Powered By Blogger

Wednesday, February 16, 2011

Dance with my Father

Nagaway na naman kami ng tatay ko kagabi. Well, what's new with that? Oo nga naman. Ano nga naman ang bago dun. Eh halos araw araw naman kaming nagaaway. Wala lang, gusto ko lang ikuwento. Gusto ko lang maglabas ng saloobin ko. At siyempre gusto ko ding magsorry.

Hindi ako sigurado sa kung anong pinagmulan ng matagal na naming alitan ng aking ama. Pero sigurado ako na hindi tatagal ang away namin ng ganito kung sa akin nagsimula ang sama ng loob. Dahil kung ako man ang may kasalanan, noon at noon ding araw na iyon eh marerealize ko ang pagkakamali ko at hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa tatay ko. Katulad na lang ng nangyayari sa amin ng nanay ko. Kahit palagi kaming nagaaway ay parang wala lang nangyari pag nagkabati na kame. Hindi katulad ng nangyayari sa amin ng tatay ko na lalong lumalala ang alitan namin sa tuwing nagkakaron kame ng diskusyong mag ama.

Ewan ko ba sa sarili ko. Masyado akong naniniwala sa 'equal rights' kaya kahit pamilya ko inaaway ko para lang  mapatunayan yung bagay na yun. Hindi talaga ako magpapatalo kapag alam kong tama ako. I never tend to give up on a discussion kung alam ko na wala naman talaga sa katwiran yung kausap ko. Ganyan ako. Pero sa bahay lang. Grrrr. Ewan ko ba. Nagiging ibang tao talaga ako kapag nasa bahay ako. Nagiging masamang tao talaga ako. Kaya nga wala akong kasundo sa bahay eh.  Super maiinitin ng ulo ko kapag nasa bahay ako. Kaya nga mas gusto ko pang umalis kesa magstay sa bahay eh dahil alam ko na hindi lilipas ang araw na wala akong makakaaway sa kanila. Ganyan ako kasama sa bahay at hindi ko alam kung bakit. Hay. Alam kong mali ang sumagot sa magulang pero dahil sa punyetang konsepto na iyan na hindi ko talaga maialis sa sistema ko, nasisira na talaga ang relasyon ko sa pamilya ko.

Napakasakit para sa akin ng mga salitang binibitawan ni tatay kapag nagaaway kame. Nariyan na sinasabe niya na umalis na ako sa bahay namin, wala naman daw akong kwentang anak. Minsan sinabi din niya na sana hindi na lang ako pinanganak. Kagabi, sinabi din niya na sagad hanggang buto yung galit niya sa akin. Sinabi niya rin na ako na ang pinakawalanghiyang anak sa mundo. Pero ang pinakamasaklap na narinig ko buhat sa kanya eh yung sana mamatay na daw ako. Hindi ko alam kung nasabi niya lang yung mga bagay na yun dahil galit siya o talgang mean niya talagang sabihin yun. Ako naman, nuong una eh puro iyak lang ang ginawa ko pero nang lumaon eh sumagot sagot na ako. Either vocal o sa isip lamang. Yung mga mabibigat na bagay ay sinasarili ko na lamang. Tulad ng mga sagot ko sa mga masasakit na sinabi niya sa akin. Iniisip ko na oo talaga, aalis ako dito sa bahay no. Bakit sa tingin niyo ba gusto ko kayong kasama. Kagabi, nung sinabi niya na sagad sa buto yung galit niya sa akin. Sumagot ako ng same here. Nasaktan ako ng sobra nung sinabi niya na ako na ang pinakawalanghiyang anak sa mundo. Pero mas hindi ko kinaya yung sinabi niyang sana mamatay na daw ako.

Yang statement niya na yan sa akin ang tila baga'y nagpahinto ng mundo ko nung panahong yon. Yan ang nagparealize sa akin na ibang level na talaga ang pagkamuhi sa akin ni tatay. Yan ang sinabi niya sa akin na wala akong maisagot kundi ang iwanan siya at maghanap ng lugar kung saan ako pwedeng umiyak ng umiyak. Hindi ko inaasahang maririnig ko yung mga katagang yun galing sa kanya. Magang maga ang mata ko matapos ang gabing iyon. Iniyak ko na ang lahat ng pwede kong iiyak. Pero nagtataka ako sa sarili ko dahil wala akong maisagot sa tatay ko nung time na yun. Hindi ko masabi ni maisip na kung ako hinihiling niyang mamatay, bakit siya hindi ko din hilingin na mamatay. Doon ko narealize na me natitira pa din akong respeto sa kanya at takot sa Diyos nung time na yun. Never in my life na hihilingin ko ang bagay na yun. Hinding hindi ko gugustuhing mangyari yun sa kabila ng mga away naming dalawa. Dahil alam ko na deep within our hearts ay nanduon pa rin ang kapatawaran namin para sa isa't isa na alam ko na imposibleng maibigay namin sa isa't isa ngayong mga panahong ito. Masyado pang sariwa ang mga sugat upang gamutin. Maybe someday. I know there will come a time na maibibigay namin yun sa isa't isa.

Hindi man malinaw sa akin kung ano ang ugat ng alitan naming mag-ama, alam ko na malaking factor ang pagiging bading ko. Hindi ko naman yun maiaalis sa kanya. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para dumating ang araw na mapalitan ang pandidiri niya sa akin ng pagmamalaki. Pero habang tinutupad ko ang pangarap kong yun, lalo naman kaming lumalayo sa isa't isa. Ayaw ko man siyang sumbatan pero lagi ko pa ding iniisip kung bakit ba ganun ang mundo sa mga katulad ko. Akala ba nila masayang maging ganito? Akala ba nila, me mga benepisyo kaming nakukuha sa pagiging ganito? Kung alam lang nila yung hirap na dinaranas ng mga katulad ko. Kung alam lang nila. Kung pwede nga lang na sa isang iglap eh maging straight ako, I'll risk it, makaiwas lang sa hirap na dinaranas ko.

Nakakatawa lang dahil kagabi, habang nakasakay ako sa isa sa mga tren ng LRT, iniimagine ko kung anong magiging buhay namin kapag natupad na ang mga pangarap ko. Yung magkaron kami ng mansyon at magarang kotse. Ansaya saya pa namin sa imagination ko. Iniisip ko pa kung paano yung magiging partition ng bahay, kung paano kami magkakasya sa kotse, kung anung magiging schedule ng mga ulam namin. Lol. Natutuwa talaga ako sa pangarap kong yun na hindi ko akalain na masisira dahil sa pagiging masama kong anak.

Mahilig kasing magcomment si tatay sa kung anu mang topic sa TV, sa radyo or even sa bahay lang. And I'm really concerned sa mga binibitawan niyang mga pangungusap na karamihan eh me mura talaga. Hindi ko pinapasama ang image ng tatay ko pero magmumukha akong abnormal kung hindi ko sasabihin yun kase nga bumulong ako kagabi sa isa sa mga sinabi niya which caused him to outrage. At yun nga, nagaway na naman kami ng bonggang bongga.

Oo na, aaminin ko na na kasalanan ko naman talaga. Pero I think mali naman na lagi na lamang ganun ang mga mangyayari. Oo nga't kasalanan ko at gusto ko ng baguhin yung attitude ko na ganun pero kung ako lang ang magbabago, parang wala rin namang saysay ang magiging outcome nun kung ganun at ganun pa din si tatay. Gusto ko sana ay sabay sabay kaming magbabago ng mga masama naming gawi para sa ikabubuti naming lahat. Ok, mukhang malabo ang gusto ko pero kung susubukan kong magbago pero ganun pa din silang lahat, para bang mapipilitan pa din akong bumalik sa mga masama kong ugali. Mahirap mang intindihin ang gusto pero I'm assuring you na kung ano man ang nais ko eh makakabuti para sa lahat ng tao. Mahirap nga lang isabuhay.

Kung me kakilala man ako na makakapagbasa nito, alam kong magbabago ang tingin nila sa akin. At maiintindihan ko yun. Oo, Masama akong tao. Masama akong anak, masama akong kapatid. Pero mabuti akong kaibigan. And I'm really trying my best para mapabuti pa kung sino man ang Marvin na kilala niyo ngayon. Nahihirapan lang talaga ako dahil na rin sa bugso ng mga pangyayari. Pero umaasa pa din ako na mapapatawad nila ako at sabay sabay naming haharapin ang pagbabagong nais ko. At maisasayaw ko ang tatay ko kasama ang iba ko pang kapamilya balang araw, balang araw. 

Ingat, Godbless. :-)    


Monday, February 14, 2011

Hearts' Day

Happy Hearts' Day! Oo na, ako na. Ako ng bitter. Lagi naman eh. Echos. Actually, ang ganda ng aura ko kaninang umaga. Promise walang halong kaartehan or something. I don't know but I have a very light feeling kanina. Alam mo yung feeling na napakagaan ng loob mo. Yung napapangiti ka ng walang dahilan. Hay. Haha. I'm not in love. Aaahhhh. Wait, am I? Matagal ko ng hindi nakikita si Covin kaya i don't know kung ano pang current feelings ko sa para kanya. All I know is lagi kong hino-hope na maging masaya siya kung nasan man siya ngayon. Yes, parang nawala lang. Hahaha. Hindi ko maipaliwanag ang feeling ko kaninang morning. Basta hindi ako malungkot. I can assure that.



Siguro nga, lahat ng tao, humihiling na mahanap nila yung one true love nila. Never kong hiniling yun date. Never kong inisip na posibleng merong darating para sa akin. Until my mind was enlightened by some stories. Stories na hindi ko inakalang nageexist. Ngayon, humihiling na ako kay Father God na sana kahit papaano eh maramdaman ko yung magic. Yung pakiramdam na lagi kong nababasa sa mga books at napapanuod sa mga movies.

But even though hinihiling ko yun sa Kanya, siyempre, iniimpose ko rin naman sa sarili ko na malaki pa din yung possibility na hindi mangyayari ang gusto kong mangyari. Ginagawa ko yung para kung sakaling wala ngang dumating, hindi na ako masyadong masasaktan at baka sisihin ko pa Siya pag ganun nga ang nangyari which is so bad. I know, I really know, na Siya lang ang nakakaalam ng kung ano ang tama at makabubuti para sa akin kaya sa Kanya ko na lang talaga dinedepende ang sarili ko dahil alam kong hinding hindi Niya ako pababayaan.



Me inggit akong nararamdaman kapag nakakakita ako ng mga couples.  Karamihan naman ng mga singles eh ganun. Aminin. Lol. Pero lagi ko na lang iniisip yung mga taong nagmamahal sa akin. Hindi ko man naramdaman ang mahika ng ganung klase ng pagmamahal, alam ko na maswerte pa din ako na nabubuhay ako sa mundo at nararanasan ko ang mga biyaya ng Diyos. Sapat na na me iilang nagmamahal sa akin including Him. Sapat na din sa akin na at least naramdaman ko kung paano magmahal at masaktan. Well, that's 'our' life. 

Anyways, buti na lang eh nasa work na ako ngayong Valentine's Day na ito dahil kung nagaaral pa ako, mas madami pa akong makikitang couples na masayang masaya sa isa't isa. Haha. Medyo bitter talaga?! Well, konti lang naman. Lol. Kahit papano naman eh me kilig pa din akong nararamdaman kapag nakakakita ng couples. 

Again, Happy Hearts' Day to all. Nawa'y naging masaya ang pagdiriwang niyo sa araw ng pagmamahalan. 'INGAT', Godbless. :-) 

  

Friday, February 11, 2011

Acceptance

Busy busyhan ako nowadays. Medyo mahirap kase ang mga pinagagawa sa amin mga baguhan sa team. Tsaka siyempre, dahil baguhan pa lang kame, kahit anung dali pa niyang trabaho na yan, mahihirapan pa din kame kase first time pa lang namin gagawin un. Kaya eto ako ngayon, kahit noong Wednesday pa yung deadline ko para sa isang assignment na noong Monday pa binigay, gumagawa pa din ako and take note, out of three assignments na gagawin ko, isa pa lang ang nagagawa ko. And worse, hindi ko alam kung matatapos ko siya ngayong araw kase super bagal nung application na kelangan ko para magawa yung mga assignments ko. Hay

Nagsimula na akong maghanap ng cp na murang mabibili para mapalitan yugn nadukot sa akin. Me mga prospect na kong bilhin pero di pa ako nagcocommit sa mga kausap ko kase me two weeks pa naman ako para maghanap pa ng iba kase 3-4 weeks naman ang alam sa bahay na gagawin yung cp ko sa Nokia.

Madali ko talagang natanggap ang truth na wala na kong cp. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko sure kung natanggap ko na talaga ng tuluyan yun kase kapag naiisip ko nakakapanghinayang na yung dapat na pambibili ko ng bagong cp eh malaking dagdag na dapat sa ipon ko. Magkakaron pa tuloy ako ng utang para lang makabili ng bagong phone. But, well, that's life. Iniisip ko na lang talaga na it's meant to happen at alam ko na me papalit na mas magandang bagay sa pagkawala ng cp ko na yun.

That's all for now. Me deadline pa ko. Sh*t. Lol. Ingats to all. Godbless. Mwah. ;-) 






Tuesday, February 8, 2011

A Learned Lesson

Nadukutan ako kahapon sa LRT. Nakuha yung cellphone ko na pinagipunan ko pa. Nangutang pa nga ako para makabili. Excited kase ako masyado that time. Lol. 

Lagi akong nagpapahuli sa pagpasok sa tren. Pero kahapon, nagkataon na kasabay ko yung friend ko at hindi kame nakasakay sa unang tren na dumaan dahil sa dami ng tao kaya dun na kami malapit sa red line nagantay. Dumating ang tren at siksikan pagpasok. Nakasanayan ko ng ilagay yung cellphone ko sa bulsa ko kesa sa bag kapag ganung nasa tren para madali kong makapa at makuha kung sakaling me magtext. 

Kakaiba ang nangyari kagabi kase nagsiksikan talaga ng todo pagpasok. Nung nakapwesto na kame, kinapa ko yung cp ko at doon ko nga nalaman na wala na siya sa bulsa ko. Unang pumasok talaga sa isip ko is kung paano ko sasabihin sa bahay na nadukutan ako. Lagi pa naman nila akong pinaaalalahanan tungkol sa bagay na yun.

Tinry ko pang tawagan yung cp ko pero ring lang siya ng ring. Sumuko na ko that time. Inisip ko na malabo na na makuha ko pa yun ulit. Sa totoo lang, hindi ako masyadong nanghinayang sa pinambili ko nun. Mas nanaig sa akin ang pangamba kung paano ko sasabihin sa bahay ang nangyari. Kaya pagdating namin sa skul na talagang destination namin, nagisip na ako kung anung idadahilan ko kung bakit wala sa akin ang cp ko.

At ayun. Nagsinungaling ako sa bahay. Hay. Iniiwasan ko pa namang magsinungaling nowadays lalong lalo na kung mahalagang bagay pa yung gagawan ko ng kasinungalingan. Hay talaga. Kinuwento ko sa iba kong friends ang nangyari at sinabi ko sa kanila na wag silang gagawa ng bagay na pwedeng maglead sa pagkaalam sa bahay ng nangyari tulad ng pagpost sa fb.

Patuloy ko pa ding kinontak ang kung sinumang nakapulot at himalang nagtext siya.Hinihingi niya yung code ko na pambukas dun s cp at siyempre di ko binigay. Sabi pa niya, gusto niya lang daw malaman pero isosoli niya din yung cp ko. Hindi naman ako ganon katanga para hindi malaman na gusto niya lang akong lokohin kaya tinapos ko na yung conversation namin. Nung time na rin na yun naubos ang pagasa kong mabalik pa yung cp ko. Tinanggap ko na lang siya ng buong puso. Wala na naman akong magagawa eh.

Pinagpapasalamant ko na lang na kasama ko yung friends ko nung time na yun at me nagpasaya sa akin sa kabila ng nangyari.Malaki talaga yung natulong nila para mabawasan yung kalungkutan ko at mabilis na matanggap yung nangyari. Wala na akong balak na ikwento pa sa iba ang nangyari kase baka maspoil pa sa family ko. Lol.

Magaling talaga si Papa God kase madali kong natanggap kung ano man yung nangyari. Oo, me konti akong panghihinayang sa halaga nung cp ko pero iniisip ko na lang na maibabalik ko naman yun. Iniisip ko na lang din na mabuti na lang at hindi yung buong bag ko ang nakuha niya. Basta nagiisip na lang ako ng mga bagay na dapat kong ipagpasalamat dahil sa nangyari. Ayoko ng dagdagan pa ang mga aalalahanin ko. Tama na yung sundot ng konsensya ko sa pagsisinungaling ko sa bahay.

Sa kabila ng nangyari, punong puno pa rin ako ng positivity. Iniisip ko na dahil sa nangyari nakatulong pa ako sa kung sino mang nakapulot na cp ko. Iniisip ko din na dahil dun, nakagawa pa ako ng kabutihan sa kanya at dahil dun, more blessings will com to my love ones. Hahaha.

Sa ngayon ay naghahanap ako ng ganung klase din ng cp na mas mura sa internet dahil ang sinabi ko lang sa bahay eh pinagawa ko yung cp dahil nagshort circuit siya. Alam ko na malalaman din nila yung totoo pero sa ngayon, wala pa kong lakas ng loob na sabihin na sa kanila kung ano ang tunay na nangyari. Hahayaan ko muna silang maniwala sa hinabi kong kasinungalingan pero me balak pa naman akong sabihin kung ano talaga ang nangyari. Hindi pa nga lang sa ngayon. Maybe in time. Yes, maybe in time.

Lesson learned : Everything happens for a reason. Just trust Him for He knows what's best for us.

 INGAT sa LRT guys. Lol. Godbless us all. :-)




Monday, January 31, 2011

I'm singing in the rain

Grabe! Napabayaan ko na 'tong blog ko. Hay. Kakainis naman kase eh. Busy busyhan kame sa training simula nung last last week. Kelangang makinig talaga kase maikling panahon lang tong training. Currently, meron kaming case study na ginagawa about sa topics na tinuro sa amin for the past weeks. Ok naman ang takbo ng paggawa ko sa case study except for some parts kase nung tinuturo ung mga parts na yun eh kundi ako inaantok, nagbabasa ako sa PEx. Hahaha. Hindi ko kase talaga nature yung makikinig na lang all the time sa lecturer. Mas gusto ko yung konting pakikinig, tapos more on experimenting tungkol dun sa topic. Kaya nga gusto ko is math kase once na alam ko na yung procedure sa pagsolve ng particular na problem, asahan mong hindi na ako makikinig bagkus eh magsosolve na ako on my own kahit pa hindi pa tapos ang professor namin sa pagdidiscuss. Ganon katigas ang ulo ko. Hahaha



Anyway, birthday ng partner ko sa thesis kahapon. Hindi ko nasabi dito sa blog ko na hindi kame ok for the whole year of 2010. Yes! Nakagraduate kame at nakatapos kame ng thesis ng hindi kame ok. Ganon ako kagaling. Echos! LOL. Ayun nga, birthday niya nga kahapon at dahil nagmamabait na ako and gusto ko ng maaus kame kase kasalanan ko rin naman kung bakit kame nagkagalit (next time ko na ikukuwento), binati ko na siya kahapon. And todo effort talaga ako kase mga 12:10am ko siya binati. Actually dapat isasakto ko na 12:00am, kaso nakalimutan ko. Hahaha. Buti na lang konting oras lang yung lumagpas. Nahurt ako nung hindi agad siya nagreply pagkatext ko at buong maghapon kahapon. Hindi ko kase alam kung baket pero inexpect ko na magrereply siya kaagad kase mabait naman yun (Lage kong sinasabe date sa ibang tao ng salbahe siya. Grabe! Ganun ako kasama date. Hahaha. Peace partner! Love You! Mwah. Lol). Kaya nung hindi siya nagreply, nagassume na lang ako na galit pa siya sa akin. Pero madali ko namang natanggap yun kase nakakagalit naman talaga yung mga ginawa ko sa kanya date. Kaya nagulat ako ng magreply siya kagabi. Ayun, masayang masaya ako. Nabawasan na yung mga kagalit ko sa mundo. Hahaha. Namiss ko tuloy siya ng sobra. He's been very kind kase sa akin nung 4th year college pero naging masama akong tao nun towards him. Pinagsisisihan ko tuloy ang nangyari date. Imbes na masaya ako nung graduation, hindi akong naging masyadong maligaya kase me something (inis or what) ako sa kanya. Anyways, past is past. Masaya na ako ngayon. Promise! Hehe. Sana lang maging close kame tulad ng dati. Namiss talaga kita! :-)

I'm singing in the rain. I'm singing in the rain. Kapag masaya ako, yan lagi ang nakakanta ko nowadays. Yes, it's involuntary na. LOL

 

That's all! Ingat guys, Godbless. :-)







Tuesday, January 18, 2011

TOINKS!

Hay nako, iilan pa lang ung parts nung Metamorphosis ko, hindi ko na agad madugtungan. Sa totoo lang, andami kong naiisip sa mga continuations ng kwento pero hindi ko maapply. Andaming umookupa sa isip ko nowadays. Hindi ko magawa yung mga nasa isip ko para sa istorya. Naging busy kase ako nitong mga nakaraang araw.

On going na kase ung training namin para sa upcoming kong project(wow! Parang tanga lang. Lol) dito sa company and so far so good naman ang tinatakbo ng training. Masaya naman. Andami ko ng natutunan and I think, magugustuhan ko ang kinabukasan ko sa project na ito. Hehe. Isa pa, natutuwa ako sa mga future projectmates ko. Lahat naman sila accomodating and mababait. Kaya nga naeexcite na akong makatrabaho sila. Really.

Nakita ko nga pala si Vice President Jejomar Binay last Sunday nung nagsimba kame ng family ko. Aun. I just wanna share. Hahaha. Patuloy pa din akong nagbabasa ng mga AP Seryes sa PEx. Yan lang mga pinagkakaabalahan ko nowadays. Ingats to all. Godbless. ;-)

Tuesday, January 11, 2011

METAMORPHOSIS V

Hindi makatulog si Marco ng gabing iyon. Iniisip niya ang application niya sa company nila Raynard. Ano nga kaya ang mangyayari sa pagaapply niya dun? Makakapasok kaya siya? Naisip din niya ang mabilisang pagiiba ng mood ni Raynard kanina habang inaassess siya.

“Bakit kaya ganun yun? Di bale, malalaman ko dinyun kung matatanggap man ako sa company nila.”, Nasa isip ni Marco bago siya napapikit at nakatulog.

Hindi na kaagahan ng magising si Marco kinabukasan. Pagtingin niya sa kanyang cellphone ay mayroong ilang mensahe ang natanggap niya. Ang ilan ay galing sa mga kaanak niya sa probinsyang kanyang pinanggalingan. Nagaalala na ng sobra sobra ang pamilya niya. Sinabi naman niya ang kanyang plano sa mga ito ng tawagan niya ang mga ito. Galit man ang kanyang ina ay wala na naman itong magagawa. Pumayag naman ito sa kanyang plano basta ba araw araw siyang pinapatawag sa kanila. Hindi pa rin niya sinasabi ang tunay na dahilan ng kanyang paglalayas.


Pagkatapos nilang magusap ay tsaka niya naalala ang isa pang natitirang mensahe sa kanyang cellphone. Unknown ang number. Kinakabahan na may halong excitement niyang binuksan ang mensahe na may pagasam na isa sa mga companies na inaplayan niya kahapon ang nagtext. At hindi nga siya nagkamali.


“Good day Mr. Aquino. This is Mr. Mondragon form ITech Philippines. This is about your employment application. My team decided to tell you the result of your application in personal. I have told to one of my staff to meet you outside the office due to some problems here. Kindly reply if you’re interested with the meeting for me to schedule it.”, yan ang nilalaman ng text.


Kaagad na nagreply si Marco at nagreply din naman si Mr. Mondragon. Napagusapan na ang meeting place and time. Kaagad na gumayak si Marco para umalis. Ngayon din kase yung napagkasunduang petsa.


Habang papunta sa Glorietta si Marco ay iisa lamang ang nilalaman ng kanyang isip. Ano ba ang magiging resulta?


Hindi nagtagal ay nakarating na siya sa kanyang patutunguhan at nagulat siya ng mapagsino ang kanyang kameeting.




METAMORPHOSIS IV

“Ok Mr. Re… I mean, Raynard.”, pagsuko ni Marco.

“Yan! Ok, so let’s start. First of all, this will not be a formal interview. Me mga itatanong lang ako sa iyo na makakatulong sa pag assess ko sayo. Is that fine with you?”, paliwanag ni Raynard.

“Sure Raynard”, sagot ni Marco.

Nagsimulang magtanong si Raynard ng personal information about Marco. Pagkatapos ay sa educational background naman. Matapos yon, napansin ni Marco na masyado ng nagiging personal ang mga tanong ni Raynard tungkol sa kanya pero hindi na lamang niya iyon pinansin. Wala naman siyang magagawa kundi sagutin ang mga tanong na yun. Naikuwento na ni Marco halos lahat ng pwede niyang ikuwento dahil sa dami ng tanong ni Raynard.


“So, what brought you here in Manila?”,tanong ni Raynard.

Kinabahan si Marco sa tanong na yun. Bakit nga ba siya nasa Maynila. Para ba makahanap ng trabaho. Isa na yon pero hindi yun ang pangunahing dahilan kung bakit siya umalis sa kanila. Diba tinakasan niya yung manyakis niyang step father. Pero hindi niya pwedeng sabihin yun. Nakakahiya. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon.

Matagal na natahimik si Marco. Tatanungin na dapat siya ni Raynard kung bakit hindi siya makasagot ng biglang me kumatok.

“Yes?”, tanong ni Marco sa kumatok.

“We have a meeting at 3 o’clock remember?”, paalala ng isang colleague ni Raynard.

“Oo naman. We’re about to finish na nga eh.”, sagot ni Marco. Umalis na ang co-employee ni Raynard.

“Shit. Tumingin siya sa relo niya. 2:55 na pala. Masyado ata akong nasiyahan sa interview kaya nakalimutan ko ang meeting. Buti na lang me nagpaalala sa akin.”, bulong ni Raynard sa sarili.


“Sorry for the interruption Mr. Aquino. I have a meeting within five minutes. I think I have the necessary information to assess you. I’ll call you as soon as I’m finished with your employment evaluation. Is it okay with you?”, pormal na sabi ni Raynard kay Marco.

“No problem Mr. Reyes.”, nagulat na naman si Marco sa biglang pagiiba ng mood ni Raynard pero hindi niya ito pinahalata.

Lumabas na sila ng kwarto. Tumuloy na sa kanyang meeting si Raynard. Kumain naman si Marco sa malapit na fast food para magmeryenda. Pagkatapos ay umuwi na rin maya maya.

Hindi makatulog si Marco ng gabing iyon. Iniisip niya ang application niya sa company nila Raynard. Ano nga kaya ang mangyayari sa pagaapply niya dun? Makakapasok kaya siya? Naisip din niya ang mabilisang pagiiba ng mood ni Raynard kanina habang inaassess siya.

“Bakit kaya ganun yun? Di bale, malalaman ko dinyun kung matatanggap man ako sa company nila.”, Nasa isip ni Marco bago siya napapikit at nakatulog.

METAMORPHOSIS III

“Mr. Aquino, meet Mr. Raynard Reyes. He’ll be the one to assess your application.”, pagtatapos ng interviewer ni Marco.

Namumutlang tumayo si Marco para abutin ang nakalahad na kamay ni Raynard. Nagtama ang kanilang mata at napansin ni Marco na nakangisi ito. Lalo tuloy siyang kinabahan.

“I’m pleased to meet you Mr. Aquino.”, may pagdiin sa huling sabi nito.

“Same here, Mr. Re.. Reyes.”, nabubulol na si Marco sa kaba at pagkamangha sa mga di maipaliwanag na nangyayari.

“By the way, I have to go. Mr. Aquino, Mr. Reyes will explain to you some things about your application.”, sabi ni Mr. Mondragon, ang interviewer ni Marco.

“Ok Sir.”, ang tanging nasabi na lang ni Marco.

Lumabas na ang interviewer ni Marco at nagharap sila ng kanyang evaluator.

Siya si RAYNARD REYES, 20, graduate ng Psychology sa isang prestigious university. Matalino, mayaman, gwapo. May itinatagong lihim sa kanyang pagkatao.

“You look nervous Mr. Aquino.”, pangiinis ni Raynard.

“Just a bit Mr. Reyes.”, depensa ni Marco.

“Huwag na tayong magpakapormal Marco. ”, nagulat si Marco sa biglang pagbabago ng mood ni Raynard. “Just call me Raynard.” Dugtong niya.

“I don’t think it’s not appropriate Mr. ”, hindi na nagawang tapusin ni Marco ang kanyang sinasabi dahil pinutol na siya ni Raynard.

“And I don’t think you have a choice. Kagustuhan ko yon. Sige ka…” nagkibit balikat si Raynard habang nakatingin sa resume ni Marco at nakangiti.

Parang nahiwagaan naman si Marco sa mga pinagsasabi ng kausap. Parang kagabi eh super sungit pa nito pero ngayon ay ambait bait na. Parang iabng tao na ang kaharap niya. Hinayaan na lang niya ang gusting mangyari nito dahil dito nakasalalay ang kinabukasan niya dito sa lungsod.


Friday, January 7, 2011

At Last!

Sa wakas, nakapagsimula na ako ng kwento ko. Sana lang me magbasa. Pinost ko din siya sa PEx. Wala lang. Gusto ko lang ishare sa iba. Natutuwa lang ako sa ibang tao na gumagawa din ng kwento at ishashare sa iba at nainggit ako sa kanila kaya shineshare ko din. Hahaha.

Sabay sabay kaming naglunch ng two of my friends in college. Napagkasunduan namin nung isa kong friend na ituloy na yung nakaschedule naming star city bukas. Grabe masyado ata akong natutuwa sa mga amusement parks. Kagagaling ko nga lang ng Enchanted nung nakaraan, Star City naman bukas. Sana lang matuloy kame dahil namimiss ko na ang Surf Dance. Lol.

Syanga pala, start na namin ng training next week. Sana maging maayos. Lilipat na kame ng pwesto. San pa! Siyempre sa training room. But I mean, after that, sa iba na kami ipupuwesto. Hay. Mamimiss ko tong place ko for two months na. Hay. Ansaya pa naman dito. Nasa tabi ako ng window. Kita ang labas. Me swimming pool pa kong natatanaw. Hay. I'll miss this. Really! Promise! Lol.

Anyway, excited na ko bukas. Sana lang talaga matuloy kame. Hahaha. Happy weekend everyone! Ingat, Godbless. =)