. Biglaan yung lakad na yun kaya sumunod lang ako. Nung araw lang na yun nafinalize yung plano. Kumakain sila sa Pizza Hut pagdating ko. Siyanga pala, nagulat ako nang yung high school crush ko yung sumundo sa akin sa labas. Haha. Well, to tell you frankly, hindi ko na siya crush (ang kapal ng mukha eh no! Lol). Nagulat lang ako na siya pa yung pumunta sa labas para sunduin ako. 

Hindi na ako kumain because I'm very full na that time kase nga kakakain ko lang dun sa reception ng binyag. So todo catch ups kami sa isa't isa. Todo kwentuhan 'bout sa work and studies. Me mga hindi pa kase graduate samin kase mga 5 years yung course nila. Todo picture picture din gamit yung SLR nung classmate ko. Nagulat nga ako ng me ganun agad siya for the fact that we're only working for several months pa lang. 

So tinanong ko siya and sinabi niya sa akin na incentive lang yun galing sa company nila. Naisip ko tuloy, ambongga naman ng company nila namimigay na lang ng mga ganung gadgets. Actually, bongga naman talaga ng company nila kase isa yun sa mga top call centers sa Philippines. Naamazed lang ako na hindi biro ung worth ng mga pinamimigay nila sa incentives. Bongga talaga!

After eating, akala ko uwian na agad. Kasama pala sa plano yung inuman. Kinabahan lang lang ako ng kaunti kase hindi talaga ako umiinom. Promise. Pero nandun na eh. Wala na kong magagawa. Go with the flow na lang. Magpass na lang pag hindi na kaya. So punta kami sa Harbour Square. Inuman na. Beer and tequila. Mainit sa lalamunan yung tequila. Pero mas feel ko sa compared dun sa beer kase ambaho nung beer. Dun pa lang, ayaw ko ng ituloy yung paginom. Nakailang rounds din nung tequila. Nagpapicture ako sa cp ko with hs crush. Nagulat ako dahil inakbayan niya ko. Yung pagkagulat na iyon ay hindi dahil sa pagkakilig kundi dahil minsan lang mangyari sa akin yung mga ganung bagay. Naisip ko tuloy na baka lasing na siya. Sayang lang at hindi kita sa kuha yung pagkakaakbay niya sa akin. Echos. 

Nagspin the bottle kame. Diretsahan ang mga tanong. As expected ang tanong sa 'kin is kung anung masasabi ko dun sa hs crush ko. Tumaba siya. Yun lang. Follow up question, crush ko pa daw ba siya. Hindi na, sabi ko. Hindi na naman talaga eh. Kung ano man yung kakaiba kong nararamdaman nung gabing yun, feeling of excitement lang yun dahil matagal ko na siyang hindi nakikita. That's all. Thank you. Echos.

Passed 1am na nang umuwi kame. Me isa sa amin na sa Cavite pa uuwi kaya  nagantay muna kame ng masasakyan niya. Isang oras kaming nagantay pero wala man lang ni isang bus ang dumaan kaya nag give in na siya na magovernight sa bahay ng isa naming kasama. So nakauwe kami ng matiwasay.

Masyado ng mahaba ang post na ito pero marami pang nangyari sa akin bago pa naman matapos ang taon. Naging maayos ang pagsalubong namin sa taong 2011. We attended a mass and as usual andami kong natutunan sa sermon ng aming beloved parish priest. Hinihiling ko lang na sana maisabuhay ko yung mga yun.

Nung huling araw nga pala ng pasok para sa taong 2010, nagkita kita kami ng mga college friends ko. Nagulat ako ng makita kong hindi ko naman kaclose yung iba pero I thought positive that time kaya naging masaya naman yung get together namin. And I'm sure mauulit pa yun.

Napansin kong dumadalas ang paglalakwatsa ko nowadays kaya yan ang isa sa mga babawasan ko na from now on. Hindi po ito resolution. Nagkaton lang na ngayon ko to narealize. Lol. Kelangan kong mag ipon and sisimulan ko na yan ngayon. Promise. Hindi na ako magvovolunteer na magschedule ng mga lakwatsa. Last na tong mga matagal ng nakaschedule. Last year pa ito at hindi ko ito pwedeng tanggalin sa schedule ko dahil mahalaga ito. After na nito tsaka ko titigilan ang paglalakwatsa. Promise!


Tama na! Mahaba na masyado! A PROSPEROUS NEW YEAR GUYS! Ingat always, Godbless us all. =)

Thursday, December 30, 2010

Final Bow

Ilang oras na lang pala at kelangan na nating mamaalam sa taong 2010 at salubungin ang susunod na year. Parng ambilis bilis ng oras. As in. Hindi ko man lang namalayan na isang taon na naman ang nagdaan. Na ilang buwan na pala akong tapos sa pagaaral. Na ilang buwan na din pala akong nagtatrabahon at ilang libo na din pala ang nagastos ko sa mga luho ko.

Parang kelan lang, nagpapakahirap ako sa pagaaral. Overnight dito, walang tulugan duon. Defense ngayon, defense ulit bukas. Parang kelan lang, takot na takot akong isipin na baka hindi na kami magkita ni Covin. Parang kelan lang, kinakabahan ako kung gagraduate ba ako o hindi. Parang kelan lang, inaabot ko ang kunwaring diploma ko. Parang kelan lang, halos maiyak ako ng isa isa nang nagkaroon ng trabaho ang mga kaibigan at batchmates ko at ako ay wala pa. Parang kelan lang, nagkaroon ng problema sa health ko kaya hindi ako nakapasok sa unang dalawang araw dito sa kumpanya. Parang kelan lang, nahihirapan akong magadjust sa mga bagong tao at bagong kapaligiran.  Parang kelan lang, natanggap ko ang unang sahod ko, gumimik at nagpakasaya hanggang ito'y maubos. Parang kelan lang nang una ko siyang makita at magsimula ang kilig na nararamdaman ko. Parang kelan lang nang nakabili ako ng isang mahal na bagay na galing sa bulsa ko. Parang kelan lang.

Hay. Napakabilis talaga. Pero wala naman tayong magagawa diba? Nariyan na yan. Hindi na natin maibabalik. Hindi na natin mababago kung ano ang mga nangyari na. So better face the new chapter with a smile and confidence. Pagsisihan ang mga nagawang pagkakamali at gumawa ng paraan para ito ay maituwid. Pagbutihin pang lalo ang mga bagay na nakakatulong sa kapwa. Iwasan ang mga mali. 

Hindi ako gumagawa ng New Year's Resolution kase naniniwala ako na kung me dapat kang baguhin sa sarili mo, gawin mo na ito agad kung maaari. Hindi yung hihintayin mo pa ang Bagong Taon para duon magsimula. Paano kung mga March mo narealize na kelangan mong baguhin ang mga masasama mong gawi, hihintayin mo pa ba yung January 1 the next year para lang masabi na me New Year's Resolution ka. Parang tanga lang diba. Lol.

Napakadaming blessings ang natanggap ko this year at hindi ko alam kung paano ko magpapasalamat ang Diyos dahil dito. Madami din akong narealize na mga bagay na dapat kong ipagpasalamat. Thank you po so much Father God.

Anyways, madami akong planong gawin next year. Grabe, taghirap talaga ako nowadays kaya sinabi ko sa sarili ko na magiipon talaga ako ng bonggang bongga. Hindi muna ko bibili ng mga bagay ng meron pa naman ako. Kelnagan ko ding masettle lahat ng utang na meron ako. Hay. Ang hindi ko lang mapipigilan is yung mga nakaschedule ko ng lakad. LOL. Diyan ako mahinang kumontrol. Hahaha. Promise, after niyan, hindi na muna ako magyayaya at magpapayaya. Kelangan ko talagang magipon. Me quota pa nga ako eh. Dapat me ganito ganyan na akong amount of money in this certain date. LOL. Gusto ko ding gumawa ng stories dito sa blog ko. I'm inspired by my idol ARIS. Hehe. Pero siyempre magkaiba ng genre.        

Andami ko ding non-tangible hopes para sa susunod na taon. And here's the list. 
  

LIFE- Unang una siyempre ang buhay. Ano ba naman kaseng mangyayari sayo kung wala kang buhay no. Hindi lang yan yung simpleng buhay. Kasama na diyan yung social life. Imaginine mo na lang no kung buhay ka nga, wala ka namang kaibigan o kahit kakwentuhan man lang. Naniniwala ako sa kasabihan na "No man is an island". Sino ba naman kaseng tao ang kayang maging isla! ECHOS! Seriously speaking, all throughout my life. Kinailangan ko ng pamilya at mga kaibigan para mabuhay. Kayo rin naman dbah! Aminin!


LOVE- Sunod naman ang pagmamahal. Kinikilig ako sa tuwing makakakita ng couple. Dati, naiinggit ako't naiiyak kase lagi kong naiisip na hindi mangyayari sakin yon pero ngayon, nabuksan na yung isip ko na kahet walang taong magmahal sa akin, ok lang kase alam kong nandiyan lang si Papa God. =) Hindi Niya ko pababayaan. And I'm very sure of that!


HEALTH- Next is health. Paano mo naman maeenjoy ang buhay at pagmamahal na ibinibigay sayo kung nakaratay ka lang sa kama at hindi makapagsalita o kaya comatosed ka na. Naiinis ako sa mga taong pinapabayaan ang health nila. Isa na ko dyan. Lol. Isa din ang tatay ko. Inom kase siya ng inom ng alak. Pero pinapabayaan ko na lang. Magaaway lang kase kami. Sabi din kase ng bestfriend ko, hayaan ko na lang daw kase yun na lang yung nakakapagpaligaya sa kanya. Matagal ko bago natanggap yung konsepto na yun pero di naglaon, pinractice ko na din kesa naman magaway lang kame ng bonggang bongga.
  

PEACE- Tulad ng lahat ng tao, isa yan sa matagal ko na talagang pinapanalangin. Hindi lang sakop ng sinasabi kong kapayapaan ang kapayapaan sa pagitan ng mga bansa, nasyon o ng bawat tao kundi ang kapayapaan sa bawat tao mismo. Yung tipong walang alalahanin sa puso. Kasama na din diyan ang pagkakapantay pantay. Yung walang diskriminasyon. Sa kulay man, hitsura, lahi or even, syempre, sa kasarian. Matagal ko ng pinapangarap na mawala ang mga diskriminasyon na iyan lalung lalo na siyempre yung huli. Iniimagine ko tuloy kung anung hitsura ng mundo kung wala lahat yan. Hay!


PROSPERITY- At last but definitely not the least ang kasaganahan. Sapat na pagkain sa mesa, perang panggastos sa buong taon, oras sa pamilya, trabaho.

Ansarap imaginine na ang mundo natin ay punong puno ng mga nabanaggit. Punong puno ng buhay ang mundo, lahat ng tao ay nagmamahalan, malusog ang mga mamamayan, walang away at kalungkutan, naguumapaw sa kasaganahan. Hay. Kelan kaya mangyayari yon. Sana next year na. Magtulong tulong tayong lahat. Walang imposible sa mata Niya. Kaya natin yan. Kahit paunti unti. Sure ako na magagawa natin yan basta me tulungan. Tara na!

Again, Happy Christmas! Mabuhay tayong lahat. May all of us have a New Year full of LIFE, LOVE, HEALTH, PEACE and PROSPERITY. 

Ingats guys!  Huwag na tayong magpaputok! Godbless to all of us!  =)  :-)  =)  :-)  =)  :-)  =)  :-)    

Tuesday, December 28, 2010

Haba Holiday

WOW! ang haba ng naging vacation ha! And as far as I'm concern, naging masaya naman ang nagdaang holiday season para sa akin. Nuong bisperas ng pasko, nagshopping galore kame ng friend kong si Ann. Matagal na kaming me balak na umalis. Lagi lang natataon na yung binabalak naming date eh either me nakaschedule na sa aming dalawa o me biglaang lakad ang isa sa amin. Kaya naman inisked namin ito ng bonggang bongga para wala ng makapigil pa. Hahaha.
Una kaming pumunta ng Rob Place sa Ermita para tumingin tingin ng mga pwedeng panregalo. Sinabi ko sa kanya na yung gusto kong bag eh nasa SM San Lazaro and yung sapatos naman na gusto ko eh nasa SM Manila naman. O dbah, hiwahiwalay talaga. So ang ginawa lang namin dun eh bumili siya ng havs for her brothers. After that, tumuloy na kame ng SM Manila. Bwisit yung gusto kong sapatos. Smallest size display daw. 38 size ng paa ko, e yung hawak hawak ko is 41 ung size! Kainis talaga. Ganung daw talaga dun sa Wade, malalaki ang sizes. Hindi tuloi ako nakabili dun. Naghanap kame sa ibang stores. Nauwi ako sa lumang style ng Converse. White na high cut kase ang gusto ko. Eto yung nabili ko. Luma na noh! Hahaha.




Nakabili na din ako ng regalo ko para sa exchage gifts namin ng iba kong friends nung college. Next is ung bag. Lumipat na kame ng SM San Lazaro after naming makabili ng shoes and T-shirt ko. Nakabili agad kame kase nagustuhan din niya yung style ng gusto ko. Hati kame sa pinambili ko ng bag kase yun yung nirequest ko sa kanya na gift ko sa birthday ko. Hahaha. After that, kumain na kame sa Savory courtesy of me. Yun naman ang treat ko sa kanya para sa birthday ko. Parang tanga lang dbah. Bago kame umuwi, bumili ako ng cake para sa darating na Noche Buena. Ending, hindi din namin nakain yung cake kase tulog kame ng pumatak ang 12:00am. Ewan ko ba, hindi kame madalas nagnoNoche Buena. Antatamad kaseng bumangon ng mga kasama ko sa bahay.

So pagkagising ko, CHRISTMAS NA! First thing na ginawa ko was attending a mass. Ang galing talagang magpreach ni Father Pascal. Inabot ng 2 hrs ang mass. 3 hrs nga akong nasa church kase masyadong napaaga ang dating ko. Aun, pagkauwe ko, bigayan na ng mga aguinaldo. Nung napamigay ko na halos lahat, parang ansarap sarap sa pakiramdam. Totoo nga yung sinabe ni Father na hindi ka dapat nageexpect ng kapalit kapag nagbibigay ka.

Naging fruitful yung Christmas ko kahet nasa bahay lang ako kase nakatext ko yung long lost friend ko nung high school. Siyempre kumustahan and pinagusapan namin kung kelan kame magkikita kita nung isa ko pang friend. January 16 is the date and I'm very excited for it! So far, I can say na kahit hindi ako gumala nuong Pasko, naging masaya ako.

The next day, pinagusapan naming magkakaibigan yung gagawin namin kinabukasan and after so many conversations and pakiusaps, napagdesisyunan naming lahat na pupunta kaming Enchanted Kingdom the next day.

So this is it, pumunta na kami. Ok naman sa simula pero habang tumatagal ang stay namin, narealize ko na parang hindi sulit yung binayad namin kase super haaaaaaaabbbbaaaaaaa talaga ng mga pila. Nagenjoy ako sa flying fiesta. Sunod naming sinakayan yung me bayad na EKstreme Tower ata yung tawag dun. Basta yung aangat kayo ng super taas tapos bababa na lang kayong bigla. Grabe yun. Ayaw ko ng sumakay dun ulit. Nakakatakot. Super! FIling mo kase, pagbaba, wala ka ng inuupuan. Haha. Then nagRialto kame. Ok lang. Lol. habang nasa pila ng Rialto, nagexchange gifts na kame at nangyari ang isang nakakatawang nakakalungkot ng pangyayari. Nagulat ako ng dalawa gn gifts na napunta sa akin. Yun pala, akala nung dalawa eh ako yung nabunot nila so yung isa sa amin, walang natanggap na gift. Nagbigay pa tuloy kame ng pera dun sa walang napuntang regalo. Napagkasunduan kase namin na siya na lang yung bibili ng gusto niya which is yung tumbler sa Starbucks.

Pagkatapos ng nakakatawang, nakakalungkot na pangyayaring yon, sumakay na kame sa ibang rides. Sinunod namin yung Rio Grande Rapids. Shetness un. Ang haba haba ng pinila namin. Halos 2 hrs ata kaming nakapila. Pero ok lang kase me gwapong nakapila. Gwapo talaga siya. Haha. Lague akong nakatingin sa kanya. Haha. After 1 1/2 hrs, nagulat na lang ako ng pagtingin ko sa kanya, nakita ko yung sarili ko sa cellphone niya. Hindi ko alam kung anung ibig sabihin ng pagvivideo niya sa akin or baka sa ibang tao din kase obvious na hindi niya pinapahalata sa mga tao na nagvibideo siya. Anyway, kalimutan na natin siya. Nabasa ako ng bonggang bongga dun sa Rio Grande.

Suond naming pinilahan ay yung isa pang box office na Ferris Wheel aka Wheel of Fate. Shet yun. Bakit sa dinami dami, dun pa ako natakot?!?! Nakakaloka. Grabe, super taas kase nun. Tapos tumitigil pa kase nagsasakay. Grabe talaga yung nginig na inabot ko dun. Lol. After that, super picture picture, then nuod ng fireworks then uwian na.

Yan na ang summarized version ng long Christmas vacation ko. Haha. Yngats, Godbless us all! 

Thursday, December 23, 2010

Yuletide Season

I'm happy!!! Nadagdagan kase yung sahod namin. Hindi ko alam kung bakit. Masaya ako kase me matatabi na ako kahit papano. Kahit maliit lang, ok na din. Atleast I can say na me pera pa ako next year.

Masaya ako na masaya ako. Gets? Masaya ako na happy ako. Ok na? Haha. Minsan lang mangyari sa buhay ko na maging masaya kapag sasapit na ang Pasko. Hindi dahil hindi ako excited sa pagdating ni Papa Jesus o sa pagbibigayang magaganap sa Kanyang kapanganakan kundi dahil marami sa atin ang naligaw na ng landas sa pagdiriwang ng Pasko. Marami sa atin ang kapag magbibigay ng aguinaldo ay parang napipilitan lamang at yung iba naman ay naghihintay ng kapalit. Aminin!

Nagpakain kame kahapon ng colleague kong si Jean sa mga seniors namin dahil sa pagkakaendorse namen para maregular. Hindi pa sigurado ang regularization namin dahil wala pa ang formal letter pero dahil excited sila kumain kame sa Gonuts Donuts ng pizza. Nabusog ako dun. Maraming napagkwentuhan. Me mga tinanung din sa amin. Napunta sa lovelife. Nagkwento si Jean sa boyfriend niya. Tinanong ako kung nagkagf na ako.

That's it! Echos! Actually, hindi ko alam kung bakit hindi napapansin ng mga kasama ko na I'm gay kase napakaobvious naman noh! Hindi ako trying hard na kumilos na lalaki. At wala akong balak kumilos ng ganun. I don't care. Sawang sawa na ako sa usapan at bulungan tuwing dadaan ako. And I'm already immune to it.Anyway, natapos ang kainan. Sumunod na ang uwian. Heto ako ngayon, hindi ko pa din maovercome yung kasiyahan ko dahil sa sahod namin. Haha. Masaya ako. Basta. Walang kokontra.

Two days to go and Christmas na. Me ihahanda ka na ba? Me ipamimigay ka na ba sa mga inaanak mo? Me susuotin ka na ba? Ano naman ngayon kung wala. Naniniwala akong sapat na ang kasiyahan na maipadarama mo sa mga mahal mo sa buhay para mapalitan ang kung anu mang kakulangan mo. Hindi importanteang materyal na bagay. Pagmamahal. Yan ang mahalaga. Lagi nating isapuso ang diwa ng Pasko.

Dadaanan na ng Pasko ang blog ko na ito ang huling post kaya nais ko na kayong batiin lahat ng HAPPY CHRISTMAS!!! May we have a very fruitful day on the birth of our Saviour. BYIIIIEEEE! INGAT! GODBLESS US ALL! =)

Tuesday, December 21, 2010

Whirlwind

Hindi ko pa maovercome ang mga nangyari sa akin these past few days simula nung birthday ko. Me mga pangit na experience, pero mas maraming masaya. Naging masaya ang kabuuan ng birthday ko. Sabay sabay kaming naglunch ng mga kabigan ko dito sa company. Kasama ko din yung dalawa kong friends na galing sa Ayala na dumayo lang dito sa Buendia. Lol.

Maaga akong lumabas ng office para kitain yung bestfriend ng partner ko sa thesis na super friend ko na ngayon. Si Karen. Nagpasama ako sa kanyang bumili ng red shirt for my friends' company's Christmas Party sa Araneta Coliseum the next day. Nagkita kami sa SM Manila ng 7pm. Then tingin tingin ng red shirt. Wala akong makitang maganda kaya niyaya ko muna siyang kumain sa Greenwich. Inabot kami ng isang oras sa Greenwich kakadaldal naming dalawa. Haha. Ending, wala kaming nabiling red shirt sa SM Manila.

Punta kaming SM San Lazaro. Pagdating namin, saktong papunta na ang bestfriend kong si Macky. So hinintay na namin siya bago pumasok ng Department Store to look again for a red shirt. And sa wakas, nakabili na din ako. T-shirt yung nabili ko contrary sa gusto kong bilhin na polo shirt. Anung petsa na nung time na yun kaya hindi na kami nakakain na tatlo. Binilhan ko na lang ng brownies si bessy para me makain siya pagdating niya ng office. Yes, papasok pa lang si bessy dahil sa call center siya nagtatrabaho. I'll make kwento sa mga current events sa buhay ni bessy next time.


Overall, naging super masaya ang birthday ko. Thanks again guys for celebrating with me my birthday. love you all guys!


The next day is yung sinasabi kong Christmas Party ng company ng mga friends ko. Nagulat ako ng malaman kong hindi pala kaming lahat magrered. Buti na lang at red yung binili ko dahil kung ibang kulay yun na kasama sa mga choices namin at nageffort talaga akong maghanap nung kulay na yun, ewan ko na lang kung papaanong inis yung mararamdaman ko.


So eto na, kitaan na namin. Nag LRT ako papunta sa meeting place namin. Sakto naman na ang nasakyan  kong tren eh skip train kaya super luwag at nakaupo pa ako. Two stations away lang at bababa na ako. Maluwag pa din sa loob. Ding! Station ko na. I have to ride off na. Nagulat ako sa pagdagsa ng mga tao kasi nga, maluwag sa loob. Shit! Ako lang ang pababa. So pinilit kong bumaba. Tumunog na ang buzzer. Unti unti ng sumasara ang pinto. Nakalabas na ang kalahati ng katawan ko! Ayan na, konti na lang. Halos sabay sa paglabas ko ang pagsara ng pinto. Kinulang ako. Naipit ang paa ko sa pinto!


Nagsisisigaw ako. Masakit. Mahapdi. Naging mapula ang sahig at riles. Dugo. Nagdugo na ang paa ko. Patuloy pa din ako sa pagsigaw. Nahilo ako. Hindi lang dahil sa sakit at hapdi na nararamdaman ko. Hindi lang din dahil sa sigaw na namumutawi galing sa lalamunan ko. Sumisigaw na rin pala ang mga nakasaksi. Pito na ng pito ang guard pero hindi bumubukas ang pinto. Bakit kaya? Unti unti akong nawalan ng malay na yan ang nasa isip ko. Ngunit bago pa man sumara ang mata ko, nakita ko ang isa sa mga bagay ng kinatatakutan ko. Naputol na pala ang kanang paa ko.


ECHOS! Gawa lang ng imahinasyon ko ang huling paragraph. LOL. Pero totoong naipit ang paa ko sa pinto at nagsigawan ang ilang tao. Mabuti na lamang at bumukas agad ang pinto. Natawa ang ilang nakakita. Natawa na lang din ako pero sa totoo lang, natrauma ako ng bonggang bongga dahil sa nangyari. Ayaw kong mafinal destination noh! Kahit hindi yun ganon kamorbid eh nakakadiri pa din.


Anyway, fast forward tayo. Nakarating na kami ng Araneta Coliseum. Matagal kaming nagantay bago nagsimula ang program. Then nagsimula na. Sobrang lakas ng sound system pero ok lang. Concert party nga pala yun. I forgot. Bloom Brothers ang fornt act. Masaya. Maganda yung mga kantang kinanta nila. Then me modeling somethin' na hindi ko nagustuhan. Haha. Then Tanya Markova na. Konti lang ang alam kong kanta nila pero favorite ko yung Disneyland. Ansaya. Natuwa ako sa kabuuan ng performance nila.


Hindi na namin natapos ang party dahil hinihintay na kami ng dalawa naming friends sa labas. Hindi na sila makapasok kasi isa na lang yung ticket. Magulo kung ikukuwento ko pa kung bakit naging ganun. Tsaka masyado ng mahaba ang post na ito. Hahaha. Hindi na nga namin nakita ang finale ng concert party na iyon which is Bamboo.


Naghanap ng kami ng restaurant for post-birthday party celebration namin ng friend kong si Yani. Sa Gerry's Grill kami kumain. Masarap naman kahit medyo mahal. Super tagal namin sa loob ng resto kase anung petsa na kame nagstart kumain. Hinintay pa kase naming makumpleto kame. Hayun at todo kwentuhan kami ng mga buhay buhay namin. Two months ago pa kase simula nung huli naming pagkikita. And 2nd pa lang to na kumpleto (actually, hindi kami kumpleto dahil kulang kami ng isa pero basta madami kami, kumpleto na din yun. hahaha) kami simula ng graduation. Imagine that!


After na kainan, pinagusapan namin na magkita kita after ng Christmas para magexchange gifts tulad ng nakagawian. December 27 ng gabi ang target date. Gabi dahil me pasok ang iba sa amin sa date na yun. Oo, me mga company na KJ sa mga oras na yun. Hahaha. After the bunutan ng names, nagsiuwian na kami. Napagusapan namin (ng mga kasabay ko) sa jeep na magEK sa January. Ako ang nagisip ng date. Naisip kong sa katapusan na lang ng January para hindi na makaangal ang iba na me lakad sila ng araw na yun kase maaga ko silang sinabihan at dapat eh nakareserve na yung araw na yun sa alis namin.


Ayun, nakauwi ako sa bahay ng pagod pero super saya. Isa na ito sa mga pinakamasayang birthday ko. Nais kong magpasalamat sa lahat ng mga taong sumama sa akin sa pagcelebrate. Una na riyan ang bestfriend kong si Macky na walang sawang nagmamahal sa akin bilang kanyang bessy. Si Karen, ang mga friends ko dito sa Headstrong. At siyempre ang GeeCee na forever friends ko na. Thank you all guys! You all really made me happy! Sa uulitin.


Thanks uli. Ingats and Godbless us all! :-) :)))))