I'm happy!!! Nadagdagan kase yung sahod namin. Hindi ko alam kung bakit. Masaya ako kase me matatabi na ako kahit papano. Kahit maliit lang, ok na din. Atleast I can say na me pera pa ako next year.
Masaya ako na masaya ako. Gets? Masaya ako na happy ako. Ok na? Haha. Minsan lang mangyari sa buhay ko na maging masaya kapag sasapit na ang Pasko. Hindi dahil hindi ako excited sa pagdating ni Papa Jesus o sa pagbibigayang magaganap sa Kanyang kapanganakan kundi dahil marami sa atin ang naligaw na ng landas sa pagdiriwang ng Pasko. Marami sa atin ang kapag magbibigay ng aguinaldo ay parang napipilitan lamang at yung iba naman ay naghihintay ng kapalit. Aminin!
Nagpakain kame kahapon ng colleague kong si Jean sa mga seniors namin dahil sa pagkakaendorse namen para maregular. Hindi pa sigurado ang regularization namin dahil wala pa ang formal letter pero dahil excited sila kumain kame sa Gonuts Donuts ng pizza. Nabusog ako dun. Maraming napagkwentuhan. Me mga tinanung din sa amin. Napunta sa lovelife. Nagkwento si Jean sa boyfriend niya. Tinanong ako kung nagkagf na ako.
That's it! Echos! Actually, hindi ko alam kung bakit hindi napapansin ng mga kasama ko na I'm gay kase napakaobvious naman noh! Hindi ako trying hard na kumilos na lalaki. At wala akong balak kumilos ng ganun. I don't care. Sawang sawa na ako sa usapan at bulungan tuwing dadaan ako. And I'm already immune to it.Anyway, natapos ang kainan. Sumunod na ang uwian. Heto ako ngayon, hindi ko pa din maovercome yung kasiyahan ko dahil sa sahod namin. Haha. Masaya ako. Basta. Walang kokontra.
Two days to go and Christmas na. Me ihahanda ka na ba? Me ipamimigay ka na ba sa mga inaanak mo? Me susuotin ka na ba? Ano naman ngayon kung wala. Naniniwala akong sapat na ang kasiyahan na maipadarama mo sa mga mahal mo sa buhay para mapalitan ang kung anu mang kakulangan mo. Hindi importanteang materyal na bagay. Pagmamahal. Yan ang mahalaga. Lagi nating isapuso ang diwa ng Pasko.
Dadaanan na ng Pasko ang blog ko na ito ang huling post kaya nais ko na kayong batiin lahat ng HAPPY CHRISTMAS!!! May we have a very fruitful day on the birth of our Saviour. BYIIIIEEEE! INGAT! GODBLESS US ALL! =)
No comments:
Post a Comment