Nababadtrip ako sa globe. Ang weird lang kase hindi daw nila narereceive yung requirements na pinapadala ko regarding sa application ko for one of their plans. Last October 31 pa ko nagpasa ng requirements ko sa kanila. Four latest payslips, two latest credit card statements and a valid ID. Saturday afternoon tumawag si ateng taga-Globe. Malas lang kase nasa loob ako ng cinema at nanonood ng Skyfall kaya I advised her to call again later that evening which she never did. Monday when I followed up my application via telephone call sa hotline nila and it's indicated daw na they haven't received yet my requirements which was okay with me naman since hindi naman ako nagmamadali and Nov. 1 ng madaling araw ko na ata nasend yung requirements(?) so I re-sent it na lang.
Tuesday morning when I followed up again to confirm if they received na yung e-mail ko ng mga requirements. Hindi pa daw. They said na baka hindi pa lang nila ulit nachecheck yung e-mail. So ok lang. As I've said, hindi naman ako nagmamadali. They also said na I should follow up again after two days kaya Thursday, I followed up again. My gosh, wala pa din daw. Maghintay na lang daw ako ng tawag from them. Nakakaloka lang. So kunwari, ok lang ulit. Hahaha.
Nasa Star City ako kahapon when I received a call from them. Ang weird lang kase bakit tuwing Saturdays lang niya ko tinatawagan. Nagtataka lang ako kase ang haba ng weekdays pero bakit Saturday niya ko pinipiling tawagan. She explained to me what happened sa application ko and uminit talaga ang ulo ko. She told me na baka daw nag-exceed sa 2mb yung e-mail ko ng mga requirements kaya hindi nila narereceive which I'm sure it really did kase ilang images din yun. Nakakaloka lang kase I'm not advised na ganun pala yun. Nagreklamo ako sa kanya na I should have been informed na ganun. Shet lang. Dahil mabait ako, i told her na sige, i-re-re-send ko lna ang when I got home. Nabadtrip lang ako sa sinabi niya na kung gusto ko daw, sa globe physical store na lang daw ako mag-apply para walang problema. Eh punyeta pala siya eh. Kaya nga sa kanila ako nag-apply para wala masyadong hassle eh tapos sasabihan niya ko ng ganun??? Isang maling salita na lang talaga niya, makuha ko lang yung unit, irereklamo ko talaga siya. Badtrip.
Anyway, super nag-enjoy naman ako kahapon sa Star City kaya keri lang. Relaxed na ako. Pagtyatyagaan ko na lang muna tong poor service na globe. Kaya siguro mas mababa yung cash out kapag sa phone ka nag-apply compared sa physical store eh dahil nga kung anik anik na hassle ang mararanasan mo. Hahaha. Buti na lang kahit papano me mga cute kahapon sa Star City. Meron din namang super mga gwapo pero lahat ata eh taken na. Ouch lang. Kasama pa yung mga jowa nilang mukhang katulong. Charot! Bitter lang. Hahaha.
Super quota ako sa Surf Dance kase naka-apat na sakay ako. Nung pang apat na sakay ko eh parang wala na masyadong excitement. Hahaha. Pero super saya pa din. Hindi ko na ulit tinry yung Viking kase eto yung nagpasama ng pakiramdam ko the last time I went there. I believe, nasulit ko naman ang Ride All You Can worth 350 . Hahaha!
That's all! KSGB! :-)
No comments:
Post a Comment