Powered By Blogger

Sunday, February 19, 2012

I'm A Slave For You

It has been a while since I last treated myself with the things I really love to buy kaya naman ini-schedule ko last week na bibili ako ng ilang items of clothing for myself. Gora agad ako sa Department Store para maghanap ng mga mabibili. Strict ang budget ko kaya sa mga hindi kamahalang brand ako bumili. Hahaha. Diretso ako sa salon para magpagupit. Umuwi na din ako after. Masaya and contented naman ako sa mga nabili ko para sa sarili ko. And I can say na kahit ako lang mag-isa ang nag-malling and nag-shopping, keribels na din naman. Kahit kase approaching na ang Hearts' Day eh nakaya ko pa ding lumakad mag-isa. Ako pa na isa sa mga emotional kapag dumadating ang mga okasyon na me kinalaman sa pagiging alone and lonely ko. Arte lang. Hahaha.

Dumating na nga ang Araw ng mga Puso. Nagsimula at muntik ng matapos nang normal naman ang araw ko kung hindi lang dumating ang oras ng uwian. I thought nakatakas na ako sa mga pag-e-emo pero ng nakaupo na ako sa bus at simulang tumugtog ang mga malulungkot na kanta sa playlist ko, (ok fine, fault ko din na nag-emo ako kase sa emo playlist ako napadpad. Hahaha.) doon na ko nagsimulang mag-emo. Yes! Nag-emo ako sa bus. Unti unting tumulo ang luha ko habang nagbibigay si kuyang konduktor ng mga tiket sa pasahero. Chos. Pero madali lang din naman akong nakabawi. Deadma sa mga girls na may hawak ng flowers. Tagos tagusan na lang din ang tingin ko sa mga couples na magka-holding hands na nakakasalubong ko. Minsan tuloy natatanong ko kung ano kayang feeling ng hindi single. Lumandi tuloy ako ngayon... ng konti. Yes, konti lang.

Effect ng pagiging malandi ko nowadays ang pakikipagsikikan ko sa crush ko sa tren. Iba to. Yes, me crush na naman ako sa tren. And yes na naman, andami kong crush. I know right! Siguro kapag nilista ko sila eh lalagpas sila ng 15. And me ranking pa yan. And number 1 siya. Wahahaha. Pero ang masaklap dun eh mga 80% sa kanila ay straight. Ahhhhmmm, I think so. Kase karamihan sa kanila, either me girlfriend or borta na tipong manggugulpi ng bading. Hahaha. Eto na ang kalandian ko. Actually, medyo demure pa yung ginawa ko kung iko-compare sa iba. Hahaha. No offense meant to others ha. Pero kase nga naman sa sobrang arte at drama ko, puro tingin na lang yung nagagawa ko. Hahaha. So eto na!!! Last week ko narealize na bonggang bonggang crush ko na pala si, let's call him, Chin. Chinito kase siya. And hindi ko din alam yung name niya. So as I was walking on the aisle ng tren, hinahanap ko na agad siya. Yeah, ganun ko siya ka-crush. Hahaha. Naupo akong dismayado dahil hindi ko siya makita kaya umupo ako na lumong lumo. But shetness, paglingon ko sa kaliwa ko, ohhhh myyyyy gooooosh, andun pala siya kaya sinamantala ko ang pagkakataon. Kahit malaki pa ang space between us, tinodo ko na! Kapag me uupo sa tabi ko, umuusog ako papunta sa direction niya. Hahaha. Para-paraan talaga. Nagkaron pa ng awkward moment kase tumabi sakin yung schoolmate ko dati na hindi ko ka-close kahit lagi kaming nagkikita sa university. Kaya naman nag-post talaga ako sa fb na yun na ang most awkward moment in my life. Totoo naman kase eh. Ang hirap kaya. Kaya gumawa ako ng paraan para matigil na ang awkward moment na yun pero my gosh, mas naging awkward pa yung moment. Kase me babaeng sumiksik ng bonggang bongga sa right side ko. As in bonggang bongga talaga. As in!!! Kaya super close kame ng bonggang bongga ni Chin. Super close talaga. As in talaga!!! Hahaha. Super shoulder to shoulder and arm to arm kame. Grabe. Bongga talaga yung moment na yun. My gosh talaga. Kaso nga lang nakalong-sleeves ako nun kaya me nakahadlang sa pagkakadikit namin ng skin to skin. Hahahaha. Nakakaloka lang kase sa sobrang kilig ko nun, hindi ko na napalitan ang current na kumakanta sa player ko. Naka-repeat kase siya para maganda ang backgroud music habang naglalakad ako galing ng bahay. Hahaha. Guess what it is. I'm a slave for you by Britney Spears. Nakakaloka lang. Bagay na bagay. NAKAKALOKA!!! Hahahahaha.

Naging super saya ng araw ko dahil dun. Wala talagang nakasira ng mood ko. My gosh lang. Hahaha. Super epic talaga ng moment na yun. Lalo tuloy uminit ang marubdob kong nararamdaman para ke Chin. Chos!!! Hahahaha. Kaso me problema ako. Mukahng straight na naman si Chin. Syempre hindi ako sure no. Kaya naman nanghingi ako ng payo sa friend kong si Toot sa kung anong masasabi niya sa balak kong gawin. Gusto ko kasing i-approach si Chin one of these days and balak kong kunin yung number niya. Sabi niya, ok lang daw. Kase daw, hindi ko malalaman kung merong chance or wala. And walang masisimulan kung walang magsisimula. Pero ayun nga, I'm not yet ready pala. Hahaha. Ang hirap pala ng gusto kong gawin. Pano kung straight pala siya at mapahiya pa ko. Keri lang siguro kung hindi na kame magkikta ulit pero malabo yun kase madalas ko siyang nakakasakay sa train. I really don't know what to do. Tsss.

Napakabait talaga ni Father God dahil sinagot niya agad yung mga tanong ko. Sa wakas eh naging prepared na kong sumama sa religious activity ng friend kong si Eunny. Na-recruit lang din siya ng isa naming officemate na umattend sa activity na 'to named Doulos. Kinabahan ako nung una kase me activity para sa mga first-timers. Eh hindi pa naman ako sanay na ganun. Na makiki-mingle agad sa mga taong first time ko lang nakita. Mabuti na lang at hindi ako sapilitang pinasali sa laro. Hahaha. Tamang tama naman ang topic. Love. Me isang preacher for every session. And syempre the Love of God for us ang tinumbok ng usapin. Masaya, nakakakilig ang kwento ni Sir na nag-share ng kanyang love life. Pero syempre medyo out of place ako kase pang-straight people yung preach pero keribels na din. Nakakakilig pa din. Nakakatuwa. Nakakataba ng puso. At sa dulo, isang bagay ang natutunan ko. Na ang Diyos, alam Niya ang bagay na hinihiling natin sa kaibuturan ng ating mga puso. Bago pa man natin ito maisatinig, alam na Niya. Kaya't huwag magmadali. Manalig lang sa Kanya. Dahil Siya lamang ang tunay na nakaaalam ng mga bagay na makakapagpasaya sa atin. Ng mga bagay na maghahatid satin sa tunay na kasiyahan. :-)

Naliwanagan ako sa sa mga aral na natutunan ko that night pero hindi ko pa rin isinasantabi yung bagay na walang darating para sakin. Kase baka ang balak ng Diyos para sa akin eh ang mamuhay ng walang kapareha ngunit puno naman ng pagmamahal galing sa ibang tao habang ako'y tumutulong sa mga taong nangangailangan ng aking tulong. :-)

Ang title ng post na ito ay hindi lang tungkol sa pagkahumaling ko ke Ching kundi ang pagiging alipin ko sa Diyos. :-)

Keep safe guys. Godbless us all. Mwah. :-)


Sunday, February 5, 2012

The Weird Me


Hay nako, I've never learned talaga. Heto na naman ako. Kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo ko. Nakakainis kase hindi ko alam kung bakit andali kong maattach sa isang tao lalo na kung sa guy. I mean, kahit na hindi kame close basta naging mini crush(me ganun ba? basta yung na-attract ako sa kanya) ko siya, magsisimula na kong makaramdam ng mga bagay na hindi talaga normal. Nasabi kong hindi normal kase madami dami na din akong napagkwentuhan ng ugali kong iyon and all of them agreed na super weird ko dahil dun.

Galing na naman ako sa school (my alma mater PLM) para magpanel sa mga magdedefense. I was informed na baka hindi ko mahandle lahat ng pinanelan ko last sem dahil apat sila and ang ideal na number na pwedeng i-handle sa isang araw eh dalawa lang. Pero dahil sa sobrang bait ko(ako na!!!), kase nga mahihirapan sila(yeah, super concerned ako sa kanila. LOL) kapag ibang panel yung maghahandle sa kanila dahil back to zero na naman sila, I decided na pagkasyahin ko na lang silang apat sa loob ng limang oras. Kumusta naman yun diba. Ganun ko sila kamahal. Chos! 

First in line na nag-defend sakin eh yung sisterette kong sila Abdul. Hahaha. I'm really expecting something from all of them kaya super na-disappoint ako ng makita ko ang outcome ng system nila Abdul. Hay naku, nakakawalang gana talaga. Pero dahil super bait ko nga, pinagdefense ko pa din sila kahit konti kaya medyo me score pa naman sila which is not normal kase nga wala silang mapakita sakin. Kaloka lang. Ako na talaga ang mabait. LOL.

Next is sila Mr. Earthquake na nga. Eto na. Eto ngayon yung dahilan ng post na ito. Actually, hindi ko na nga siya masyadong napagiiisip nowadays kase nga me jowa siya. So hands off na. Straight eh. Walang pag-asa. Pero nung nagsimula na naman ang kantyawan (yung prof kong bading din ang nagpasimula) at nung nakita ko na siya and nagsimula na sila, hindi ko na naman siya matignan ng mata sa mata. Hello, ako ang panel and ako yung nahihiya. Ano ba yun?! Eh kaseeee naman eeeeehhhh. Landi lang. Hahaha. That time, parang medyo normal normal pa yung nararamdaman ko. Hindi pa ko makapag-emo kase andyan pa siya. Me mga tao pa. Me mga makakakita pa.

Sa mga sumunod kong pinanelan ko (two groups pa. Isang duo, isang trio), nag-enjoy naman ako kase maayos yung system nila compared sa dalawang nauna. Yes, hindi pa masyadong maayos yung gawa nila Mr. Earthquake sa hindi ko malamang kadahilanan. Alam nila yung gagawin nila pero hindi pa nila na-a-apply. Kaya puro chance na lang ang binigay ko sa kanila. Matataas ang mga binigay kong rating sa kanila assuring that they will do the changes I've told them and they will present it to me again sa next defense. Yes, me next defense. Makikita ko na naman si Mr. Earthquake. Goodluck na lang sa mangyayari sa akin.

Overall, ok naman yung mga nangyari sakin sa school until nakauwi na ako ng bahay at nang matutulog na. Ewan ko ba, lagi akong nakakaisip ng mga bagay bagay na hindi ko alam kung dapat ko ba talagang isipin kapag matutulog na ko. Ayun nga, naalala ko na naman si Mr. Earthquake, nag-emo and here I am, hanggang ngayon, nag-iisip pa din ng mga bagay bagay tungkol ke Mr. Earthquake. Hay. Sana mawala na yung bad habit ko na to. I'm sure my life will be more colorful. Chos!

Keep safe guys. Godbless. Mwah. :-)