"Ang ingay naman! Ano ba?!", aburidong sabi ni Marco ng makita ang konduktor na me hawak na maliit na bell at kinakalansing ng kutsarang hawak nito.
"Anong ano ba?! Ginigising ka lang namin ng kasama kong driver kase ikaw na lang ang nagiisang pasahero dito sa bus. Nasa Maynila na tayo.", inis din na paliwanag ng konduktor.
"Alam mo bang kanina pa tayo tumigil at nakapananghalian na nga kami ng kasama ko ng malaman namin na me tao pa pala dito sa bus!", nanlalaki pa ang mga mata ni Manong driver.
"Shit. Anak ng. Ganon po ba? Nako, pasensya na po. Hindi ko sinasadyang makatulog ng mahimbing. Sige po bababa na po ako.", Nahihiyang sabi ni Marco.
Pagbaba ni Marco ng bus, naglakad siya buhat buhat ang maletang naglalaman ng mga gamit niya na tanging nadala niya sa pagmamadali sa paglayas sa kanilang probinsya. Kaunting lakad pa at namangha siya sa kanyang mga nakita. Nagtataasang mga buildings, mga restaurants na ngayon niya lang nakita at hindi pa mabigkas ang pangalan ng mga ito at mga taong nakabihis pormal.
“WOW! Nasa Maynila na nga ako. Akala ko sa panaginip ko lang ito mararating.”, nasa isip ni Marco.
Siya si Marco, 19. Gwapo. Maputi. Matangkad. Matalino. Naglayas sa bahay nila sa probinsya para takasan ang isang madilim na nakaraan. Nagpunta ng Maynila ng walang tiyak ng patutunguhan.
“Naku, san na kaya ako pupunta nito. Ay oo nga pala, kelangan ko ng makahanap ng matutuluyan . Maaga pa akong gigising bukas para maghanap ng trabaho. Kakaunti lang ang naipon ko galing sa dati kong trabaho sa factory. Siguradong kakapusin na ako sa mga susunod na linggo kung hindi pa ako mkakahanap ng trabaho.”, sa loob loob ni Marco.
Naglakad lakad si Marco papunta sa mga residential area na sa tingin niya ay makukuhanan niya ng marerentahang kwarto. Nakailang inquire din siya ng swerteng nakakuha na rin siya ng kwartong mapagtyatyagaan naman at kasya naman sa budget niya. Pagkaayos niya ng mga gamit niya sa gilid ng kama (dahil wala pa siyang malalagyan ng mga ito), nahiga siya at nakatulog dahil na rin sa pagod sa byahe at paghahanap ng matutuluyan. Nagising din siya makalipas ang ilang oras.
“Tsk! Alas otso na pala. Hindi pa ako nakakakain”, lumabas siya ng bahay para makahanap ng makakainan ng hapunan.
“Anu ba yan? Parang ang sososyal naman ng mga pagkain dito. Kelangan kong makahanap ng karinderya na pwede kong bilhan ng pagkain sa araw araw para naman hindi ako masydong gumastos.”, bulong ni Marco sa sarili.
Malayo layo na rin ang kanyang nalakad at ilang kalye din ang nadaanan niya ng makita ang kanyang hinahanap. Isang may kalakihang tapsilogan na nagbebenta din ng iba’t ibang ulam. Madaming tao sa loob kaya hindi na niya tinuloy ang planong doon pa kumain. Bitbit niya ang ulam at softdrinks sa kaliwang kamay at kanin naman sa kanan. Naglalakad na siya pabalik ng lumingon siya sa likod. Kinabahan siya bigla.
“Hala! Naliligaw na ata ako. Bakit ganon? Wala man lang tao? Kung mamalasin ka nga naman o!”, inis na sabi niya.
Nagmadali siyang lumakad para makakita ng mapagtatanungan. Lingon likod ang ginawa niya dahil sa pagkalito sa mga nakikita niyang bahay at gusali na hindi naman niya nakita kanina. Paliko na siya sa isang street habang nakatingin sa likod ng biglang BLAG!
No comments:
Post a Comment