Powered By Blogger

Tuesday, June 7, 2011

First Class

Yehey! Sa wakas, nakalipat na ako ng pwesto. Matatakasan ko na din ang mga kinaayawan ko sa dati kong floor. Pero parang tanga din. Kase malaki pa din ang possibility ko na makita si RaDaR tsaka yung taong nagsabi sa kanya na crush ko siya. Doon pa din kase ako kumakain sa floor nila. Yung mga lunchmates ko kase, nandun pa din sa floor nila RaDaR. Ako lang yung lumipat kaya no choice but to eat there pa din. Dyahe naman kase kung dito pa kami kakain sa current floor ko eh tatlo na nga silang nandun sa dati kong floor.

Anyway, hindi ako masyadong makakapag-post nowadays kase kelangan kong mag-aral ng bongga tungkol sa system ng current project ko. Kaya kahapon eh medyo busy-busy-han ako ng konti. Oo, konti lang. Lol. Kase nga me simple task kame tungkol sa paggamit nung system. Siyanga pala, iba na yung major capability ko. Bye bye Developer, hello Quality Assurance ang drama ko ngayon. Actually, pinagisipan ko munang maigi yung major change sa career ko kase alam ko na malaki yung impact nito sa future ko and knowing me na super paranoid when it comes to my future, ilang araw din itong namalagi sa aking utak. Yes, araw lang. Minamadali ko na kase yung sarili ko kase baka mawala pa yung opportunity na nakalatag sa harapan ko. Kaya nga heto ako ngayon, napagdesisyunan na mag-change na ng path ng career. At so far, wala pa naman akong nakikitang hindi ko magugustuhan dito. :-)

____________________


Nanood ako last Sunday ng X-Men: First Class... ng mag-isa. Punyemas kase. Wala naman talaga akong balak na panoorin yung movie na yun kase hindi ko naman siya gaanong feel. Hindi kase ako fan talaga ng X-Men. Me ibang characters lang talaga na gusto ko yung powers nila kaya pinanonood ko yung mga dating installements ng X-Men pero wala akong balak na panoorin siya sa big screen. Nainggit lang ako sa mga kakilala ko na napanood na yung movie and they said na maganda naman kaya pinanood ko na. 

Nung una, wala akong balak na panoorin siya asap kase hindi pa ko prepared. Kaya nagyaya muna ako ng ibang mga friendships ko. Eh kaso yung iba napanood na. Tapos yung iba nasa kung saang lupalop pa ng Philippines at pauwi pa lang kaya wala talaga akong ibang mayaya. And so I decided na manood na lang ng mag-isa. Masyado akong na-excite manood kase nga akala ko eh me makakasama ako kaya noon din mismong araw na iyon ako nanood. Masaya talaga ang biglaang plano.

____________________

Sa SM Manila lang ako nanood para hindi gaanong hassle. 3:15 yung pinakamalapit na time eh kaso 3:19 na nung time na nakarating ako sa bilihan ng ticket kaya yung 4:00 na lang yung kinuha ko. Nagpalipas muna ako ng ilang minutes sa Quantum then bumili na ako ng popcorn then back to cinema. Pero bago ako pumasok, bumili muna ako ng drinks. Yun lang. Lol. 

Marami rami na rin ang mga tao pagpasok ko. And syempre, dun ako sa vacant row umupo. Hindi naman sa nag-eemo ako. Kairita lang yung mga couples kaya mas pinili kong mapag-isa. Karita sila kase ginawa nilang park yung sinehan kaya imbes na kiligin ako eh nairita ako sa kanila. Haha.

Nag-start na ang movie. Obviously, sila Magneto and Professor X ang mga bida dito. Kasama na din pala yung napakawalang hiyang villain sa movie na siyang pumatay sa nanay ni Magneto kaya ito naghiganti. Umikot ang story sa paghihiganti ni Magneto ke Sebastian Shaw na talaga namang nakapangingilabot ang taglay na kapangyarihan. In my opinion, maihahalintulad ang kapangyarihan ni Shaw ke Jean Grey ng X-Men : The Last Stand. Eh diba halos katakutan si Jean dahil sa napakalakas niyang kapangyarihan na siyang pumatay ke Professor X?! Kaya naman sa tuwing makikita ko si Sebastian, ganun na lang yung hilakbot ko. Haha. Call me an over reacting specie pero yung talaga yung naramdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Weird. Siguro dumagdag pa ang lamig ng aircon sa cinema sa pagtayo ng mga balahibo ko. Hahaha

Madami akong nalaman at natutunan tungkol sa X-Men sa panonood nitong First Class. Isa na diyan yung history nila Magneto and Professor X. Dati pala silang magkaibigan na pinaghiwalay ng magkaibang paniniwala. Hindi sila nagkasundo sa kung anung balak nila sa mga natipon nilang mutants kaya naghiwalay sila ng landas. Nalaman ko din ang dahilan kung bakit naging ganun si Beast. Gwapo pala siya dati. Promise. Haha. Ang pinagkaiba niya lang sa mga normal na tao eh ang kanyang mga paa na kamay ang itusra. Dahil sa pagiging genius, gumawa siya ng gamot para maging normal na silang mga mutants. Ok na sana eh. Kaso pagkalipas pa lang ng ilang seconds, bumalik na sa dati yung itsura nung paa niya tapos maya maya lang eh mas lalong lumala yung itsura niya. Hindi na lang paa yung nagmutate sa kanya. Buong katawan pa. Ayun at naging si Beast siya. Sayang ang kagwapuhan ni kuya. Lol. 

Another important thing is kung paano nalumpo si Professor X. Si Magneto pala yung me major na kasalanan. Sa dulo kase ng palabas, medyo nagkalabuan na si Magneto and Professor X sa mga paniniwala nila. Gusto kase ni Magneto na pasabugin na yung mga barkong pandigma ng US and Russia (hindi ko na ikukuwento kung anong kinalaman ng mga barko sa movie. Masyado ng spoiler.  Lol) kase nga gusto din silang patayin na mga mutants ng mga sundalo ng US and Russia. Kaya ang ginawa ni Magneto, pinigil niya yung mga missiles na papunta sa kanila tapos pinapunta niya sa mga barko ng US and Russia. Eh ayaw pumayag ni Professor X kase lalo lang magkakagulo kaya pinipigilan niya yung kamay ni Magneto para hindi matuloy yung pagkontrol nito sa mga missiles. Hindi na kase makontrol ni Professor X yung utak ni Magneto kase suot na nito yung mahiwagang helmet na originally eh ke Sebastian. Yung helmet na iyon eh ginawa ni Sebastian para hindi mapasok ng mga mutants na me kaparehong kapangyarihan ni Professor X yung utak niya. Eh di ayun na nga. Nagaway si Magneto and Professor X. Nung nakita ng friend ni Prof  X yung ginagawa ni Magneto (kase nga, obviously, llamado si Magneto versus Prof X), pinagbabaril niya to. Ginamitan ni Magneto ng powers niya yung mga bala ng baril. Then lumipad kung saan saan yung mga bala hanggang sa matamaan si Prof X sa ibabang bahagi ng spinal cord. Ayun ang naging dahilan kaya nalumpo si Prof X.

Andami ko pa sang gustong ikwento kaso medyo busy ako ngayon tsaka nahihiya ako sa Marvel. Baka pagalitan nila ako dahil sa mga spoilers ko sa mga hindi pa nakakanood. Lol. Lalo pa't six days pa lang pinalalabas yung movie. Haha.

I'm giving this movie a rating of 9 out of 10. 

____________________


Habang papauwi ako galing sa panonood, me nangyaring hindi inaasahan. Me nakaaway ako sa daan. Ako na ang war freak. Lol. Nakakabadtrip kase si Ate. Halatang nagpapapansin lang. Ganito kase yun. Malapit na ako sa tulay malapit sa bahay namin. Naglalakad na ako ng makita ko si ate na super mega nakahawak sa beywang at nakasuper-mega-spread ang mga siko. Eh saktong me dadaan na dun sa kabilang side kaya dun ako sa medyo maliit na side dumaan. Tama kayo! Nakagitna pa sila ng kausap niya habang nakasuper duper mega spread yung siko niya dun. So ako eh di daan lang. Nabangga pa nga ng siko niya yung dibdib ko. Medyop masakit yun ha! Ang gagang hitad, sumigaw pa! Wala man lang daw bang sorry. Nakakabadtrip ha! Ayos! Ako pa pala dapat magsorry?! So ako, sumagot. Sabi ko, "Kayo na nga po yung nakaharang diyan eh tapos ako pa yung magsosorry?". Ambait ko pa niyan ha. Me "po" pa yan bilang paggalang sa gurang na si ate. Tapos sabi ba naman niya, lumapit daw ako. Aba! Ayos to ha. Gusto ng away. Game ako diyan. Hindi niya alam, me pagka-war freak din ako. 

Pagkalapit ko, me sinabi siya na hindi ko na maalala. Tapos sumagot ako, "Kayo na nga po yung nakabangga eh. Me logic ba kayo?". Sabi kong ganun. Sabi niya, "Me palogic-logic ka pang nalalaman diyan. Bakit matalino ka ba?". Nagpanting talaga yung tenga ko nun pero ang galing ko, napigilan ko yung galit ko that time. Ako na super mainitin ang ulo at careless sa mga sinasabi, nakapagpigil?!?! Amazing. Kaya ang naging sagot ko sa kanya, isang matinding "WEEEEELLLLLLLLLLLLL". Sabay talikod. Lol. Wala na kong pakeilam sa kung ano pang mga sinabi niya. Basta ang alam ko, napahiya siya sa mga sinabi ko. Pasensya na lang siya at ako ang napagbalingan ng katarayan niya. Hindi kase yun umubra sa akin. Napatulpit pa siya sa mga simple but elegant kong mga sagot. Hahahaha.

Un lang. I just wanna share my katarayan. Haha. Sorry Papa God sa katarayan ko. :-)

Keep safe guys.Godbless. :-)


Wednesday, June 1, 2011

Update Strips IV

Hay... June na pala noh! Kani-kanina ko lang na-realize. Matagal tagal din akong walang post. Wala kase akong gaanong maikwento nowadays. Ay, actually, meron pala. Tinatamad lang ako. Lol. Lemme start sa kakaibang nangyari sa akin noong last Friday. Friday is lunch out day and magkakasama kame ng college friends kong nag-lunch. Dati pa namin balak na kumain sa isang restaurant named Amici. Nakakain na ako dun dati with my previous team mates pero sa ibang branch kame this time.

Tatlo nga pala kame nun. Alam kong malaki ang gagastusin namin that time kaya dala ko si mahiwagang credit card. Lol. Ako na! Ako na ang madaming utang. Hahaha. So order time. Since masyado ka ng matakaw kung mauubos mo ang isang serving nila, 2 pasta lang ang inorder namin, isang pizza and dessert.  Ansarap! Grabe! Chos! But no kidding, masarap talaga siya. Lalo na yung dessert ko which is isang slice ng chocolate cake. Busog na busog ako ng umalis ng restaurant. Hindi ko namalayan ang oras. Pagkatayong pagkatayo ko, bigla kong naramdaman yung tiyan ko na nasa hindi mabuting kalagayan kaya mabagal ako naglakad. Hindi siya yung sakit na nachuchurva eh. Basta masakit lang siya. Promise. Haha.

Lagpas 1:30  na  ng makabalik ako sa office. I thought keri na, o-ok na yung pakiramdam ko but I was wrong. Isang kasumpa sumpang bagay ang dumating sa akin. Guess what. Tumunog ang fire alarm. Shetness. Fire Drill pala. Grabe! Imagine, bababa kame ng building from 16th floor to the ground floor by stairs. And me, with that kind of condition, naawa ako sa sarili ko ng bonggang bongga. Hahaha. Binalak ko ngang magkulong na lamang sa cr para hindi nila ako makita at sapilitang pababain pero nalaman ko na 3 hours pala yung fire drill. 

Nagtataka din ako kung bakit three hours yung drill. Naisip ko, baka siguro kunwari me totoong apoy. Chos! Tamang tama kase diba ganun naman talag kadalasan tumatagal yung apoy? mga 2-3 hours? Pero hindi naman natuloy yun kase wala pang 1 hour eh pinaakyat na uli kame. Nakakatawa yung nangyari nung pinapatay na nung mga firemen yun kunwaring sunog sa 9th floor. Hindi kase umaabot yung tubig nila sa floor na yun. Hanggang 8th floor lang yung inabot. Inimagine ko tuloy; paano kung nasa tuktok ng building yung sunog? Eh hanggang 34th floor yung building namin. Lol. Isa pang nakakatawang eksena yung nabasa talaga yung mga bystanders sa gilid ng building. Walang pasabi kase yung mga bumbero. Bigla na lang binuksan yung tubig. Umulan tuloy sa pwesto nila ng bonggang bongga.

Naging ok naman yung pakiramdam ko after that. :-)
____________________

Dinner with college friends naman yung next. Pumunta kaming McKinley para dun mag-dinner. Nandoon din kase yung isa naming friend and naisipan naming doon na din mag-dinner. Hindi ako masyadong nag-enjoy sa dinner namin kase hindi ko feel yung mga ulam. Pero bumawi naman ako sa drinks kong mango shake tsaka sa dessert naming leche flan and cassava cake with vanilla ice cream. Antakaw ko. Grabe. Lol. 

Sobrang mahal ng nagastos ko that day. Baon ko na for one week. Hahaha. Hays. Pero enjoy ko naman ang aking naging mga adventures sa pagkain nung araw na yun. Hindi ko lang alam sa tiyan ko. Siya kase yung nagdusa. Hahaha.

 ____________________

About sa development ng mga pangyayari when it comes to RaDaR walang magandang nangyayari. Naiinis pa akong lalo sa kanya. Ang arte kase. Akala mo eh napakasama kong tao para layuan niya. Nakakabwisit. Huwag siyang gaanong ambisyoso no! Hindi porque me crush ako sa kanya eh magpapakababa na ako. Iba na ako ngayon oy! I don't care kung ayaw mo sa akin dahil ayaw ko din sayo! Huwag mong masyadong ipasok sa isip mo na antaas taas mo. Grow up!

Chos! Umit tuloy yung ulo ko. Hay. Nga pala, nilapitan ako nung taong nagkalat kung sino yung crush ko. Hindi ko alam kung masyado bang bad yung ginawa ko. In-ignore ko kase siya. Eh kase naman, hindi naman yun ganun ganun na lang no! Nakita niyo naman yung epekto nun sa akin. Pati sa crush ko, badtrip na ko kase ang arte arte niya. Eh kung hindi naman niya nalaman na me crush ako sa kanya, hindi naman mangyayari yun. Oo nga, hindi kame close pero hindi naman siya nagiinarte pag nagkikita kame. Wala naman akong ibang masisisi kung hindi siya eh. Anyway, sorry na lang siya at hindi pa ako ready sa gusto niyang pakikipag-ayos. Salbahe na ako kung salbahe but I can assure you na hindi ako plastik. Hindi ko hinayaan na maging ok kami kahit hindi naman.

Anu ba yan, ang nega na tuloy na mood ko. Change topic nga! Lol.

 ____________________

Siyanga pala! (Hindi naman ako masyadong excited niyan. Lol.), mukhang magkakaroon na ako ng bagong project dito sa company. Grabe, ambait talaga ni Papa God. Parang kelan lang, nagrereklamo't nag-aalala ako sa future  na career ko kung magpapatuloy na ganito ang ginagawa ko dito sa company. Ngayon, mukhang na-excite masyado si Papa God na sagutin yung hiling ko. Binigyan niya agad ako ng project.

Eto pa! Diba nung nakaraan lang, nag-e-emo ako sa pagkakatanggal ko sa project ko. Nang mga sumunod na araw eh ang mga kwento na rin mismo sa akin ang nagparealize sa akin na ganun pala talaga ang patakaran sa mga ganitong klaseng company. Na hindi porque natanggal ka  sa isang project eh kelangan mong mag-inarte as if katapusan na ng mundo. Pina-realize nito sa akin na hindi ko dapat iniisip ang mga negatibong bagay katulad ng mga inisip ko noon.

And lastly, mukhang yung plano kong change of career eh magkakatotoo na. Dapat kase eh developer ako dito. Eh kaso hindi ako mabigyan bigyan ng opportuniy na maging developer kaya sinabi ko sa RM (Resource Management) Department, na siyang nag-aasikaso kung saan mapupuntang project ang isang individual, na gustong ko ng palitan yung general capability ko from being a developer (na hindi ko nga magamit gamit) to a QA team member. 

Hindi ko alam kung tama ba yung naging move ko pero as of now eh wala pa namang sintomas na nagsasabing mali ang aking ginawa. Isa lang ang masasabi ko. Goodluck sa bago kong career. Mahirap na kaseng bumalik uli sa pagiging developer once na nalipat ka na sa ganitong field eh. Kaya ayun nga, a big goodluck na lang to me. :-)

Ayan lang guys. As always, Keep safe and Godbless everyone. :-)  

Friday, May 27, 2011

Karma

Natatandaan ko pa noon. Halos isumpa ko ang pag-ibig dahil sa pagkasira ng pamilya ko. Nagtatanong ako sa kawalan kung sino ba ang nag-imbento ng punyetang bagay na iyon at kung bakit naisipan niyang ihalo iyon sa mga kakaiba pang mga bagay na umiikot sa sangkatauhan. Nagtataka ako kung bakit kinailangan pang isama ito sa buhay ng mga nakatira sa sansinukob. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang may kaakibat na sakit ang bagay na iyon. Naguguluhan ako sa kung anong purpose nito sa ating buhay. Kung hindi ba pwedeng uminog ang mundo at magpatuloy ang buhay ng tao sa kabila ng kawalan nito. Nagaalinlangan ako sa kotasyon na "Love makes the world go round". Taray! Gravitational pull ba galing sa araw ang love?! Malamang ay may nakarinig ng mga katanungan at kaguluhan sa aking pagiisip kaya naman isang araw ay nangyari ang isang bagay na ni sa hinagap ay di ko inasahan.

Natatandaan ko pa noon. Una kitang nakita sa hallway ng campus. Dala ng iyong mukha ang isang salbaheng ngiti na nakaukol sa akin. Halos himatayin ako sa kilig that time. Nagtinginan tayo hanggang makalampas tayo sa isa't isa. Ngunit tila hindi ko kayang bumitaw sa pagkakatingin ko sa iyo. Halos magkandabali ang leeg ko masundan ka lamang ng tingin. Ilang segundo rin akong nasa ganung posisyon ng matigil ang pagkatulala ko nang pumasok ka na sa isang kwarto. Grabe ang moment na iyon. I asked myself ng isang cliche: "Ito na ba ang sinasabi nilang pag-ibig?". Isa ka sa mga naging inspirasyon ko sa aking pag-aaral. Wala man tayong communication, sapat na ang malagkit nating tinginan na patunay sa tunay nating nararamdaman. Mukha man akong tanga, araw araw akong sumasaglit sa harap ng kwartong pinasukan mo para magbaka-sakaling  makita kitang muli. Binaba ko ang lebel ng aking pagkatao dahil sayo. Masasabing espesyal ka para sa akin dahil sa realisasyong iyon.  Biglang nawala ang mga katanungan at kaguluhan sa isip ko. Hindi ko man aminin eh talagang napahiya ako sa aking sarili. Ang mga pangyayari na mismo ang sumagot sa mga katanungan at kaguluhan sa aking isipan.  


Natatandaan ko pa noon. Lumapit ka sa akin at nagpakilala ng pormal. Abot langit ang ngiti ko ng ibigay ang aking pangalan at numero. Halos araw araw tayong magka-usap noon. Isang araw na lamang ay inaya mo akong lumabas. Siyempre pa ay pumayag ako. Sobra sobrang kaba ang naramdaman ko habang hinihintay kang sunduin ako. At nang dumating ka, isang dream come true ang naganap. Kumain tayo sa isang restaurant. Hindi ko akalaing ikaw pa ang makakasama ko sa pagkain sa lugar na iyon. Napaka-romantic ng ambience. Talagang iyon ay para sa mga taong pinagdugtong ang mga puso. Naging tahimik ang ating buong pagkain sa lugar na iyon. Nagulat na lamang ako ng hinawakan mo ang aking mga kamay. Tinitigan mo ako sa aking mga mata at sinabi mong mahal mo ako. Halos lumundag ako sa kilig ng mga oras na iyon. Hindi mo rin napigilang itanong kung mutual ba ang nararamdaman natin. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinagot ka agad. Magkahawak kamay nating nilisan ang restaurant habang kumakanta sa isipan ko ang The Carpenters ng "Why do birds suddenly appear, every time you are near...".


Natatandaan ko pa noon. Naging masaya ang mga unang lingo ng ating pagiging magkarelasyon. Araw araw tayong nagkikita. Kung hindi man tayo magkasama ay siguradong kinukumusta natin ang isa't isa. Masayang masaya ako ng mga panahong iyon. Walang pagsidlan ang aking kaligayahan. Sabi nga nila, "Dreams do come true". At iyan ang nangyari sa akin. Kung dati ay pinapangarap lamang kita, ngayon ay abot kamay na kita. Kaya naman pansin na pansin ang mga positibong pagbabago sa akin. Ngunit tulad din ng mga sinasabi nila, "Things will change eventually". At nangyari sa atin yan makalipas ang ilang araw. Hindi ka na tumatawag at nagtetext. Hindi ka rin na sumasagot sa mga tawag at text ko. Hindi ko din alam kung saan ka nakatira kaya wala talaga akong alam na paraan kung paano ka kakausapin. Puno ako ng pagtataka noon.


Natatandaan ko pa noon. Lumipas ang ilang linggo ng wala tayong komunikasyon. Tinanggap ko na ang katotohanan na iniwan mo na ako. Patatawarin na sana kita sa kasalanang hindi ka man lamang nagpaalam sa akin ng maayos ng may matanggap akong sulat mula sa iyo. Lumuluha at nanghihina akong napaupo matapos basahin ang sulat. Kaya pala. Kaya pala hindi ka nagpaalam. Napakasama ng ginawa mo sa akin. Sinabi mo sa sulat na pinagpustahan niyo lang pala ako ng barkada mo. Grabe ka. At sinabi mo pa na kaya ka nawala ay nagbakasyon ka pala gamit ang perang napanalunan mo sa pustahan. At pinamukha mo pa sa akin ang naging bunga ng kawalanghiyaan mo. Hindi ko na binalak pang maghiganti sa iyo. I know it's not worth it. "Vengeance will never take away the pain".


Natatandaan ko pa noon. Nakangisi ka pa din sa tuwing magkakasalubong tayo. Siguro ngayon, ang ngising yan ang tropeo mo sa panloloko sa akin. Deadma na lang kunwari ako pero pag nakalampas na tayo sa isa't isa, palaging nakahanda na ang panyo ko sa aking kamay. Masakit pa rin sa akin ang nangyari pero pilit kong kinakalimutan. I truly believe that "Life's like a wheel". Ilang beses ko ng napatunayan iyan. At iniadya ng Maykapal ng isama ka sa mga proofs ko. Nabalitaan ko na lamang isang araw ang sunod sunod na mga negatibong nangyari sa iyo. Bumagsak ka daw sa ilan sa mga subjects mo dahil sa pagsama sa mga kaibigan mong hindi mahilig pumasok sa klase. Nalulong ka pa sa masamang bisyo. At ngayon ay isa na lamang tambay. Ako naman, naging masigasig sa pag-aaral at nakakilala ng isang taong alam ko na magmamahal sa akin ng tapat at hindi gagawin ang bagay na ginawa mo sa akin noon. Alam ng Diyos na hindi ko hiniling ang lahat ng nangyari sa iyo. Matagal ko ng sinimulan na patawarin ka. Hindi man ako labis na natutuwa sa kinahantungan mo, napalagay na din ako. At least, assured ako. The wheel of fortune is really turning. Karma's a bitch... and so are we.


 

Tuesday, May 24, 2011

Bench

I'm back to bench. Ibig sabihin, wala naman akong gagawin for the next few days. Grabe. Alam mo bang super lungkot yung naramdaman ko nang malaman ko yun. Being the futuristic me, kung ano ano na naman ang pumapasok na tanong sa isip ko. Natatakot ako sa magiging future ng career ko kung magpapatuloy pa akong ganito. Hay. Paano na lang yung magiging itsura ng resume ko pag nagaapply na ko once na nagresign ako dito. Shetness. Me mahahanap pa ba akong trabaho? Hahaha. 

Sa sobrang pagiging paranoid ko, nag-isip na agad ako last weekend kung anong magandang gawin habang I'm on bench. Natatakot kase talaga ako na baka mag-i-spend na naman ako  ng half-year na walang magandang ginagawa kaya dyaran, naisip ko na mag-aaral na lang ako ng bonggang bongga. Me libreng tutorials naman dito sa company. Swerte pa din ako. Hahaha. 

Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba talaga akong maging ganito ka-affected sa nangyari. Eh kase naman, kinuwento ko sa mga friends ko yung nangyari sa akin pero parang deadma lang naman sila. Sabi nga nung iba, swerte ko pa daw kase wala akong gagawin. Ang point ko lang naman kase, nag-aalala lang ako sa career ko. Baka mawalan kase talaga to ng growth kung sakaling magpatuloy ang mga ganitong pangyayari. Hay nako! Isang literal na "Goodluck na lang sa aking career". Lol.

____________________
Kaka-receive ko lang ng text kani-kanina lang galing sa taong sobrang kinaiinisan ko nowadays. Siya yung nagkalat ng pagkakaroon ko ng crush ko ke crushie dito sa office na si RaDaR. Nagso-sorry siya. Hindi ko siya mareplyan. Wala kase akong load. Chos! Pero sa totoo lang, kahit me load ako, hindi ko pa din siya rereplyan. Hindi naman kase ganun kadali yun noh! Sinira niya kaya yung image ko. Kase feeling ko, ang tingin nila sakin, parang ang landi landi ko. Dahil sa nangyari, naubos din yung confidence ko sa katawan. Ayaw na ayaw ko ng makita nila ako. Basta ganun. Sorry na lang siya kase nadala na talaga ako. Maybe in time mapapatawad ko din siya. Siguro kapag hindi na big deal sakin yung kahihiyan ko. Kelan kaya yun?

____________________
Sana mawala na ang ka-negahan ko sa katawan nowadays. Punong puno kase. Gusto niyo? Ingat. Godbless. :-)

Monday, May 23, 2011

Phobia

Kung may kinatatakutan man ako sa mundong ito, masasabi kong sa dalawang bagay lamang yan; sa pag-ibig at sa ipis. Hindi ka nagkakamali ng pagkakabasa. Matuwa ka na. At least, hindi pa malabo ang mga mata mo. Hindi ko din alam kung bakit sa dinami dami  ng mga bagay na inilagay ng Diyos sa mundong ito, diyan sa dalawang bagay pa na yan ako nagkaroon ng katakot takot na takot. Weird.

Naalala ko pa noon; nasa iskwelahan ako. Tinatalakay ng Physics professor ko ng mga oras na iyon ang Three Laws of Motion ni Newton. Nakikinig ako sa kanya noon ng sobra. Oo na. Ako na ang studious at grade conscious. Nagulat na lamang ako ng me isang munting nilalang ang lumilipad na pala papunta sa aking direksyon. Abot abot na kaba ang naramdaman ko noon. Grabe. Para akong ipinako sa aking kinauupuan. Hindi ako makagalaw. Walang biro. Nawala ang pagkamanhid ng katawan ko ng maramdaman kong nag-landing na pala ang isinumpa kong hayop, hulaan niyo kung saan, sa gitna pa mismo ng aking mukha. Kitang kita ng aking mga mata kung paano pa ito naglaro sa aking ilong. Grabe. Halos himatayin ako ng mga oras na iyon. Tila naman kusang nakisama ang lalamunan ko at lumabas mula dito ang isang sigaw na noon ko lang ata napakawalan sa buong buhay ko. Nagulat siyempre ang buong klase sa ginawa ko. Pinuno ng kantiyaw ang buong klase dahil sa nangyari. Tawa sila ng tawa sa akin. At siyempre, isang napakahabang litanya ang pinakawalan ng aking prof matapos ang nangyari. Ipinasok ko na lang iyon sa aking isang tenga at inilabas sa isa pa. Natatawa na lang din ako sa aking sarili. Nakakahiya kase. Talagang nakakahiya.

Pagdating naman sa pangalawang bagay na kinatatakutan ko, masasabi ko na hindi ako papasok sa kategorya ng pagiging weirdo. Madami akong kasama sa grupo ng mga taong takot sa pag-ibig. Aminin! Sa totoo lang, hindi naman sa pag-ibig ako natatakot kundi sa sakit na maaaring kaakibat nito. Sino ba namang gustong masaktan diba? Mabuti na nga lamang at sa edad kong ito eh hindi pa inaadya ng langit na maramdaman ko yun kundi eh malamang hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit kase alam ko na me kaakibat din naman ang mahiwagang bagay na ito na kasiyahan, mas nangingibabaw sakin ang takot. Isa sa mga nagpapalala ng aking pangamba ang hindi rin iilan na mga kaso ng pagkabigo dito na aking nasaksihan. Nalulungkot ako't nagtataka kung bakit kailangan pa yung mangyari sa kanila. Kung bakit dati, tila nasa alapaap sila sa tuwing sila ay magkasama. Yung tipong akala mo sila lang ang tao sa mundo tapos ngayon animo'y hindi na sila magkakilala. Pahabol lang, masama pa ang loob sa isa't isa.

Kagagaling ko lang sa eskwelahan ng araw na iyon ng mangyari ang isang pangyayari na maghahatid sa isa pang kinatatakutan ko. Palasak mang sabihin pero literal na bumagal ang pagtakbo ng kamay ng orasan noon. Masaya ako ng mapagtanto ko na kalapit bahay ko lamang pala siya. Naging masigla ako ng mga sumunod na araw. Hindi ko nga namamalayang lagi na pala akong nakangiti kahit saan ako magpunta. Napansin lang ng aking mga kaibigan. Halos mawalan ako ng ulirat ng isang araw ay magpakilala siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman. Lalo pang nanghina ang mga tuhod ko ng yayain niya akong magmeryenda. Epic moment, ika nga nila. Marami kaming napagkwentuhan habang kumakain. Hindi ko man aminin ngunit masasabi kong hindi ko maikakaila ang kasiyahan sa mukha ko ng mga oras na iyon. At doon nagsimula ang aming pagkakaibigan. Sino ba ang nagsabing nakakatakot ang umibig? Sino??? Sabihin niyo't sasabihin ko sa kanya na sinungaling siya. Haha.

Dumaan ang mga araw at lalo kaming napalapit sa isa't isa. Halos kaming dalawa na lamang ang magkasama sa lahat ng oras lalo na kapag walang pasok sa eskwela. Umaalis kami ng kaming dalawa lang. Nag-uusap ng mga personal na bagay. Nagtutulungan sa lahat ng bagay. Habang dumadaan ang mga araw, lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngunit hindi ko alam kung ganoon din siya sa akin. Siguro yung sinasabi nilang oras kung saan mararamdaman mo yung sakit eh isa na dito yung kapag hindi tinanggap ng taong mahal mo yung pagmamahal na inaalay mo para sa kanya. Ngunit hindi pa ako handa sa ganoong sakit kaya naman wala pa akong balak sabihin sa kanya. Sumabay sa daloy. Yan ang ginagawa ko muna.

Isang hapon iyon. Naghihintay ako sa aming laging tagpuan sa tuwing kami'y me lakad. Pinaghahandaan ko lagi ang araw sa tuwing aalis kame. Palagi kong inilalabas ang kung anung maganda sa akin.Magandang damit, mabangong pabango, maayos na porma. Kaya naman maraming nagdadaan ang napapalingon sa akin. Pero wala akong pakeilam. Ang ayos ko na iyon ay para sa kanya lamang. Tumingin ako sa orasan dahil ilang minuto na siyang late. Maya maya pa'y may naramdaman ako sa aking balikat. Ang munting kulay pulang nilalang, nariyan na naman. Kasabay ng pagkagulat ko ang paglabas niya mula sa aking likuran. Tumatawa siya ng parang wala ng bukas. Hindi ko napigilang sumigaw. Hindi ko napansing napayakap na pala ako sa kanya ng hindi sinasadya. Namumula akong kumalas. Pareho kaming napahiya sa nangyari at natahimik pagkatapos. Dinaan ko na lamang sa kunwaring pagka-inis ang nangyari. Ngunit hindi noon natabunan ang kung anong tensyon ang namamayani ng mga oras na iyon. Nabingi ako sa mga sumunod niyang ikinilos at sinabi. Hinawakan niya ang aking mga kamay at sinabi ang three magical ang wonderful words. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya ang pagkilos ko ang ginawa kong pang-responde. Hindi na kinailangan ang mga salita. Ngumiti ako at hinawakan ng mahigpit ang kanyang mga kamay. Magkahawak-kamay naming nilakad ang aming patutunguhan. Batid na namin noong mga panahong iyon na pareho kaming napupuno ng saya. May napagtanto ako ng mga oras na iyon. Nagpapasalamat ako sa ipis na iyon dahil kung hindi sa kanya eh hindi ko mararanasan ang bagay na lubos palang magpapaligaya sa akin. Sabay na nawala ang phobia ko sa dalawang bagay na lubos kong kinakatakutan noon. I hit two birds with one stone. Amazing!

Friday, May 20, 2011

Coincidence

Bakit kaya ngayon pa nagtraffic? Sabi na nga ba. Dapat mas maaga akong umalis ng bahay. Eh di sana mas maliit ang posibilidad na ma-late ako sa klase. Shetness. First day pa naman ngayon ng second semester. Buset. Lagot ako nito. Maba-bad shot ako sa professor ko. Naniniwala pa naman ako sa kasabihan na "First impression lasts". Tumitingin ako sa relo ko ng mayroong sumakay ng jeep. Natigilan ako ng napatingin ako sa kanyang mukha. Grabe, sobrang ganda ni ate. Parang anghel na nahulog sa lupa. Parang huminto ang oras noon. Nakakatawa. Kanina lang, hinihiling ko na bumagal ang oras. Mapagbiro talaga ang langit. Sobra sobra pa ang ibinigay. Hindi lang pinabagal ang oras, pinahinto pa.  Haha.

Namalayan ko na lamang na umandar na muli ang sinasakyan naming jeep. Nabuhayan ako ng loob. Baka makahabol pa ako sa una kong klase at hindi malate. Habang binabagtas ng kinalululanan naming sasakyan ang daan, hindi ko napigilang muling mapatitig ke ate. Nagulat ako. Nakatingin din siya sa akin. At ngumiti pa siya. Oh gosh! Napakaganda talaga niya. Hindi ko naiwasang gantihan ang ngiti niya. Nasa kalagitnaan na ako ng pagde-daydreaming na magsalita si manong driver. Nasa harap na pala kami ng university. Tapos na ang kakiligan ko. Mapagbiro talaga ang langit. Kinulangan naman ako ngayon. Sayang, sana pinatagal pa niya ang munting kasiyahan ko. Haha.

Hinagilap ko agad ang mahiwagang babae pagbaba na pagbaba namin ng jeep ngunit hindi ko na siya matagpuan. Nanghinayang ako. Sana man lang natanong ko ang kanyang pangalan, kung ano ang kinukuha niyang course at higit sa lahat eh ang kanyang cellphone number. Sayang talaga. Himala ang nangyari sapagkat maaga pa ako sa oras ng simula ng aking unang klase. Natuwa ako sa realisasyong iyon. Hindi na ako maba-bad shot sa professor ko. Iniisip ko pa din ang babae kanina sa jeep kaya marahan pa ang aking paglalakad. Papasok na ako sa gate ng muling matigilan. Naramdaman muli ang aking naramdaman kanina. Mapagbiro talaga ang langit. Kung kanina eh nagaalala ako, ngayon naman eh mistulang busog ako sa mga magagandang tanawin. Haha.

Nakatayo sa me gate ng unibersidad ang dahilan ng pagkatigil muli ng mundo ko. Ayun siya. Napakakisig sa suot na puting uniporme. Ang gwapo niya. Grabe. Umiral na naman ang aking kalandian. Pasensya na. Tao lang. Oo na. Hindi "normal" ang aking pagkatao. Nagets niyo na siguro. Isa akong chickboy. Pwede sa chicks, pwede sa boys. Grabe talaga siya. Para rin siyang anghel sa aking paningin tulad ni ateng nakasabay ko sa jeep kanina. Sino kaya ang hinihintay niya. Hindi ko na inalam pa. Nadala na ako sa daloy ng mga estudyanteng excited ng pumasok. Excited nga ba? Mapaglaro talaga ang langit. Binigyan niya ako ng kakaibang "talento" sa buhay: ang magkagusto sa parehong kasarian. Haha.

Hindi ako mapakali sa klase. Mabuti na lamang at pagpapakilala lamang sa sarili ang ginawa namin. Iniisip ko pa din silang dalawa. Oo, silang dalawa talaga. Ano kayang course nila? Nasaang building kaya sila? Makikita ko pa kaya sila? Sana. Wala akong ginawa sa buong maghapon kundi isipin silang dalawa. Nagtataka nga ang mga kaibigan ko kung ano bang nangyayari sa akin. Bakit daw lagi akong tulala. Bakit daw hindi ako nagsasalita. Ngumiti na lang ako. Mas inalaska tuloy nila ako. Mapaglaro talaga ang langit. Binigyan niya ko ng iba't ibang emosyon. Emosyon na nagkagulo-gulo siguro kaya ako nagkaganito. Haha.

Dumating ang oras ng uwian. Nagpaalam ako saking mga kaibigan. Dali dali akong lumabas ng kwarto. Nilakad ang daan papuntang gate ng iskwelahan. Hindi ko talaga matiis na hindi makita ni isa man sa kanila. Mabilis akong naglakad para maunahan ang mga papalabas na din ng unibersidad. Hingal na hingal na ako sa pagmamadali. Kumabog ang dibdib ko sa aking nakita. Ang isa sa mga anghel na nakita ko kaninang umaga. Napakaganda niya pa din kahit lumipas na ang maghapon. Lalapitan ko na sana siya ng bigla akong matigilan. Nakangiti siya sa aking direksyon. Lalo akong ginanahang lapitan siya. Ngunit nang mga ilang metro na lamang ako mula sa kanya eh me bumunggo sa aking likuran. Halos madapa ako sa nangyari. Marahan kong pinulot ang mga natabig sa akin. Nagulat ako ng me isang kamay na tumulong sa akin. Ang isa pang anghel na nakita ko ngayong araw. Kung se-swertihin ka nga naman oh! Mabilis ang kanyang kilos. Mistulang may hinahabol. Matapos niyang humingi ng tawad ay dire-diretsong naglakad. Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Si kuya, papunta ke ate. Inakbayan  ni kuya si ate. Si ate naman ay inilibot ang kamay sa beywang ni kuya. Nagtagpo ang dalawang anghel na aking kinahumalingan. Sabay nilang nilakad ang daan. Naiwan akong natigagal sa mga nangyari. Mapaglaro talaga ang langit. Wala sa hinagap na may kaugnayan ang dalawang taong kinabaliwan ko ng araw na yun. Mapaglaro nga talaga ang langit. Sobra.    


No Se Sigue

Alam na daw ni crushie dito sa office na si RaDaR na crush ko siya. Pero hindi naman ako ganun ka-affected. Nahihiya lang akong makita sila ng barkada niya especially siya nowadays. Putek. Nakakapanliit kaya. Hindi ako prepared sa akung ano mang magiging reaction niya towards me. Kun pagtatawanan niya ba ako o kung dedeadmahin lang. Anyway, ok lang. Kaya ko pa naman. Hindi naman ako mapaparesign ng dahil lang dun. Wala akong pambayad ng bond. Hahaha. Go with the flow lang. Deadma na lang whenever he's around. Lol. 

Nakakatawa lang kahapon kase nagkasabay pa kame sa pantry ng kaming dalawa lang. Kilig na kilig pa ko. Tapos maya maya nag-tweet siya. Minention niya pa yung dalawang ka-project niya na friends ko. Sabi niya nangyari na daw yung kinatatakuan niya. WTF! Punyeta siya. Echos. Hindi ako sure na yung moment na yun yung sinasabi niya pero lalong lumakas yung hinala ko nang aminin sa akin ng isa kong friend na alam na nga daw niya. Hindi na ako nagtanong kung paano niya nalaman. Nandun kase yung isang barkada ni RaDaR. Nakakahiya. Tsaka uminit na naman yung ulo ko sa kanya. Lalo na nung sinabi niya na madami ng nakakaalam. Bwisit talaga. 

Anyway, back dun sa tweet niya. Grabe naman siya kung sakaling ako nga yung sinasabihan niya nun. Bwisit siya. Ano siya, art ista??? At ako, die hard fan? Ayos siya ha! Anong akala niya sakin rapist? Bwisit talaga. Nakakainis lang kase napakataas ng tingin niya sa sarili niya. Hay nako. Kaya ginawa ko, in-unfollow ko na siya sa twitter para wala na siyang masabi. Bwisit talaga. Hindi ko din naman siya in-add sa FB. Wala akong lakas ng loob. LOL. Tsaka ayaw kong magmukhang cheap na parang naghahabol. Chos! Hahaha. Ayun lang. Bwisit talaga.

____________________

Nag-away na naman kami ni mommy. What's new? Ansama ko talaga. Huhuhu. Eh kase naman nakakabwisit yung mga nangyayari. Nadadamay tuloy yung family ko sa mga tantrums ko. Lol.

____________________

Naisipan kong gumawa ng short story kahapon at pinublish ko dito sa blog ko. Nabasa mo ba?
____________________

Ingat! Godbless. :-)

 

 

Thursday, May 19, 2011

Déjà vu

Madilim ang daan na tinatahak ko pero hindi ko iyon alintana.  Mabilis pa din ang lakad ko at malalaki pa din ang aking mga hakbang. Hindi ko na napigilan ng kusang umagos ang mga mainit na likido mula sa aking mga mata papunta sa aking pisngi sa hanggang mahulog na ito sa lupa. Maraming pares ng mga mata ang nakatingin sa akin ngunit hindi ko sila pinapansin. Wala akong pakeilam sa kanila. Wala akong pakeilam kung tawanan man nila ako. Masama ang loob ko. Masamang masama at walang makakapagpagaan nito sa mga oras na iyon.

Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit nila nagawa sa akin yun. Ano bang naging kasalanan ko sa kanila para bigyan nila ako ng ganitong klaseng parusa. Masakit. Sobrang sakit ng ginawa nila sa akin. Isang klase ng pagta-traydor na kahit kelan ay hindi ko pinangarap at hindi ko inakalang gagawin sa akin. Sila pa na pinagkatiwalaan ko ng sobra sobra. Sila pa na halos pinag-alayan ko ng lahat ng  aking oras at panahon. Sila pa na takot na takot akong magawan ng kasalanan. Sila pa na ni minsan ay hindi ko iwinaglit sa mga magagandang plano ko sa buhay. Sila pa na mahal na mahal ko.

Maaga kesa sa kinagawian nang umalis ako ng opisina kanina. Nais ko silang sorpresahin dahil me napakagandang nangyari sa trabaho ko. Gusto kong sabay sabay namin iyong ipagdiwang. Dumaan ako sa tindahan para bumili ng aming kakainin at iinumin habang nagseselbra. Masayang masaya akong lumabas ng tindahan bitbit ang aking mga ipinamili. Halos takbuhin ko na ang daan patungo s aming tinutuluyan. Dahan dahan pa akong pumasok sa bahay para mas maganda ang pagpresenta ng aking surpresa. Kasabay ng paghahanda ko sa pagsigaw ng "Surprise" ang dahan dahan kong pagbukas ng kurtina. Ngunit bago ko pa masambit ang kanina ko pa pinananabikang salita, tila sila pa ang naunang magbanggit sa akin noon. Hindi sa salita kung hindi sa mga mukha nilang napintahan ng hindi maipaliwanag na mga emosyon. Tila bumagal ang pag-ikot ng mundo sa aking paligid. Unti unti kong nabitawan ang aking mga dalahin. Bago pa man nila ako nalapitan ay nagtatatakbo na ako palabas.

Hindi ko alam kung san ako papunta noon. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa mapagod. Nagpahinga, muling naglakad at muling napagod. Paulit ulit hanggang sa humantong ako sa isang bahay-inuman. Nagpakalasing ako. Medyo nahihilo na ako dahil sa ilang bote ng alkohol na ang naubos ko ngunit hindi man lamang nabawasan ng kahit na kaunti ang halo halong negatibong emosyon na bumabalot sa puso ko ng mga panahong iyon. Malalim na ang gabi nang lumabas ako. Naglakad muli ng naglakad.

Naglalakad ako sa madilim na daan nang may humawak sa aking kamay. Walang lugar ang takot sa sistema ko ng mga oras na yun. Lumingon ako at nakita ang isang batang pulubi. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa malamang na pinaghalong gutom at lamig ng gabing iyon. Hindi ko na sana siya papansinin ng mayroon siyang inilabas sa isang bulsa. Isang papel na me guhit na puso. Nagmukhang espesyal ang hitsura ng pusong nakaguhit sa papel dahil sa mga iba't ibang kulay na nakapaloob dito. Nasa gitna ako ng pagtingin sa pusong nakaguhit sa papel ng mapagtanto ko na parang nakita ko na ang imaheng iyon. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan. Lumambot ang puso ko sa inasal ng bata kaya't hindi ko napigilang bumunot ng ilang pirasong perang papel mula sa aking bulsa. Tuwang tuwa ang bata pagkaabot ko ng mga salapi. Nagtatatakbo siya sa gitna ng daan. Huli na ng mapansin namin ang paparating at humaharurot na sasakyan. Kahit sinong tao ay hindi makaliligtas sa ganoong klaseng trahedya. Hawak hawak ko ang nalukot na papel sa gitna ng nakakuyom kong palad habang lumuluha. Hindi ko napigilang sumigaw sa abot ng aking makakaya.

Napabalikwas ako ng bangon. Punong puno ng butil butil na pawis ang aking katawan. Mabilis ang aking paghinga. Napakabilis ng mga pangyayari. Panaginip lamang pala ang lahat. Sinubukan kong i-hinahon ang aking sarili. Ilang minuto din akong nasa gaanoong ayos ng maisipang tumayo at tignan ang orasan. Mahuhuli na pala ako sa trabaho. Dali dali akong kumilos at kumuha ng mga gamit sa paliligo. Napansin kong wala pa silang dalawa. Marahil ay papauwi pa lamang galing sa kani-kanilang pang-gabing trabaho . Papunta na sana ako ng banyo na mapatigil sa gitna ng sala.

Kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Dahan dahang lumapit sa bagay ng nagnakaw ng aking atensyon. Rinig na rinig ko ang kaba sa aking dibdib ng makita ang naging simbulo ng aking panaginip. Katulad na katulad. Kamukhang kamukha. Yung puso na iginuhit ng musmos sa aking panaginip ay nakita ko mismo sa aking bahay. Kaya pala parang pamilyar sa akin ang bagay na iyon. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng tokador na kinakukurbahan ng hugis na iyon ng biglang tumunog ang aking telepono. Agad ko iyong sinagot ng makitang ang aking amo ang tumatawag. Ako'y kanyang pinagmamadali. Masaya ang kanyang boses. Kinabahan ako. Tinanong ang aking sarili kung bakit ganoon ang takbo ng mga pangyayari. Nahimasmasan ako. Tinungo ang tokador na kanina ko pa nais buksan. Walang ibang laman ang kahon maliban sa isang sulat. Galing sa kanya ang sulat. Patungo sa isa pa. Nanginginig kong binuksan ang sulat at nagitla sa nabasa. Nanghina ang aking maga tuhod. Kumulog. Kumidlat. Kasabay ng pag-ulan, umagos ang aking mga luha. Naihatid sa realidad ang aking nakapanghihilakbot na panaginip. Bumukas ang pinto at nakita ko silang basang basa. Gulat din sila sa kanilang nasaksihan. Kapwa nabitawan ang mga dala dala habang papalapit sa akin. Hindi ko sila hinayaang madampian nila ako ng kanilang mga kamay. Tuloy tuloy ako sa labas. At sa gitna ng daan, nandoon ako, sumisigaw at lumuluha kasabay ng pagkulog, pagkidlat at pagbuhos ng ulan. 

Wednesday, May 18, 2011

Acontecimientos

Natutuwa ako ng me follower na ako sa blog ko. Ako na! Ako na ang lagpas isang taon ng nagba-blog pero ngayon lang nagkaron ng followers. Hahaha. Naloka ako ng makita ang pangalan ni Paul Kian sa mga followers ko. Grabe. It's such an honor. Bakit? Basahin niyo na lang ang blog niya. Sa totoo lang, nang mabasa ko ang mga akda niya, naging instant fan niya ako. Ang galing! Ang galing galing talaga. Kung hindi man, para siyang isang professinal writer. Bravo Paul Kian. Dalawa na kayo ni Aris na idol ko.  :-) I just wanna share. LOL.

Yung dalawa pang follower ko eh mga ka-close ko. Yung isa eh sa cyberworld at ang isa eh sa totoong buhay. Haha. Yung sa cyberworld eh si EG. Naging ka-close ko siya ng bonggang bongga dahil sa twitter tsaka dahil sa mga kabaliwan niya sa lalake. Hahaha. Ayun, naging instant adviser tuloy ako. Mabuti na lamang at hindi na ako ganun kabaliw sa mga lalake dahil kung hindi, pareho lang kameng nag-iyakan sa mga bagay bagay sa buhay. Kaloka. Buti na lang talaga. Hay nako. Yung isa ko naman follower ay si Robert. Ayun lang. Wala akong masabi. Ay, meron pala akong masasabi. Hindi ko lang sasabihin. Patay ako diyan pag nagkataon. Lol. My mouth is zipped. Ouch! LOL. That's all. Hahaha.

____________________

Birthday ng namatay kong pinsan ngayon. It has been a year and two months since he passed away. Hanggang ngayon ay nalulungkot pa din ako pag naalala ko. At higit sa lahat, I'm attacked by my conscience? Bakit? Kase, feeling ko, hindi ako naging mabuting pinsan sa kanya. Tandang tanda ko pa na halos araw araw kaming mag-away noon. Hindi talaga kame magkasundo. Hindi ko alam kung bakit. Mas lalo akong nalulungkot kapag dumadating sa isipan ko yung realidad na he's only 17 when he died. Doon sa parteng iyon ng katotohanan hindi ko mapigilang malungkot. Kase kung iisipin, sobrang sayang talaga ng hindi man lang niya naranasan ang mga magagandang bagay the world has to offer considering na puno din ng paghihirap ang buhay niya noong nandito pa siya sa Earth. Hay nako, nalulungkot at naiiyak na naman ako. Hay.

Ang tanging iniisip ko na lamang para maibsan yung lungkot na nararamdaman ko eh maayos ang lagay niya ngayon kung nasaan man siya. Nawa'y masaya siya ngayon at hindi na niya nararanasan pa ang paghihirap.

____________________

Kani-kanina lamang  nabanggit ko sa kausap ko a hindi ako pabor sa same-sex marriage. Oh gosh. Alam ko na madaming kalahi ko ang magtataas ng kilay sa sinabi ko. Sa totoo lang, hindi din ako kumbinsido sa sinabi ko na I'm against same-sex marriage. Lol. Oo na, ako na! Ako na talaga. Lol. Ako na ang nagpapakamalinis. Ako na ang righteous. Hindi naman sa ganon. Hay nako bahala na nga. Kakaiba talaga mga pananaw ko sa buhay. Hahaha.Pero malay naman natin kung bigla na lang akong sumabay sa agos. Pakapit sa inyo ha.

Keep safe guys. Godbless. :-)

Monday, May 16, 2011

Fast Five

Akala ko tanggap ko na. Akala ko tanggap ko na ang malaking posibilidad na magi-sa kong tatahakin ang landas ng pagtanda na puno ng hirap at pagsubok. Akala ko tanggap ko na. Akala ko tanggap ko na ng buong buo. Buong buo na tipong hindi na ako maaapektuhan ng mga bagay bagay na umuukol sa pagiisa sa buhay. Pagiisa sa buhay na matagal kong kinatakutan at akala ko eh tanggap ko na talaga. Paulit ulit at paikot ikot. Pulit ulit at paikot ikot na lang pala ang mga sinasabi ko. Wahaha.

Habang tumatagal eh nakikita ko na ng bonggang bongga yung epekto sa akin ng pagbabago ko. Wait nga! Parang paulit ulit na naman yung sinasabi ko. Nasabi ko na ata yan sa mga previous posts ko. Nakakaloka. Lol. Eh kase naman, habang dumadaan ang mga araw, lalo kong nakikita yung pagbabago sa sarili ko. At habang nagtatagal at dumadaloy sa harapan ko ang mga kaganapan, lalong lumilinaw yung maaari kong patunguhan kapag nagpatuloy pa ito. Shetness. The monster inside me is really getting bigger and bigger. Hindi ko na siya kayang kontrolin. Actually, siya pa mismo ang kumokontrol sa akin. Papaano ako nadako sa ganyang conclusion? Ganito kase yun.


Naranasan mo na ba ang pakiramdam na ikaw mismo ang gumagawa ng paraan na magkaroon ng pangyayari sa buhay mo na makakapagpatunay sa isang bagay na gustong mong patunayan sa sarili mo? Magulo ba? Ok, magbibigay ako ng example. These past few days kase, mapapansin din naman sa mga posts ko, naging sentro na ng mga pag-iisip ko yung sarili ko at yung future ko. Alam mo yun? Masyado ko ng hinahanda ang sarili ko sa mga maaaring mangyari. Especially ang pagiging solo flight ko sa future. Alam naman nating lahat ang pagiging malabo ng kinabukasan ng mga taong katulad ko diba? So ayan na nga! Sa sobrang pagpe-prepare ko, gusto ko ng ma-test ngayon yung feeling ng pag-iisa kaya gumagawa ako ng paraan para maranasan yun. Sounds weird? Yes, it is. Aminado ako. Ang gulo talaga ng sistema ko ngayon. Segue lang. Lol. So ayun nga. Siguro ini-imagine mo kung paano ko ginagawa. Maiinis ka. Promise. Hahaha.


First, sa family ko. Grabe no! Napaka-negative ko. Iniisip ko na kahit yung family ko, iiwanan din ako in the future. Hays. Eto pa, ang pinakanakakainis dyan eh, iniisp ko na ang sama sama nila towards sa akin. Iniisip ko na pinakikisamahan lang nila ako dahil malaking tulong ako financially sa family namin. Grabe no. I'm so bad. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ba yung family namin. Parang walang magandang patutunguhan. Bawat isa sa amin eh me grudge para sa iba. Nangunguna na ako dyan. Sa totoo lang, masyado na akong malayo sa family ko. Hindi na din ako gumagawa ng paraan para mapalapit sa kanila. Ang tanging nagdudugtong na lamang  sa amin eh ang truth na kelangan namin ang isa't isa dahil napapakinabangan namin ang bawat isa. Hay. Isa pa sa mga natitirang koneksyon namin eh ang mga pamangkin ko na mahal na mahal namin. Alam mo, sa sobrang bad ko, iniisip ko na pinakikisamahan na lang talaga nila ako dahil sa nakakatulong ako sa amin financially pero kung mawawalan ako ng maitutulong sa kanila eh papaalisin na nila ako anytime. Kaya ang ginagawa ko eh ayun nga, hindi na ako gaanong uma-attach. Nakakalungkot no. Hindi ko din alam kung papaanong napunta sa ganito yung pamilya namin. Hay.

Dahil naman dito sa second na parte na buhay ko na naapektuhan ng pagbabago ko, hahaba pa ng bonggang bongga yung post ko. Nagsanga-sanga na kase. Btw, tungkol naman ito sa mga kaibigan ko. Grabe talaga no! Lahat na lang ng "nagmamahal" sa akin eh parang tinataboy ko dahil sa takot ko na wala namang kasiguraduhan kung susukuban ba talaga ng takot ng pag-iisa yung buhay ko sa hinaharap.


Hindi ko akalain na pati mga relasyon ko sa mga kabigan ko eh maapektuhan. Hay. Last Saturday, me naka-sched dapat  akong lakad with my friend. Manonood dapat kami ng Fast Five. Eh biglaang nasira ang plano. Bakit? Eh kase na-stuck siya sa community service nila ng mga classmates niya. Btw, guess what kung ano ang community service nila. Since it's summer and nag-aaral sila para maging doctor, ang community service nila is libreng... CIRCUMCISION. Yeah, you've read it right. Take note, magse-2nd year pa lang sila sa Medicine. Nagtataka ako na pwede na palang gumawa ng ganoong klaseng procedure yung mga "fresh" students na katulad nila. Anyway, so ayun nga, hindi kami natuloy. So ako, dahil sa biglaang pagbabago ng plano which I really hate, kesa masira ng bonggang bongga yung araw ko, naghanap na lang ako ng makakasama. Una kong niyaya yung bestfriend ko. At hindi ko alam kung maayos ba ang kinalabasan ng paguusap namin. Nahalata siguro niya na nagtatampo ako sa kanya. Eh kase naman, lagi na lang ako ang nag-i-initiate ng plano para magkita kame. Ok lang naman sa akin na hindi kame magkita for such a long time kase sanay na ako. Ang hindi ko lang matanggap eh bakit laging ako na lang yung kelangang magyaya. Ok, forgiven na yun. Keri na. Isa pang isyu, siguro laging busy siya. Ok lang din. Keri pa. Pero yung malalaman ko na alis pala siya ng alis kasama yung boyfriend niya, ok pa din naman. Hindi ako nagseselos. Wala akong karapatan. Ang nararamdaman ko? It's more of envy. Bakit? Eh kase bakit sa boyfriend niya lagi siyang me time pero saming mga close friends niya, wala masyado. Hay nako. Nagtatampo ako. Kaya siguro naiparamdam ko sa kanya yung lungkot ko nung magka-text kami. Maliwanag sa mga text ko na ok lang, ako na lang mag-isa manonood pero mahahalata mo na me tampo factor kase nung sinabi ko sa kanya na ok lang, ako na lang manonood mag-isa, sabi niya, iusog ko na lang daw yung movie time ko. Sabi ko naman, hindi pwede, kase naka-sched na tsaka sila na lang ng boyfriend niya yung manood next week. Dun niya siguro nahalata na me inggit ako sa bf niya. Hindi na siya nagreply after nun. Hindi ko alam kung bakit. Nagtext pa ako ulit na ibang movie na lang yung panoorin namin kase naka-scked na talaga yung Fast Five ko noong araw na iyon pero hindi na siya nagreply. Ang insensitive ko no. Isang magandang samahan na naman ang nalagyan ng lamat dahil sa pag-te-"testing" ko. Hay. Ano ba naman to?! Wait nga, nakakaumay na ang drama ko. Change mode.

____________________








Nagyaya ako ng ibang makakasama pero lahat sila, hindi pwede. Kaya napagdesisyunan ko na that time na manonood na akong mag-isa. Pero nalaman ko na manonood din pala yung mga college friends ko kaya naisipan ko na lang sumama sa kanila. Hindi pa kase ako prepared manood magisa. Hahaha. So ayun nga. Sabay kameng pumunta ng isa kong friend sa Rob Ermita. 7:00pm yung pinakamalapit na showing. Eh past 6pm na nun and hindi pa kame nagdidinner kaya naisipan naming dun na lang sa pang 10pm yung panoorin. Nagwa-wonder lang ako kung bakit three hours yung interval ng bawat movie time. Anyway, sa Shakey's kame nagdinner. Maaga aga pa after naming kumain kaya umikot ikot muna kame. Nahati kame sa dalawang grupo kase hindi naman pala manonood yung iba. Nakipagkita lang pala sa amin then me iba silang agenda that day. Lol. Bago kame nakarating sa bilihan ng ticket eh nagtext yung isa naming friend na kasama sa humiwalay na group na meron palang showing time sa SM Manila na mas maaga sa 10pm na hihintayin namin sa Rob kaya ayun at fly fly kame sa SM Manila. Sakto naman ang pagdating namin at diretso kame sa paghahanap ng food na malalantakan inside the cinema. Then, ayon na. Yehey, palabas na. Lol.

Grabe! Yan lang masasabi ko. Grabe talaga. As in super grabe! Hahaha. Super ganda niya. Grabe talaga. Vin Diesel never fail to amaze me. Sa totoo lang. Lahat ng palabas niya na napanood ko eh pawang magaganda talaga. Grabe talaga. Wala na kong masabi. Ayaw kong ikuwento kase hindi ako magaling magkwento. Hahaha. Pero isa lang masasabi ko, masyadong mura ang halaga ng ticket sa ganda nung movie. As in. Sulit na sulit. Hahaha. Hanggang ngayon nga eh hindi pa din ako makaget-over sa movie. Lalo na dun sa bugbugan ni Vin Diesel and The Rock. Grabe talaga yun. Akala ko me mamamatay talaga sa kanila. Goshness. Ako nasasaktan para sa kanila nun. Lol. Pero ang pinakafavorite kong part dun is yung hatak hatak ng dalawang kotse yung vault na ninakaw nila na me lamang pera na nagkakahalaga ng $100M. Bongga diba? Bongga talaga. Hahaha. Grabe talaga yugn part na yun. Grabe talaga. Shetness, puro "grabe" na lang yung nasasabi ko. LOL. Eh kase naman grabe talaga yung movie when it comes to special effects. Ooooohhhh Yeeeaaahhh talaga.




Yun lang. Ang masasabi ko lang. GRABE! Echos. Ngayon pa lang eh inaabangan ko na agad ang Fast and Furious 6. Sana siya ulit bida. Anyway, makukuha na ng mga friends ko yung 14th month nila sa katapusan ng May. And nauto ko sila na ilibre kame ng movie next time. Kaya ngayon pa lang, me plano na agad kame. Ang next stop? PIRATES OF THE CARIBBEAN: ON STRANGER TIDES! OH YEAH! Excited na ko. Masaya yun for sure. And the fact na libre yun, isa pang Oh Yeah! Hahaha.

I'm giving this movie a rating of 9.9 out of 10.  LOL


Keep safe guys! Godbless. :-)