I haven't posted anything pala last October. Wala kase akong maisip. Hahaha. Anyhow, what's happening to the cursed martian ba? Parang wala nga eh. Kung me highlights kase sa buhay ko last month, I created a post sana. Kaso mukhang wala talaga. Hahaha.
Magkukuwento na lang ako ng kung ano ano. Hahaha. Napadalas ang mga gimik re : alcohol consumption, coffee drinking, movie time, mall strolling. Well, I can't say na it's gimik talaga. Basta lagi akong nagyaya sa kung saan saan. Coffee here, inuman there. Movie here, rampa there. Kaya nga taghirap pa din ako hanggang ngayon. Hahaha.
Even though poorita pa rin ako, I didn't have second thoughts on giving myself a Christmas gift which I'll pay for 24 months. Hahaha. I already computed my gastos for gifts/pamasko for my love ones and holy macaroni, mas malaki pa sa 13th month pay ko. Hahaha. Kaya naman naisip ko na better give myself naman a gift kahit papano. Kawawa naman ako kung wala akong mabibili for myself this December eh it's my birthmonth kaya! And it's Pasko; time for giving. Kaya bibigyan ko din ang sarili ko. Hahaha.
I already applied sa Globe for the phone I'm eyeing and I'll wait na lang na tawagan nila ako para sa delivery nung unit. Anyway, Galaxy Note II yung gusto ko. A gigantic phone kaya tinatawag din siyang phablet (phone/tablet). See pics below. For more information about the phone, please google it na lang. Hahaha. I told earlier na 24 moths kong babayaran yung unit because it has a lock-in period of 2 years with a cash out of P6k, it has a minimum monthly bill of 1799 with an unlimited internet and P800 consumable Sir/Ma'am. Any other charges and transaction will be on top of the minimum bill po like sharing load. Wahahaha. CSR lang ng Globe ang peg??? Hahaha. Yung nasa right side na color yung gusto ko. :-)
On a darker note(me ganun ba? Hahaha.), bitter ako sa crush sa twitter. Hindi niya ko nirereplyan. I added him kase on FB and I told him on a twitter message na hindi niya pa ko kino-confirm. I thought ok lang yung pagkakasabi ko kase akala ko ok yung online friendship namin. Eh hindi siya nagrereply kahit ilang beses ko na siyang minessage so I took it as a "no". Actually, in-add ko na din siya dati bigla ko lang binawi yung friend request kase nahiya ako bigla. I never thought naman na wala pala talaga siyang balak i-confirm ako. Hahaha. Bitter lang ako ng konti kase akala ko we're riding on a same boat. Turns out, we don't. Pero nakapagmove-on na naman ako. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya sakin diba. Nakakasawa ng magpakababa. Emo??? Chos! Hahaha. Basta hindi na ko bitter katulad nung mga nakaraang araw. Ayan EG ha, hindi na talaga ko bitter. Baka kung ano pa masabi mo. Hahaha.
Ok fine, on a lighter note naman, lagi nga kaming umaalis ng mga college friends ko nowadays. Kahit lunch, madalas pa din kaming magkakasama considering na magkakaiba kame ng company. Nagkikita kame sa Ayala then gora na sa Landmark where we always eat. Meron kase dung food court sa pinakababa. Hahaha. Syempre tipid mode kami madalas kase masakit sa bulsa if we'll eat sa restaurants everytime we'll eat together diba. Tapos sila din madalas kong kasama pag nag-i-stroll sa malls and pag nag-i-inuman. Masaya kasi silang kasama. I can be the pinakabaklang version ko when I'm with them. Malandi ako pag kasama ko sila. Walang sapawan sa kwentuhan. Kanya kanyang ingay. Kanya kanyang kwento. Even if tatlo lang kame, minsan apat, wala talagang dull moments. Sana hindi magtapos ang mga gimiks namin. Malulungkot talaga ako ng bongga. :-(
Umuwi nga pala galing Singapore yung super friend namin ni Robert. We had a dinner at TGIF courtesy of generous Robert. Hahaha. Don't worry friend, babawi ako senyo kapag malaki na sahod ko. Lol. Nakakalungkot lang kase sandali lang kaming nagchikahan. Sumakit kase tiyan nila sa ininom nilang drinks na parang cocktail. Hahaha. Anyway, wag ka ng mag-emo Robert, ipagpe-pray ko na makahanap ka na. Kahit wala na ko, kahit ikaw na lang. Ganyan ako kabuting kaibigan. Wahahaha. Sana din makaget-over ka na ke Tutut. Para naman ke Khai, ingat ka diyan sa sg, sana magbloom ang lovelife mo diyan. Hahaha.
Pinagalitan ako ng AVP sa office last week. Nahuli kase akong nag-tu-twitter. Aminado naman ako sa kasalanan ko kaya medyo nahihiya ako. Hahaha. Nanood kame kahapon ng Skyfall. Ganda ha, in fairness. Ganda din nung theme song ng movie : the title itself by Adele.
Meron akong super problem ngayon kaso super haba na nitong not-so-bitter post ko. Next week I'll post it. Nababagabag talaga ako sa future ko. Hahaha. Sana me makashare ako ng frustrations ko about that. Malay mo, hindi na natin problemahin yun kase sabay na natin siyang haharapin. Ansabeeee? Hahahahahaha.
KSGB! Mwah. :-)
Nakakatuwa ka magkwento ang daldal daldal mo lang hehe
ReplyDeleteAt its nice na u r happy with your friends, atleast comfortable ka sa knila about being who u r. Yun ang importanten :-)
Iba ba ngayon? Parang ganun pa din naman katulad ng dati. Hahaha.
DeleteTamaaaa. Buti nga madami akong friends eh. Nakakabawas ng loneliness sa pagiging single. Hahaha.