Powered By Blogger

Tuesday, December 28, 2010

Haba Holiday

WOW! ang haba ng naging vacation ha! And as far as I'm concern, naging masaya naman ang nagdaang holiday season para sa akin. Nuong bisperas ng pasko, nagshopping galore kame ng friend kong si Ann. Matagal na kaming me balak na umalis. Lagi lang natataon na yung binabalak naming date eh either me nakaschedule na sa aming dalawa o me biglaang lakad ang isa sa amin. Kaya naman inisked namin ito ng bonggang bongga para wala ng makapigil pa. Hahaha.
Una kaming pumunta ng Rob Place sa Ermita para tumingin tingin ng mga pwedeng panregalo. Sinabi ko sa kanya na yung gusto kong bag eh nasa SM San Lazaro and yung sapatos naman na gusto ko eh nasa SM Manila naman. O dbah, hiwahiwalay talaga. So ang ginawa lang namin dun eh bumili siya ng havs for her brothers. After that, tumuloy na kame ng SM Manila. Bwisit yung gusto kong sapatos. Smallest size display daw. 38 size ng paa ko, e yung hawak hawak ko is 41 ung size! Kainis talaga. Ganung daw talaga dun sa Wade, malalaki ang sizes. Hindi tuloi ako nakabili dun. Naghanap kame sa ibang stores. Nauwi ako sa lumang style ng Converse. White na high cut kase ang gusto ko. Eto yung nabili ko. Luma na noh! Hahaha.




Nakabili na din ako ng regalo ko para sa exchage gifts namin ng iba kong friends nung college. Next is ung bag. Lumipat na kame ng SM San Lazaro after naming makabili ng shoes and T-shirt ko. Nakabili agad kame kase nagustuhan din niya yung style ng gusto ko. Hati kame sa pinambili ko ng bag kase yun yung nirequest ko sa kanya na gift ko sa birthday ko. Hahaha. After that, kumain na kame sa Savory courtesy of me. Yun naman ang treat ko sa kanya para sa birthday ko. Parang tanga lang dbah. Bago kame umuwi, bumili ako ng cake para sa darating na Noche Buena. Ending, hindi din namin nakain yung cake kase tulog kame ng pumatak ang 12:00am. Ewan ko ba, hindi kame madalas nagnoNoche Buena. Antatamad kaseng bumangon ng mga kasama ko sa bahay.

So pagkagising ko, CHRISTMAS NA! First thing na ginawa ko was attending a mass. Ang galing talagang magpreach ni Father Pascal. Inabot ng 2 hrs ang mass. 3 hrs nga akong nasa church kase masyadong napaaga ang dating ko. Aun, pagkauwe ko, bigayan na ng mga aguinaldo. Nung napamigay ko na halos lahat, parang ansarap sarap sa pakiramdam. Totoo nga yung sinabe ni Father na hindi ka dapat nageexpect ng kapalit kapag nagbibigay ka.

Naging fruitful yung Christmas ko kahet nasa bahay lang ako kase nakatext ko yung long lost friend ko nung high school. Siyempre kumustahan and pinagusapan namin kung kelan kame magkikita kita nung isa ko pang friend. January 16 is the date and I'm very excited for it! So far, I can say na kahit hindi ako gumala nuong Pasko, naging masaya ako.

The next day, pinagusapan naming magkakaibigan yung gagawin namin kinabukasan and after so many conversations and pakiusaps, napagdesisyunan naming lahat na pupunta kaming Enchanted Kingdom the next day.

So this is it, pumunta na kami. Ok naman sa simula pero habang tumatagal ang stay namin, narealize ko na parang hindi sulit yung binayad namin kase super haaaaaaaabbbbaaaaaaa talaga ng mga pila. Nagenjoy ako sa flying fiesta. Sunod naming sinakayan yung me bayad na EKstreme Tower ata yung tawag dun. Basta yung aangat kayo ng super taas tapos bababa na lang kayong bigla. Grabe yun. Ayaw ko ng sumakay dun ulit. Nakakatakot. Super! FIling mo kase, pagbaba, wala ka ng inuupuan. Haha. Then nagRialto kame. Ok lang. Lol. habang nasa pila ng Rialto, nagexchange gifts na kame at nangyari ang isang nakakatawang nakakalungkot ng pangyayari. Nagulat ako ng dalawa gn gifts na napunta sa akin. Yun pala, akala nung dalawa eh ako yung nabunot nila so yung isa sa amin, walang natanggap na gift. Nagbigay pa tuloy kame ng pera dun sa walang napuntang regalo. Napagkasunduan kase namin na siya na lang yung bibili ng gusto niya which is yung tumbler sa Starbucks.

Pagkatapos ng nakakatawang, nakakalungkot na pangyayaring yon, sumakay na kame sa ibang rides. Sinunod namin yung Rio Grande Rapids. Shetness un. Ang haba haba ng pinila namin. Halos 2 hrs ata kaming nakapila. Pero ok lang kase me gwapong nakapila. Gwapo talaga siya. Haha. Lague akong nakatingin sa kanya. Haha. After 1 1/2 hrs, nagulat na lang ako ng pagtingin ko sa kanya, nakita ko yung sarili ko sa cellphone niya. Hindi ko alam kung anung ibig sabihin ng pagvivideo niya sa akin or baka sa ibang tao din kase obvious na hindi niya pinapahalata sa mga tao na nagvibideo siya. Anyway, kalimutan na natin siya. Nabasa ako ng bonggang bongga dun sa Rio Grande.

Suond naming pinilahan ay yung isa pang box office na Ferris Wheel aka Wheel of Fate. Shet yun. Bakit sa dinami dami, dun pa ako natakot?!?! Nakakaloka. Grabe, super taas kase nun. Tapos tumitigil pa kase nagsasakay. Grabe talaga yung nginig na inabot ko dun. Lol. After that, super picture picture, then nuod ng fireworks then uwian na.

Yan na ang summarized version ng long Christmas vacation ko. Haha. Yngats, Godbless us all! 

No comments:

Post a Comment