Powered By Blogger

Sunday, January 22, 2012

Traumatized


Almost two weeks na nang mangyari ang isa na namang first time sa buhay ko. Hanggang ngayon eh isa pa din ako sa libo libong commuters ng PNR trains. Umalis ako ng bahay ng Lunes na iyon na inaakalang ang umagang iyon eh isang umagang walang makikitang pagkakaiba sa mga nakaraang umaga. Nabanggit ko sa huli kong post na maaga na akong umaalis ng bahay ngayon dahil na-deploy nga ako sa isa sa mga clients namin and they have these shifts na strictly implemented kaya hindi pwedeng malate ka. 

Medyo nabigla ako sa nadatnang bilang ng mga tao sa unang istasyon ng tren na siyang sinasakyan ko. Alam kong magiging bumpy ang biyaheng iyon kase mas madami ang mga tao ng mga panahong iyon kesa sa karaniwan. Dumami pa ang tao pero wala pa din ang tren kaya na-set na sa isip ko na nakatayo ako later. Hindi pa naman ako sanay kase lagi akong nakakaupo sa tren kase nga first station yung sinasakyan ko. Dumating ang tren at nakatayo nga ako nang nagsimulang umandar ang tren. 

Nakakailang istasyon na nang sumikip na ng sobra ang tren. Pinagsisiksikan kase ang mga pasahero dahil matagal pa ang susunod na biyahe ng tren. Nasa pang-apat na istasyon na ata nang me maramdaman ako sa likod ko. Deadma lang ako sa una kase syempre, siksikan, hindi mo na maiiwasan yun ganun. Pero ng nagtagal na eh nairita na ako. Nung una, keri lang talaga kaso habang tumatagal, parang nageenjoy siya. Nakakaloka lang. Naramdaman ko kase na tinalaban si kuya dahil sa sitwasyon namin. Nakakadiri lang kase sa butt ko pa talaga dinidikit ni kuya. Hindi lang iyon. Nakakaloka si Kuya. Feeling niya ata eh ang-eenjoy ako sa ginagawa niya, aba, nag-change location pa. Pinagsiksikan pa niya yung sarili niya sa tabi ko and my gosh, nilagay talaga niya yung kamay niya sa harapan ko. Eeeewieee talaga. Dumiskarte talaga siya para magawa yun. Yung bag ko kase nasa harapan ko para safe. Eh sling bag yun then hawak ng tight hand ko yung right side nung bag. bale naka-45 degrees yung bag sa katawan ko kaya akala niya ata eh ginanung posisyon ko talaga para magkaroon ng space para sa kamay niya. Kapal lang. 

Lalo pang nakakabadtrip kase nung tinignan ko si kuya, ampanget panget pa niya. Hindi naman sa nanglalait ako. Ok fine nilalait ko na siya. Hindi din naman choosy ako no! Hindi ibig sabihin niyan na if he's gwapo, then go. Lalo lang talagang nakadagdag sa pandidiri ko yung itsura niya. Hahaha. Alam kong if me nakabasa nito, s/he'll say na nag-iinarte ako pero I know deep inside my heart na I'm not. Kung sino man ang nakasubaybay ng blog na ito at sa mga taong nakakakilala sa akin, alam niyo na super conservative ako. And parang I'm so kj because of that pero hindi niyo naman ako masisisi. It's brought kase ng environment na kinalakihan ko kaya sana eh maintindihan niyo ako.

OA mang isipin na na-trauma ako sa nangyari, you can't blame me. Hindi talaga ako natuwa doon at ilang araw ko ding ininda yung epekto non sa akin. Nakakatawa pa nga kase the day after the day after that (magulo ba? Monday yun nangyari then the Wendesday. Ok na? LOL), nakita ko na naman ang damuho. This time, pinagmasdan ko talaga siyang mabuti and nahuli ko siya me binibiktima na naman. Well, hindi ko masabing binibiktima dahil parang nasasarapan pa si kuya sa ginagawa ng kriminal. Hahaha. This time kase, si kuyang pervert naman yung nasa unahan then nakita ko talagang sinasadya niyang churvahin ng kanyang butt yung churva ni kuyang nasa likod. Nakakaloka lang. Oh well, good luck na lang sa kanila. Hahaha.

Change topic. Hindi pa din kame masyadong busy ngayon sa work kaya aral aral muna. Omg, me kukuwento pala ako. Me bago na akong crushie ngayon sa company pero sa tingin ko straight si crushie kaya wala na naman akong pag-asa. Hahaha. Kinikilig talaga ako pag nakikita ko siya. Lol. Yun lang. I just wanna share. Hahaha. Hindi ko alam kung pano ko malalaman yung name niya kase walang name nila yung cube nila. Ayun. Namomroblema tuloy ako. Chos! By the way, adik na adik ako ngayon sa Becky Nights podcasts featuring Jake Galvez, Matt Gozun and Buern Rodriquez with the very special participation of the becky queen Ms. Divine Lee. Nakakaloka yung mga episode nila. Pa-naughty ng pa-naughty habang tumatagal. I know, I'm so late na kase early last year pa sila nagsimula. Pero I don't care. Ang mahalaga, natuklasan ko pa din sila. Better late than never. Haha! Sa ngayon eh nasa episode 2o+ na ako ng season  nila and I can't wait na to listen to their next episodes. :-)

Another thing, thank you so much sa company namin dahil sa pagkakapanalo ng team namin ng Team of the Year award. Nagkaron tuloy ako ng maliit na commission. Chos! Hahaha.

That's all guys. Stay safe. Godbless. Mwah. :-)



Sunday, January 8, 2012

New Office

I have a new office!!! Malapit lang naman siya sa bulding ng mother employer ko. It's just a jeepney ride away. Nadeploy ako dun kase wala na atang project sa company namin na doon magwo-work. Naubusan na. Hahaha. Kaya eto ako ngayon, client-based na.

Three months lang naman ako dun. Yun yung sabi. Depende na lang siguro kung ie-extend kame ng client. Nakaka-one week na ko dun kaya 11 weeks na lang. Wahaha. Masaya naman ako dun kahit wala akong ka-close na nakasama ko sa pagkaka-deploy. Apat kaming napadala sa client. Mabuti na lang at lahat ng kasama kong na-deploy eh approachable kaya naman they're making my stay there lighter. Alam niyo naman kase na hindi talaga ako palakausap sa mga lalake. Hahaha. Kaya naman sa kaniang tatlo eh yung nag-i-isang girl yung ka-close ko ng bongga. Buti na lang talaga nandun si Lhen kase hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya. Drama lang. Hahaha. Btw, ironically, inis na inis ako dati ke Lhen kase nagkaron ng time na nagkaron kame ng misunderstanding na nakalimutan na ata niya. Hindi na nga siya aware dun eh. Hindi ko na lang pinaalala. Kung dati, eh inis ako sa kanya, ngayon, super close na kame. Ata. "Friend" na nga yung tawagan namin eh. Hahaha.

Natutuwa ako din ako sa ibang mga kasama ko. Yeah, sa iba lang. Hindi ko feel yung ibang lalaki eh. Hahaha. Tapos wala pang masyadong gwapo sa team. LOLOL. Nakakatawa/ nakakainis/nakakairita nga pala yung team lead namin. Hahaha. Nakakainis/nakakairita yung ugali niya. Grabe daw yun makasigaw sa mga members niya. Nakakaloka lang kase sisigawan ka daw niya sa mereseng madaming taong nakapaligid and take note, meron din daw mga bosses dun. Natatakot tuloy ako sa kanya. Mabuti na lang malayo siya sa pwesto namin ngayon. Nasa conference room pa alng kase kame. Wala pa kaming workstation. Pulubi much lang sila. Hahaha. Pero ok lang naman. Ok naman dun sa pwesto namin ngayon. Katabi nga lang namin yung room ng CEO kaya hindi masyadong makapag-ingay. Hahaha.

Nasa 46th floor nga pala ako dun sa building namin ngayon na highest building ata sa Philippines. Nakakaloka lang. Imagine na lang yung kalagayan ng tenga ko after taking off the elevator everytime na papasok ako. Inis ako sa kamahalan ng pagkain nila dun. Mahirap magtipit at makaipon tapos lumayo pa ko ng konti kaya nadagdagan din yung daily expenses ko sa fare. Ayun. Pero so far naman, ok lang ako dun. Masaya naman at na-e-enjoy ko naman. Hindi ko lang sure kung ma-e-enjoy ko pa kahit bumuhos na ang trabaho. Toxic pa naman daw dun. Kaya wish me luck na lang sa future ko sa work na to. Haha.

Keep safe. Godbless. Mwah. :-)


Sunday, January 1, 2012

Final Bow

This is a re-post. :-)

____________________


Parang kelan lang, nagpapakahirap ako sa pagaaral. Overnight dito, walang tulugan duon. Defense ngayon, defense ulit bukas. Parang kelan lang, takot na takot akong isipin na baka hindi na kami magkita ni Covin. Parang kelan lang, kinakabahan ako kung gagraduate ba ako o hindi. Parang kelan lang, inaabot ko ang kunwaring diploma ko. Parang kelan lang, halos maiyak ako ng isa isa nang nagkaroon ng trabaho ang mga kaibigan at batchmates ko at ako ay wala pa. Parang kelan lang, nagkaroon ng problema sa health ko kaya hindi ako nakapasok sa unang dalawang araw dito sa kumpanya. Parang kelan lang, nahihirapan akong magadjust sa mga bagong tao at bagong kapaligiran.  Parang kelan lang, natanggap ko ang unang sahod ko, gumimik at nagpakasaya hanggang ito'y maubos. Parang kelan lang nang una ko siyang makita at magsimula ang kilig na nararamdaman ko. Parang kelan lang nang nakabili ako ng isang mahal na bagay na galing sa bulsa ko. Parang kelan lang.

Hay. Napakabilis talaga. Pero wala naman tayong magagawa diba? Nariyan na yan. Hindi na natin maibabalik. Hindi na natin mababago kung ano ang mga nangyari na. So better face the new chapter with a smile and confidence. Pagsisihan ang mga nagawang pagkakamali at gumawa ng paraan para ito ay maituwid. Pagbutihin pang lalo ang mga bagay na nakakatulong sa kapwa. Iwasan ang mga mali. 

Hindi ako gumagawa ng New Year's Resolution kase naniniwala ako na kung me dapat kang baguhin sa sarili mo, gawin mo na ito agad kung maaari. Hindi yung hihintayin mo pa ang Bagong Taon para duon magsimula. Paano kung mga March mo narealize na kelangan mong baguhin ang mga masasama mong gawi, hihintayin mo pa ba yung January 1 the next year para lang masabi na me New Year's Resolution ka. Parang tanga lang diba. Lol.

Napakadaming blessings ang natanggap ko this year at hindi ko alam kung paano ko magpapasalamat ang Diyos dahil dito. Madami din akong narealize na mga bagay na dapat kong ipagpasalamat. Thank you po so much Father God.

Anyways, madami akong planong gawin next year. Grabe, taghirap talaga ako nowadays kaya sinabi ko sa sarili ko na magiipon talaga ako ng bonggang bongga. Hindi muna ko bibili ng mga bagay na meron pa naman ako. Kelangan ko ding masettle lahat ng utang na meron ako. Hay. Ang hindi ko lang mapipigilan is yung mga nakaschedule ko ng lakad. LOL. Diyan ako mahinang kumontrol. Hahaha. Promise, after niyan, hindi na muna ako magyayaya at magpapayaya. Kelangan ko talagang magipon. Me quota pa nga ako eh. Dapat me ganito ganyan na akong amount of money in this certain date. LOL. Gusto ko ding gumawa ng stories dito sa blog ko. I'm inspired by my idol ARIS. Hehe. Pero siyempre magkaiba ng genre.        

Andami ko ding non-tangible hopes para sa susunod na taon. And here's the list. 
  

LIFE- Unang una siyempre ang buhay. Ano ba naman kaseng mangyayari sayo kung wala kang buhay no. Hindi lang yan yung simpleng buhay. Kasama na diyan yung social life. Imaginine mo na lang no kung buhay ka nga, wala ka namang kaibigan o kahit kakwentuhan man lang. Naniniwala ako sa kasabihan na "No man is an island". Sino ba naman kaseng tao ang kayang maging isla! ECHOS! Seriously speaking, all throughout my life. Kinailangan ko ng pamilya at mga kaibigan para mabuhay. Kayo rin naman dbah! Aminin!


LOVE- Sunod naman ang pagmamahal. Kinikilig ako sa tuwing makakakita ng couple. Dati, naiinggit ako't naiiyak kase lagi kong naiisip na hindi mangyayari sakin yon pero ngayon, nabuksan na yung isip ko na kahet walang taong magmahal sa akin, ok lang kase alam kong nandiyan lang si Papa God. =) Hindi Niya ko pababayaan. And I'm very sure of that!


HEALTH- Next is health. Paano mo naman maeenjoy ang buhay at pagmamahal na ibinibigay sayo kung nakaratay ka lang sa kama at hindi makapagsalita o kaya comatosed ka na. Naiinis ako sa mga taong pinapabayaan ang health nila. Isa na ko dyan. Lol. Isa din ang tatay ko. Inom kase siya ng inom ng alak. Pero pinapabayaan ko na lang. Magaaway lang kase kami. Sabi din kase ng bestfriend ko, hayaan ko na lang daw kase yun na lang yung nakakapagpaligaya sa kanya. Matagal ko bago natanggap yung konsepto na yun pero di naglaon, pinractice ko na din kesa naman magaway lang kame ng bonggang bongga.
  

PEACE- Tulad ng lahat ng tao, isa yan sa matagal ko na talagang pinapanalangin. Hindi lang sakop ng sinasabi kong kapayapaan ang kapayapaan sa pagitan ng mga bansa, nasyon o ng bawat tao kundi ang kapayapaan sa bawat tao mismo. Yung tipong walang alalahanin sa puso. Kasama na din diyan ang pagkakapantay pantay. Yung walang diskriminasyon. Sa kulay man, hitsura, lahi or even, syempre, sa kasarian. Matagal ko ng pinapangarap na mawala ang mga diskriminasyon na iyan lalung lalo na siyempre yung huli. Iniimagine ko tuloy kung anung hitsura ng mundo kung wala lahat yan. Hay!


PROSPERITY- At last but definitely not the least ang kasaganahan. Sapat na pagkain sa mesa, perang panggastos sa buong taon, oras sa pamilya, trabaho.

Ansarap imaginine na ang mundo natin ay punong puno ng mga nabanaggit. Punong puno ng buhay ang mundo, lahat ng tao ay nagmamahalan, malusog ang mga mamamayan, walang away at kalungkutan, naguumapaw sa kasaganahan. Hay. Kelan kaya mangyayari yon. Sana next year na. Magtulong tulong tayong lahat. Walang imposible sa mata Niya. Kaya natin yan. Kahit paunti unti. Sure ako na magagawa natin yan basta me tulungan. Tara na!

Again, Happy Christmas! Mabuhay tayong lahat. May all of us have a New Year full of LIFE, LOVE, HEALTH, PEACE and PROSPERITY. 

Ingats guys!  Huwag na tayong magpaputok! Godbless to all of us!  =)  :-)  =)  :-)  =)  :-)  =)  :-)