Powered By Blogger

Wednesday, May 4, 2011

Laser Tag/One Last Cry

Natuloy kami last Monday sa Market Market para sa Laser Tag sa Lazer Xtreme. Maaga kaming dumating. 6:00pm pa yung reservation namin pero 5:10 pa lang eh nandun na kame. Excited much? Siguro. Lol.

Nagkwentuhan muna kame habang hinihintay yung time. Then eto na. In-orient kame for several minutes habang sinusuot yung vest. Tapos biglang nagpasukan na. Ansaya saya. Nakakatuwa. Barilan dito. Barilan doon. Bang bang bang. Echos. Parang mga pulis. Nakakatawa kapag umiiwas kame sa mga nambabaril samin. Me paupo upo pang nalalaman. Parang mga sundalo na nasa giyera. Lol.

Twenty minutes lang per session. Dalawa yung session namin. Kaya after magpahinga from the first session, bumalik na uli kame. Talo ang team namin sa parehong rounds. Hahaha. Ang rank ko 13/19 sa first round, 14/19 naman sa pangalawa. Wahahaha.

Nagtataka lang ako kase bakit mga super pawisan ng mga officemates ko pagkalabas namin ng battlefield (Echos! Battlefield talaga. LOL). Grabe as in akala mo tumakbo sila ng 10 kms. Hahahaha. Pero ako fresh na fresh pa rin from the fight. Wahahaha. Ansaya saya pala ng ganun. Sana maulit uli namin yun. Soon.

After nung Laser Tag, nagpunta na kame sa pinareserve na table for us sa isang restaurant named Abe (not quite sure) sa labas ng Serendra (not sure ule. Lol). It took our 30 mintues to just wait. Eh akala ko ba me reservation. Ganito pala yung nangyari. Yung manager namin, tinatawagan pala kanina nung isa employee nung restaurant habang nasa kalagitnaan kame ng pagbabang bang. Hahaha. Eh siyempre nageenjoy kame nun kaya ayun, hindi niya nasagot. Akala ata nung employee, cancelled na yung reservation namin. Super tagal tuloy naming nag-antay. Yung order din namin, super tagal ding dumating. Lol.

Anong oras na kame natapos kumain kaya anung oras na din kame nakauwe. Grabe. Natakot nga ako nung time na yun kase sarado na yung LRT tapos super layo pa ng panggagalingan ko. Tapos isang mahabang byahe pa na ako lang mag-isa. Katakot kaya! Lol. Yun lang. Ansaya saya talaga nung Laser Tag. Sana maulit talaga siya soon. Kaya sana magkaron ulit ng promo. LOL.

____________________

Namatay na si Osama Bin Laden. Pero hindi man lang nabawasan yung pangamba ko when it comes to terrorism. Hindi lang naman kase siya yung gumagawa ng lahat ng yun no! Kahit sabihin pa na siya yung mastermind ng lahat ng kaguluhan sa mundo, madali lang namang palitan yung ganun. Kaya hindi pa din ako kampante na mawawala na ang terorismo. Nagtataka din ako na tuwang tuwa pa talaga yung mga tao sa pagkamatay niya. Ok lang sana kung masaya lang pero parang galak na galak pa yung iba tapos parang ipinagbubunyi pa nila yung nangyari. Hahaha. Kelan pa naging masaya na me mamatay na tao. Kahit gaano pa siya kasama, tao pa din siya. Tama na nga. Mahihirapan din akong i-justify kung anu yung tinutumbok ko. Lol. Leave it that way na lang.

____________________

Speaking of Tumbok, magshoshowing na ata yang movie na yan ni Cristine Reyes. Nagtataka lang ako kung bakit tinaon pa ni Cristine na magsho-showing yung movie niya ng ipangalandakan niya sa press yung "change" na gagawin niya sa sarili niya. Wala lang. Parang ginawa niya lang na promo para sa movie.

____________________

Hindi ko napigilang i-text yung crush ko sa school (na graduate na ngayon) kung kumusta na siya. At nainis ako sa sarili ko sa ginawa ko. Ang babaw no. Eh kase naman, pinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako maghahabol sa mga taong ayaw sakin. Although, hindi niya directly in-state na hindi niya ko feel, gosh naman, gut feeling na lang. Super sensitive pa naman ako sa mga ganung bagay

Anyway, dahil dun sa kababawan na yun, umiyak na naman ako kagabi. Shetness talaga. Nakakainis kase eh. Na-feel ko na naman yung inferiority complex na bumalot sa akin. Nakakababa ng pagkatao yung pinagmumukha kang tanga. As in. Mas maganda pa talaga na prangkahin nila ako no kesa yung pinagmumukha nila akong aso na sunod ng sunod sa kanila. Kainis.

Ngayon, hindi ko alam kung buburahin ko na yung number niya para hindi na ako ma-tempt na i-text siya uli. Pero nagdadalawang isip ako. hindi naman ata kase siya aware na pinagmumukha niya akong tanga. Unfair naman ata sa kanya yun. Pero kase hangga't nandyan yung number niya, mate-tempt at mate-tempt akong i-text siya eh. Kainis!  

Bye na nga. Naiinis lang ako sa sarili ko. Haha. Ingats guys. Godbless. :-)

Monday, May 2, 2011

Thor

Natuloy kame last Friday sa panonood ng Thor. Wala pang 8:00pm eh nasa Glorietta na kame. 8:20pm yung dapat kukunin naming schedule kaso wala ng vacant seats para dun kaya napilitan kaming kunin na lang yung 10:55pm na schedule na madami pang vacant seats. Dahil nga sa super gabi na yung nakuha naming schedule, lumibot muna kame sa mall bago nag-dinner. Hindi na din nakasama sa amin yung dalawa naming friends dahil paraeho silang hindi pwedeng gabihin. Imagine naman no! Kung 10:55 ang start at 2 hours ang play time ng movie, aabutin kami ng pasado 1am na. Nakakaloka. Kaya hindi na namin sila pinilit pa. 

So ayun na. After naming kumain, diretso na sa cinema. Hindi ko akalain na mapupuno pa yung theater ng ganun oras. Pero naisip ko na siguro hindi na makapaghintay ang mga tao. First day pa lang kase noon ng movie. Nagpakita ng mga coming soon na movies. Andami na naming planong mga papanuorin. Lol. Isa na diyan ang 4th installment ng Pirates of the Caribbean.

Nagsimula na ang movie at dahil hindi ako magaling na reviewer, hindi ko na ire-review yung movie at hindi ko din siya iku-kuwento. Nakatulog kase ako. Lol. Sandali lang naman ako nakatulog. Naintindihan ko pa naman ang takbo ng istorya. Hanep sa special effects yung Thor. Kudos to the special effects team. Nakakalungkot lang talaga yung ending niya. Dun lang talaga ako na-disappoint. It's so ampness. Echos. Basta. A good ending will make the movie way better. Kaso yun na ata yung istorya niya kaya hindi na ako makikipagtalo pa. Lol. 2:30am na ako nakarating ng bahay. Nakakatakot na palang umuwi ng ganung oras. Halos wala na talagang tao. Mabuti na lang me nasakyan pa kame ng mga friends ko. So far, naging masaya naman ako that night.

I'm giving this movie a rating of 8 out of 10.

____________________ 
 
Masyado akong na-disturbed sa April 29's episode na Maalaala Mo Kaya starring AJ Perez. Hindi ko siya nasimulan ngunit nakuha ko agad ang plot ng story at naiparating naman sa akin ang aral ng nasabing episode.
Habang nanonood ako, hindi ko mapigilang malungkot sa takbo ng mga pangyayari. Hindi lang dahil sa istorya kundi dahil na din sa bida nito. Paano kaya kung buhay pa si AJ ngayon. Siguro puro papuri ang natanggap niya sa pagganap sa nasabing papel. 

Saludo ako sa kung sino man ang may-ari ng kwentong iyon. Madami akong natutunan sa kanya. Madaming realizations ang dumating sa akin. Na-conclude ko na ang ganun klaseng mga episodes ang dapat napapanood ng mga tao. Maraming mapupulot na aral. Sobra.

Natapos ang palabas na iniwan akong natigagal. Iniimagine ko tuloy ang sarili ko na nilalakad ang daan mula Maynila patungong Samar. Kinikilabutan ako. Mahirap yun ah. Masakit pa sa paa. Natanong ko tuloy sa sarili ko kung fair nga ba ang life. Biruin mo, ang ibang tao eh nagpapakasasa sa kanilang mga yaman tapos me mga tao palang nakakaranas ng mga ganitong klaseng hirap sa buhay. Na-realized ko tuloy na maswerte pa din pala ako. Hindi ko man maabot ang lahat ng mga bagay na hinahangad ko, at least, nabubuhat pa din ako ng normal. Nakakakain ng mga gusto kong pagkain tatlong beses sa isang araw. Nakakapaglinis pa ng katawan. At higit sa lahat, me sapin pa sa paa. Imagine na lang kung pumapasok ako sa office ng naka-apak. Disaster yun!
____________________

Kagabi ko lang napanuod ang The Royal Wedding. Super sosyal pala nun. Grabe. Hahaha. Nakakakilig yung love story ni Prince William and ni Kate Middleton na ngayon eh Duke and Dutchess na. Bongga! Hahaha. Sana'y maging maligaya ang kanilang pagsasama. Lol.

____________________

Laser Tag at Lazer Xtreme kame mamaya! Bale mini team building namin yan. Excited na ko! New experience na naman. Goodluck to us. Sana maging super saya. Lol. 

____________________

First day daw ngayon ng crush ko sa school sa first job niya. I just wanna share. Goodluck to him. Hahaha.
____________________

I'm finished na. LOL. Keep safe guys. Godbless us all. :-)



Friday, April 29, 2011

Fail?

Manonood kaming Thor mamaya! I'm excited na! Lol. Sana lang matuloy kame at walang biglaang assignment yung mga kasama ko para masaya kami. Magulong masaya. Nafo-foresee ko na. Lalo tuloy akong na-excite. Hahaha. Awkward lang para sakin kase yung suot ko ngayon eh yung suot ko din nung last time kameng lumabas. Hahaha. Btw, nung Pyrolympics yun.

____________________

Nakakatawa yung outcome nung ginawa kong task dito sa office. Akala ko tama. Mali pala. Madami talagang namamatay sa maling akala. Medyo confident pa ko sa gawa ko. Yun naman pala, madami pang kulang and revisions. Nakakaloka. Lol.

____________________

Mukha pala akong rabbit dun sa picture ko dun sa gilid. Wahahaha. Hindi mo makita? Ano ka ba? Ayun oh! Yung nasa kanan. Ay kaliwa pala. Yan. Pangit no! Pixelated pa! Sa front camera kase ng cellphone ko yan kinunan eh. Hahaha.

____________________

Sa late June or early July pa yung balak naming outing ng mga friends ko nung college. Tagaytay lang naman. Me nakita na kaming place na mapag-i-stay-an. Maganda naman siya. Hindi lang ako sure kung reasonable ang price kase wala pa akong experience sa pakikihati sa  gastos sa mga ganitong pangyayari. Eto nga pala yung link. Sana lang matuloy kame. Ang naisip kong plan para matuloy kame eh magpareserve na ngayon para makapag-down payment na para wala ng kawala. Lol.

____________________

Wala na kong masabi! Lol.

Keep safe guys! Have a happy weekend! Godbless us all. :-)


Wednesday, April 27, 2011

Overhauled

Ramdam na ramdam ko ang pagbabagong ini-impose ko sa sarili ko. Yes, medyo sapilitan na nga ito. Siguro nga napuno na ang salop. Napagod na din ako malamang. Ang hirap naman kase nung magmamahal ka no. Lalo na kung walang kapalit. Ilang taon dina kong ganon.

Holy Week lang ang dumaan pero andaming nabago sa akin. Actually, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga nangyayari sa akin. Ewan ko ba pero parang wala akong maramdaman na improvement sa buhay ko sa nangyayari sa kin. Pero, wala din naman akong nararamdamang pagsisisi sa ginagawa ko. I therefore conclude na ok lang din na i-continue ko muna to. Tignan ko na lang din sa huli kung anong mangyayari. Kung me maganda ba itong kalalabasan.


Napansin ko na masyadong makabagbag-damdamin ang mga last posts ko. Natuwa kase ako na gumamit ng mga Filipino words na hindi ko naman madalas gamitin. Ang kinalabasan, mukhang naging matalinhaga ang mga posts ko. Pero hindi naman masyado. Feeling ko lang. Ikaw, anong feeling mo? Echos. Lol. Ayan bumalik na ako sa dati. Me tawa na ang post ko. Amazing. Hahaha.

Napansin ko, sa sobrang paglalabas ko ng mga sarili kong saloobin, nakalimutan kong i-kwento kung aao ba ang pinag-ugatan ng mga inilabas kong damdamin sa mga previous posts ko. Ku-kuwento ko na nga. Pero hindi ko alam kung saan ko sisismulan. Aaaahhhhhmmm. Bahala na nga.
Like what I've said in my post entitled Till They Take My Heart Away, masyadong naappektuhan ang buhay ko ng muling pagkakita ko ke Covin. Me ibang taong nadamay sa ilang araw na pagdadrama ko. Nabanggit ko din na kahit trabaho ko, affected din that time. Isa pa sa mga naappektuhan ng pag-e-emo ko that time is yung sinasabi ko na crush ko sa school. Alam niyo ba ang ginawa ko? Huwag na, nakakahiya masyado eh. Lol.

(Ang part na ito (next two paragraphs) ay nakwento ko na pala sa previous posts ko. Kaso hindi ko na mabura kase hindi ko na alam kung paano irereconstruct yung post. LOL. Kaya leave it that way na lang. :-)) 



Eto ang ginawa ko: Out of desparation that time. Ay teka, kwento ko muna kung bakit desparation. Nangyari na ba sa inyo yung feeling niyo hindi mo na makikita yung taong mahalaga sayo? Yung sa sobrang nega niyo, ang naiisip naiisip niyo, never mo na siyang makikita. As in never kaya gagawa ka ng paraan para makita siya. Ayan ang ginawa ko. Wait, isa isahin ko. Hindi ko mahihiling ke Covin yung bagay na yon kaya yung crush ko sa school na sobrang bait yung kinulit ko. Eto na. Minessage ko siya sa fb. Anong laman ng message ko? Nagpasalamat ako sa kabaitan niya sa akin. Sinabi ko sa kanya na sobrang tine-treasure ko yung friendship namin dahil madalang akong magkaroon ng guy friend. And the PASABOG: Tinanong ko lang naman siya kung pwede ba kaming magkita sa future.

Isa pa yang tanong na yan sa mga nagpagulo sa buhay ko sa totoo lang. Hindi niya ako nireplyan. Saktong isang linggo ng i-message ko uli siya. I said, ok lang naman talaga na tumanggi siya. Sinabi ko din na malamang yung silence niya about dun sa topic means hindi siya comfortable dun sa pakiusap ko. Vocal naman talaga ako na medyo agressive yung move na ginawa ko. Pati yung isa kong friend, sabi din niya, masyado daw ngang agressive yung pagkakasabi ko. Ang sabi pa niya, hindi naman daw kame ganon ka-close nung guy para humingi ng ganon klaseng request. Base sa mga reply niya eh hindi niya nagustuhan ang hiling ko which I understand naman. Hindi niya lang talaga masabi dahil siguro inaalala niya pa din yung mararamdaman ko.

Diyan na nagsimula ang mga nakakalokang realizations ko. Pero ang mga realization na yan eh umiikot lang sa iisang konsepto: "Bakit ako magpapakatanga sa mga taong ayaw naman sa akin?" Just like a strike of lightning ang pagdating sakin niyan. At sa loob lamang ng ilang oras ng pagiisip, pagaalala ng mga nangyari at pagtataya sa kinabukasan, I landed into a decision.




Ibang Marvin na ako ngayon. Hindi na ako katulad ng dati na masyadong vulnerable pagdating sa love. Hindi na ako tulad ng dati na give na lang ng give ng love kahit walang take. Natuto na ko. Pangalawang revolution ko na ito. Kung noong una eh, sinubukan kong baguhin ang sarili ko ng baguhin ko ang image ko. Naging masayahin ako. Naging mas mapili ako sa damit. Pero sa kabila ng mga pagbabagong iyan, ang tanging dahilan lang naman ng lahat ng iyan eh para me humanga naman sa akin kahit papaano. If you know what I mean. Mas naging malakas na din ang looo ko sa paglapit sa boys after that change of mine.


Pero ngayon, iba na. Aalisin ko na sa sistema ko ang paglapit sa boys. Naisip ko na hindi naman pala dapat umikot ang buong mundo ko sa kanila. Hindi naman dapat ako magmukhang kawawa at tanga sa paningin nila. Nakakasawa na kase. Nagtagumpay man ako sa mga pinlano kong pagbabago ko sa aking sarili sa revolution 1, ang mga nangyari sa akin noong mga nakaraang linggo ang nagpamulat sa akin at nagsabi sa akin na gawin ang revolution 2. So far so good naman siya. Hindi na ako ganun ka-sensitive tulad ng dati when it comes to love.  Natuto na ako. Medyo tumigas man ako ngayon, alam ko na mas mabuti ito kesa sa dating Marvin na masyadong vulnerable.

Well, wish me luck na lamang sa kalalabasan ng overhauling na ito. I hope it'll be for the betterment of my life. :-)




PS. Hiniram ko ang title ko sa aking kaibigan na si Robert. Lol.

(Nabubuwisit na ako sa pag-edit ng post na ito. Ayaw niyang umayos. If you will notice, magulo yung spacing niya. Pasensya niya. Nakakabadtrip na talaga siyang ayusin pero hindi ko talaga siya maayos. Lol) 

Keep safe guys! Godbless. :-)

Monday, April 25, 2011

Goodluck to Me!

There's a drastic change in me. Siguro naging malaki talaga ang epekto sa akin ng mga sunod sunod na hindi ko maipaliwanag na pangyayari sa buhay ko. Andami kong na-realize sa buhay ko nitong mga nakaraang araw. Maybe the time I spent alone during the long vacation really had a big impact in my senses. 

Me mga pananaw na nabago. Me mga damdaming inusisa at in-assess. Me mga planong iniba ng landas. Me mga pangarap na muling iginuhit. At higit sa lahat, me kinabukasan na inarkitektura.

Base sa sarili kong pagtataya, sobrang laki ng pinagkaiba ng pananaw ko, ukol sa aking patutunguhan sa mga sususnod na taon, noong isang linggo sa aking mga plano sa ngayon. 

Tignan na lang natin kung saan ako dalhin ng mga pagbabagong ito. Sana sa tama. Sana sa mabuti.

Keep safe guys. Godbless us all. :-) 

An Envelope for Myself

Dear Marvin1,

Bakit ganyan ka? Hindi ka ba naaawa sa iyong sarili? Bakit kailangan mong magpakababa para sa kanila? Bakit kailangan mong ipagpilitan ang sarili mo sa kanila? Wala ka na bang pride? Wala ka na bang pagpapahalaga sa sarili mong dangal?

Hindi mo man lang ba naisip na wala namang patutunguhan ang mga ginagawa mong paglapit sa kanila? Bigyan mo naman ng kahihiyan ang sarili mo. Paano na lamang kapag nalaman ng ibang tao ang mga pinaggagagawa mo? Ano na lamang ang iisipin nila sayo? Na ang isang Marvin1 na hinahangaan ng ibang tao, nagpapakatanga lang pala sa mga taong ayaw naman sa kanya. O common, you'll be so pathetic in their eyes. Gusto mo ba yun?

Baguhin mo na yan Marvin1. Maawa ka naman sa sarili mo. Isipin mo na lang ang sasabihin ng ibang tao. Ayaw mo pa namang napupulaan ka hindi ba? Hangga't kaya mo pa, magbago ka na. Mas mahihirapan ka lamang kung hindi mo maiwawaksi yan sa sistema mo.

Para sa iyo din naman ang sinasabi ko. Sino pa bang magtutulungan kung hindi tayo tayo din. Naiintindihan kita Marvin1 pero sinasabi ko sa iyo ito para hindi ka na umabot sa hangganan mo. Mas lalo ka lang mahihirapan Marvin1, mas lalo ka lang mahihirapan.

Sana Marvin maging tama ang mga magiging desisyon mo sa buhay. Nandito lamang ako para sa iyo. :-)


Nagmamahal,
Marvin2

____________________
Dear Marvin2,

Unang una sa lahat, maraming maraming salamat sa sulat mo. Isa ka talagang mabuting kaibigan. Bilang tugon, narito ang mga saloobin at sagot ko sa mga tanong mo sa ipinadala mong sulat.

Sa totoo lang, lungkot na lungkot ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Unang una sa lahat, gusto kong malaman mo na hindi ko naman ginusto ang mga nagaganap sa akin. Awang awa na ako sa sarili sa totoo lang. Hindi ko din alam kung bakit ko ginagawa ito. Kung bakit kailangan kong magpakababa para sa kanila. Para sa kanila na ni minsan ay hindi yumuko para tignan ang pagpapakababa ko. Hindi ko pinagpipilitan ang sarili ko sa kanila. Alam nila yan. Alam naman nila na ang tanging gusto ko ay pakikipagkaibigan lamang. Bokal din ako sa damdamin ko na kung hindi nila ako gustong maging kaibigan, ok lang. Bukas na bukas ako sa posibilidad na iyon. Pero wala ni isa sa kanila ang nagsabi. Kaya bilang ang tangang ako, umaasa pa din ako na isang araw, pagbibigyan nila ang pakiusap ko. Hindi ko alam kung saan na napunta ang pinakaiingatan kong pride. Hindi ko maintindihan sa sarili ko iung bakit pagdating sa kanila, nauubos ang paggalang ko sa sarili ko.

Kung alam mo lang Marvin2 kung papaanong kinukumbinsi ko ang sarili ko sa katotohanang walang patutunguhan ang mga ginagawa ko. Pero hindi ko pa din alam kung bakit paulit ulit ko pa ding ginagawa. Alam na alam ko na kung anong tingin nila sa akin. At tanggap ko yun. Pero sa tuwing naiisip ko ang bagay na yon, lalo akong napapaisip kung ano kayang tumatakbo sa kanilang mga isipan. Kung bakit hindi nila ako mapagbigyan sa simple kong kahilingan. Kung bakit ansungit nila sa akin. Kung bakit andamot damot nila. Kung alam mo lang kung gaanong awa ang nararamdaman ko para sa sarili ko Marvin2. Isang klase ito ng awa na dumating sa punto na lagi kong hinihiling sa Panginoon na sana'y huwag na itong maranasan ng ibang tao. Na sa akin na lamang ito mangyari. Sobrang hirap Marvin2. Sobrang hirap. Ilang unan na rin ang nabasa ko dahil sa magdamagang pagluha sa loob ng ilang taon. matinding depresyon iyon para sa akin.

Kung iyong mapapansin, karamihan ng mga sagot ko sa iyong mga tanong ay "hindi ko alam".Siguro nga ganyan talaga ang pagmamahal. Walang tamang dahilan. Walang tamang sagot sa mga tanong. Umiikot lamang ito sa mga konsepto at paniniwala sa pagitan ng mga taong kasali sa sirkulo ng damdaming iyon.

Maraming salamat sa iyong pagaalala Marvin2. Tama ka, tayo tayo lang din naman ang magtutulungan. Hayaan mo, ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya para mabago ang aking sarili. Nakakasawa at nakakapagod na rin kase.Siguro nga ito na ang tamang panahon para mag move-on. Tignan na lamang natin ang kalalabasan nito. Goodluck sa ating dalawa. :-)

Salamat,
Marvin1


Wednesday, April 20, 2011

Lenten Season

Tara na at magnilay. Panahon na ng pagdating ng ating Panginoon. Hayaan nating Siya ang mamayani sa ating mga puso. Tara na at alalahanin ang sakripisyong Kanyang ginawa para sa kaligtasan nating lahat. Tara na't salubungin siya sa ating pagdating. :-)
 
Isang mahabang bakasyon sa ating lahat. Huwag nating kalimutan ang kahalagahan ng mga susunod na mga araw. Alalahanin natin Siya. Keep safe to all. Godbless.

Tuesday, April 19, 2011

Paalam AJ

Ang buhay nga naman talaga. Andaming surprises. Buong sabado akong malungkot. Nadagdagan pa ng malungkot na balita last Sunday morning. 

Madaling araw na ako natulog ng Linggo pero naalimpungatan ako ng mga 7am at nagbukas ng fb sa cp. Nagulat ako sa isang nabasa ko. Pumanaw na daw ang aktor na si AJ Perez. Ang unang pumasok sa isip ko, anu ba yan, another hoax. Grabe naman ang mga tao, hindi na pinatawad lahat ng artista. Lahat na lang pinapatay. Pipikit na sana uli ako ng makita ko kung ano ang source ng nabasa ko. Pep pala. Malabo ng maglabas ng balitang walang bahid ng kahit konting katotohanan ang site na iyon dahil na rin sa isang eskandalo na kinasangkitan nila dati.

Anyway, hindi na ako nakatulog after non. Me halong kaba sa dibdib ko. Walang halong biro. Hindi ko crush si AJ. Pero gusto ko siya. Napakaamo ng kanyang mukha. Nanlumo ako ng makompirma ang balita. Kung ano ano pumasok sa isip ko. Nakakatakot, nakakalungkot, nakakapanghinayang. Andaming tanong ang namayani sa akin. Bakit kelngang mangyari yun. Bakit siya pa? Bakit ganoon pa? Bakit ngayon na? Andami dami pa niyang pwedeng magawa. Andami pa niyang mga pangarap na pwedeng matupad. Lalo pa ngayon na naguumpisa ng umusbong ang kanyang karera sa pag-arte.

Sabihan niyo ng OA ako. Hindi ko kakilala ni isa sa mga kakilala ni AJ. Wala kaming koneksyon sa isa't isa. Pero nakakagulat pa din ang balita. Nakakalungkot talaga. Pero alam ko na me magandang plan si Father God kaya ito nangyari. Alam ko at sigurado ako. 

Nakikiramay ako sa mga naiwan ni AJ especially sa kaniyang pamilya lalong lalo na sa kanyang mga magulang. Madami po kayong kasamang nagdadalamhati. Sana po ay kayanin ninyo ang pagsubok na ito. Kapit lang po ke Father God. Hinding hindi Niya tayo pababayaan. Kapit lang po.

Paalam AJ. Paalam. We will miss you.  :-(



February 17, 1993 – April 17, 2011

  Keep safe guys. Godbless us all.
 

Monday, April 18, 2011

Till They Take My Heart Away

This post will be a loooonnnnggggg one. Mapupuno din ito ng iba't ibang emosyon. As in iba't iba. Actually, iikot lang ito sa nangyari sa akin last Friday at ang naging epekto nito sa mga sumunod pang mga araw. Andami kong gustong ikuwento. Sobra sobra.

Babala: Mayroong mga damdamin at emosyong ilalabas sa post na ito. Maaaring huwag husgahan ang author. Naglalabas lang ng saloobin. Pagbigyan na siya. Blog niya to.

APRIL 14, 2011

Like what I've said in one of my previous posts, nakapag-apply na ako ng leave for April 15 kahit walang kasiguraduhan na matutuloy ang balak kong pagpunta sa PLM graduation. Pero last Thursday night eh na-confirm ko na matutuloy pala ako and mali lang pala yung interpretation ko sa mga sinabi nung isa kong friend about sa balak namin after ng graduation. And it all started there.

Na-excite ako ng malaman kong matutuloy na kame. Inisip ko kaagad kung ok na ba ang outfit ko. Then nag-sink in na naman sa akin ang mga negative comments ng isa kong friend tungkol sa susuotin ko. Naiinis ata siya kase ginaya ko lang sa kanya yung damit ko. Nagandahan kase ako. Naubos talaga ang confidence ko sa mga pinagsasasabi niya sa akin. Muntik na nga akong mapikon. Kaya naisipan kong bumili ng jacket pantago sa kapayatan ko at pandagdag porma na rin.

Nagkita kame ng friend ko na bibili naman ng sapatos. Super like ko yung nabili kong jacket. Ang ganda. Kaso medyo mahal. Pero ok lang. Umeksena naman ako nung graduation. Nakapagspoiler tuloy ako. So ayun na nga, pagkauwing pagkauwi ko, nag-ayos na agad ako ng gamit. Para ngang mas excited pa ako sa mga ga-graduate.

APRIL 15, 2011

Wait nga, fast forward na. 3:45 am ako nagising. Mabilisang naligo at matagal tagal na nag-ayos. Matagal ako sa salamin. Gusto kong ayusin ang sarili ko. Gusto ko kahit papaano, mapapansin naman ng mga friends and blockmates ko dati na me nagbago sa akin. Na kahit papaano eh nag-effort akong ayusin ang sarili ko.

Pumunta na ako sa bahay ng friend ko na kasabay kong pupunta sa venue ng graduation. Nagandahan siya sa jacket ko. I'm flattered. Minsan lang kase kame parehong magandahan sa isang bagay. In short, hindi kame magka-taste. Nakarating kame sa venue ng mga 6:00am. Nagulat ako sa mga tingin na sumalubong sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang unang pumasok sa isip ko: "What the heck?! Am I overdressed???"

//Deleted this part. Ang jeje lang na nilista ko talaga yung outfit ko with matching tatak na cheap naman. HAHAHAHAHA. 

Sa tingin ko naman, hindi naman ako nag-OA sa damit ko. Gusto ko lang talagang takpan yung kapayatan ko sa suot kong top kaya ko naisipang mag-jacket. O well, let's move on. Hindi natuloy yung balak naming mag-picture picture muna ng mga friends ko bago pumasok kase nga hindi din kame agad nagkita kita. Ayun. So hindi kame kumpleto sa unang session ng pictorial namin.

Pumasok na sa loob. Antagal bago mag-start. Naging dalawa yung ticket na naka-reserved for me dahil dalawa talaga silang nagtabi for me. I'm so touched. Nalaman ko nga pala na Magna Cum Laude yung kapatid ng friend kong si Karen. Matagal tagal na din kaming hindi nagkikita. Grabe, super late na sila, hindi na nakasama yung kapatid niya sa entrance ng mga graduates. Mabuti na lang naabutan nila ung pagma-march kahit late na talaga sila. Magkatext kame that time kaya naman pinlano na naming magkita sa labas ng venue para tahimik tsaka para safe kase nasa magkaibang forum kame ng PICC tent naka-assign eh.

So nung speech blah blah blah na, lumabas na kame ng forum hall para magkita kame sa labas. Hindi niya ko nakilala. Grabe. Nawalan lang naman ako ng eyeglasses. Ayun na nga. Papunta na ko sa kanya, sa likod ko pa din siya nakatingin, hindi niya alam na ako na yung parating. So ayun nga, sinigawan ko na siya. Ang gwapo ko daw, sabi niya. Na-flatter na naman ako. Me pinatunguhan naman pala yung effort ko. Todo yakapan kase nga sobrang tagal naming hindi nagkita. Lagpas two years ata. So imagine na lang ang kapanabikan namin sa isa't isa. Kaya naman hindi matapos na kwentuhan and kumustahan ang nangyari. Madami siyang naikwento, ganun din naman ako. Sulit na sulit ang pagkikita namin.
Pero sa kalagitnaan ng pagku-kwentuhan namin, dumating yung isa niyang friend na pupuntahan naman yung girlfriend niya sa loob. Eh kaso wala siyang ticket kaya baka hindi siya makapasok. Eh saktong dalawa yung ticket ko kaya binigay ko sa kanya yung isa. Nagkaroon pa ako ng instant friend.

Dumating na ang time ng pagma-march ng mga graduates. Heto na ang pinakahihintay ko. Ha?!?! Anung pinakahihintay ang pinagsasabi ko??? O gosh, wait lang, bakit nga ba? Anu bang dahilan at nag-effort akong mag-leave para lang umaattend ng graduation?

Ano pa ba?!?! Eh di para makita ko si COVIN! Ooooopppppssss. Wag ng mag-violent reaction. Oo na ako na ang obsessed. Ako na ang patay na patay sa kanya. Eh what can I do? Hindi naman yun bigla bigla na lang nawawala noh! Kung pwede lang na paggising ko isang umaga wala na, eh di masaya na sana ako. Wait nga lang, drama na agad? Mamaya na yan, magkukwento pa ko eh!

So ayun na nga, inabangan ko na ang pagtawag sa names ng candidates for graduation sa College of Engineering and Technology especially sa course na Electronics and Communications Engineering. Nauna na ang mga ibang courses then ang pinakaaabangan ko. Ayan na, tinawag na sila alphabetically. A, B ,C. Nang dumating na sa letter D, hinanda ko na ang mahiwaga kong cellphone at tinapat sa  projector display.

Simula pa lang ng D eh tinapat ko na ang cp ko kaya halos mangalay na ako ng siya na ang tinawag. Actually, nakita ko na siya sa projector display nang pauupuin na sila sa kanilang respective seats. Pero hindi ko pa siya nakikita in flesh. Kaya ng tinawag na siya at nakunan ko na ang pag-abot niya ng toga, inabangan ko agad ang pagbaba niya ng stage, ang pagbati sa kanya ng mga prof at ang pagbalik niya sa kanyang seat. Hindi ko siya masyadong nakita dahil medyo malayo ng konti ung seat niya sa pinpuwestuhan ko that time.  Pero after that, dumating ang pinakaaasam asam kong pagkakataon.

Ayan siya, papalapit sa direksyon ko. Sa sobrang kaba ko, bumalik ako sa inuupuan ko at hinintay ko siyang dumaan. Ayan na siya, lumalakad sa gilid, tumigil pa sa malapit sa akin. Ayan na siya, palayo sa akin. Naglalakad siya, palayo. Ambagal ng oras. Sobrang bagal. Naka-slow motion ba kame? Teka, hindi naman pero bakit ganun? Sa halos isang minuto niyang paglakad at ako naman eh umikot ang buong leeg sa pagsunod sa kanyang mga bawat galaw, eh parang inabot ng walang hanggan at halos mabali ang leeg ko wag lang siyang mawala sa paningin ko.

Hindi ko mapigilang mapasinghap matapos maganap ang huling talata. Halos mawalan ako ng hininga sa nangyari. It may sound OA, but it happened. Swear. Matapos ang makapigil-hiningang sandali, hindi ko mapigilan ang sayang naguumapaw sa puso ko. 13 months ko siyang hindi nakita. Believe it or not, sa loob ng 13 months na yun, umasa akong makikita ko siya sa mga lugar kung saan nakikita ko siya dati.

It's weird. Pumupunta ako ng university ng dala dala ang pag-asa na me pasok siya noong araw na iyon at pakalat kalat lang sa university. Pumupunta din ako sa mall kung saan malapit ang school namin dahil sa umaasa akong baka gumagala sila doon ng girlfriend niya.

Back to the graduation, matapos mangyari iyon, natuwa talaga ako. Masayang masaya talaga ako. Basta masaya. Mahirap ipaliwanag. I-imagine niyo na lang yung scenario na nakita mo yung taong mahal na mahal mo after some time. Basta masaya talaga.

Natapos ang graduation. Sunod sunod pa ang magagandang nangyari sa akin. Natuloy ang planong picture picture after grad. Medyo nakakalungkot lang kase limited ang time namin sa loob at kelangan ng lumabas para sa susunod na batch kaya nagkahiwa-hiwalay kame ng mga friends ko. Nawalan ako ng time para pumunta sa mga profs at bumati. Me mga friends and blockmates din ako na hindi ako nakapagpa-picture.

Nagsolianna ng toga at palabas na kame ng gate ng makasalubong ko ang favorite prof ko nowadays na kumukunsinti sa pagkakaroon ko ng crush sa isa sa mga "alaga" niya. Kaya hayun, nakapagpapicture na naman ako sa crush ko. Actually, nagpaalam, yeah, nagpaaalam talaga, pa ako sa crush ko na picture picture kame after which he didn't decline. Ambait niya. So ayun, picture picture kame. Lalo pang nadagdagan ang kasiyahan ko.

Nakita ko pa si Covin after nun. Pero dahil sobrang init ng sikat ng araw that time at nagmamadali na ang mga kasama ko, nagpadala na lang ako sa alon. Umalis na kame at pumunta sa gate at doon nagpicture picture. Yoon ang huling kita ko ke Covin.

Diretso kaming MOA after. Kumain sa Almon Marina. Ok naman kaso halos mag-collapse na ako sa gutom kase antagal dumating nung food nung isa naming kasama . Kwentuhan habang kumakain. Masaya kahit hindi kame kumpleto. Sa sobrang pagod  dahil sa paglalakad at antok namin dahil sa maagang paggising, 4pm pa lang eh naisipan na naming umuwi. Pero naisip naming magpahinga muna sa bahay ng isa naming friend at magpagabi na lang doon para pakapagpahinga ng maayos.

Pagdating sa house nila, bluetooth ng pics and paglamon ang inatupag namin. Super kwentuhan din at kainan to the max. After that eh diretso ng umuwi. Grabe. Kakapagod. Konting pahinga then super nood ng TV and higa na. Dito na nagsimula ang hindi ko maipaliwanag na feeling ko. As in super lungkot ang namayani sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag. Halo halo. May lungkot, panghihinayang , awa sa sarili at higit sa lahat, takot.

Teka, bakit? Anung naramdaman ko? Eto na. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit me ganun akong ugali o pakiramdam. For example, yung nangyari. Diba nakita ko nga si Covin after a long time, tapos tinignan ko lang siya. Dun pumapasok yung panghihinayang. Panghihinayang na anu kayang nangyari kung nilapitan ko siya at nagpapicture ako sa kanya. Tatanggi kaya siya o pagbibigyan niya ako. Another one, yung lungkot at awa sa sarili. Pumapasok sa isip ko bakit kaya hanggang ngayon hindi niya mapagbigyan yung hiling ko na maging friends kame. Imagine, apat na taon akong nanlilimos sa kanya ng friendship, pero hindi niya ako mapagbigyan. Am I that kadiri or something para tanggihan niya? Very vocal naman ako na friendship talaga kaya dapat eh hindi na siya mailang. O well, tama na ang sisihan. Nandyan na yan. Lastly is yung takot, namamayani talaga yung takot sa sistema ko lalo na kapag ini-imagine ko na hindi ko na siya makikita. Yung thought na yun yung me pinakamalaking impact sa akin kaya halos ilang oras akong umiyak that night. Grabe pati sa aspetong ito ng buhay ko, naapply ko yung trait ko na yun.


Dahil sa takot na yan na naramdaman ko, pati yung crush kong kakagraduate lang din eh nadamay sa ka-emohan ko. Ay wiat me sasabihin ako, actually, parang nagiging hindi ko na siya crush. Parang gusto ko talaga siyang maging bestfriend. I mean, sa sobrang kabaitan niya, parang ansarap sarap magkaroo ng kaibigan na katulad niya. Pero I know, medyo malabong mangyari pa yun sa ngayon dahil ako lang ang nag-eeffort para makapag-usap kame. Ayun nga. Nadamay siya sa pagiging emotional ko that night. Guess what kung anung tinext ko sa kanya.

Tinanong ko sa kanya kung pwede bang makita ko siya kung gusto ko siyang makita. Yeah, I know it sounded so agressive pero dahil sa pgiging helpless and emotional ko that night, hindi ko na na-rephrase yung text ko. Hanggang ngayon, hindi pa din siya nagrereply. Pero maghihintay ako. I will. Sabi ko naman sa kanya, ok lang kung ayaw niya. Nag-promise pa ko ng bonggang bongga. Basta hihintayin ko pa din ang reply niya, no matter what.

Halos mabaliw ako ng dumating ang sabado. 

Wala akong mapagkwentuhan ng nararamdaman ko. Binaling ko na lang sa iba ang oras ko. Pero after that, ganun pa din. Hanggang maisipan kong tawagan ang isa sa mga friends ko and mabuti na lang at nabawasan ng konti ang nararamdaman kong lungkot at frustrations.

Natuloy na din kame sa wakas ng bestfriend kong magsimba. Tuwang tuwa ako nun. Mabibigay ko na sa wakas yung regalo ko sa kanya na isang buwan na sa akin. Makakapaglabas pa ko ng saloobin sa kanya. Kaso, ayaw ata talaga ng tadhana na gumaan ang loob ko. Kasama ng bestfriend ko yung boyfriend niya nang magkita kame. Tapos sumama pa siyang magsimba sa amin. Tapos hindi pa kami pwedeng magkwentuhan ng bestfriend ko after ng mass ng kaming dalawa lang kase ihahatid pala siya ng boyfriend niya. Hindi sa naiinis ako sa nangyari. Nalulungkot lang ako para sa sarili ko. Sana kase kahit papano nadagdagan yung mapaglalabasan ko ng sama ng loob. Eh hindi nga natuloy dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

At eto ako ngayon, lunes na lunes eh wala talagang gana sa work. As in nanghihina ako. Kahit alam ko na me kelangan akong gawin, heto ako't naglalabas ng sama ng loob sa blog ko. Yep, kaninang umaga ko pa binubuo ang post na ito at hanggang ngayon eh hindi pa ako natatapos. Wala din akong ganang kumain ngayon. Grabe ang epekto sa akin ng mga bugso ng pangyayari. Call me anything pero sana maintindihan niyo ko. Masyado pa akong emosyonal ngayon. Siguro pagkalipas ng ilang buwan o baka ilang linggo, mawawala din ito. Baka tawanan ko pa ang post na to. Sana nga.

Sobrang haba na nitong post na ito. I'll include na lang sa next posts ko kung me nakaligtaan man akong ikwento. Maraming salamat sa pagbabasa. Sorry kung walang sense para sa iyo ang nabasa mo. Sana maintindihan mo. Emosyonal lang talaga ako. Ayun lang. Mabuti na lang at kahit papano eh kakabit na ng buhay ko ang blog na ito. Nakakapaglabas ako ng saloobin na hindi ko mailabas sa ibang tao. Maraming salamat talaga.

Para sayo ang kantang pamagat ng post na ito Covin.

Keep safe guys. Godbless.


 

Thursday, April 14, 2011

The World Is So Round!

Graduation na nila bukas! I'm so excited sa mga suot nila sa totoo lang. Lalo na sa mga girls. Siyempre pabonggahan sila niyan sa mga dresses nila lalo ng yung mga fashionista talaga. Natutuwa akong makakita ng mga magagandang girls na naka-dress. Feeling ko nasa runway or red carpet ako. Pero hindi ako attracted sa kanila. Hahahaha. Natutuwa lang talaga ako.

Masaya daw ang baccalaureate mass kahapon. Dami daw pictures. Nakita ko nga sa plurk and twitter yung pics nila. Kakatuwa. Parang nagkaroon bigla ng reunion. Yun nga lang, hindi kumpleto lahat ng magkakabatch kase nga nauna na kame last year.

Nasa university din daw kahapon yung girlfriend ni Covin. Ang sweet daw nila. Nakakatuwa. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Walang halong kaplastikan or anything. Ganun ko siya kamahal. Walang halong inggit sa taong mahal niya. Basta happy siya, happy na din ako. :-)

Kani-kanina lang, pinoproblema ko kung tama ba na suotin ko bukas yung binili kong long sleeves shirt sa Giordano. Niloloko kase ako nung friend ko na hindi na daw talaga bagay sakin. Pangit daw sakin kase payat ako. Blah Blah Blah. As in sa super dami niyang negative comments, naubos talaga confidence ko. And sa totoo lang, medyo napipikon ako sa kanya kase hindi niya talaga ako tintigilan sa twitter. Basta. I don't know kung naging pikon ba ako in this instance or over na talaga siya. 

Sinukat ko kagabi yung damit kasama nung skinny jeans ko. Lol. And sa super panglalait sakin nung friend ko sa twitter, naapektuhan talaga ako ng sobra and sa tingin ko nga eh hindi talaga bagay sakin yung damit kaya kanina, naisipan kong bumili ng jacket pamatong para hindi na makita. Affected talaga ako. Hahaha. As in. Kaya nga ini-imagine ko na yung magiging itsura ko tsaka ko nga naisipan na bumili ng jacket. Aun.

So eto nga. Kung kanina, yun yung iniisip ko, ngayon naman, naguguluhan ako kung pupunta pa ba ako or not. Nagkaroon kase ng mga biglaang plano yung mga friends ko sa dapat na plano namin after graduation. Ganito kase yun. Nung nagmeet kame last Tuesday, me plan na kami na sabay sabay na magla-lunch after grad. So ako, super excited ako that time.

Niready ko na yung damit ko, nag-apply na ako ng leave and everything. All set na. Then eto na. Nagtext and e-mail brigade ako kanina to know what's the actual and to set the final plans. Eto na, biglaang nagbago ang plano. Ang isa sa amin, sinabing nagpa-reserve pala sa sa isang resto yung mama niya and kasama niya pala yung iba niyang relatives kaya nakakahiya na makisali kame. Then yung isa naman, me sakit daw yung brother niya kaya sabi nung parents niya, mag-take out na lang daw sila and sa bahay na lang sila kumain. Eh di minus two na agad kame. Eto pa. Yung dalawa pa, hindi nagrereply. Nakakaloka! Hahaha. And finally, yung nakaplan ko talagang kasama and yung kausap ko na me kasunduan kame na kahit anung mangyari aalis kame kase kelangan niya ding hintayin ung mama niya kase aattend ule ung mama niya ng graduation sa afternoon batch (dalawa silang magkapatid na magma-march), biglang nagsabi na itetext na lang daw niya ako kung tuloy kame kase me isasama pa daw siyang isang kamag-anak dahil sobra yung ticket niya kase dapat sa akin niya yun ibibigay eh me iba ng nagbigay sa akin kaya sumobra yung kaniya. Aun na. 

Naguguluhan tuloy ako kung tutuloy pa ako bukas. Ayaw ko kaseng maging tanga bukas na after ng graduation eh mag-isa lang kaong lalabas and take note, ako lang ang uuwe mag-isa dahil wala akong kasama. So lonely. Ayaw ko ng ganun. Kaya nga ngayon eh nag-iisip ako kung pupunta pa ba ako. Basta me pre-requisite ung pagpunta ko. Dapat eh me kasama akong umalis galing gradution. Tapos!

Bahala na kung anong mangyayari. Wish me luck. Post ko agad kung anong plan ko para bukas. As if you care. Lol. Basta I'm pissed dahil sa mga pabago bagong plans. Duh! Whatever. You're such a loser Marvin! Lol.  

Keep safe. Godbless us all. :-)