Powered By Blogger

Thursday, March 8, 2012

Crossover

Ansarap ng feeling ko sa tuwing uma-attend ako ng crossover. Actually, twice pa lang akong nakaka-attend. Hahaha. Btw, yung crossover yung tawag sa bible study na pinupuntahan amin ng some of my friends every Thursday night. Attendees are young professionals. Minsan, naiisip ko na sana me ma-meet ako sa crossover. Yung pwedeng maging bf. Chos. Pero pag andun na ko, nawawala yung mga ganung notions sa utak ko. Mahihiya ka kaseng chumorva chorva kapag nasa venue ka na kase nga, mafi-feel mo yung kakaibang energy. Walang negativity. Pure of happiness and worship ke Father God yung mararamdaman mo. Kaya kapag nagstart na, hindi na ko tumitingin sa kung saan saan. Nakakahiya kase ng bonggang bongga. Parang me magsasabi sayo na hindi ka pumunta dun para lumandi. Hahaha. 

Maraming lessons na yung natutunan ko sa crossover. Lessons that really enlightened me sa mga bagay bagay na iniisip ko nowadays. Like nung first time ko, tamang tama talaga. Angkop na angkop sa pinagdadaanan ko. Yun yung tungkol sa super crush ko sa tren na lagi kong nakakasabay sa pagpasok sa office. Kindly read this (link sa im a slave for you). Then last Thursday naman, ang topic is about offering something to God. They said that when you offer to Him, He's not looking of the quantity of the thing/s you offered to him but the willingness to give it to Him. And I really agree to that. Alam kong alam ng Diyos kung ano ang nasa loob natin kapag nag-aalay tayo sa Kanya. Hindi porque malaki ang ibinigay natin, mas maa-appreciate niya yung kesa sa maliit na halagang binigay ng isang tao na bukal sa loob niya ang pag-o-offer. Agree?

__________

Lalong nagiging marubdob (chos) ang nararadaman ko ke Chin. Ang weird ko lang ng bongga kase hindi ko nga alam yung name niya tapos me ganito na kong nararamdaman sa kanya. Super weird no?! Pero hindi na ko nagtataka sa sarili ko. Marami rami na din kaseng beses na nangyari sakin to. I know parang tanga lang pero sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit ganito ako. Hahaha. Eto na nga! Nakakaloka lang. Kase super crush ko na nga siya ng bonggang bongga. As in talaga. Currently, number 1 siya sa list ko. Wahahaha. Isang evidence diyan ang paggising ko ng 7am pa din kahit puyat ako the night before that! Kaloka. Pinipilit kong gumising kase hindi ko siya makakasabay kapag nalate ako. Eh kase nga diba me sched yung tren kaya kapag nalate ako ng gising, sa ibang sched na ko makakasakay. Grabe, ang cheap ko. Hahaha. Oh well, that's love. Me kakatwa pala akong ginawa last week. Nag-on bigla ang stalker mode ko. Hahaha. After ko kaseng magtren, kadalasan, magji-jeep na lang ako kase kahit gustuhin kong magbus kase standing position na yung karamihan ng mga bus na dumadaan sa part na yun ng Buendia pero sabi nga nila, opportunities come in rare occasions kaya naman sinunggab ko agad ang chance. Pasakay si crushie Chin sa isang bus(lagi kase siyang nagbu-bus) ng mapansin kong madami pang upuan. Me umilaw sa utak ko. Nagsasabing this is it. Chance ko na na malaman kung san siya nagwowork. Sumakay na ako ng bus. Nagkatinginan pa kame ni Chin. Kinilig ako ng bongga. Hahaha. Nakita kong me isa pang upuan sa tabi niya kaso nahiya akong tumabi kase super dami pang vacant seats tsaka over kung bumukaka si Chin. As in. Mahihiya kang mag-excuse kung tatabi sa kanya. Hahaha. Nasakop na nung isang hita niya yung isang seat. Wahahaha. Sa pagka-borta niyang yun ko naiisip na straight nga siya. Walang pag-asa. Huhuhu. Chos. Na-excite  ako ng marinig ko siyang magbayad. Actually, inabangan ko talaga siyang magbayad kase hindi ko pa siya naririnig na magsalita. Hahaha. So nung nagsalita siya, parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. CHOS!  Hahaha. I overheard na sa Ayala lang siya bababa kaya na-excite na naman ako. Naisip ko na malalaman ko na kung san siya magwowork. Maya maya eh nakaramdam ako ng matinding jealousy kase me tumabi sa kanyang pretty girl. Shetness lang. Hahaha. Pero keri lang. Hindi naman ata siya affected sa presence  ni ate. Mukhang puyat si Chin the night before that at tulog siya. Well, actually, lagi naman siyang tulog pala even sa byahe sa tren. Ewan ko sa kanya kung bakit parang puyat na puyat siya eh hindi naman kami nagkikita sa gabi. Charot! Nasa Ayala na. Pagdating sa bababaan ko, shet, tumayo na siya. Akala ko tuloy sabay kaming bababa but to my dismay, lumipat lang pala siya ng upuan. There's a big possibility na within the Glorietta or Greenbelt  or basta sa mga malalapit na buildings in the area siya nagwo-work. Bigla bigla ko tuloy gustong mag-malling. Wahahaha. Bumili na lang ako ng coffee sa SB para maibsan ang pagkadismaya ko. Hahaha.

Dumaan ang mga araw at sa tuwing makikita ko siya eh lalong nadadagdagan yung nararamdaman kong paghanga sa kanya. One time, nauna ako sa tren at nakita ko siyang paupo sa upuan na may kalayuan sa kunauupuan ko pero maya maya lang eh bigla siyang tumayo and lumipat ng upuan. Napunta siya sa harapan ko kaya hindi ko napigilang pagmasdan siya. Pinagsawa ko ang aking mga mata sa nilalang na siyang gumugulo sa isipan ko nowadays. Ilang minuto din akong nakatitig sa kanya ng mapansin niya ito. Bigla akong nagbawi ng tingin dahil sa kahihiyan. Nang dumami na ang tao eh natakpan na siya at hindi ko na siya natitigan pang muli. Dumating ang Friday at hindi ko siya na-sight sa tren papasok sa work. Nang pauwi na ay nagpaalam ako ke boss na maaga akong uuwi dahil pupunta akong school para na naman sa thesis defense. Pagbaba ko ng bus papuntang LRT, laking gulat ko ng makita ko si Chin. Sakto namang tumutugtog ang Hummingbird Heartbeat ni mareng Katy Perry sa earphones ko. Sa kaba ko eh binilisan ko ang lakad hanggang sa malampasan ko siya. Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa. Hahaha. Walang lingon likod akong naglakad sa loob ng ilang segundo. Nang tumingin ako sa likuran eh wala na siya. I missed the chance na naman. Pero wala akong pinagsisisihan. Eh sa hindi pa ko prepared eh. Tsaka natatakot ako sa mga consequences kung sakaling lalapitan ko siya. Malaki kase ang possibility na hindi niya ko i-entertain. Hindi naman sa nega ako pero hindi ko talaga maamoy si Chin. Malay natin, hindi lang talaga ako marunong umamoy and someday eh siya pa mismo ang makipagkilala sakin. Char!

__________

Hindi na nga pala sa conference room ang workplace namin. Pero hindi ito masyadong good news para sakin. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero, sige na nga nag-iinarte na ko. Pano naman kase puro kalalakihan na matatanda yung nasa paligid ko. Siguro kung wala pa yung friend kong girl sa tabi ko, nabaliw na ko ng bonggang bongga. Hahaha. Eh kase naman, puro "bro", "tol", "dude" at "pare" ang naririnig ko. Nakakarindi lang. Hahaha. And isa pa sa kinaiirita ko eh kapag me kakausap sakin, ganung din ang tawag. Kumusta naman. Mukha ba kong straight??? Hahaha. Nakakaloka lang. Busy-busy-han nga ako sa work ngayon. Biglang buhos kase ng workload. Hindi na tuloy ako nakakapagsurf. Hindi na din ako nakakapagtwitter ng bongga kase katabi lang namin yung technology department ng company. Isang malaking sampal naman sa kanila kapag me nakita silang nagso-social networking dun pa sa malapit sa kanila. Pero keribels lang. Mas madaming work, mas maganda. Yan ang pinaniniwalaan ko ngayon kase malapit ng matapos ang bond ko sa company and pwede na kong umalis. Sa salary range ko ba namang ito, gustong gusto ko na. Pero dahil wala pa kong super solid experience, hindi muna. Hahaha. Hintayin ko munang mag-one year yung capability ko bago ako umalis. I just wanna share. Hahaha.

__________

Nagtampo ako ng bonggang bongga sa mga pinapanelan ko sa thesis kase parang balewala na lang sa kanila yung mga ginagawa ko. Hindi ko alam kung naging masyado lang akong mabait o ayaw lang talaga nila sakin. Haha. Andami ko ng ginawang effort pero parang hindi nila yun na-a-appreciate. Ay, hindi na nga ako magra-rant dito sa post na to. Next time na lang. Hahaha. Sa ngayon eh ok naman ata yung standing nila. Pinilit ko ng bonggang bongga na ipasa sila lalo na yung isa. Isinantabi ko yung personal kong tampo sa kanila kase alam kong pagsisisihan ko sa future pag hindi sila pumasa ng dahil sakin. Ayun. Basta ang alam ko, ginawa ko ang best ko kaya hindi nila ako masisisi. Hehe.

__________

Latest news about ke Chin!!! Nakakaloka lang kase sinundan ko siya ng bonggang bongga. Eh kase naman, natukso akong sundan siya kase sabay kameng bumaba ng bus the other day. Nagtataka lang ako kase bakit sa binabaan ko siya bumaba eh last time na nakasabay ko siya, hindi naman siya bumaba. Actually, hindi ko sure kung hindi talaga siya bumaba kase pagkababa ko, diretso na kong coffee shop para bumili. Hindi ko napansin kung paglipat ba niya ng upuan (eto yung story sa taas) eh bumaba din siya. Sa totoo lang, hindi ko sure kung makakasabay ko siya sa bus kase hindi ko napansin kung yung sinakyan ko ba eh yung sinakyan niya. Kaya ako nagbus kase super init sa tren and kelangan ko ng aircon para mafreshen up naman ang itsura kong haggardness na. Super jackpot lang na nandun siya. Syempre pa, hindi ko inexpect na kasabay ko siyang bababa. Sumakto pa na yung way ko eh dun siya dumaan. Grabe, nakakaloka lang kase pinagdasal ko pa na sana bumaba siya ng underpass kase ibig sabihin nun, mas lalapit siya sa workplace ko. Nadismaya lang ako ng sa ibang escalator na siya papunta. That time, tingin agad ako sa oras. Inestimate ko kung malelate ba ko ng bongga pag sinundan ko siya. Swerte naman na maaga pa kaya tinodo ko na ang pagiging stalker ko. Hahaha. Mas swerte pa kase pag-akyat pa lang namin ng escalator eh diretso agad siya sa pinto ng isang building sa Ayala. Boom! The building where he was working is just across us. Happy happy-han ako dahil dun. Kilig lang kase me binunga yung pagiging cheap stalker ko. Hahaha. And that's it. Abangan na lang ang susunod na kabanata sa pakikipagsapalaran ko para sa puso ni Chin. CHOS!!!

Keep safe everyone. Godbless us all. Mwah! :-)

Sunday, February 19, 2012

I'm A Slave For You

It has been a while since I last treated myself with the things I really love to buy kaya naman ini-schedule ko last week na bibili ako ng ilang items of clothing for myself. Gora agad ako sa Department Store para maghanap ng mga mabibili. Strict ang budget ko kaya sa mga hindi kamahalang brand ako bumili. Hahaha. Diretso ako sa salon para magpagupit. Umuwi na din ako after. Masaya and contented naman ako sa mga nabili ko para sa sarili ko. And I can say na kahit ako lang mag-isa ang nag-malling and nag-shopping, keribels na din naman. Kahit kase approaching na ang Hearts' Day eh nakaya ko pa ding lumakad mag-isa. Ako pa na isa sa mga emotional kapag dumadating ang mga okasyon na me kinalaman sa pagiging alone and lonely ko. Arte lang. Hahaha.

Dumating na nga ang Araw ng mga Puso. Nagsimula at muntik ng matapos nang normal naman ang araw ko kung hindi lang dumating ang oras ng uwian. I thought nakatakas na ako sa mga pag-e-emo pero ng nakaupo na ako sa bus at simulang tumugtog ang mga malulungkot na kanta sa playlist ko, (ok fine, fault ko din na nag-emo ako kase sa emo playlist ako napadpad. Hahaha.) doon na ko nagsimulang mag-emo. Yes! Nag-emo ako sa bus. Unti unting tumulo ang luha ko habang nagbibigay si kuyang konduktor ng mga tiket sa pasahero. Chos. Pero madali lang din naman akong nakabawi. Deadma sa mga girls na may hawak ng flowers. Tagos tagusan na lang din ang tingin ko sa mga couples na magka-holding hands na nakakasalubong ko. Minsan tuloy natatanong ko kung ano kayang feeling ng hindi single. Lumandi tuloy ako ngayon... ng konti. Yes, konti lang.

Effect ng pagiging malandi ko nowadays ang pakikipagsikikan ko sa crush ko sa tren. Iba to. Yes, me crush na naman ako sa tren. And yes na naman, andami kong crush. I know right! Siguro kapag nilista ko sila eh lalagpas sila ng 15. And me ranking pa yan. And number 1 siya. Wahahaha. Pero ang masaklap dun eh mga 80% sa kanila ay straight. Ahhhhmmm, I think so. Kase karamihan sa kanila, either me girlfriend or borta na tipong manggugulpi ng bading. Hahaha. Eto na ang kalandian ko. Actually, medyo demure pa yung ginawa ko kung iko-compare sa iba. Hahaha. No offense meant to others ha. Pero kase nga naman sa sobrang arte at drama ko, puro tingin na lang yung nagagawa ko. Hahaha. So eto na!!! Last week ko narealize na bonggang bonggang crush ko na pala si, let's call him, Chin. Chinito kase siya. And hindi ko din alam yung name niya. So as I was walking on the aisle ng tren, hinahanap ko na agad siya. Yeah, ganun ko siya ka-crush. Hahaha. Naupo akong dismayado dahil hindi ko siya makita kaya umupo ako na lumong lumo. But shetness, paglingon ko sa kaliwa ko, ohhhh myyyyy gooooosh, andun pala siya kaya sinamantala ko ang pagkakataon. Kahit malaki pa ang space between us, tinodo ko na! Kapag me uupo sa tabi ko, umuusog ako papunta sa direction niya. Hahaha. Para-paraan talaga. Nagkaron pa ng awkward moment kase tumabi sakin yung schoolmate ko dati na hindi ko ka-close kahit lagi kaming nagkikita sa university. Kaya naman nag-post talaga ako sa fb na yun na ang most awkward moment in my life. Totoo naman kase eh. Ang hirap kaya. Kaya gumawa ako ng paraan para matigil na ang awkward moment na yun pero my gosh, mas naging awkward pa yung moment. Kase me babaeng sumiksik ng bonggang bongga sa right side ko. As in bonggang bongga talaga. As in!!! Kaya super close kame ng bonggang bongga ni Chin. Super close talaga. As in talaga!!! Hahaha. Super shoulder to shoulder and arm to arm kame. Grabe. Bongga talaga yung moment na yun. My gosh talaga. Kaso nga lang nakalong-sleeves ako nun kaya me nakahadlang sa pagkakadikit namin ng skin to skin. Hahahaha. Nakakaloka lang kase sa sobrang kilig ko nun, hindi ko na napalitan ang current na kumakanta sa player ko. Naka-repeat kase siya para maganda ang backgroud music habang naglalakad ako galing ng bahay. Hahaha. Guess what it is. I'm a slave for you by Britney Spears. Nakakaloka lang. Bagay na bagay. NAKAKALOKA!!! Hahahahaha.

Naging super saya ng araw ko dahil dun. Wala talagang nakasira ng mood ko. My gosh lang. Hahaha. Super epic talaga ng moment na yun. Lalo tuloy uminit ang marubdob kong nararamdaman para ke Chin. Chos!!! Hahahaha. Kaso me problema ako. Mukahng straight na naman si Chin. Syempre hindi ako sure no. Kaya naman nanghingi ako ng payo sa friend kong si Toot sa kung anong masasabi niya sa balak kong gawin. Gusto ko kasing i-approach si Chin one of these days and balak kong kunin yung number niya. Sabi niya, ok lang daw. Kase daw, hindi ko malalaman kung merong chance or wala. And walang masisimulan kung walang magsisimula. Pero ayun nga, I'm not yet ready pala. Hahaha. Ang hirap pala ng gusto kong gawin. Pano kung straight pala siya at mapahiya pa ko. Keri lang siguro kung hindi na kame magkikta ulit pero malabo yun kase madalas ko siyang nakakasakay sa train. I really don't know what to do. Tsss.

Napakabait talaga ni Father God dahil sinagot niya agad yung mga tanong ko. Sa wakas eh naging prepared na kong sumama sa religious activity ng friend kong si Eunny. Na-recruit lang din siya ng isa naming officemate na umattend sa activity na 'to named Doulos. Kinabahan ako nung una kase me activity para sa mga first-timers. Eh hindi pa naman ako sanay na ganun. Na makiki-mingle agad sa mga taong first time ko lang nakita. Mabuti na lang at hindi ako sapilitang pinasali sa laro. Hahaha. Tamang tama naman ang topic. Love. Me isang preacher for every session. And syempre the Love of God for us ang tinumbok ng usapin. Masaya, nakakakilig ang kwento ni Sir na nag-share ng kanyang love life. Pero syempre medyo out of place ako kase pang-straight people yung preach pero keribels na din. Nakakakilig pa din. Nakakatuwa. Nakakataba ng puso. At sa dulo, isang bagay ang natutunan ko. Na ang Diyos, alam Niya ang bagay na hinihiling natin sa kaibuturan ng ating mga puso. Bago pa man natin ito maisatinig, alam na Niya. Kaya't huwag magmadali. Manalig lang sa Kanya. Dahil Siya lamang ang tunay na nakaaalam ng mga bagay na makakapagpasaya sa atin. Ng mga bagay na maghahatid satin sa tunay na kasiyahan. :-)

Naliwanagan ako sa sa mga aral na natutunan ko that night pero hindi ko pa rin isinasantabi yung bagay na walang darating para sakin. Kase baka ang balak ng Diyos para sa akin eh ang mamuhay ng walang kapareha ngunit puno naman ng pagmamahal galing sa ibang tao habang ako'y tumutulong sa mga taong nangangailangan ng aking tulong. :-)

Ang title ng post na ito ay hindi lang tungkol sa pagkahumaling ko ke Ching kundi ang pagiging alipin ko sa Diyos. :-)

Keep safe guys. Godbless us all. Mwah. :-)


Sunday, February 5, 2012

The Weird Me


Hay nako, I've never learned talaga. Heto na naman ako. Kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo ko. Nakakainis kase hindi ko alam kung bakit andali kong maattach sa isang tao lalo na kung sa guy. I mean, kahit na hindi kame close basta naging mini crush(me ganun ba? basta yung na-attract ako sa kanya) ko siya, magsisimula na kong makaramdam ng mga bagay na hindi talaga normal. Nasabi kong hindi normal kase madami dami na din akong napagkwentuhan ng ugali kong iyon and all of them agreed na super weird ko dahil dun.

Galing na naman ako sa school (my alma mater PLM) para magpanel sa mga magdedefense. I was informed na baka hindi ko mahandle lahat ng pinanelan ko last sem dahil apat sila and ang ideal na number na pwedeng i-handle sa isang araw eh dalawa lang. Pero dahil sa sobrang bait ko(ako na!!!), kase nga mahihirapan sila(yeah, super concerned ako sa kanila. LOL) kapag ibang panel yung maghahandle sa kanila dahil back to zero na naman sila, I decided na pagkasyahin ko na lang silang apat sa loob ng limang oras. Kumusta naman yun diba. Ganun ko sila kamahal. Chos! 

First in line na nag-defend sakin eh yung sisterette kong sila Abdul. Hahaha. I'm really expecting something from all of them kaya super na-disappoint ako ng makita ko ang outcome ng system nila Abdul. Hay naku, nakakawalang gana talaga. Pero dahil super bait ko nga, pinagdefense ko pa din sila kahit konti kaya medyo me score pa naman sila which is not normal kase nga wala silang mapakita sakin. Kaloka lang. Ako na talaga ang mabait. LOL.

Next is sila Mr. Earthquake na nga. Eto na. Eto ngayon yung dahilan ng post na ito. Actually, hindi ko na nga siya masyadong napagiiisip nowadays kase nga me jowa siya. So hands off na. Straight eh. Walang pag-asa. Pero nung nagsimula na naman ang kantyawan (yung prof kong bading din ang nagpasimula) at nung nakita ko na siya and nagsimula na sila, hindi ko na naman siya matignan ng mata sa mata. Hello, ako ang panel and ako yung nahihiya. Ano ba yun?! Eh kaseeee naman eeeeehhhh. Landi lang. Hahaha. That time, parang medyo normal normal pa yung nararamdaman ko. Hindi pa ko makapag-emo kase andyan pa siya. Me mga tao pa. Me mga makakakita pa.

Sa mga sumunod kong pinanelan ko (two groups pa. Isang duo, isang trio), nag-enjoy naman ako kase maayos yung system nila compared sa dalawang nauna. Yes, hindi pa masyadong maayos yung gawa nila Mr. Earthquake sa hindi ko malamang kadahilanan. Alam nila yung gagawin nila pero hindi pa nila na-a-apply. Kaya puro chance na lang ang binigay ko sa kanila. Matataas ang mga binigay kong rating sa kanila assuring that they will do the changes I've told them and they will present it to me again sa next defense. Yes, me next defense. Makikita ko na naman si Mr. Earthquake. Goodluck na lang sa mangyayari sa akin.

Overall, ok naman yung mga nangyari sakin sa school until nakauwi na ako ng bahay at nang matutulog na. Ewan ko ba, lagi akong nakakaisip ng mga bagay bagay na hindi ko alam kung dapat ko ba talagang isipin kapag matutulog na ko. Ayun nga, naalala ko na naman si Mr. Earthquake, nag-emo and here I am, hanggang ngayon, nag-iisip pa din ng mga bagay bagay tungkol ke Mr. Earthquake. Hay. Sana mawala na yung bad habit ko na to. I'm sure my life will be more colorful. Chos!

Keep safe guys. Godbless. Mwah. :-)  

Sunday, January 22, 2012

Traumatized


Almost two weeks na nang mangyari ang isa na namang first time sa buhay ko. Hanggang ngayon eh isa pa din ako sa libo libong commuters ng PNR trains. Umalis ako ng bahay ng Lunes na iyon na inaakalang ang umagang iyon eh isang umagang walang makikitang pagkakaiba sa mga nakaraang umaga. Nabanggit ko sa huli kong post na maaga na akong umaalis ng bahay ngayon dahil na-deploy nga ako sa isa sa mga clients namin and they have these shifts na strictly implemented kaya hindi pwedeng malate ka. 

Medyo nabigla ako sa nadatnang bilang ng mga tao sa unang istasyon ng tren na siyang sinasakyan ko. Alam kong magiging bumpy ang biyaheng iyon kase mas madami ang mga tao ng mga panahong iyon kesa sa karaniwan. Dumami pa ang tao pero wala pa din ang tren kaya na-set na sa isip ko na nakatayo ako later. Hindi pa naman ako sanay kase lagi akong nakakaupo sa tren kase nga first station yung sinasakyan ko. Dumating ang tren at nakatayo nga ako nang nagsimulang umandar ang tren. 

Nakakailang istasyon na nang sumikip na ng sobra ang tren. Pinagsisiksikan kase ang mga pasahero dahil matagal pa ang susunod na biyahe ng tren. Nasa pang-apat na istasyon na ata nang me maramdaman ako sa likod ko. Deadma lang ako sa una kase syempre, siksikan, hindi mo na maiiwasan yun ganun. Pero ng nagtagal na eh nairita na ako. Nung una, keri lang talaga kaso habang tumatagal, parang nageenjoy siya. Nakakaloka lang. Naramdaman ko kase na tinalaban si kuya dahil sa sitwasyon namin. Nakakadiri lang kase sa butt ko pa talaga dinidikit ni kuya. Hindi lang iyon. Nakakaloka si Kuya. Feeling niya ata eh ang-eenjoy ako sa ginagawa niya, aba, nag-change location pa. Pinagsiksikan pa niya yung sarili niya sa tabi ko and my gosh, nilagay talaga niya yung kamay niya sa harapan ko. Eeeewieee talaga. Dumiskarte talaga siya para magawa yun. Yung bag ko kase nasa harapan ko para safe. Eh sling bag yun then hawak ng tight hand ko yung right side nung bag. bale naka-45 degrees yung bag sa katawan ko kaya akala niya ata eh ginanung posisyon ko talaga para magkaroon ng space para sa kamay niya. Kapal lang. 

Lalo pang nakakabadtrip kase nung tinignan ko si kuya, ampanget panget pa niya. Hindi naman sa nanglalait ako. Ok fine nilalait ko na siya. Hindi din naman choosy ako no! Hindi ibig sabihin niyan na if he's gwapo, then go. Lalo lang talagang nakadagdag sa pandidiri ko yung itsura niya. Hahaha. Alam kong if me nakabasa nito, s/he'll say na nag-iinarte ako pero I know deep inside my heart na I'm not. Kung sino man ang nakasubaybay ng blog na ito at sa mga taong nakakakilala sa akin, alam niyo na super conservative ako. And parang I'm so kj because of that pero hindi niyo naman ako masisisi. It's brought kase ng environment na kinalakihan ko kaya sana eh maintindihan niyo ako.

OA mang isipin na na-trauma ako sa nangyari, you can't blame me. Hindi talaga ako natuwa doon at ilang araw ko ding ininda yung epekto non sa akin. Nakakatawa pa nga kase the day after the day after that (magulo ba? Monday yun nangyari then the Wendesday. Ok na? LOL), nakita ko na naman ang damuho. This time, pinagmasdan ko talaga siyang mabuti and nahuli ko siya me binibiktima na naman. Well, hindi ko masabing binibiktima dahil parang nasasarapan pa si kuya sa ginagawa ng kriminal. Hahaha. This time kase, si kuyang pervert naman yung nasa unahan then nakita ko talagang sinasadya niyang churvahin ng kanyang butt yung churva ni kuyang nasa likod. Nakakaloka lang. Oh well, good luck na lang sa kanila. Hahaha.

Change topic. Hindi pa din kame masyadong busy ngayon sa work kaya aral aral muna. Omg, me kukuwento pala ako. Me bago na akong crushie ngayon sa company pero sa tingin ko straight si crushie kaya wala na naman akong pag-asa. Hahaha. Kinikilig talaga ako pag nakikita ko siya. Lol. Yun lang. I just wanna share. Hahaha. Hindi ko alam kung pano ko malalaman yung name niya kase walang name nila yung cube nila. Ayun. Namomroblema tuloy ako. Chos! By the way, adik na adik ako ngayon sa Becky Nights podcasts featuring Jake Galvez, Matt Gozun and Buern Rodriquez with the very special participation of the becky queen Ms. Divine Lee. Nakakaloka yung mga episode nila. Pa-naughty ng pa-naughty habang tumatagal. I know, I'm so late na kase early last year pa sila nagsimula. Pero I don't care. Ang mahalaga, natuklasan ko pa din sila. Better late than never. Haha! Sa ngayon eh nasa episode 2o+ na ako ng season  nila and I can't wait na to listen to their next episodes. :-)

Another thing, thank you so much sa company namin dahil sa pagkakapanalo ng team namin ng Team of the Year award. Nagkaron tuloy ako ng maliit na commission. Chos! Hahaha.

That's all guys. Stay safe. Godbless. Mwah. :-)



Sunday, January 8, 2012

New Office

I have a new office!!! Malapit lang naman siya sa bulding ng mother employer ko. It's just a jeepney ride away. Nadeploy ako dun kase wala na atang project sa company namin na doon magwo-work. Naubusan na. Hahaha. Kaya eto ako ngayon, client-based na.

Three months lang naman ako dun. Yun yung sabi. Depende na lang siguro kung ie-extend kame ng client. Nakaka-one week na ko dun kaya 11 weeks na lang. Wahaha. Masaya naman ako dun kahit wala akong ka-close na nakasama ko sa pagkaka-deploy. Apat kaming napadala sa client. Mabuti na lang at lahat ng kasama kong na-deploy eh approachable kaya naman they're making my stay there lighter. Alam niyo naman kase na hindi talaga ako palakausap sa mga lalake. Hahaha. Kaya naman sa kaniang tatlo eh yung nag-i-isang girl yung ka-close ko ng bongga. Buti na lang talaga nandun si Lhen kase hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya. Drama lang. Hahaha. Btw, ironically, inis na inis ako dati ke Lhen kase nagkaron ng time na nagkaron kame ng misunderstanding na nakalimutan na ata niya. Hindi na nga siya aware dun eh. Hindi ko na lang pinaalala. Kung dati, eh inis ako sa kanya, ngayon, super close na kame. Ata. "Friend" na nga yung tawagan namin eh. Hahaha.

Natutuwa ako din ako sa ibang mga kasama ko. Yeah, sa iba lang. Hindi ko feel yung ibang lalaki eh. Hahaha. Tapos wala pang masyadong gwapo sa team. LOLOL. Nakakatawa/ nakakainis/nakakairita nga pala yung team lead namin. Hahaha. Nakakainis/nakakairita yung ugali niya. Grabe daw yun makasigaw sa mga members niya. Nakakaloka lang kase sisigawan ka daw niya sa mereseng madaming taong nakapaligid and take note, meron din daw mga bosses dun. Natatakot tuloy ako sa kanya. Mabuti na lang malayo siya sa pwesto namin ngayon. Nasa conference room pa alng kase kame. Wala pa kaming workstation. Pulubi much lang sila. Hahaha. Pero ok lang naman. Ok naman dun sa pwesto namin ngayon. Katabi nga lang namin yung room ng CEO kaya hindi masyadong makapag-ingay. Hahaha.

Nasa 46th floor nga pala ako dun sa building namin ngayon na highest building ata sa Philippines. Nakakaloka lang. Imagine na lang yung kalagayan ng tenga ko after taking off the elevator everytime na papasok ako. Inis ako sa kamahalan ng pagkain nila dun. Mahirap magtipit at makaipon tapos lumayo pa ko ng konti kaya nadagdagan din yung daily expenses ko sa fare. Ayun. Pero so far naman, ok lang ako dun. Masaya naman at na-e-enjoy ko naman. Hindi ko lang sure kung ma-e-enjoy ko pa kahit bumuhos na ang trabaho. Toxic pa naman daw dun. Kaya wish me luck na lang sa future ko sa work na to. Haha.

Keep safe. Godbless. Mwah. :-)


Sunday, January 1, 2012

Final Bow

This is a re-post. :-)

____________________


Parang kelan lang, nagpapakahirap ako sa pagaaral. Overnight dito, walang tulugan duon. Defense ngayon, defense ulit bukas. Parang kelan lang, takot na takot akong isipin na baka hindi na kami magkita ni Covin. Parang kelan lang, kinakabahan ako kung gagraduate ba ako o hindi. Parang kelan lang, inaabot ko ang kunwaring diploma ko. Parang kelan lang, halos maiyak ako ng isa isa nang nagkaroon ng trabaho ang mga kaibigan at batchmates ko at ako ay wala pa. Parang kelan lang, nagkaroon ng problema sa health ko kaya hindi ako nakapasok sa unang dalawang araw dito sa kumpanya. Parang kelan lang, nahihirapan akong magadjust sa mga bagong tao at bagong kapaligiran.  Parang kelan lang, natanggap ko ang unang sahod ko, gumimik at nagpakasaya hanggang ito'y maubos. Parang kelan lang nang una ko siyang makita at magsimula ang kilig na nararamdaman ko. Parang kelan lang nang nakabili ako ng isang mahal na bagay na galing sa bulsa ko. Parang kelan lang.

Hay. Napakabilis talaga. Pero wala naman tayong magagawa diba? Nariyan na yan. Hindi na natin maibabalik. Hindi na natin mababago kung ano ang mga nangyari na. So better face the new chapter with a smile and confidence. Pagsisihan ang mga nagawang pagkakamali at gumawa ng paraan para ito ay maituwid. Pagbutihin pang lalo ang mga bagay na nakakatulong sa kapwa. Iwasan ang mga mali. 

Hindi ako gumagawa ng New Year's Resolution kase naniniwala ako na kung me dapat kang baguhin sa sarili mo, gawin mo na ito agad kung maaari. Hindi yung hihintayin mo pa ang Bagong Taon para duon magsimula. Paano kung mga March mo narealize na kelangan mong baguhin ang mga masasama mong gawi, hihintayin mo pa ba yung January 1 the next year para lang masabi na me New Year's Resolution ka. Parang tanga lang diba. Lol.

Napakadaming blessings ang natanggap ko this year at hindi ko alam kung paano ko magpapasalamat ang Diyos dahil dito. Madami din akong narealize na mga bagay na dapat kong ipagpasalamat. Thank you po so much Father God.

Anyways, madami akong planong gawin next year. Grabe, taghirap talaga ako nowadays kaya sinabi ko sa sarili ko na magiipon talaga ako ng bonggang bongga. Hindi muna ko bibili ng mga bagay na meron pa naman ako. Kelangan ko ding masettle lahat ng utang na meron ako. Hay. Ang hindi ko lang mapipigilan is yung mga nakaschedule ko ng lakad. LOL. Diyan ako mahinang kumontrol. Hahaha. Promise, after niyan, hindi na muna ako magyayaya at magpapayaya. Kelangan ko talagang magipon. Me quota pa nga ako eh. Dapat me ganito ganyan na akong amount of money in this certain date. LOL. Gusto ko ding gumawa ng stories dito sa blog ko. I'm inspired by my idol ARIS. Hehe. Pero siyempre magkaiba ng genre.        

Andami ko ding non-tangible hopes para sa susunod na taon. And here's the list. 
  

LIFE- Unang una siyempre ang buhay. Ano ba naman kaseng mangyayari sayo kung wala kang buhay no. Hindi lang yan yung simpleng buhay. Kasama na diyan yung social life. Imaginine mo na lang no kung buhay ka nga, wala ka namang kaibigan o kahit kakwentuhan man lang. Naniniwala ako sa kasabihan na "No man is an island". Sino ba naman kaseng tao ang kayang maging isla! ECHOS! Seriously speaking, all throughout my life. Kinailangan ko ng pamilya at mga kaibigan para mabuhay. Kayo rin naman dbah! Aminin!


LOVE- Sunod naman ang pagmamahal. Kinikilig ako sa tuwing makakakita ng couple. Dati, naiinggit ako't naiiyak kase lagi kong naiisip na hindi mangyayari sakin yon pero ngayon, nabuksan na yung isip ko na kahet walang taong magmahal sa akin, ok lang kase alam kong nandiyan lang si Papa God. =) Hindi Niya ko pababayaan. And I'm very sure of that!


HEALTH- Next is health. Paano mo naman maeenjoy ang buhay at pagmamahal na ibinibigay sayo kung nakaratay ka lang sa kama at hindi makapagsalita o kaya comatosed ka na. Naiinis ako sa mga taong pinapabayaan ang health nila. Isa na ko dyan. Lol. Isa din ang tatay ko. Inom kase siya ng inom ng alak. Pero pinapabayaan ko na lang. Magaaway lang kase kami. Sabi din kase ng bestfriend ko, hayaan ko na lang daw kase yun na lang yung nakakapagpaligaya sa kanya. Matagal ko bago natanggap yung konsepto na yun pero di naglaon, pinractice ko na din kesa naman magaway lang kame ng bonggang bongga.
  

PEACE- Tulad ng lahat ng tao, isa yan sa matagal ko na talagang pinapanalangin. Hindi lang sakop ng sinasabi kong kapayapaan ang kapayapaan sa pagitan ng mga bansa, nasyon o ng bawat tao kundi ang kapayapaan sa bawat tao mismo. Yung tipong walang alalahanin sa puso. Kasama na din diyan ang pagkakapantay pantay. Yung walang diskriminasyon. Sa kulay man, hitsura, lahi or even, syempre, sa kasarian. Matagal ko ng pinapangarap na mawala ang mga diskriminasyon na iyan lalung lalo na siyempre yung huli. Iniimagine ko tuloy kung anung hitsura ng mundo kung wala lahat yan. Hay!


PROSPERITY- At last but definitely not the least ang kasaganahan. Sapat na pagkain sa mesa, perang panggastos sa buong taon, oras sa pamilya, trabaho.

Ansarap imaginine na ang mundo natin ay punong puno ng mga nabanaggit. Punong puno ng buhay ang mundo, lahat ng tao ay nagmamahalan, malusog ang mga mamamayan, walang away at kalungkutan, naguumapaw sa kasaganahan. Hay. Kelan kaya mangyayari yon. Sana next year na. Magtulong tulong tayong lahat. Walang imposible sa mata Niya. Kaya natin yan. Kahit paunti unti. Sure ako na magagawa natin yan basta me tulungan. Tara na!

Again, Happy Christmas! Mabuhay tayong lahat. May all of us have a New Year full of LIFE, LOVE, HEALTH, PEACE and PROSPERITY. 

Ingats guys!  Huwag na tayong magpaputok! Godbless to all of us!  =)  :-)  =)  :-)  =)  :-)  =)  :-)    

Thursday, December 29, 2011

Happy Holidays!


Dumaan na pala ang Pasko ng wala man lang akong post. Ewan ko ba. Siguro dapat nasa hiatus mode ako ngayon pero dahil ayaw kong mabakante ng bonggang bongga yung blog ko kaya heto ako ngayon. Marami rami na ding nangyari sa akin nitong mga nagdaang linggo. Una na riyan ang nabanggit ko sa aking huling post na pagkakakuha ko ng planner ng Starbucks na tinuturing ko talagang achievement. Actually mas natuwa pa ako sa pagkaka-redeem ko ng planner kesa sa pagkakabili ko ng susuotin ko sa Christmas Party. Sa parehong araw kase nangyari yan. 

Nasa Megamall kame nun para maghanap ng aking outfit for our Christmas Party. That was December 10 and the party was 4 days after that kaya naman nagkukumahog na akong makahanap ng aking outfit. Black and White ang theme namin. Sa simula pa lang ay decided na akong maglo-long sleeves polo na lang. Pero tatlo yung pinagpipilian ko. First is magko-coat and tie, second is the long sleeves polo and the third one is long sleeves t-shirt. Pero naisip ko na baka ma-over dressed naman ako kung yung first option yung pipiliin ko and baka naman ma-under dressed naman ako kung yung third. Kaya I settled for the second one na lang para safe. Sa tingin ko naman eh ok yung outcome nung black and white ek ek ko nung Christmas Party. I wore white long sleeves polo with three black something (lol) sa gilid with matching tie, black shiny not-so-skinny pants and white shoes. Nagustuhan ko ang outcome ng experiment ko pero tila ako lang yung natuwa. Hahaha. Well, past is past. Let's all forget about it na. Chos! Anyway, as usual, wala na naman akong napanalunan sa raffle namin considering na sobrang dami na ng prizes. Kahit GC man lang, hindi ako nanalo. Hahaha. Ewan ko ba, siguro malas lang talaga ako sa mga ganyan. Ever since naman kase, hindi ako swerte sa mga raffle. Nakakatawa lang kase me nangyaring twist nung party. Inaasam asam ko kase talaga yung iPad 2 sa raffle. Beforehand, we were informed that only one iPad will be given away but right after makuha na yung first iPad and nanlumo na ko (wahahaha), here comes the emcee announcing na meron pang isang extrang iPad. Ako naman, super na-excite ng bonggang bongga. Hahaha. Ending, hindi pa din ako nanalo. Umuwi kameng luhaan. Chos. Madaming pakulo nung Christmas Party namin. Kudos to the organizers. Meron kaming photobooth na instant mong makukuha yung pictures mo after the "pictorial" and meron ding taga-draw ng caricature mo. Bongga talaga. Hindi ko lang nagustuhan yung outcome nung akin. Nakakatawa kase, after 48 years of waiting there habang pinipigilang gumalaw, duling yung outcome ko. Nabulalas ko tuloy, "Ang pangit naman". Hindi ko talaga sinasadya yun. Promise. Anlakas pa ng pagkakasabi ko. Nakakahiya tuloy ke manong na nag-draw sakin. Ang ibig ko lang namang sabihin dun. Ang pangit ko pala pag sa drawing not ampangit pala ng drawing niya. Sorry talaga kuya. Actually, napahiya ako ng bongga sa sarili ko after that. Feeling ko, ako mismo yung sumira sa gabi ko. Kaya from the bottom of my broken heart (hahaha), sorry po talaga kuya. Peace na po tayo. Hehe. Free flowing ang drinks that time kaya naka-dalawang tanduay ice din ata ako. Chos. Isa lang ata. Nakalimutan ko na kase. Hahaha. Super agang natapos yung party. Eh kase ba naman, me work pa kinabukasan kaya ayun, nagsi-uwian agad yung iba. 12:30 pa lang nagliligpit na kahit nagsasayaw pa kame sa gitna. Hahaha. Yeah, totoo, kameng batch na lang talaga yung naiwan sa dancefloor kuno. Hahaha. Ending, diretso kameng Starbucks sa RCBC para mag-coffee at magpalipas ng gabi sana kaso nagsara siya ng 2am kaya umuwi na kame. Taxi ako ng bongga kaya nalagasan ako ng ilang daan. Hahaha. Ayun lang. Btw, eto pala ako nung party. Walang tawanan ha. Hahaha.




(Hanapin niyo na lang ako. Hahaha)


Next na highlight ng mga nagdaang linggo sa buhay ko eh yung aking birthday. Hindi ako palahanda sa birthday ko. Madami kasing me birthday samin ng December kaya dun na lang ako bumibili ng handa. Nakakairita nga yung mga nagsasabi dito sa bahay na birthday na birthday ko, wala man lang akong handa. Eh sana kaya kayo naman yung gumastos para sakin no! Sa totoo lang nakakalungkot lang isipin na ako na lang laging gumagastos sa mga selebrasyon dito sa bahay. Napaisip tuloy ako kung kelan naman yung ako naman yung gagastusan nila sa birthday ko. Yung me effort naman. Hindi yung just for the sake of celebration lang just like nung bata ako. Siyempre hindi ko pa yun masyadong na-a-appreciate hindi katulad kung ngayon ko yun mararanasan. Wala lang, nag-i-inarte lang. Hahaha. Anyway, umalis kame ng bestfriend kong si Macky nung birthday ko. Gusto ko sanang pumunta sa kahit saang amusement park pero hindi daw siya pwedeng gabihin kaya nag-settle na lang kaming maglunch and manood ng sine sa Glorietta and Greenbelt, respectively. Mission Impossible 4 : Ghost Protocol it is. Sa hindi ko malamang dahilan, hindi ako masyadong nakatutok sa movie kaya hindi ko masyadong nagustuhan ang latest installment ng movie ni Tom Cruise na halatang hindi na bumabata. I'm giving the movie 8 out of 10. Nagkaroon pa ng hindi kaaya-ayang pangyayari non. Akala ko tuloy masisira na yung birthday ko dahil don. Pauwi na kame ng mapansin kong hindi ko na hawak yung gift na bigay sakin ni bessy. Naka-paper bag kase yun. Tapos naka-tape pa kaya hindi ko pa talaga nakikita yung laman nun. Kaya madaling madali kame na bumalik sa cinema para tignan kung naiwan namin sa loob yung gift. Ayon kase sa memory ko na pumupurol na ata, hawak ko pa yung paper bag nung nakapila kame papasok sa cinema. Matagal tagal din naming hinintay si kuya na nagkakalkal sa trash area nila para tignan kung nandun ba yung gift pero wala. Nawalan tuloy ako ng pag-asa na makikita pa siya kase nga akala ko talaga dun ko siya naiwan. Nag-dalawang isip pa kong balikan pa sa kinainan namin mabuti na lang at nagbaka-sakali kame. Hayun at duon ko nga naiwan. Thanks to the crews na tinabi pala sa service room nila. Thanks to God talaga at nakita ko pa yung gift na yun. Pinagkasya ko agad sa loob ng bag ko yung gify ni bessy kase baka kung saan ko na naman maiwan.

Then Christmas time na!!! Bumili ako ng gift ko para sa sarili ko. Gumastos din ako ng bonggang bongga that time kase inabot ako ng 400 sa taxi. Nakakaloka lang. Hahaha. Nanood kame ng friend kong si Helaine ng Segunda Mano noong hapon ng Christmas day. Nagustuhan ko naman yung movie but I expected so much kase it's Kris Aquino's eh. Eh alam niyo naman na super fanatic ako ni Kris na kahit nanay ko eh nakaka-away ko sa pagtatanggol sa kanya. Hahaha. The movie is just like other English indie-film out there. Pero I'm giving credits pa rin ke Kris for producing a film na bongga kung manakot at bongga din kung mapatawa. Dapat talaga nasa top billed ng movie si Bangs Garcia eh. Instant fan niya ko dahil sa kakengkoyan niya sa movie. I'm also giving the movie an 8.

Malilipat na pala ako ng building next year. Na-deploy kase ako sa client namin. Hindi naman kalayuan sa main office namin yung lilipatan kong building. It's just a few meters away. Isang jeep lang. Sa Ayala Ave. lang naman yun. The company is on 45th-47th floor. Nakakaloka lang. Goodluck na lang sa tenga ko. Three months lang daw kami dun. Pero hindi ko sure kung ma-e-extend ako dun. Goodluck na lang to me. Ayun lang. Hahaha. Naasikaso ko na pala kahapon at kanina yung mga government papers ko. Pag-ibig na lang ang kelangan kong ayusin. Oo, love na lang. Chos! Yung Pag-ibig na yan eh yung government agency huh! Correction lang. Hahaha. Gosh, wala na kong masabi. Babush na nga. Hahaha.

Keep safe guys. Godbless. Mwah. :-)


Saturday, December 17, 2011

Happy Debut to me!!!

Antagal ko na palang hindi naa-update 'tong blog ko. Nawalan na kase ako ng access sa blogger dun sa office. Tapos tinatamad naman akong gumawa ng entry dito sa bahay kase late na din ako umuuwi and hindi ko matyempuhang walang tao dito sa sala. Nahihiya kase akong mag-type ng bonggang bongga dito sa bahay. Siyempre, magiging curious yung mga kasama ko sa kung anung pinagkakaabalahan kong isulat. And yes, wala kaseng nakakaalam nitong blog ko dito samin kaya hindi ako makagawa ng entry dito sa bahay. Andami ng nangyari sakin nitong mga nagdaang linggo pero hindi naman masyadong nakaka-excite yung iba kaya hindi ko na iisa-isahin maliban na lang sa pagkakaroon ko ng Starbucks Planner 2012 and yung nagdaang Christmas Party ng company namin. Pero next time ko na yun ikukuwento. Pag me time na talaga. Hahaha. Anyway, bakit nga ba ako nagsulat/nagtype ngayong araw na ito? It's because of one thing. It's my birthday. Not just like any other birthday of a person because it's my debut today!!! Wala naman akong 21 roses. Kase walang balak gumastos ng bongga. Chos! Nakaugalian ko na kaseng hindi maghanda tuwing kaarawan ko because of one thing. Madami kaseng ibang selebrasyon yung nakapagitan sa birthday ko. Kaya imbes na maghanda pa ko dito sa bahay, isasama ko na lang yung handa ko sa ibang birthdays ng mga tao dito. Tatlo kase yung birthday na napakalapit lang sa birthday ko. Birthday ng brother and ng two of my pamangkins. Kaya ayun. Tapos idagdag pa ang holiday season. Ayun lang. I just wanna share to you na birthday ko ngayon. Wala akong balak na bongga later. I'll just meet my bestfriend Macky and maybe we'll go to any amusement park or just watch a movie. That's all. Magsisimbang gabi din ako later with my mom na nakatampuhan ko lately (oh no, not again! ~___~) and maybe it's time to heal our wounded hearts. Chos! I'll end this post with a toast. Let's drink to that! Wish me a happy birthday guys! Mwah. Keep safe always. Godbless. :-)

Monday, November 7, 2011

In Fairness


Malapit ako sa Diyos. Yan yung sa tingin ko ha. Hindi ako lingguhang nakakapagsimba ngunit sinisigurado kong gabi gabi akong nakakapagpasalamat at nakakahingi ng tawad sa Kanya. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal Niya sa akin. Kaya naman naniniwala ako na mahal tayong lahat ng DIyos. No doubt about that. Pero minsan, hindi ko maiwasang mag-wonder kung bakit me mga taong nailinya sa mga hindi kagandahang kaganapan sa buhay. Naintindihan ko naman ito dahil sa palasak na “Lahat naman ng tao, me problema”. Oo gets ko yun. Pero ang naitatanong ko minsan, bakit yung sa iba, sobrang bigat nung dinadala nila. Bakit hindi pantay pantay yung pagkakahati ng mga problema natin. Katulad na lang ng mga nasa ibaba.

Discrimination – Unahin ko na yung problema ko at ng karamihan din ng mga tao sa mundo. Sekswalidad at lahi. Yan yung kadalasan na uri ng diskriminasyon sa mundo.

     Sekswalidad. Tsk3. Ito yung pinakamalaking problema ko ngayon. Nagtataka kase ako kung bakit me ibang tao na mababa ang tingin sa mga taong kasali sa ikatlong kasarian. Kung bakit kelangan pa kameng gawing katatawanan. Ano kaya napapala nila dun? Nagpapataas ba yun ng antas ng pagkatao nila? Parang hindi naman. Dati, sa sobrang pagkairita ko sa mga ganitong uri ng mga tao, naipangako ko sa sarili ko na someday, pag nakita nila ako, kusang babalutin ng pagkapahiya ang mga sarili nila. Sinabi ko noon na darating ang panahon na titingalain nila ako, kabaligtaran ng pagtapak nila sa pagkatao ko noon. Chos! Wow, Vice Ganda ang peg ko dun! Speaking of Vice Ganda, isa ako sa mga super fans ni Vice. Biruin mo naman, kahit gay siya, hinahangaan na siya ng milyong milyong mga tao. Isa siya sa mga bading na nagpapataas ng tingin ng mga tao sa mga bakla. Kaya naman natutuwa ako sa kasikatang tinatamasa niya ngayon. At least, may isang Vice Ganda na nagtatanggol sa kanyang mga kalahi at nagbabandera ng talent ng mga katulad naming. Ansaveeeeeh?!

     Lahi. Kadalasang nararanasan ito ng mga mamamayan ng isang mahirap na bansa. Nagkakaron kase ng parang tatak na kapag mga ganitong bansa ka galing, automatic na akala nila eh mangmang ka na. Like for example, kapag naga-apply sa isang trabaho sa isang bansa na paerhong dayuhan ang isang taga-USA at isang taga-Pilipinas, given na pareho naman sila ng antas pagdating sa mga kinakailangang skills, more likely na matatanggap pa din eh yung taga-USA for obvious reasons. Don’t deny it. Malamang kase eh iniisip ng mga employer na porque galing sa isang makapangyarihang bansa ang isang tao, mas magaling na ito kumpara sa isang tao na nanggaling sa isang dukhang nasyon. Isa pa sa diskriminasyon na me kinalaman sa lahi eh yung pagsukat sa isang tao sa pamamagitan ng pagtingin sa balat. Nakakaloka lang. Para kasing lumalabas na superior yung mga puti sa ating mga kayumanggi at maiitim. It seems like jina-judge tayo sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kulay n gating balat. And it’s so unfair you know!

Poverty – Isang palasak na problemang nararanasan ng halos karamihan ng mga taong nabubuhay sa buong mundo. Hindi ka na lalayo dahil ditto pa lang sa Pilipinas eh sandamukal na yung nakakaekspiryensya nito. Maraming mga tao ang hindi nakakakain ng pagkain na sapat upang mapunuan ang kinakailangang sustansya n gating katawan. Nakakalungkot lang isipin na malaki ang kasalanan talaga ng pamahalaan ng isang republika sa kung bakit nararanasan ito ng kanilang mga nasasakupan. Kung maayos lang ang pagpapatakbo nila dito, tiyak na kahit papaano eh unti unting mababawasanang mga naghihikahos nating mga kababayan. Kasabay na nito ang pagbawas ng mga krimen na kadalasan ay nag-uugat sa kakulangan ng salapi. Minsan naitatanong ko sa sarili ko kung bakit hindi na lang gumawa ng madaming pera ang pamahalaan at ipamudmod ito sa mga mahihirap. DIba, diba?! Eh kaso nabasa ko sa isang pag-aaral ang dahilan kung bakit ito hindi ginagawa. Sabi nila, hindi na daw magiging balance ang ekonomiya. Geez. Ditto sa pagkakataong ito nasasabi at sigurado akong itong parte ito ng napakalaking suliranin na ito ay tayo ang me pagkakamali. Na-conclude ko na pinapahirapan lang natin an gating mga sarili. Binibigyan natin ng problemang hindi naman dapat problemahin dahil napakadali lang ang solusyon. Ginagawa lang nating komplikado. Weird!


Kapansanan – Hindi na lingid sa ating kaalaman ang iba’t ibang kapansanan na nag-e-exist ditto sa mundo. Nariyan ang mga bulag, pipi at bingi. Dagdag pa ang mga kakaibang deformities sa katawan ng isang taong me kapansanan. Isama pa ang mga may suliranin sa pag-iisp. Mabilis akong maawa sa mga taong me kapansanan. Lalo na kung sinabayan pa ito ng mga maluliubha pang problema tulad ng kahirapan. Minsan, na-i-imagine ko yung sarili ko na nasa kalagayan nila at talagang nalulungkot ako sa mga imaheng nabubuo sa isipan ko. Tulad na lang ng kahirapang nararanasan ng mga taong bulag. Napakahirap mabuhay ng walang paningin. Alam naman nating lahat iyan. Halos kapareho din ng kahirapang nararanasan ng mga taong pinagkaitan ng isa sa mga five senses ng tao. Nako, paano pa kaya kung dalawa o higit pa sa mga ito yung wala ang isang tao. Nakapanood ako dati sa youtube ng isang video kung saan tinatampok ang isang tao na walang mga kamay at paa. At nakita ko kung paano siya nahihirapan sa kanyang sitwasyonpero pansin na pansin din ang kapunuan niya ng mga positibong paniniwala sa kanyang buhay. Amazing! Nawa'y maging katulad nating lahat siya.

Dalawa sa mga ito ang naranasan ko na. Well, actually, minsan, nararanasan ko pa din hanggang ngayon. Obviously, una na dun yung diskriminasyon sa sekswalidad. Hindi ko pa naman nararanasan yung diskriminasyon sa lahi. Thanks to Father God. Yung second naman eh yung poverty. Kahit na medyo nakaangat na ang lebel ng pamumuhay ko ngayon, hindi ko pa din masabing wala na ako sa grupo ng mga mahihirap na mamamayan. Sobrang hirap talaga makaranas ng mga problemang akala mo eh wala ng solusyon talaga. Pero come to think of it. Hindi kaya masyado lang tayong nagse-self pity kaya hindi natin nakikita yung mga simpleng bagay na ibinibigay Niya sa atin para ma-realize natin na the world is really fair? Is it possible na naba-by-pass lang natin ng tingin yung mga bagay na inihahandog Niya para sa atin? Hindi kaya masyado lang tayong naka-cling sa negative side kaya naman nabulagan na tayo sa mga blessings na natatanggap natin? Below are some realizations na sa tingin ko eh magiging matinding ebidensya para mapasinungalingan ang kotasyong "Life is unfair".

Diskriminasyon

     Sekswalidad. Look at the brighter side of life. Imagine kung hindi ka naging isang bading, nasaan ka na ngayon? Considering that your environment is really harsh. Siguro adik ka na ngayon dahil nasadlak ka sa isang bisyo na hindi mo na matakasan o kung hindi man, isa ka na lang tambay sa bahay at hindi makatulong sa magulang. Kung hindi pa rin, marahil isa ka ng batang ama ngayon. Napapabayaan mo ang responsibilidad mo bilang magulang dahil hindi ka naman nakatapos ng pag-aaral at umaasa pa din sa iyong mga magulang. Isa pa, sabi nila, mapagmahal sa magulang yung mga kasapi ng ikatlong kasarian. Hindi na ngayon matatakot ang single parent mong ama/ina na tatanda siyang mag-isa. Malamang din eh naging matagumpay kang propesyunal dahil naging motibasyon mo ang mga lait at panlilibak na tinanggap mo dati. Well, asan ba sila ngayon? Drooling over your success. Envy is all over them Pero ikaw, wag ka namang magyabang. Keep your feet and head down. at lalo kang maambunan ng blessings.  

     Lahi. Look at the brighter side of life. Gawing oportunidad ang mga bagay na nakahain sa harapan mo. Ayaw ka mang tanggapin ng ibang lahi, isipin mo na it's their loss not yours. Ibig sabihin lang ng pagtanggi nila sayo eh mas madaming oportunidad ang naghihintay sayo sa minamahal mong bansa. Hindi sa lahat ng pagkakataon eh masama ang rejection. Sigurado akong me kaakibat itong dahilan at mayroong naghihintay sa iyo na mas magandang pagkakataon. Always remember that He don't give us negative things like problems and rejections just for nothing. Every thing that happens in your life has its own reason. You just have to wait for the time para malaman mo kung ano yung reason na yun. Another one is don't cry over spilled milk. Yeah, ok lang na magdrama ka for a while but better be sure na sandali lang iyan and you'll soon pick up your sword and fight again.

Poverty - Look at the brighter side of life. Buo ang pamilya. Gawing inspirasyon ang pagkakaroon ng kumpletong mga mahal sa buhay. Sabi nila, money can't buy happiness. And I really have to agree with that. True happiness can't be bought in Rustan's. Hindi sa lahat ng pagkakataon eh pera ang makakapagbigay sa atin ng kaligayahan. Ngunit wag naman laging kumapit na lamang sa kung anong meron ngayon. Mangarap. Dream big but be sure to also win big. Ang isang pangarap na hindi naisakatuparan ay maituturing na kasayangan sa iyong buhay. At kapag narating na ang pedestal, always dont forget to thank Him at laging alalahanin na ang pagtitiis na iyong dinanaspara makarating sa iyong kinatatayuan ay para sa iyong mga mahal sa buhay.

Kapansanan - Look at the brither side of life. Gawing pagkakakitaan ang talento. Huwag pabayaang ang iyong kapansanan ang magiging dahilan ng pagiging miserable ng iyong buhay. Magkaroon ng motibasyon na hindi magiging hadlang ang iyong kapansanan sa pagtupad ng iyong mga pangarap. Gawing inspirasyon ang mga taong me kapansanan na napagtagumpayan ang laban ng buhay. One day you'll realize that there's more to come into your life. Hindi nagtatapos sa pagiging bulag, pipi o bingi ang buhay mo. Tumayo ka ng may dignidad at ipakita sa lahat na kaya mo.

Minsan, masarap talagang magmuni-muni mag-isa sa mga bagay bagay sa ating buhay. Marami kang mare-realize na mga bagay na magugulat ka at bigla  mong masasambit na "Thank God for all the blessings". Don't wish for the biggest things but for the best things. Not only for you but also for the people out there. Kaya tama na ang pagse-self pity. One day, you'll realize that there's another side of the story. Hindi lamang sa'yo umiikot ang mundo kaya wag nang magdrama. Look around you and you'll see different sides of the world. Pagtagni-tagniin ang mga bagay na iyong natutunan sa pagmamasid at sigurado akong sa isang konklusyon ka alng niyan dadalhin.

Look at the brighter side of life. Yes, life's really fair and yes yes yes, He truly loves us. No doubt about that. :-)

Keep safe guys. Godbless. :-)


Monday, October 17, 2011

Oh my Franco!

Me bago akong crush ngayon sa showbiz! Next to Jake Cuenca, super crush ko ngayon si Franco Daza!!! Hahahaha. Look below for reference. Lol. 

 
 
 

Grabe talaga. Kaya lagi akong nanonood ng Nasaan Ka Elisa eh dahil lang sa kanya talaga. Sunod na lang yung storyline nung palabas. Ngumiti lang siya dun, kinikilig na ko ng bonggang bongga. Bwahahaha. Ewan ko ba. Mahilig ako sa mga twink pero when it comes to actors, mas madami akong crush na barako like yun nga si Jake and si Rafael Rosell. Hahaha. Tapos sa mga twinks naman, si Arron Villaflor talaga yung super duper crush ko. Pero back tayo dun ke Franco. Matagal tagal ko na siyang nakikita sa TV pero ngayon ko alng siya naging super crush. Ngayon, tuwing nakikita ko siya, napapakanta ako ng "Common baby lemme see watchu hidin' underneath". ECHOS!!! Hahaha. Yun lang. I just wanna share. Wala akong pakeilam kung hindi niyo siya type. At least, konti lang karibal ko. Chos! 

Below are other pics of him. Salivate! Hindi na ko maglalagay ng madami. Baka ma-rate as X itong blog ko. Wholesome pa naman ako! LOL.




Keep safe Franco.  Chos! Keep safe guys. Godbless. :-)