Powered By Blogger

Tuesday, April 12, 2011

The Dream Pic

Kinakabahan na natatakot na naeexcite na kinikilig (Ay wala pala yung pang-apat, naexcite lang ako masyado. Lol.)  sa mga pinagagawa dito sa company. Kinakabahan at natatakot kase hindi ako familiar sa mga pinagagawa sakin. Nae-excite naman dahil madami akong natututunan as the days go by.

____________________

Sana biglang magkaroon ng himala at pumayag ang mga officers sa university na makapag-march yung iba kong friends na me problem pa sa papers nila. Sana talaga. Frustrated din ako sa nangyayari sa kanila. Hay.
____________________

Pumunta ako sa university kagabi. Biglaang desisyon lang. Masaya. Napakasaya ng nangyari sa akin. One of a kind experience. Pagdating na pagdating ko pa lang, ang ingay ko na. Kumustahan ng sobra sobra na akala mo eh isang dekada kaming hindi nagkita. Landian dito, landian diyan. Lol.

Nakita ko ang mga batchmates ko dapat na ngayon pa lang magma-march. Nandun din ang mga ka-batch ko talaga. Masaya kahit hindi ko naman ka-close lahat. Nandun naman ang mga close friends ko. Dumating ang mga ka-close kong profs. Super landian talaga. Super saya. Kwentuhan dito, kwentuhan diyan. Tawanan here, tawanan there. In-english ko na. Paulit ulit kase. Lol.

Wala talaga akong purpose sa pagpunta sa skul, ang lame excuse ko kung bakit ako tumuloy, wala akong magawa sa bahay. Yan tuloy mag-a-alas dose na ako natulog. That's too late for me kase I'm really trying my best na matulog ng not later than 10:30pm para me 8 hours pa din akong tulog.

Nakakapagtaka nga lang kase, kadalasan namang complete yung required hours ng tulog ko tapos malakas naman akong kumain lalo na sa bahay pero super payat ko pa din. As in. Hindi na ako natutuwa na nakakain ko naman lahat ng gusto kong kainin pero wala namang epekto sakin. It's as if napupunta sa iba yung proteins and vitamins na nanggagaling sa kianin ko. Nakakaloka. Hahaha.
Off topic na ako. Well, ayun nga. Naghintay kame ng napakatagal (ok lang naman kase ang sarap kalandian ng mga prof kong malalandi din. Hahaha) para maka-awit na yung mga friends ko ng University Hymn para ma-cleared sa clearance nila. Oo, grabe, isa sa mga requirements yun para makatuloy ka sa pagkumpleto ng clearance mo na kelangan para makuha mo yung TOR and Diploma mo. So kung wa ka sing, wa ka ding Diploma and TOR. Wa ka katibayang gumraduate ka nga. Lol.

So habang naglaladian kame ng mga prof ko, nagpicture picture kame. Nakalimutan ko na kung sino ang nagbigay sa amin ng ideya na magpapicture ako sa crush kong graduating din. Kung sino man siya, thank you so much. Napasaya mo ko ng bonggang bongga. Hahaha. 
Nagpapacheck pa ng system (program) yung group ng crush ko kaya hindi pa makadiskarte yung prof ko (well, hindi ko pala siya prof. Basta close kame.) na accomplice ko sa gagawin kong kalandian. Lol. So tambay tambay lang muna kame. Then the moment came.

Lumabas na sila ng Chairpersons' Office. Ayan na, hindi na mapakali yung prof ko at siyempre, lalo na ako. Sinenyasan ko siya na huwag siyang maingay at baka madaming makarinig kase nakakahiya. Hahaha. Then ayun na. Maya maya, lumapit na sa akin yung prof ko kasunod yung crush ko. Then bump. Naganap na ang isa sa mga simple kong pangarap. 

Three shots. Two of them eh kaming dalawa lang. Yung isa eh tatlo kame kasama ni prof. Ansaya saya ko. Hindi ako makapaniwalang papayag si prof sa kapritso ko yun considering na boytoy niya din si crush and take note, siya pa ang nagpakilala sa akin dun. Actually nakita ko na siya dati pero hindi ko alam name niya. 

Kelangan kong makagawa ng madaming back-up ng picture na ito. Once in a lifetime yun. Hindi ko sasayangin. Hahaha. Napakaswerte ko at sa sobrang bait ako napagdiskitahan ni kupido. I know this ain't love. Dahil na-ke Covin yung heart ko. Teka, nasa kanya pa ba? We'll see. Maaassess ko din yan. In time. Taray! Para namang the world cares. Hahaha.

Hanggang ngayon eh hindi pa din ako makarecover sa sayang nararamdaman ko. Sabihin niyo na na OA ako o napakababa ng kasiyahan ko pero hindi niyo ko masasaktan. Masyadong punong puno ng galak ang puso ko para matabunan ng judgment niyo. Sa mga taong tulad namin, masaya na kami sa ganito. Isang napakasayang moment na nito para sa amin. Wait lang, bakit bigalng nagdrama? Basta masaya ako. Tapos! The End! Ah uhm! Lol.

Keep safe guys. Godbless. :-)


Monday, April 11, 2011

Wala lang

Bakit kaya andaming nagkakasakit sa bahay namin nowadays? Naka-confine ngayon sa malapit na clinic sa amin ang ate ko. Dinala muna sa bahay ng kanilang papa ang mga babies sa amin para hindi madapuan sa kung anu mang virus/bacteria ang lumalagi sa bahay namin. Namimiss ko na tuloy sila. Lalo na si Ella. Sana gumaling na si ate para makabalik na sila.

 ____________________

Nalulungkot ako sa biglaang hindi pagkatuloy ng pag-attend ko sa graduation. Bakit naman kase kelangan na ganun pa ang mangyari. Malabo pa sa ngayon kung me possibility pang makakuha ako ng ticket base sa status ng clearance ng mga friends ko. Sana lang biglang magkaroon ng change of minds ang mga prof at maisipan nilang bigyan ng considerations ang mga friends ko. Party party pag nagkataon!

____________________

 Nape-pressure ako sa mga ina-assign na tasks sa akin. Hindi ko alam kung anung uunahin. Magre-research ba o mag-aaral ng codes. Kaya heto ako ngayon at nagba-blog. Wahahaha. Eh kase naman no, hindi ko talaga alam kung anung uunahin ko kaya naghanap muna ako ng gawain na mare-relax ng konti yung utak ko para maisip ko na kung anung gagawin ko talaga.

Ayan na. Alam ko na gagawin ko. Bye na. Hahaha. Keep safe guys. Godbless.

Friday, April 8, 2011

A Bad News

Nakatanggap ako ng isang nakakalungkot na balita kahapon. Sinabayan pa ito ng nakaka-stress na assignment/task ko dito sa project namin. Oo, hindi ka nagkakamali. Me ginagawa na ako sa project namin and take note, nai-stress ako. Himala ba?! Hahaha.

So ayun na nga.Nagtext yung isa kong friend na nag-exam dito sa company last week na i-follow-up ko yung result nung exam nila. Anung petsa na kase, hindi pa din sila ini-inform. So ako naman, in-email ko na yung isang member ng Recruitment Department ng company namin and hinihingi niya yung names ng mga friends ko. After kong mabigay eh todo kaba na ang nararamdaman ko. Hindi kase pangkaraniwan yung case nila. Kadalasan kase, ii-inform ka kaagad kung sakaling nakapasa ka.Hindi talaga ako mapakali habang hinihintay ko yung email. Nagdasal talaga ako ng bonggang bongga na sana eh good news ang bumungad sa akin once na dumating na yung email galing sa contact ko sa Recruitment. 

Then the bad news came. Nalungkot ako. Nafrustrate. Feeling ko wala akong nagawa para matulungan sila. Anung nangyari? Do the math. Ayaw kong sabihin yung mismong word. Ang arte?! Lol. Sinabi ko agad sa kanila ang resulta. Nung una nga, hindi ko pa sila makontak then after some tries, nasabi ko na ang dapat sabihin. Hindi ko alam kung hindi naman sila ganung affected sa nasabing hindi kagandahang balita pero masasabi kong madali silang naka-recover from it. Buti pa sila.

Ako, hanggang ngayon, nag-e-emo pa din sa nangyari. Masyado kase akong natuwa sa idea na magkakasama kaming magkakaibigan dito sa company.Sabay kakain ng lunch, mapapadalas ang gimik. And siyempre, yung nakakakilig na part na lagi kong makikita si crush kong 4th year. Hahaha. Hay.

Well, that's life. Kelangan ko ng tanggapin na hindi na mangyayari yon and I have to move on. I still believe in the cliche "Everything happens for a reason". Nakatatak na sa sistema ko yan kaya siguro kahit gaano kalungkot ang mga pangyayari, sigurado akong akong makaka-recover buhat dito. Hindi man mabilis, rest assured ako na makaka-recover ako.

Siguro nagtataka ka kung bakit ako parang over-reacting sa nasabing pangyayari. Siguro dahil nga sa inasam kong maging mas close sa mga friends ko at siyempre mas maging close ke crush. Hindi ko alam kung nabanggit ko na sa isa sa mga previous post ko ang isa sa mga pinakapinapangarap ko sa buhay. Yan ay ang magkaroon ng guy na best friend. I'll divulge the infos about that dream of mine some other time. Ayun nga. Kasama yun sa ikinalulungkot ko. Actually, malaking percent yun. Hay buhay.

____________________

Problem pa din ng friends ko ang darating na graduation. Hindi kase nila alam kung anung kalalabasan ng mga nangyayari sa school. Sana lang pagbigyan sila sa mga nais nilang mangyari. Sana makapag-march sila. Sana. Sana talaga. Hahaha.

Yun lang guys. Keep safe. Godbless. :-)

Wednesday, April 6, 2011

Unfair

Me mga di kanais nais at nakakabiglang mga pangyayari ang naganap sa mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung paano ko siya mailalahad ng hindi ako bias dahil mga kaibigan ko ang sangkot.

Friday night ko nalaman na nagkaroon ng new rule sa Department na kinabibilangan ng course namin regarding all graduating students.Hindi na daw makakapag-march sa graduation day ang mga candidates na hindi complete ang kanilang clearance. Naging norm na kase sa amin na kahit hindi complete ang clearance mo sa mga profs mo, makakapagmarch ka pa din sa graduation basta pinayagan ka nila. What I mean is, kahit hindi pa kumpleto lahat ng requirements mo basta nangako kayo ng group mo na tatapusin niyo ang lahat ng requirements soon, makakapag-march ka pa din.

Eh ngayon, bigla ngang me bagong rule na.Eh yung dalawa sa mga friends ko, hindi pa sila kumpleto sa clearance nila dahil hindi pa nila natatapos yung isa sa mga major projects namin nuon. Pati yung iba kong ka-batch na ngayon lang makakapag-march eh hindi pa din kumpleto yung mga clearance nila kaya pinoproblema nila ngayon kung paano nila iyon makukumpleto lalo na't next na yung deadline and the graduation is on April 15 na!

Hindi ko na idi-divulge kung anung dahilan ng pagkakaroon ng bagong rule na iyon dahil nga sangkot ang iba kong kaibigan. Ngayon nagtatampo ako sa iba kong friends kase kasalanan nila yun eh tapos parang balewala lang sa kanila yung hindi pagma-march nung dalawa pa naming friends dahil sa nakapag-march na sila. Hay nako, ewan ko talaga kung bakit kelangan pa nilang gawin yung action na yun dati. Yan tuloy iba ung nagsa-suffer.

____________________

Last Saturday eh sinamahan ko naman yung isa kong friend na gagaraduate din para sa bumili ng susuotin niya para sa graduation. Wala siyang problema sa graduation dahil matagal ng complete yung clearance niya.Pumunta kame ng Robinson's Place Ermita and nakabili na siya sa Cinderella. Ako naman, nakabili ng gustong gusto kong long sleeves na T-shirt sa Giordano. Nung sinukat ko yung damit at ipinakita ko sa mga kasama ko, sabi nila hindi daw bagay pero dahil gustong gusto kung damit, hindi nila ako napigilang bilhin yun. Hahaha.
 
____________________

Nagmeeting kame kahapon ng project-mates ko tungkol sa panibagong mini-project na bubuoin kaya ngayon ay todo aral ako sa maaaring maging job ko for the next few months. Ang maging support. Hahaha. Hindi kase ako ang magiging isa sa mga main developer ng nasabing project kase banoonbs pa ako. Hahahaha. Hindi pa naman kase ako sanay sa mga gawain na pang-developer talaga kaya gagawin muna nila akong katulong bago i-take over sa akin ung peroject for suppert nga.

____________________

Ayan. So far, yan pa lang naman ang updates sa akin. Hay, sana talaga huwag munang ipatupad ngayon yung bagong rule. Hay talaga. Gue, keep safe guys. Godbless. :-) 

Friday, April 1, 2011

Update Strips II

Hindi natuloy mag-exam for application dito sa company yung crush ko sa school noong nakaraang Tuesday but natuloy sila nung Wednesday. Hindi niya mawari kung papasa ba siya kase nahirapan siya sa ibang part nung exam. Sa totoo lang nahirapan din ako sa exam dito sa amin pero na-mind set na ako that time na kelangan ko na talagang magkawork kaya pinabutihan ko talaga ang exam kaya nakapasa naman ako. Hanggang sa ngayon ay wala pa din akong balita kung me result na ba yung exam nila. Kinakabahan din ako sa totoo lang. Hindi na ako magiinarte pa. Kinikilig ako sa idea na magkakasama kami dito sa company. Haha. Heto na naman ako sa kalandian ko. Hehe. Kidding aside, gusto ko talagang makapasok siya dito kase, hindi ako nagbubuhat ng sariling bangko pero masasabi kong my company is a good ground for fresh grads like us.Unang una na diyan ay dahil dun sa training na gagawin sa inyo kapag nakapasa kayo. Isa talaga yung napakagandang panimula para sa mga bagong graduates.

Anyway, nag-exam naman kahapon yung mga friends ko nung college. Nakipagkwentuhan ako sa kanila habang fini-fill-up-an nila yung application form. Napaisip ako bigla dun sa tinanong ng isa kong friend kung pwede pa din ba silang mag-apply kahit me three failed subjects sila.Naguluhan ako bigla kase mga major subjects yun kasama yung thesis. Actually, tinanong ko na yun sa recruitment agent namin pero ang nasabi ko lang, meron silang three failed subjects at isa dun yung thesis. Sabi niya, ok lang daw yun pero hindi ko pala siya na-inform na lahat pala ng three subjects na yun ay major. Hay. Kinakabahan tuloy ako.Sana makapasa silang lahat. Sana talaga.

____________________________

Nabigla ako nung Wednesday nung in-inform ako nung isa kong officemate na ako na daw yung a-attend dun sa training na gagawin dito sa company. Siya talaga ang dapat na a-attend pero dahil me ginagawa siya, sabi nung isa sa mga project managers namin, ako na lang daw. So attend naman ako. Grabe two straight days pala yun na puro listening ang gagawin. Kaka-bore. Hahaha. Kaya naman puro text ang ginawa ko all through out ng training. Hahaha. Mabuti na lamang at pumasa ako sa exam na binigay sa amin. Hahaha.

___________________________

Natuloy na pala yung pagbitay sa tatlong Pinoy na me kasong drug trafficking sa China. Nakakalungkot ang mga pangyayari. Napakarami kong nabasang iba ibang reaksiyon mula sa mga tao pero karamihan ay mga negatibong reaksyon na nagkokondena sa ginawang iyon ng gobyerno ng China. 

Sa aking pananaw mali ang ginawa ng China. Mali ang parusang ipinataw sa mga taong iyon. 
Hindi ko ipinagtatanggol ang ating mga kababayan dahil wala naman akong alam sa tunay na nangyari. Hindi ko alam kung totoo ang kanilang sinasabing inosente sila at na-biktima lamang sila ng isang malaking sindikato. My point is, gaano man kalaki ang kasalanan ng isang tao, wala kahit sinuman sa atin ang me karapatang kunin ang kanilang mga buhay.  Iniisip ko nga, anu kayang mapapala nila sa pagbitay? Hindi ba nila narerealize na maaari namang pagbayaran ng isang tao ang kanyang kasalanan sa loob ng koreksyunal.  In my own opinion, mas maganda pa din kung ikukulong na lang ang isang tao ng panghabambuhay dahil me possibility pa na marealize niya ang kanyang pagkakamali, pagsisihan niya iyon, mag-iba ang kanyang direksyon sa buhay at baka maimpluwensiyahan pa niya ang mga kapwa niya bilanggo sa pagbabagong iyon. 

Mariin kong kinonkondena ang batas na iyon ng China o ng kahit ano pa mang bansa na nagpapatuad ng death penalty bilang parusa. Ayon sa datos na aking narinig, ang China ang first honor when it comes to the number ng kanilang binibitay taon taon. Hindi ko talaga lubos mawari kung bakit naisip ng kung sino mang taong yon ang  ipauso ang ganung klaseng parusa. Anu kaya ang basehan niya at naisip niyang pwedeng ipatupad yon?

Saludo ako sa nagbigay ng ideya sa ating pinuno(hindi ko na maalala kung sino ang presidente ng mawala ang death penalty dito sa Philippines. Si GMA ba?) na itigil ang pagpapatupad ng death penalty dito sa ating bansa. Nakatututwa ang hakbang na iyon ng gobyerno. Naniniwala talaga kase ako na kahit anong bigat ng kasalanan ng isang tao, wala tayong karapatan ng kitlin ang buhay niya. Sabihin man ng mga nabikitima(kung sakaling karumal dumal na krimen ang nagawa) ng taong iyon na hindi sila nabigyan ng sapat na hustisya, sana'y maisip nila na nandyan lamang ang Diyos at nakatanaw sa lahat ng ating ginagawa. Siya na lamang ang magbigay ng karampatang parusa sa nagkasala. Huwag nating ilagay sa ating mga kamay ang buhay ng isang tao. WALA TAYONG KARAPATAN. Promise!

___________________________

Nakakatawa. Me promise pa. Hahaha. Kinakabahan talaga ako sa result ng exam nila. Mas lalong tumitindi yung kaba ko dahil lalong tumatagal yung paglabas ng resulta. Hay. Sana talaga pumasa sila. Mas lalo akong matutuwa kapag nangyari yun dahil nakatulong ako sa mga kaibigan ko at kahit sa mga hindi ko naman ganun "kaibigan". Haha. Hindi pa din ako mapakali. Sige na, ico-compose ko na nga yung sarili ko. Mukha akong tanga dito sa cube ko. Haha. Keep safe guys. Godbless us all. :-)

Monday, March 28, 2011

Unknown

Pakiramdam ko, hindi na ako yung dating Marvin. Ilang araw lang naman yung lumipas. Ewan ko ba. It feels like I'm turning into a monster, not literally huh! Haha. 

Me pagtatalong nagaganap sa isip ko sa tuwing magiisip ako ng mga bagay bagay after kong humiga at bago matulog sa gabi. Andami kong mga iniisip. Hindi ko nga alam kung dapat ko bang isipin yun eh. Or worse, kung kelangan ko bang problemahin yung bagay na yun.
Me ugali ako na hindi ko alam kung tama ba. Masyado akong righteous when it comes to issue of being like this. Malalim na ang pagkakatatak sa isip ko ng konsepto na ito ay mali at ito ay labag sa utos ng Diyos. Pero sa ilang taon ng pakikipagbuno ko sa realidad at pantasya, unti unting natatabunan ng pag-asa ang hukay na dulot ng ideyang iyon na ilang taong umikot sa buhay ko.

Iyan naman ang pinakamalaki kong suliranin sa kasalukuyan. Hindi ko alam kung itutuloy tuloy ko ba ang pagbabago sa sistema ko para matabunan na ng tuluyan ang paniniwala. It's like there's something that hinders me to fully embrace the new me. Ang bagong ako na naguumapaw sa confidence, walang pakeilam sa mga mapanuring mata ng mga tao at higit sa lahat, matapang ng lumapit sa apoy. Don't get me wrong with that. Ang ibig ko lamang sabihin dun eh mas naging risk-taker ako when it comes to friendship with the likes.
Ang panghuling pagbabago sa akin ang humahawak ng malaking posyento ng pagkalito ko sa ngayon. Hindi ko alam kung positibo ba o negatibo ang hatid ng pagbabagong iyan sa akin. Oo naging makapal ang aking mukha sa pakikipag-kaibigan. Nagkakaroon ako ng mga cyber-kausap. Nakikipagtinginan sa hindi ko kakilala. Waaaahhh! Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa kong ito. Kaya nalilito ako sa kung anung dapat kong gawin. 

Isa pang nagpapagulo ng isipan ko is yung fact na me dahilan talaga kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na hindi ko naman ginagawa dati. At yun ay dahil gusto kong magkaroon ng mga first time experience sa mga bagay ng me kinalaman sa ganun. Another "don't get me wrong statement". Ang ibig kong sabihin doon eh yung mga bagay na hindi ko talaga naranasan dati pa. Pero wala iyong kinalaman sa mga sekswal na bagay. 

Hindi lang naman iyon ang first times ko when it comes to this kind of life. Nangunguna na sa listahan(well, actually, isa lang ata ang nasa list ko at eto yun) ang pagkakaroon ng guy na friend. Hindi ko alam kung nasulat ko na dati na isa sa mga pangarap ko ang magkaroon ng kaibigang lalaki peropangarap ko talaga yan. Promise. Sounds corny or mababaw pero ano bang magagawa ko, yan yung matagal ko ng inaasam eh. Haha.
Ayun. Naguguluhan talaga ako ngayon. Good luck to me! 

P.S. Bukas na mageexam yung crush ko sa school dito sa company namin. Ay! Kalandian na naman. Hahaha. Ayun lang. Sana pumasa sila ng mga kasama niya especially him. Hehe.

Keep safe guys. Godbless. :-)



Friday, March 25, 2011

Close To You

"Why do birds suddenly appear, every time you are near. Just like me, they long to be close to you..."

Oh My Gosh! Puno ng kalandian (este kilig ay sige kalandian na nga.Bwahahaha) ang aking mga nagdaang araw. Puro hoity toity tuloy yung mababasa mo sa mga status ko. Hahaha. Anu nga ba ba yung hoity toity? Ginamit ko kase yung google translate para matranslate sa english yung salitang gusto kong sabihin which is kilig. Oo mga kaibigan, un lang ang ibig sabihin nung napakaarteng salitang yun. Haha. Well, bakit nga ba ako kinikilig nowadays??? Eto na!

Btw, puro tungkol sa guys ang mga mababasa niyo. Wahaha. I'm so landi talaga. Hahaha.

So nagstart yan last Wednesday nga nung na-realize ko yung about sa last post ko. Nadagdagan pa yun kahapon. Hindi ko na na-include in my last post this thing kase nangyari to right after I posted my last post. Puro "post". Timawa? Hahaha.

I have this routine na right after I came to office, I would directly go to the pantry to make a coffee. Pero kahapon, naadik ako masyado sa twitter kaya medyo late na akong nakapagtimpla. Pagpasok ko sa pantry, nandun si crushie, nagwawash ng tumbler niya. Para akong tanga kase right after makita ko siya, bigla akong napaatras, literally, and inisip ko kung lalabas ba ako or not. Take note, me isa pang tao nun huh! Pano pa kaya kung siya lang mag-isa sa loob pagpasok ko. It sounds stupid talaga diba. Ang arte arte ko. Hahaha.

So ayun na nga. after niyang magwash-wash (parang ambaboy ng dating. LOL.) ng kanyang tumbler, nagtimpla siya ng coffee niya and it's my turn na para ako naman ang magwash. That time, kaming dalawa na lang yung nasa pantry kaya super duper awkward talaga nung moment na yun para sa akin pero being the person that I am, I acted very normal. As in mukha akong hindi affected pero deep inside, halos mamatay na ko sa hindi ko malamang feeling na yun. Haha! Eto pa! Eh di after niyang ma-make yung coffee niya, lumabas na siya and ako naman, I'm already wiping my things when he came back to get tissues eh hindi ko naman alam na tissue pala yung kelngan niya kaya deadma lang ako. Hindi ko alam na nakaharang na pala ako dun sa tissue dispenser kaya napilitan siyang magsabi ng "Excuse me" sa akin. Yun yung pinakaunang sentence na sinabi niya sakin. Wahahaha. Memorable. I'll remember that until my last breath. Echos. So yan na nga yung second na dahilan ng hoity toity ko nowadays.

The next one is last night naman. The other day kase eh ininform ko yung crush ko (see! puro kalandian talaga tong post na to. Hahaha! btw, hindi po ito si Covin. Love ko yun. Hindi lang crush.) sa alma mater ko na me opening dito sa company namin for another batch of bootcamp training. And ayun, like the kind person he was, we exchanged messages sa fb kase interested daw siya. Ayun lang. Hahaha. Natutuwa lang ako sa thought na maaring maging officemates kami at maging close friends pa. Ang saya saya.

Kanina nga pala, nakita ko crush (putek, crush na naman and take note, iba iba pa sila huh! Hahaha.) sa train. And talagang dun ako pumuwesto sa malapit sa pinupwestuhan niya para mas makita ko siya. Ang landi talaga! Haha. And ayun, he's so close yet so far. Haha. Nakikita ko siya ng bonggang bongga and luckily, nakapikit siya most of the time of travel kaya mas lalo ko siyang natitignan. Haha!

Me katwitter din ako na nakilala ko sa PEx na niyaya ko ding mag-apply dito sa company namin. Hindi ko nga lang alam kung pwede siya dito sa bootcamp kase he's older than the usual ng mga 5 years and wala pa siyang experience. Ayun. Sana pwede siya. The more na ma-recruit ko, the happier. Haha.

That's all guys! pasensya na sa mga kalandian ko nowadays. Hahahaha. Keep safe guys! Godbless. :-)



Thursday, March 24, 2011

The Kilig Train (My Fetish)

WTH! Anung klaseng title yan. Grabe. Super landi. Hahahaha. Eh kase naman kinikilig talaga ko sa pagsakay ng train nowadays. Hahaha. It's because of one thing. Care to make a guess? Ah, wait! What a stupid question. Kaya nga kilig eh. OMG! Nababaliw na ko. Hahaha. I'm so landi talaga.

So as usual. There I was, looking like a fool. Smiling alone. As in mukhang tanga talaga. Shet, ang arte ko. Parang tanga lang. Eto na nga magshe-share na ng story. So here it is.

I've been riding the train(PNR) for about nine months already. Ay wait, masyado na atang matagal yun. Kahapon lang naman nagsimula to. Hahaha. Nakikita ko na siya dati. Pero walang attraction. So I'm shocked with what I felt yesterday when I saw him. He's so cute! That's the first thought that entered my mind nung napagmasdan ko siya. So kanina, I really tried my best para makita siya. And there he is. Siya na yata yung pinakahuling sumakay. And shetness, that's a very me attitude. Yung hate yung pakikipagsiksikan. Mas gusto pang magpahuli para nga naman safe sa stampede. Echos!

So ayun nga, nakita ko na naman siya kanina and para akong tanga na ngiti ng ngiti. Hahaha. Badtrip nga lang kase he's on the other side of the train. And sa mga sumasakay diyan ng PNR train, alam niyo naman ang situation sa loob nun. Super siksikan ng bonggang bongga talaga lalo na kapag morning ride. So ayun, after ko siyang makita pagpasok niya, hindi ko na uli siya makita. Hay. Well, at least nakita ko siya. Finale pa yung entrance niya. Hahahahahaha.

Bakit ko nga ba siya nagustuhan. Kelan ko lang narealize na FETISH ko pala yung medyo malaki yung CHEEKS. Hindi ko alam kung bakit. As in. I came to a realization na lahat pala ng nagiging crush and "love" ko, me kalakihan yung cheeks nila. And actually, it may look stupid but, I will do anything, even stupid thing/s, makurot ko lang mga pisngi nilang lahat. Hahaha. So sweet diba! Haha. 

Sana makasabay ko uli siya bukas. And sana sa harap ko siya tumayo. Echos. A very awkward situation pero super kakilig nun. As in. Shet. Hahaha. Tama na nga ang kalandian. Babush na guys! Keep safe! Godbless. :-)  

Tuesday, March 22, 2011

Hay Buhay!

Hindi ako natutuwa sa ibang nangyayari sa akin nowadays. Nangunguna na dyan ang mga problemang pinansyal ko. Echos. Actually, hindi naman yun ganun kabigat kase nabubuhay pa naman ako kahit papano. Yun nga lang, feeling ko medyo kakapusin ako sa darating na buwan. Nakakaloka naman kase eh. Sunod sunod ang mga bayarin ko ngayong buwan at sa susunod na buwan na aabot ng kulang bente mil. Hahaha. Sosyal! Ay, parang hindi pala. Para kase sa akin, malaki na ang perang iyan. Bwisit kase yung cellphone ko bakit nawala pa. Eh di sana me ipon na ko ngayon.Anyway, kalimutan na ang nakalipas. Isa pa ang bayarin ko sa credit card. Grabe, nakakaloka palang magkaroon ng credit card. Feeling mo ang yaman yaman mo kahit sa totoo lang wala ka naman talagang cash. Bwahahaha. Totoo naman kase no! Napakadaming pwedeng paggamitan ng credit card nowadays kaya feeling mo me pera ka na din. Haha! Ayan tuloy umabot ng ganun kalaki ang mga bayarin ko. Hahaha.

Isa pang ikinalulungkot ko sa mga nangyayari sa akin ngayon ay ang hindi namin pagkikita ng best friend ko. Hindi ko alam kung bakit biglang naging big deal sa akin ang hindi namin pagkikita gayong dati naman halos isang taon kaming hindi nagkikita. Nagtatampo lang ako kase kahit nung birthday niya hindi man lang niya ko niyayang umalis. Hindi ko tuloy nabigay yung gift ko sa kanya. Imagine, magti-three weeks na simula nung birthday niya pero nasa akin pa din yung gift ko para sa kanya. Tapos last weekend, nagpost ako sa wall niya kung magsisimba ba kame, hindi naman siya nagreply, the day after na siya nakapagreply kase daw nuon lang niya nabasa. Ok lang sana kase ok yung reason kaso parang nagpatong patong na kase yung tampo ko kaya sumara na ng konti yung isip ko. Hindi ko na tuloy siya nareplyan. Hay. 

This post is supposed to be yesterday's post kaso nasa unang sentence pa lang ako, narealize ko na na maguuwian na kaya ngayon ko na lang pinagpatuloy. Kaya maikukuwento ko pa ang isa na namang nakalulungkot na pangyayari sa buhay ko. This time, problema naman sa bahay. Sanay na kame sa super kakaibang ugali ng kuya ko pag nagalit na. Kung ako, super mainitin ang ulo, siya naman, super pagwawala ang nangyayari kapag galit na. Hindi ko na idedetalye ang nangyari pero alam ko na walang me kasalanan sa nangyari. Ang mali lang ng kuya ko is hindi na niya iniisip ang posibleng mangyari sa pagwawala niya. Hay. Isang napakalaking misunderstanding due to emotions inside ang nangyari. Isang simpleng statement lang ng nanay ko, ang dahilan, na sobrang dinamdam ni kuya. Hay. Hindi ko alam kung me matutulong ako regarding this problem of ours kase aminado akong I'm not in the right position to make a move kase alam ko na isa din ako sa mga madalas na me makaaway sa bahay. Bahala na. Basta gagawin ko na lang ang best ko para hindi na ako dumagdag pa sa eksena.

Well guys, it's goodbye time na. Haha. Keep safe (Lumindol kahapon pero hindi ko naramdaman. Malamang eh nasa loob ako ng jeep kagabi nang mangyari ang nasabing lindol pauwi sa aming bahay. Ingat sa ating lahat!). Godbless.


Friday, March 18, 2011

Epic Fail

Grabe, hindi ko alam kung me taglay lang talaga akong kamalasan or something. Punyeta, ayaw pa ding gumana nung ginagawa kong scripts(SQL Scripts). Punyeta talaga. Wahaha. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang gumana. Nakakainis lang talaga kase alam ko naman na tama yung gawa ko. Juice ko naman, 20 lines of code lang naman yun no! Grabe. Nagmumukha tuloy akong tanga (feeling ko lang) sa PM (Project Manager namin). Hahaha. Feeling ko I'm so useless sa team namin. Biruin mo naman kase, very little lang nung importance and impact nung ginagawa ko sa kabuuan ng project namin pero hindi ko pa din magawa ng maayos. Hahaha. Hay.

Sa ngayon, pinatigil muna ako ng PM namin sa pagtetest nung gawa ko kaya heto ako ngayon at pinopost ang kapalpakan ko sa trabaho. Haha. Tengga na naman ako kaya naghanap ako kanina ng mga sites na pwede kong paglibangan habang hinihintay ang go signal ni PM if I'll start again with the development (yeeess, development. SOSYAL! Lol) and testing of the scripts. Again, hindi ito yung karaniwang scripts na alam natin. Hindi po ito yung compilation of dialogues of characters sa isang play or something. The scripts that I'm working on are for the application we're doing. Ayun. 

So ayun nga, naghanap hanap ako ng mga sites or blogs na pwede kong basahin at napunta ako sa site ni idol Rico de Buco. Me mga nabasa ako sa kanyang short stories na talaga namang maganda ang pagkakagawa. Bigla ko tuloy naalala yung serye na sinimulan ko dito sa blog ko. Hay. Nawalan ako kase agad ng ganang magsulat. Maybe it's not for me talaga. 

Bumalik na kani kanina lang sa kanyang pwesto yung PM namin. Baka utusan na niya ko uli. Sige guys. Bye! Have a very nice weekend. Keep safe. Godbless. :-)