Powered By Blogger

Monday, July 16, 2012

Singe Forever


Madalas ini-imagine ko ang mga scenarios sa buhay ko kung meron akong boyfriend ngayon. And karamihan sa mga scenariong yun eh mga masasayang bagay. Mga nakakakilig na mga pangyayari. Kaya nga lalo akong nagiging hopeless romantic. Lol. Pero kapag nakakarinig ako ng mga love stories na humahantong sa sad ending, napapaisip ako kung kaya ko ba talagang mag-handle ng relationship lalo na't hindi pa masyadong tanggap here in the Philippines ang man-to-man na relasyon. Pero naiiisip ko, kung nagmamahalan naman talaga kame, why not diba. Kaso naman shet lang, walang lumalandi sakin, anong petsa na. I'm 21 na, single pa din. Feeling ko tuloy ang pangit pangit ko. Hahaha. Well actually, napatunayan ko nga na medyo tagilid yung face value ko dahil sa isang pangyayari sa life ko recently.

Me nag-pm sakin sa fb na cutie. Schoolmate ko siya dati sa university. Alam ko na gay siya. Pero pinapalabas niya na bi siya. Pero hindi ako naniniwala. LOL. So, nag-pm nga siya sakin. Hindi ako sanay na me nag-me-message sakin na ibang tao kase nga masungit talaga ang dating ko sa iba. Hindi ko sure kung nakikipag-flirt ba siya sakin. Basta ang alam ko, kinikilig ako that time kase me itsura talaga ang guy na to. Hindi kame magka-level. Hahaha. Hindi ko na idedetalye ang mga messages namin due to privacy. Charot! Wala lang talagag kwenta yung mga pinag-usapan namin. Lol. Kaya lang bigla na lang naputol ang communication namin after exchanging some messages. Inconsistent kase siya sa mga pinagsasasabi niya. Parang pinalabas pa niya na ako ang naghahabol sa kanya. The nerve ha. Kahit pangit ako, me pride pa din naman ako no tsaka hindi naman niya ka-level yung mga crush ko para habulin ko siya. Chos. Nag-bitter tuloy ako bigla. Hahaha. 

Anyway, ayun na nga. Bitter ang ending para sakin. Napaisip tuloy ako. Pano kaya kung kamukha ni fb guy ang magiging boyfriend ko, lugi kaya siya ng bongga sakin? That time, meron akong dalawang friend sa fb na sinurvey ko. Lol. And sadly, negative an nakuha kong sagot. Hahaha. Hindi ko naman masyadong dinibdib na hindi kame bagay ni fb guy. Nalungkot lang ako kase parang ambaba lang pala ng pwede kong ma-achieve kung magkakaron man ako ng lovelife. Kinuwento ko sa bestfriend ko yung nangyari and nabadtrip siya sakin kase bakit daw parang ang big deal big deal sakin ng fez value ng magiging boyfriend ko. Ano naman daw kung super gwapo ng magiging bf ko compared sa akin. Well, knowing myself, napakataas ng pride ko no. Ayaw ko naman na mag-mukahng katulong habang mgkasama kame. Alam ko ang sasabihin ng mga tao kase I'm one of the most laiteras sa mga kakilala ko and takot ako sa karma. Hahahaha.  

Right now, I have to change myself. I have to be a better person. Madalas pa din akong me kaaway dito sa bahay. I have to change for the better. Hindi na bumabata ang parents ko and ayokong magsisi sa huli. Naiisip ko, baka kaya gusto kong magka-bf eh dahil lang sa gusto ko ng experience ng pagiging in a relationship pero I'm picturing it as a ralationship na magkakaron din ng end. Sad no. Hindi ko din alam kung bakit ang nega ng tingin ko. Siguro nga, I'm meant to be single forever. Buti na lang napaghanadaan ko na yan. Kaya kung me dadating man, I'll charge it to experience na lang. Be thankful na lang for everything; for the family, friends and career. Nabasa ko nga sa PEx, bonus na lang kapag me dumating na magmamahal sayo forever. I'll look at it that way na lang. Para walang hassle sa buhay. Walang mabigat na nararamdaman para sa isang tao. Crushes lang keri na. Landi landi na lang. Mas masaya pa. Char!

Naloloka pala ko sa takbo ng career ko ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kwento ko sa next post ko. Sana malaman ko na ang plano nila sakin para maka-resbak na ko. Chos. Para malaman ko na din ang gagawin ko. :-) Happy 58th birthday nga pala sa pinkamamahal kong ina. Kahit na lagi tayong nag-a-away, I love you so much pa din. Sorry for all the bad things I've done to you and thank you very much for everything. Sana magkasama pa tayo kahit 30 years na lang. Hahaha. Keep safe guys. Godbless. :-) xoxo 

Monday, June 11, 2012

Glee Men



I forgot to say in this blog that I've been hooked in watching American series these past few months. Right now, I've seen five series namely The Walking Dead, Glee, Pretty Little Liars, Gossip Girl and lately, I'm watching Vampire Diaries. I know some of them are already old, I mean the series started several years ago, and I'm sorry if I'm already late for them. Hahaha. One of the major reasons why I'm watching them is, of course, the men in front of the camera. LOL. Can you blame me? I bet you can't. Refer to the pictures below for the reasons. Enjoy!

I'll start with the men of Glee.


Finn Hudson a.k.a. Cory Monteith - born on May 11, 1982. Raised by his mother, Cory had a drug addiction during his teenage years and went to rehab at 19. He has worked different jobs from Walmart people greeter(I'll include him in my shopping list if I can lol), taxi driver, school bus driver and roofer(wth??? ohhhh, it's the one who creates, arranges and finishes house roof. I thought it's one of the carpenter's job. Hahaha). He received his high school diploma in 2011. He's already 29 that time. He was casted as Finn in the audition where he drummed on Tupperware using pencils. Talented huh. He received numerous awards for this.



Noah Puckerman a.k.a. Mark Wayne Salling - aged 29 last August 17. Born in Dallas, Texas. He's younger than his other sibling. He was raised in a strict Christian home. I think it was hard for him to portray the character of Puck who is a devil in his looks with a heart of an angel. He was a member of his high school wrestling team. I'd like to see him in his uniform. LOL. He already released two albums which I'm not familiar to. LOL.




Mike Chang a.k.a. Harry Shum Jr. - born on April 28, 1982. Oh my, he's older than Finn. It doesn't show, in fairness to him. With his talent in dancing, he has appeared in dance films such as STomp the Yard, You Got Served, Step Up 2: The Streets and of course, Step Up 3D. He was also one of the lead dancers with stars such as Beyonce, Mariah Carey,  Jessica Simpson and Jennifer Lopez. He's really talented in dancing huh. 




Lastly, Chord Overstreet - Youngest and hottest of them all. Well, for me. Lol. He just turned 23 last February 17. I'm only 21. Still can be! LOL. He is of German, Irish, English, and "a little bit of Native American" descent. Overstreet began to pursue his passion of performing after his high school graduation in 2007.  After two unsuccessful years, Overstreet started his acting career on the web series Private, as Josh Hollis.[12] He was also featured in an episode of iCarly iSpeed Date (for a few minutes) and the unaired pilot of No Ordinary Family.


Source: Wikipedia

Saturday, June 2, 2012

Even with my Dreams


I've dreamt of you twice, only for this week. I don't know if it's caused by my constant thoughts of you. Yes, I'm guilty as charged. I almost see you everyday. My day is literally not complete when I don't see you. Over-reacting I know but it has become my habit/daily routine to stare at you everytime you walk down your way to your seat. You're the cutest. As in. Both of my dreams with you state that we had connections. Thrilled with it, I almost cry whenever I wake up realizing that both were only just fantasies.

We were having a family dinner at a fancy restaurant when I saw you. My mom known your my mother for years. They were close friends.This was my first dream. The second one was better. I knew where you live. I saw you having lunch with your family. I knew your family business. Excitement was all over me. Of course, who would not be? I'll have a shot on you. Who knows what will happen? 

But both were just dreams and will only stay as both were unless I'll move. But how? Actually, I've been contemplating on this for a few days now. Some of my friends say that I should go for gold but others say that I must wait for the right time; that I should first know if he also, you know, likes guys. Haha! I settled for both. I'll wait for the right place and time. Maybe when I saw him at a mall, having coffee, alone. Maybe I'll have the strength and I'll give it a shot. I'm still thinking of a strategy when the opportunity comes. Wish me luck! :-)


Btw, here's a video of him I recorded while I'm sitting beside him weeks ago. Sorry for the pixelated frames due to my ancient phone. Lol. I don't know if it's prohibited or what. But if it is, I'll delete it asap. Haha. 




Bye guys! Keep safe! Godbless. Mwah. xoxo.

Sunday, May 27, 2012

Bullied


I felt bullied last Friday. Nagkaron kame ng division lunch sa Vikings sa MOA. I'm so thrilled when I received the invite through e-mail. Naisip ko, sayang din ang free buffet lunch kung hindi ako sasama. Hahaha. Tsaka para na din makilala ko yung iba pang member ng division where I belong to. I didn't expect that my excitement will suddenly turn into disappointment.

Sabi na nga ba, hindi na dapat ako sumama sa lunch na yun. There's something inside me that hindered me to click the accept button in the invitation. Alam ko kase sa sarili ko that I hate crowds. Lalo na yung crowd na magkakakilala and you'll be left out of place kapag nakasama mo sila. Akala ko kakain lang. Akala ko, simpleng pagpapakilala lang. Akala ko, mabilisan lang. Akala ko walang mangyayaring hindi maganda. Akala ko lang pala yun.

Ok pa siya nung una eh. Masaya din ako sa biyahe papunta dun. Siksikan kame sa sasakyan ng team mate ko. Masaya, magulo. Then pagdating namin dun,  kain kain lang. Until dumating na yung time ng pagpapakilala. Hindi ko in-expect yun kaya medyo kinakabahan ako. Well, name lang naman yung sasabihin pero the fact na hindi ko masyadong hobby yung pakikisalamuha sa mga tao, medyo naging I'm not at ease. Alam niyo naman ako, madalas, sa girls lang nakikipag-friends. Ewan ko ba nahihirapan akong makipag-kaibigan sa guys. Ok naman yung mga nauna until napunta na sakin. Bago ako eh ilang girls yung nagpakilala. Karamihan sa crowd eh boys. Syempre, medyo me ilang lokohan kase magaganda yung girls namin . Like for example hindi nila narinig yung name nung girl kaya papaulit nila.  Then ako na nga. I really think I'm openly gay sa company namin but that doesn't mean na open na ako sa mga gay jokes kaya medyo na-offend ako sa ginawa nung isa sa mga divisionmate ko na lalaki. Bago pa ko nagsalita eh sumigaw na siya ng "Anu daw???". Na-offend ako ng bongga kase alam ko na niloloko ako. Hindi lang yun simpleng panloloko kase feel na feel ko na me kinalaman sa sexuality ko yung ginawa niya. Tapos nagtawanan pa silang lahat. Nabastos talaga ako. Dinaan ko na lang sa ngiti lahat pero sa loob loob ko, umiiyak na ko. Hindi ako sanay sa ganun. Sensitive din ako pagdating sa ganung bagay. Kaya ako naging aloof sa crowd lalo na sa mga lalaki eh dahil din sa mga tao mismo. 

Nalulungkot lang ako kase bakit kelangan pa niyang gawin yun? Nalulungkot lang ako kase bakit hindi na lang niya ko pinalampas. Napatunayan ko tuloy na hindi pa din "kame" tanggap sa lipunang 'to. Naiilang tuloy ako sa kanila. Naging sign na tuloy yun sakin na aalis na ko dun right after matapos yung bond ko. Pero naisip ko, makakahanap kaya ako ng company na walang ganung mangyayari? Alam kong medyo malabo pero umaasa pa din ako. Hindi ko alam kung pagtakas ba yung gagawin ko pero nalulungkot lang talaga ko. Naiisip ko tuloy kung pinagtatawanan ba nila ko behind my back. Sensitive and pessimistic pa naman ako. I feel so small tuloy. 

Iniyak ko na lang siya sa cube ko. Buti na lang andyan yung mga team mate kong girls kaya medyo gumaan yung loob ko nung binigyan nila ko ng advise. Isa lang ang wish when it comes to this matter, sana lang pare-pareho kaming magbago... for good.

Keep safe guys. Godbless. Mwah.

Monday, May 7, 2012

Acts of Lasciviousness


I just realized that I've learned something important sa pagkahumaling ko ke Chin. Na hindi nga siguro pag-ibig, I mean true love, yung kung ano man yung feelings that I've felt these past few years sa mga lalaking bumihag sa aking puso. Charot. Every night, if I do have a chance, I'm contemplating on some things about my life. Kung ano anong mga bagay yung nangyayari sakin, sa family ko, sa frineds ko and especially sa mga lalaking nasa isipan ko. And lately napag-isip isip ko na baka nga hindi love yung naramdaman ko para sa kanila. Even for Covin. Imagine, ilang taon akong naging baliw ke Covin even though there's no single time na pinansin niya ko. Na tinanggap niya yung ino-offer kong friendship sa kanya. Narealize ko na malabong pagmamahal ang nararamdaman mo para sa isang tao kung hindi mo pa naman siya kilala ng lubusan. Maybe I'm infatuated lang. Maybe nadala lang ng puso ko yung notion na mahal ko sila kase madalas kong iyakan yung fact na they can't reciprocate the feelings I have for them. Kaya ngayon, medyo gumagaan yung pakiramdam ko kapag naaalala ko yung feelings ko para ke Chin. Hindi niya ko kilala. Hindi ko siya kilala. I don't even know his true name kaya ina-assume ko na hindi love 'tong nararamdaman ko sa kanya. I like him. I really like him. I really like him so much. I really like him so much to the nth power. I really like him so much to the nth power that I'll do something I've never done before just to make him happy if he wants me to. Naalala ko pa na sinabi ko sa officemate ko na handa akong magpakadumi para ke Chin. Wahaha. By magpakadumi, I meant do the deed. Ok, magpapakadefensive ako. I based the "dumi" word on the fact na hindi ko pa siya na-e-experience kaya yun yung naisip kong gamitin na word. Haha.

"Like" na lang yung ginagamit kong word sa pagdescribe sa nararamdaman ko for Chin 'cause I think mabigat masyado yung word na love. Hindi ko alam kung bakit naging iba yung perception ko sa love kase kung ibe-based sa mga nakaraan kong naramdaman sa ibang lalaki na I thought is love, matindi din itong ke Chin. Kaya ngayon, sa tingin ko, technically, eh hindi pa ko na-i-inlove. Hahaha. Unbelievable on my part kase kung malalaman mo lang yung mga pinagdaanan ko habang "infatuated" sa mga naging super crushes ko, masasabi mong naging madly in love with them talaga ako. Kaya isang malaking task para sakin na baguhin yung paniniwala ko na ilang beses na kong na-in love. Bakit ko pa binabago? Wala lang. Arte lang. Hahahaha.

On the lighter note, me nangyaring super nakakakilig(for me) between me and Chin. Last Thursday kase, medyo nasa unahan ako ng pila sa sakayan ng tren. I located myself sa place na malapit sa mga aircons. Medyo masikip na sa place ko that time. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko Chin na papalapit sa pwesto ko. Maybe because he's eyeing for a place na malapit din sa mga aircons kase nga sobrang init ng panahon ngayon. Na-excite ako nang makita kong tumigil talaga siya sa harap ko. And gosh, that time, naka-set sa mind ko na bigyan lang ako ng pagkakataon na mapalapit sa kanya, I'll risk my reputation na. Charot. Hahaha. Well, hindi ko lang magawang makipagkilala sa kanya kase nahihiya pa ko. Tsaka I don't think it's the right time na para itaya yung kahihiyan ko sa gagawin kong yun kase lagi ko pa din siyang nakakasabay. Ok na muna ko sa ganun. Hahaha. Eto na! Nakakaloka. So umurong talaga ako ng bonggang bonggang bonggang bongga talaga para makaupo siya and voila, MAGKATABI NA KAME!!! Hahahaha. And then, nagulat na lang ako na umalis yung katabi ko sa kaliwa sa hindi ko malamang kadahilanan. So medyo maluwag na sa place namin. Kinabahan ako kase baka maisipan din niyang umalis sa tabi ko. Grabe ang kaba ko nun kase nga katabi ko siya tapos kinakabahan din akong umalis siya. Pero I won! Yes, naging magkatabi kami all throughout ng byahe!!! Naging magkatabi na kame dati pero this time, mas nakakakilig kase siya yung tumabi sakin (ang ganda ko lang. charot) and me ginawa akong something naughty habang katabi ko siya. Hahaha. 

So katabi ko na nga siya. And there's something running in my mind that time. Remember the time na nakatabi ko siya dati? Yes, I've told here in my blog before na nakatabi ko na siya dati and as the nervous and conservative that I was that time, wala man lang akong ginawa. In-enjoy ko na lang na katabi ko siya. Kaya this time, hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Disclaimer: walang nangyaring masyadong malaswa. Medyo naging agressive lang ako ng konti. So eto na nga, magkatabi na kame, And this time, naka-short sleeves kame pareho. Yes, it's Thursday pero naka-casual ako kase inadvise kame ng company na dressdown na hanggang matapos ang May due to the intense heat na nararanasan natin ngayon. Well, it's very convenient for us na nagko-commute pa. Anyway, ayun na nga, habang magkatabi kame, naisip ko kung pano ko siya mahahawakan. Wahahaha. Yes, all throughout ng byahe eh iniisip ko kung pano ko siya matsatsansingan. Hahahaha. So eto na nga, I had a bright idea. Tulog siya ng mga time na to kaya medyo me lakas ako ng loob. Hahaha. Kunwari eh hinahawakan ng kaliwang kamay ko yung kanan kong braso so nakadikit na yung kamay ko sa kaliwa niyang braso kase nga siksikan nun kaya ganun na kame ka-close. Hahaha. Hindi naman ata niya napansin na me ginagawa na kong kalapastanganan sa kanya kaya lalo akong tumapang. I loosen up my grip sa braso ko and this time, nakapatong na yung mga daliri ko sa braso niya and nag-tap ako ng ilang beses pero deadma pa din siya kaya I continued lang. Gosh, sa totoo lang super kinakabahan na ko sa ginagawa ko kase first ko lang gumawa ng ganun. Lol. Well, hindi naman ata niya napapansin yung ginagawa ko kase nga tulog siya kaya pinagpatuloy ko pa yung paglapastangan sa kanya. Hahaha. Mga ilang minuto ko ding ginagawa yung pagtap ng daliri ko sa kanya. Yung four fingers ko lang yun. Naiwan yung thumb ko kase masyado ng halata. Hahaha. Para akong nademonyo that time kase laging pumapasok sa isip ko na madalang lang mangyari yung ganung pagkakataon kaya I'd better give my all. Charot. Kaya this time eh nilabas ko na din yung thumb ko and I started to circle it in his arms. Alam kong medyo off na yung ginagawa ko pero natutuwa ako. Masaya ako na nagkaron kami ng moment na yun. Paulit ulit kasing pumapasok sa isipan ko na baka pagsisihan kong hindi ko man lang siya napaglaruan. CHOS! Hahaha. Malapit na kame sa destination namin kaya I really gave my last shot. While I'm circling my thumb on his arms, I looked at his side and sinilip kung me nakatingin sa side namin. Nang ma-assure kong wala naman, Medyo nilapit ko yung mukha ko sa kanya. Yeah, it's close yet so far. Syempre hindi ko naman siya pwedeng i-kiss no. Pero kung pwede lang and kung ok lang sa kanya (na medyo malabo), gorabels na. Ansaya lang siguro na siya ang first kiss ko. Gosh, how sweet. Hahaha. Nang paparating na sa station na bababaan namin, by this time, continuous pa din yung pag-circle ng thumb ko sa skin niya which by the way is sooooo hot(WAHAHAHAHA), my gosh, nakita ko yung kaharap namin na nakatingin sakin. Hindi ko na lang tinanggal yung kamay ko sa braso ko pero inistop ko na yung pag-circle ng thumb ko para hindi naman ako masyadong guilty. My gosh talaga. Medyo nahiya ako sa sarili ko that time kase hindi ko akalaing aabot ako sa ganito. Hahaha. Nakapikit pa siya kahit malapit na kame sa bababaan namin kaya ng umistop na ang train, i pushed myself papunta sa kanya para magising siya. Ang shetness, mukha akong tanga nun kase napalakas ata yung pagpush ko sa sarili ko. Obvious na gusto ko siyang gisingin. Pero siya, deadma pa din. Hahahaha.

Masyado ng mapangahas yung ginagawa ko pero I liked it. Really. But wait there's more. Hindi pa nagtatapos diyan ang paglapastangan ko ke Chin. Lol. Eh di tumayo na kame kase nga bababa na kame. I gave my last shot, I leaned closer to his back and I kissed it. Hahaha. I know, that's sound pathetic. Pero, my gosh, I think it's sweet. Wahahaha. Wala akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko. Gusto ko siya eh. Nagtataka lang ako kung wala kaya talaga siyang naramdaman sa lahat ng kabastusang ginawa ko sa kanya. Hahaha. Nahiya pa nga akong i-kwento to sa mga friends ko. When I told them everything, nagtataka din sila kung bakit hindi man lang daw nagising or nagreact si Chin sa mga ginawa ko. And natuwa/kinilig ako sa conclusion nila: na baka gising si Chin all those times and gusto niya din yung ginagawa ko. Mga assumero at assumera lang kame. Hahaha. Pero nalungkot ako ng bongga kinabukasan kase hindi ko siya nakatabi. Maluwag sa puwesto ko and nagkatinginan pa kame pero nagtuloy tuloy siya sa paglakad. :-( I told about it sa mga friends and sabi nung isa, baka naman daw paranoid lang ako. Magbigay daw ako ng test na kung tatlong beses mangyari na maluwag sa place ko and nagkatinginan kame then hindi siya tumabi sakin, then that's it. Baka iniiwasan na niya ko. Baka alam niya yung ginawa ko sa kanya. Gosh, kinakabahan ako sa totoo lang. Pero wala pa din akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko. Natuwa ako eh. I took the risk and naging masaya ako. Walang dapat pagsisihan. Hahaha.

That's all guys. Godbless. Mwah. :-)

Saturday, April 21, 2012

I Really Like You


I'm having a sudden change in my mood. I'm really saddened by the things circling in my mind.

I love my family. I really love each and every member of it. I'm really trying my best to make them feel it but sometimes, especially when I've done a not so good thing to them, it seems like I haven't done anything good to them. It's like I'm a bad person. I did my best my I guess my best wasn't good enough.

I really like him. Yeah, Chin it is. But I don't have the courage to say it to him face to face. The fondness I'm feeling for him gets stronger more and more each day. I hope someday I'll have the strength to say it to you Chin. It's really hard seeing you every day while hiding the happiness inside myself whenever our eyes met. If I'm just given the chance (a really rare one) to say to him how I feel, I think I'll not let it pass just like what I did with the previous opportunities that had came my way. I just need a perfect timing and perfect emotional condition. Maybe I'll don't give a big damn if he'll reject me. I just really want him to know what I feel for him. It's really hard suppressing my feelings for him. I just hope that the things I need for him to know what I feel for him will be brought to me. Maybe by that time, I’ll already have the strength to tell it to him. Maybe.


Saturday, April 7, 2012

Black Saturday Rants

I know it's Black Saturday and hindi tutugma sa panahong ito ang patutunguhan ng post ko na ito ngunit subalit datapwat kailangan ko itong ilabas. Chos. Wala akong bonggang lakad sa buong bakasyon kaya ang panonood na lang ng American TV Series na Glee and Pretty Little Liars ang pinang-ubos ko ng oras ko. Anlaki ng kasalanan ko ngayon dahil nakakatatlong araw na na bakasyon pero hindi pa din ako nakakapagsimba. And dito na papasok yung isa sa mga medyo pino-problema ko nowadays.

Hindi ako makapagsimba ng ako lang mag-isa. Nahihila ako ng katamaran. Kaya hinihintay ko na lang lagi ang bestfriend ko na magyaya na magsimba kami. I know it's wrong and I know it's a big sin kaya I'm hoping na dumating yung time na makapagsimba ako mag-isa... ng constant. As in every week. Kahit naman ang ibang tao, aminado na hindi sila makapagsimba ng sila lang mag-isa. Like my friend na tinanong ko dati kung makakapagsimba ba siya ng hindi kasama yung boyfriend niya and her answer is no. Na-relief ako ng konti noon. Konti lang naman. Kase I'm not treating that as an excuse para hindi na din ako magsimba mag-isa. Mabuti na nga lang eh me cross-over. Medyo natututo ako ng mga words of God. Nakakabawas ng guilt. Charot.

Another thing na   bothered ako ngayon eh yung crush ko sa twitter. Si Flo. Ok, talagang nag-name drop ako. Hahaha. Flo is a discreet bisexual (if there's such thing as that. Hahaha) na nakilala ko sa PEx. This may sound bitter and yeah, bitter talaga ako sa kanya. Ansungit kase niya. Lalo na nung nalaman niya na crush ko siya. ~___~ Hello, don't be too assuming. Hindi porque crush kita eh makakapag-inarte ka ng bongga sakin. Hahaha. Hindi ko naman alam sa sarili ko kung bakit hindi ko siya ma-unfollow. Baka umaasa pa din ako. Chos. I don't know if me kinalaman yung bitterness ko sa kasungitan niya sakin sa pagka-bother ko or talagang medyo offensive lang ang mga tweets niya. Last Saturday eh nanalo bilang big winner si Slater. Super cute ni Slater no! Chos. Back to the main topic. Ayun nga, Flo tweeted that girls and "pa-girls" will be happy dahil sa pagkapanalo ni Slater. Oh gosh, napaka-hypocrite niya para magtweet ng ganun. I mean, you're bisexual(sabi mo) but you flirt with boys sa twitter as if you're gayer than me tapos magbabato ka ng ganung statement against sa mga kalahi mo. How rude! Ok stop na, masyado na kong nag-iinarte dito. Hahaha.

Lastly, itong kaibigan ko sa work na super flirtatious ang dating! Kaloka lang. When it comes to friendship, wala ka talagang maipipintas sa kanya kase Ms. Congeniality and dating ng lola mo. Ang problema lang talaga eh pagdating sa workmates naming boys. Alam niyo naman sa IT industry, maliit lang ang percentage ng mga babae and kahit saan ka lumingon eh me makikita kang boys. Ansaya lang. Charot. Ngayon nga eh inlababo ang lola mo sa isang team mate namin na married na, me mga anak pa! Kaloka lang. And take note, in a relationship din siya no! Keri lang sana na ganun at walang nangyayari. Kaso eh e-emote emote siya samin ngayon pero kinabukasan eh lumalandi na naman ke churvang team mate. Eh pano naman siya makakaalis sa problema niya ngayon kung ganun ng ganun. Super concerned lang kame sa kanya kaya pinapagalitan namin pero it seems like hindi naman siya nakikinig. :-( Eto pa, me kasabihan siyang kapag ayaw niya sa isang tao unang pagkakakilala pa lang, hindi na niya ito makakasundo kahit kelan. Nakakaloka lang kase me drift ngayon sa team namin and masasabi ko talaga na siya talaga and dahilan nun dahil sa paulit ulit niyang pagpansin sa mga ginagawa ni team mate. Dumating tuloy sa point na nagka-confrontation kaming lahat versus sa team mate namin. Naaawa nga ako sa team mate naming yun kase hindi naman niya nakuha yung sagot sa tanong niya kung me problema ba si friendship sa kanya. Puro kase pag-iwas ang sagot ni friend. Nakakaloka lang.

Hay naku, sana maging ok na ang lahat. Sana mabago natin ang mga bagay na kailangan nating baguhin. Sana mapag-nilay-nilayan natin ngayong panahon ng Semana Santa na handa tayong patawarin ng Diyos sa kung anumang kasalanan ang nagawa natin basta handa tayong tanggapin siya ng buong puso. :-)

Keep safe guys. Godbless. Mwah. :-)

Marry Your Daughter


"Sir, I'm a bit nervous 'bout being here today. Still not real sure what I'm going to say. So please bear with me if I take up too much of your time. See in this box is a ring for you oldest. She's my everything and all that I know is, it would be such a relief if I knew that we were on the same side.".

Super LSS ako sa kantang yan ni Brian McKnight. Favorite kong part ng kanta yung simula. Nakakakilig kase.  Imagine, a man, a masculine guy, dinadaga dahil he'll be talking to the father of the girl he loves. Kinikilig lang talaga ko. Syempre with matching imagination ng eksenang yun. Pero, of course, wala ako sa kwento. Kaya nakakalungkot lang. Charot. And worse, yung mga lalaking naging part ng buhay ko yung bida. Napaka-masokista ko lang. Hahaha.

I know it's a bit two thousand and late na para magustuhan ang kantang to kase matagal ko ng alam yung title but not the body of the song pero you can't blame me, can you? Nakakakilig kaya ng bongga. Sana in the future, magiging theme song yan ng buhay ko. Hindi ko man pinangarap ng maging daughter, nasa imahinasyon ko pa din(not that much. Remember, less expectations, less hurt. Charot.) na darating ang araw na kikiligin ako ng totoo. Hindi dahil sa ibang tao, hindi din dahil sa kanta. Kundi dahil me isang lalaki na magmamahal sa akin. Isang lalaki na magiging proud na ako ang partner niya. Isang lalaki na hindi mahihiyang maka-holding hands ako sa harap ng maraming tao. Charot. Basta isang lalaki na mahal ako, tapos. 

I know nakakatawa yung title nitong post na ito dahil never mangyayari sakin yan. Hahaha. Nagkataon lang na yan ang title ng isa sa mga favorite kong kanta nowadays. That's all. Echos. Hindi ko na madugtungan ang post na ito dahil siguradong mag-e-emo na naman ako ng bongga. Hahaha. Kaya tatapusin ko na. Maybe sa next post ko, doon ko ilagay ang mga kadramahan ko nowadays. LOL. Mahaba-haba pa naman ang bakasyon. :-)

Keep safe. Godbless guys! Mwah. :-) 


Wednesday, March 21, 2012

Torn

The crossover never fails to make me ponder on some things in life. Especially sa love. Aware naman kayo na super down ang life ko when it comes to love diba. Arteeee lang. Hahaha. Ayun nga. Matagal ko ng sinet sa utak ko na malaki yung possibility na walang dadating, na tatanda akong walang partner, na mag-isa kong haharapin ang kamatayan. Charot. Kaya nga meron akong post dito sa blog na naglalahad ng mga plans ko sa buhay. Mga plans na ako lang ang sentro, walang kasama, nag-iisa. Huhuhu. Chos. Tapos the preaches sa crossover make me think kung tama ba yung ginawa ko. Kung dapat bang ganun na lang. Kung bukal nga ba sa kalooban ko yung ganung kinabukasan.

Medyo naguguluhan ako ngayon sa takbo ng buhay ko. Hindi ko alam kung go with the flow na lang ba para hindi masaktan or dapat bang kumilos na ako and take the risk para malaman kung mararanasan ko ba yung pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo, yung magmahal at mahalin. Natatawang naiinis nga ako sa sarili ko kase andaming lalaki ang gumugulo sa sistema ko ngayon. Hahaha. Pero the top two (sosyal, top talaga?! Lol) ay sila Chin(the train guy) at si Covin. 

Eto kasing si Chin, basta, lalo ko siyang nagiging super duper over mega crush kahit hindi ko man lang alam yung name niya. Tapos natatakot talaga ako ng bongga na makipagkilala kase nga mahiyain ako. Chos. Pero totoo hindi ko talaga alam kung paano, kelan at saan ko gagawin yun. Tapos wala talaga akong lakas ng loob. Nakakatakot kase. Mukha kase talaga siyang straight tapos mukha pa siyang bata. Baka after niya kong bugbugin eh isuplong niya ko sa mga alagad ng batas. Charot. Basta ayun. Parang hanggang tingin na lang ako. Kaya nga halos maloka ako nung hindi ko siya nakita sa tren for 3 consecutive working days. Andaming pumasok sa isip ko. Na baka nag-iba na siya ng schedule sa tren or baka na-night shift siya or baka nag-o-OJT lang pala siya and tapos na yung contract niya. Shetness lang. Paano na. Pano kung hindi ko na siya makita ulit. Huhuhu. Naku, yan talaga yung isa sa mga malalaking problema ko when it comes it love. Para akong baliw na super paranoid sa mga pwedeng mangyari. Hinaluan pa ng pagkasuper pessimistic ko. Eh kase naman hindi ko man lang alam yung name niya so hindi ko siya ma-a-add sa fb. Tapos hindi naman ako sure kung nagwowork na ba talaga siya. Ay naku basta, paranoia is all over me pagdating sa mga ganyang bagay kaya nagiging miserable ang buhay ko kapag napupunta ako sa ganitong sitwasyon. Mabuti na lang, nakita ko ulit si Chin kahapon and as usual nakasimangot na naman siya. Ewan ko ba para nasa menopausal period niya siya. Wahahaha. Feeling ko tuloy wala siyang girlfriend. Wishful thinking lang. Pero ano nga kaya kung wala siyang gf. Pano ko kaya malalaman kung pwede kame? Charot. Hahaha. Medyo umaasa pa din ang lola mo. Eh kase naman super attracted ako sa kanya and hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hahaha.

Yung ke Covin naman, bigla ko lang siyang naiisip nowadays kase nakita ko yung gwapo niyang superfriend last Monday na crush ng bayan nung college kame. Yep, super gwapo nga nun. Buti na lang hindi siya yung minahal ko kase worse than hell pa siguro yung maeexperience ko dahil sa dami ng karibal. Hahaha. Isang pang cause ng pagiisip ko sa kanya nowadays eh dahil mag-wa-one year na simula ng huli ko siyang makita. Wala lang. Mahilig kase akong magdwell sa past. Reminiscing lang. Ayun. Ok naman ata siya ngayon kase masaya naman sila ni gf and going strong naman sila. Hindi ko lang sure kung me work na siya. Hay Covin, namiss tuloy kita bigla. Yun lang, I just wanna share yung mga kadramahan ko nowadays. Hahaha.

Me sakit nga pala yung mother ko. Sana lang gumaling na agad siya. Tapos si father dear naman puro kadramahan nowadays. Hay. Kung kelan gusto kong bumawi sa kanilang dalawa, tsaka parang me mga pangyayaring pumipigil sakin. Pero I'm sure, hindi pa huli ang lahat. I'm really hoping na magkakaron pa ko ng pag-asang makabawi sa kanila. Someday, someday. :-)


Keep safe guys. Godbless. Mwah. :-)




Thursday, March 8, 2012

Crossover

Ansarap ng feeling ko sa tuwing uma-attend ako ng crossover. Actually, twice pa lang akong nakaka-attend. Hahaha. Btw, yung crossover yung tawag sa bible study na pinupuntahan amin ng some of my friends every Thursday night. Attendees are young professionals. Minsan, naiisip ko na sana me ma-meet ako sa crossover. Yung pwedeng maging bf. Chos. Pero pag andun na ko, nawawala yung mga ganung notions sa utak ko. Mahihiya ka kaseng chumorva chorva kapag nasa venue ka na kase nga, mafi-feel mo yung kakaibang energy. Walang negativity. Pure of happiness and worship ke Father God yung mararamdaman mo. Kaya kapag nagstart na, hindi na ko tumitingin sa kung saan saan. Nakakahiya kase ng bonggang bongga. Parang me magsasabi sayo na hindi ka pumunta dun para lumandi. Hahaha. 

Maraming lessons na yung natutunan ko sa crossover. Lessons that really enlightened me sa mga bagay bagay na iniisip ko nowadays. Like nung first time ko, tamang tama talaga. Angkop na angkop sa pinagdadaanan ko. Yun yung tungkol sa super crush ko sa tren na lagi kong nakakasabay sa pagpasok sa office. Kindly read this (link sa im a slave for you). Then last Thursday naman, ang topic is about offering something to God. They said that when you offer to Him, He's not looking of the quantity of the thing/s you offered to him but the willingness to give it to Him. And I really agree to that. Alam kong alam ng Diyos kung ano ang nasa loob natin kapag nag-aalay tayo sa Kanya. Hindi porque malaki ang ibinigay natin, mas maa-appreciate niya yung kesa sa maliit na halagang binigay ng isang tao na bukal sa loob niya ang pag-o-offer. Agree?

__________

Lalong nagiging marubdob (chos) ang nararadaman ko ke Chin. Ang weird ko lang ng bongga kase hindi ko nga alam yung name niya tapos me ganito na kong nararamdaman sa kanya. Super weird no?! Pero hindi na ko nagtataka sa sarili ko. Marami rami na din kaseng beses na nangyari sakin to. I know parang tanga lang pero sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit ganito ako. Hahaha. Eto na nga! Nakakaloka lang. Kase super crush ko na nga siya ng bonggang bongga. As in talaga. Currently, number 1 siya sa list ko. Wahahaha. Isang evidence diyan ang paggising ko ng 7am pa din kahit puyat ako the night before that! Kaloka. Pinipilit kong gumising kase hindi ko siya makakasabay kapag nalate ako. Eh kase nga diba me sched yung tren kaya kapag nalate ako ng gising, sa ibang sched na ko makakasakay. Grabe, ang cheap ko. Hahaha. Oh well, that's love. Me kakatwa pala akong ginawa last week. Nag-on bigla ang stalker mode ko. Hahaha. After ko kaseng magtren, kadalasan, magji-jeep na lang ako kase kahit gustuhin kong magbus kase standing position na yung karamihan ng mga bus na dumadaan sa part na yun ng Buendia pero sabi nga nila, opportunities come in rare occasions kaya naman sinunggab ko agad ang chance. Pasakay si crushie Chin sa isang bus(lagi kase siyang nagbu-bus) ng mapansin kong madami pang upuan. Me umilaw sa utak ko. Nagsasabing this is it. Chance ko na na malaman kung san siya nagwowork. Sumakay na ako ng bus. Nagkatinginan pa kame ni Chin. Kinilig ako ng bongga. Hahaha. Nakita kong me isa pang upuan sa tabi niya kaso nahiya akong tumabi kase super dami pang vacant seats tsaka over kung bumukaka si Chin. As in. Mahihiya kang mag-excuse kung tatabi sa kanya. Hahaha. Nasakop na nung isang hita niya yung isang seat. Wahahaha. Sa pagka-borta niyang yun ko naiisip na straight nga siya. Walang pag-asa. Huhuhu. Chos. Na-excite  ako ng marinig ko siyang magbayad. Actually, inabangan ko talaga siyang magbayad kase hindi ko pa siya naririnig na magsalita. Hahaha. So nung nagsalita siya, parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. CHOS!  Hahaha. I overheard na sa Ayala lang siya bababa kaya na-excite na naman ako. Naisip ko na malalaman ko na kung san siya magwowork. Maya maya eh nakaramdam ako ng matinding jealousy kase me tumabi sa kanyang pretty girl. Shetness lang. Hahaha. Pero keri lang. Hindi naman ata siya affected sa presence  ni ate. Mukhang puyat si Chin the night before that at tulog siya. Well, actually, lagi naman siyang tulog pala even sa byahe sa tren. Ewan ko sa kanya kung bakit parang puyat na puyat siya eh hindi naman kami nagkikita sa gabi. Charot! Nasa Ayala na. Pagdating sa bababaan ko, shet, tumayo na siya. Akala ko tuloy sabay kaming bababa but to my dismay, lumipat lang pala siya ng upuan. There's a big possibility na within the Glorietta or Greenbelt  or basta sa mga malalapit na buildings in the area siya nagwo-work. Bigla bigla ko tuloy gustong mag-malling. Wahahaha. Bumili na lang ako ng coffee sa SB para maibsan ang pagkadismaya ko. Hahaha.

Dumaan ang mga araw at sa tuwing makikita ko siya eh lalong nadadagdagan yung nararamdaman kong paghanga sa kanya. One time, nauna ako sa tren at nakita ko siyang paupo sa upuan na may kalayuan sa kunauupuan ko pero maya maya lang eh bigla siyang tumayo and lumipat ng upuan. Napunta siya sa harapan ko kaya hindi ko napigilang pagmasdan siya. Pinagsawa ko ang aking mga mata sa nilalang na siyang gumugulo sa isipan ko nowadays. Ilang minuto din akong nakatitig sa kanya ng mapansin niya ito. Bigla akong nagbawi ng tingin dahil sa kahihiyan. Nang dumami na ang tao eh natakpan na siya at hindi ko na siya natitigan pang muli. Dumating ang Friday at hindi ko siya na-sight sa tren papasok sa work. Nang pauwi na ay nagpaalam ako ke boss na maaga akong uuwi dahil pupunta akong school para na naman sa thesis defense. Pagbaba ko ng bus papuntang LRT, laking gulat ko ng makita ko si Chin. Sakto namang tumutugtog ang Hummingbird Heartbeat ni mareng Katy Perry sa earphones ko. Sa kaba ko eh binilisan ko ang lakad hanggang sa malampasan ko siya. Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa. Hahaha. Walang lingon likod akong naglakad sa loob ng ilang segundo. Nang tumingin ako sa likuran eh wala na siya. I missed the chance na naman. Pero wala akong pinagsisisihan. Eh sa hindi pa ko prepared eh. Tsaka natatakot ako sa mga consequences kung sakaling lalapitan ko siya. Malaki kase ang possibility na hindi niya ko i-entertain. Hindi naman sa nega ako pero hindi ko talaga maamoy si Chin. Malay natin, hindi lang talaga ako marunong umamoy and someday eh siya pa mismo ang makipagkilala sakin. Char!

__________

Hindi na nga pala sa conference room ang workplace namin. Pero hindi ito masyadong good news para sakin. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero, sige na nga nag-iinarte na ko. Pano naman kase puro kalalakihan na matatanda yung nasa paligid ko. Siguro kung wala pa yung friend kong girl sa tabi ko, nabaliw na ko ng bonggang bongga. Hahaha. Eh kase naman, puro "bro", "tol", "dude" at "pare" ang naririnig ko. Nakakarindi lang. Hahaha. And isa pa sa kinaiirita ko eh kapag me kakausap sakin, ganung din ang tawag. Kumusta naman. Mukha ba kong straight??? Hahaha. Nakakaloka lang. Busy-busy-han nga ako sa work ngayon. Biglang buhos kase ng workload. Hindi na tuloy ako nakakapagsurf. Hindi na din ako nakakapagtwitter ng bongga kase katabi lang namin yung technology department ng company. Isang malaking sampal naman sa kanila kapag me nakita silang nagso-social networking dun pa sa malapit sa kanila. Pero keribels lang. Mas madaming work, mas maganda. Yan ang pinaniniwalaan ko ngayon kase malapit ng matapos ang bond ko sa company and pwede na kong umalis. Sa salary range ko ba namang ito, gustong gusto ko na. Pero dahil wala pa kong super solid experience, hindi muna. Hahaha. Hintayin ko munang mag-one year yung capability ko bago ako umalis. I just wanna share. Hahaha.

__________

Nagtampo ako ng bonggang bongga sa mga pinapanelan ko sa thesis kase parang balewala na lang sa kanila yung mga ginagawa ko. Hindi ko alam kung naging masyado lang akong mabait o ayaw lang talaga nila sakin. Haha. Andami ko ng ginawang effort pero parang hindi nila yun na-a-appreciate. Ay, hindi na nga ako magra-rant dito sa post na to. Next time na lang. Hahaha. Sa ngayon eh ok naman ata yung standing nila. Pinilit ko ng bonggang bongga na ipasa sila lalo na yung isa. Isinantabi ko yung personal kong tampo sa kanila kase alam kong pagsisisihan ko sa future pag hindi sila pumasa ng dahil sakin. Ayun. Basta ang alam ko, ginawa ko ang best ko kaya hindi nila ako masisisi. Hehe.

__________

Latest news about ke Chin!!! Nakakaloka lang kase sinundan ko siya ng bonggang bongga. Eh kase naman, natukso akong sundan siya kase sabay kameng bumaba ng bus the other day. Nagtataka lang ako kase bakit sa binabaan ko siya bumaba eh last time na nakasabay ko siya, hindi naman siya bumaba. Actually, hindi ko sure kung hindi talaga siya bumaba kase pagkababa ko, diretso na kong coffee shop para bumili. Hindi ko napansin kung paglipat ba niya ng upuan (eto yung story sa taas) eh bumaba din siya. Sa totoo lang, hindi ko sure kung makakasabay ko siya sa bus kase hindi ko napansin kung yung sinakyan ko ba eh yung sinakyan niya. Kaya ako nagbus kase super init sa tren and kelangan ko ng aircon para mafreshen up naman ang itsura kong haggardness na. Super jackpot lang na nandun siya. Syempre pa, hindi ko inexpect na kasabay ko siyang bababa. Sumakto pa na yung way ko eh dun siya dumaan. Grabe, nakakaloka lang kase pinagdasal ko pa na sana bumaba siya ng underpass kase ibig sabihin nun, mas lalapit siya sa workplace ko. Nadismaya lang ako ng sa ibang escalator na siya papunta. That time, tingin agad ako sa oras. Inestimate ko kung malelate ba ko ng bongga pag sinundan ko siya. Swerte naman na maaga pa kaya tinodo ko na ang pagiging stalker ko. Hahaha. Mas swerte pa kase pag-akyat pa lang namin ng escalator eh diretso agad siya sa pinto ng isang building sa Ayala. Boom! The building where he was working is just across us. Happy happy-han ako dahil dun. Kilig lang kase me binunga yung pagiging cheap stalker ko. Hahaha. And that's it. Abangan na lang ang susunod na kabanata sa pakikipagsapalaran ko para sa puso ni Chin. CHOS!!!

Keep safe everyone. Godbless us all. Mwah! :-)