Powered By Blogger

Friday, January 7, 2011

METAMORPHOSIS II

Nagmadali siyang lumakad para makakita ng mapagtatanungan. Lingon likod ang ginawa niya dahil sa pagkalito sa mga nakikita niyang bahay at gusali na hindi naman niya nakita kanina. Paliko na siya sa isang street habang nakatingin sa likod ng biglang BLUG!
________________________________________
“Oh my gosh! Ano ka ba?! Tignan mong ginawa mo sa akin! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaan mo eh”, galit na sabi ng nakabangga niya habang pinupunasan ang mga duming napunta sa long sleeves niya.



“Sorry. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya.”, Nahihiyang sabi ni Marco. Aminado naman siya na siya nga ang me kasalanan kaya todo hingi siya ng paumanhin.


“Naliligaw kase ako. Hindi ko alam kung paano makakabalik sa tinutuluyan ko. Pwede mu ba akong tulungan?”, dugtong ni Marco.


“Aba, ang kapal din naman ng mukha nito no! Hindi na nga ako tinulungang maglinis, me gana pang magtanong”, nasa isip ng nabangga niya. Pero dahil sa awa eh sinabi niya din dito kung paano makakauwe. Nagpasalamat naman si Marco dito.


“Siyanga pala, ako si Marco. Marco Aquino.”, pagpapakilala ni Marco sa sarili.


“Ano nga palang pangalan mo? Baka kase lagi tayong magkita dahil magkalapit lang naman ata tayo ng bahay. ”, dagdag ni Marco.


“Huwag na. Hindi na kelangan.”, masungit na sabi ng nabangga niya.


“Ah, ok, sige. Salamat na lang uli! Mauna na ako. Pasensya uli sa nagawa ko.”, pagpapaalam ni Marco.


“Ok”, at walang ano ano’y umalis na ang estranghero. Dumiretso naman sa paguwi si Marco, kumain at diretso na ng tulog para maagang magising bukas upang marami siyang mapasang resume sa pagwowalk-in sa mga companies.




Nakatapos naman si Marco ng second year sa kursong Computer Science at kasalukuyang nasa third year ng maisipang maglayas sa kanila dahil sa pangmomolestiya sa kanya ng amain. Oo, me dugong berde ang kanyang step-father pero hindi niya ito magawang isumbong sa kanyang ina dahil hindi niya alam kung papaano at natatakot siya sa mga maaaring mangyari. Kaya heto’t nagpakalayo layo siya. Ngunit ipapaalam niya rin naman sa pamilya niya ng naging pagalis niya at ang plano niya at hindi siya mapipilit ng mga ito na bumalik. Pero babalik naman siya. Hindi pa lang sa ngayon. Me gusto pa siyang patunayan kaya narito siya’t makikipagsapalaran.



Sa bahay naman ng estranghero’y hindi siya mapakali. Hindi niya makalimutan ang mukha ng nakabangga niya kanina. Kanina pa siya nakahiga pero hindi siya makatulog. Bading siya. Ngunit kakaunti lamang ang nakakaalam. Dahil batid niya ang mga consequences na naghihintay sa kanya kapag lumantad siya.


“Bakit ko kaya naiisip ang taong yun?”, naitanong na lang ng estranghero sa kanyang sarili bago siya nakatulog.




Maagang nagising si Marco kinabukasan dahil na din sa paninibago at excitement. Maghahanap siya ng trabaho ngayon. Mabilis siyang nagalmusal, naligo at nagbihis. Wala siyang inaksayang oras at dumiretso na sa Ayala. Bumalik na naman ang pagkamangha niya sa mga nagtataasang building. Nagsimula na siyang pumasok sa bawat gusali. Nagbakasakali na me opening pero makalipas ang dalawang oras ay wala pa din siyang nakitang opening. Karamihan ay nanghingi lang ng resume in case na biglang magkaroon ng bakante sa kanila.


Huling pasa na sana ni Marco sa isang building bago magtanghalian ng sinabing tamang tama daw ang kanyang dating dahil nangangailan daw ng encoder sa isang company sa gusaling iyon. Tuwang tuwa naman si Marco sa narinig. Agad agad siyang umakyat, nagpasa ng resume. Nagexam noong umaga and interview rin noong hapon na iyon.


Nagtawag ng isang employee ang interviewer na siyang mageevaluate ng application ni Marco.  Bumukas ang pinto at lumabas ang kanyang evaluator.

Nagulat si Marco ng mapagsino ang taong hahawak ng kanyang kapalaran. Parang pamilyar ang mukha. Siya nga! Ang estrangherong natapunan niya ng katakot takot na dumi kagabi!




“Lagot na ako.”, ang tanging nasabi ni Marco sa sarili.

No comments:

Post a Comment