Busy busyhan ako nowadays. Medyo mahirap kase ang mga pinagagawa sa amin mga baguhan sa team. Tsaka siyempre, dahil baguhan pa lang kame, kahit anung dali pa niyang trabaho na yan, mahihirapan pa din kame kase first time pa lang namin gagawin un. Kaya eto ako ngayon, kahit noong Wednesday pa yung deadline ko para sa isang assignment na noong Monday pa binigay, gumagawa pa din ako and take note, out of three assignments na gagawin ko, isa pa lang ang nagagawa ko. And worse, hindi ko alam kung matatapos ko siya ngayong araw kase super bagal nung application na kelangan ko para magawa yung mga assignments ko. Hay
Nagsimula na akong maghanap ng cp na murang mabibili para mapalitan yugn nadukot sa akin. Me mga prospect na kong bilhin pero di pa ako nagcocommit sa mga kausap ko kase me two weeks pa naman ako para maghanap pa ng iba kase 3-4 weeks naman ang alam sa bahay na gagawin yung cp ko sa Nokia.
Madali ko talagang natanggap ang truth na wala na kong cp. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko sure kung natanggap ko na talaga ng tuluyan yun kase kapag naiisip ko nakakapanghinayang na yung dapat na pambibili ko ng bagong cp eh malaking dagdag na dapat sa ipon ko. Magkakaron pa tuloy ako ng utang para lang makabili ng bagong phone. But, well, that's life. Iniisip ko na lang talaga na it's meant to happen at alam ko na me papalit na mas magandang bagay sa pagkawala ng cp ko na yun.
That's all for now. Me deadline pa ko. Sh*t. Lol. Ingats to all. Godbless. Mwah. ;-)
No comments:
Post a Comment