Nagiging hobby ko na naman ata ang pag-iyak nowadays. Sa hindi ko maarok na kadahilanan, biglaan akong napaluha kanina sa tren na sinasakyan ko papunta sa office habang pinapakinggan ang bridge ng California King Bed ni Rihanna particularly dun sa "Maybe I've been California dreaaaaamiiiiiiiiinnnnnnggggg". Hahaha. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing imi-meet or mami-meet or makikita ko yung taong kinakikiligan/hinahangaan ko ng lihim, bigla bigla akong mapapadrama after. Basta kapag nandun ako sa eksena na kasama/nakita ko siya sa isang place, super saya ko. Super kilig din yung nararamdaman ko pero after nun, yung mga time na nakauwi na ako ng bahay, mag-isa at nagmumuni muni na lang, bigla bigla na lang akong maiiyak. Hay ewan ko ba kung bakit ako ganun. Nakakalungkot lang. Hindi ako nag-eemo ngayon. Gusto ko lang i-share yung kakaiba kong ugali. Lol.
Kagabi kase, m-in-eet ko uli yung mga proponents na inupuan ko sa thesis defense nila. Tapos ayun. Masaya naman ako habang andun. Kinikilig ako pag napagmamasdan yung crush ko. Masaya talaga habang kasama ko sila pero nung nasa bahay na ko, patulog na at nag-iisip na lang ng kung ano ano, bigla bigla na lang akong malulungkot at mapapaiyak. Ang weird talaga. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung abnormal ba yun. Nakakainis lang kase hanggang ngayon, nadala ko pa yung emotion na yun kagabi.
Maybe I'm a masochist talaga. Ang hilig kong gumawa o mag-isip ng mga bagay na sa tingin ko eh magbibigay lang sakin ng sakit at lungkot. Parang tanga eh no. Alam ko na ngang masasaktan lang ako sa tuwing makikita ko siya pero gumagawa pa din ako ng paraan para makita siya. Katulad bukas, imi-meet ko ulit sila pero kasama na yung partner kong panelist. Hahahay. Parang nai-imagine ko na yung mangyayari sakin bukas ng gabi. Ako na talaga ang masokista.
Keep safe guys. Godbless us all.
No comments:
Post a Comment