Powered By Blogger

Tuesday, February 8, 2011

A Learned Lesson

Nadukutan ako kahapon sa LRT. Nakuha yung cellphone ko na pinagipunan ko pa. Nangutang pa nga ako para makabili. Excited kase ako masyado that time. Lol. 

Lagi akong nagpapahuli sa pagpasok sa tren. Pero kahapon, nagkataon na kasabay ko yung friend ko at hindi kame nakasakay sa unang tren na dumaan dahil sa dami ng tao kaya dun na kami malapit sa red line nagantay. Dumating ang tren at siksikan pagpasok. Nakasanayan ko ng ilagay yung cellphone ko sa bulsa ko kesa sa bag kapag ganung nasa tren para madali kong makapa at makuha kung sakaling me magtext. 

Kakaiba ang nangyari kagabi kase nagsiksikan talaga ng todo pagpasok. Nung nakapwesto na kame, kinapa ko yung cp ko at doon ko nga nalaman na wala na siya sa bulsa ko. Unang pumasok talaga sa isip ko is kung paano ko sasabihin sa bahay na nadukutan ako. Lagi pa naman nila akong pinaaalalahanan tungkol sa bagay na yun.

Tinry ko pang tawagan yung cp ko pero ring lang siya ng ring. Sumuko na ko that time. Inisip ko na malabo na na makuha ko pa yun ulit. Sa totoo lang, hindi ako masyadong nanghinayang sa pinambili ko nun. Mas nanaig sa akin ang pangamba kung paano ko sasabihin sa bahay ang nangyari. Kaya pagdating namin sa skul na talagang destination namin, nagisip na ako kung anung idadahilan ko kung bakit wala sa akin ang cp ko.

At ayun. Nagsinungaling ako sa bahay. Hay. Iniiwasan ko pa namang magsinungaling nowadays lalong lalo na kung mahalagang bagay pa yung gagawan ko ng kasinungalingan. Hay talaga. Kinuwento ko sa iba kong friends ang nangyari at sinabi ko sa kanila na wag silang gagawa ng bagay na pwedeng maglead sa pagkaalam sa bahay ng nangyari tulad ng pagpost sa fb.

Patuloy ko pa ding kinontak ang kung sinumang nakapulot at himalang nagtext siya.Hinihingi niya yung code ko na pambukas dun s cp at siyempre di ko binigay. Sabi pa niya, gusto niya lang daw malaman pero isosoli niya din yung cp ko. Hindi naman ako ganon katanga para hindi malaman na gusto niya lang akong lokohin kaya tinapos ko na yung conversation namin. Nung time na rin na yun naubos ang pagasa kong mabalik pa yung cp ko. Tinanggap ko na lang siya ng buong puso. Wala na naman akong magagawa eh.

Pinagpapasalamant ko na lang na kasama ko yung friends ko nung time na yun at me nagpasaya sa akin sa kabila ng nangyari.Malaki talaga yung natulong nila para mabawasan yung kalungkutan ko at mabilis na matanggap yung nangyari. Wala na akong balak na ikwento pa sa iba ang nangyari kase baka maspoil pa sa family ko. Lol.

Magaling talaga si Papa God kase madali kong natanggap kung ano man yung nangyari. Oo, me konti akong panghihinayang sa halaga nung cp ko pero iniisip ko na lang na maibabalik ko naman yun. Iniisip ko na lang din na mabuti na lang at hindi yung buong bag ko ang nakuha niya. Basta nagiisip na lang ako ng mga bagay na dapat kong ipagpasalamat dahil sa nangyari. Ayoko ng dagdagan pa ang mga aalalahanin ko. Tama na yung sundot ng konsensya ko sa pagsisinungaling ko sa bahay.

Sa kabila ng nangyari, punong puno pa rin ako ng positivity. Iniisip ko na dahil sa nangyari nakatulong pa ako sa kung sino mang nakapulot na cp ko. Iniisip ko din na dahil dun, nakagawa pa ako ng kabutihan sa kanya at dahil dun, more blessings will com to my love ones. Hahaha.

Sa ngayon ay naghahanap ako ng ganung klase din ng cp na mas mura sa internet dahil ang sinabi ko lang sa bahay eh pinagawa ko yung cp dahil nagshort circuit siya. Alam ko na malalaman din nila yung totoo pero sa ngayon, wala pa kong lakas ng loob na sabihin na sa kanila kung ano ang tunay na nangyari. Hahayaan ko muna silang maniwala sa hinabi kong kasinungalingan pero me balak pa naman akong sabihin kung ano talaga ang nangyari. Hindi pa nga lang sa ngayon. Maybe in time. Yes, maybe in time.

Lesson learned : Everything happens for a reason. Just trust Him for He knows what's best for us.

 INGAT sa LRT guys. Lol. Godbless us all. :-)




No comments:

Post a Comment